Julia Barretto, binigyan ng luxury watch ni Gerald Anderson! Worth 500k??!

Martes, Pebrero 15, 2022

/ by Lovely

Hindi maitago ni Julia Barretto ang excitement nang makita ang regalo sa kanya ng boyfriend na si Gerald Anderson: isang Rolex watch!

Nag-Noche Buena si Gerald at sinalubong ang Pasko kasama si Julia at ang pamilya nito. Noong panahong iyon, ibinigay ng Kapamilya actor ang mamahaling regalo sa kanyang girlfriend.


Ibinahagi ni Marjorie Barretto, nanay ni Julia, ang reaksyon ni Julia sa isang Christmas vlog na na-upload sa YouTube noong Linggo, January 9, 2022.
"This is my first Rolex," Sabi ni Julia pagkabukas ng regalo ni Gerald.

Sa vlog ni Marjorie, inalala rin ni Gerald ang nakakatawang moment nang tinawagan siya ni Julia habang bumibili sya ng Christmas gift para sa GF.

Sinabi niya,

"Binibili ko 'yan 'tapos tumatawag siya... Sabi ko, 'Sandali, may pinipirmahan lang ako!"
Hindi naman binanggit ni Gerald kung anong Rolex model ang nakuha niya para kay Julia. Pero binanggit ng kapatid ni Julia, na si Claudia, na gawa ito sa ginto at bakal.

Para sa isang price range reference, ang isang bagong klasikong Rolex Lady Datejust na gawa sa ginto at bakal ay kasalukuyang nakapresyo sa PHP489,500, ayon sa official website ng brand.

Binigyan rin ni Gerald ng regalo ang bawat miyembro ng pamilya ni Julia. Binigyan niya ng napakalaking Hello Kitty stuffed toy ang bunsong kapatid ni Julia na si Erich.


Watch Full Video Here:

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo