Kim Chiu May Hamon Kay Xian Lim!

Walang komento

Lunes, Marso 25, 2024


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa lahat kung ano ang totoong dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu matapos ang mahigit dekada nilang pagiging magkarelasyon.


Bagama't parehong nanahimik ang dalawa, hindi pa rin nakaligtas si Xian Lim sa mga pambabatikos ng mga fans ni Kim Chiu sa hinalang ito ang may kasalanan kaya nagtapos ang kanilang relasyon ni Kim Chiu.


Marami ang nagsasabi na si Xian Lim ang hindi lumaban kaya hindi nagwork ang kanilang relasyon ni Kim Chiu.


Samantala, sa pagkakalipat ng It's Showtime sa GMA7, kung saan kabilang sa mga host ni Kim Chiu, marami ang nagtatanong sa aktres kung ok lamang ba sa kanya kung sakaling magiging guest si Xian Lim sa kanilang show dahil isa rin ito sa mga Kapuso artists ngayon.


Wala naman umano itong problema para kay Kim Chiu, ok lang rin sa kanya kung maging guest si Xian Lim sa It's Showtime ngayong nasa GMA7 na sila at ok lang rin umano na magprod ito sa show.


Iginiit pa ni Kim Chiu na wala namang problema sa kanya dahil hindi naman umano sila magkaaway. Hindi rin umano problema sa kanya na muling makatrabaho ang aktor sa pagiging guest man sa kanilang show o sa mga collaborationg projects.


Samantala, inilahad na rin ni Kim Chiu ang mga Kapuso actor na gusto niyang makatrabaho o maging guest sa It's Showtime ngayong nasa Kapuso network na rin sila. Ang mga bet ni Kim Chiu ay kinabibilangan nina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Marian Rivera, Barbie Forteza, at Jennylyn Mercado.


Matatandaan na naging bahagi na ng GMA Network ang Kapamilya show na It's Showtime sa pagperma nila ng kontrata sa nasabing network.


Sa katunayan, simula sa darating na April 6, 2024 ay mapapanood na sa GMA7 ang It's Showtime mula alas 12 ng tanghali hanggang alas dos y medya ng hapon.


Matatandaan na ginulat nina Xian Lim at Kim ang mga netizens nang tuluyan nilang kumpirmahin ang kanilang hiwalayan noong December 2023.



Kapuso Aktres Nag Flop Ang Serye Kaya Lilipat Ng ABS-CBN

Walang komento


 Inulan ng tanong ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz mula sa mga netizens kaugnay sa mga naglabasang haka-haka patungkol sa paglipat ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN.


Sa isang episode ng showbiz update nina Ogie Diaz noong huwebes, isiniwalat niya ang nakuhang impormasyon mula sa kanyang mga sources patungkol sa nasabing balita.


Ayon kay Ogie Diaz, tila wala naman umano itong katotohanan dahil may gagawing recording lamang si Jennylyn Mercado under Star Music.


Kaya naman, normal lamang na bumibisita si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN. Dagdag pa ni Ogie Diaz na tila mananatili pa rin sa GMA7 si Jennylyn Mercado.


Samantala, naniniwala si Ogie Diaz na ang pinagmulan ng balitang lilipat si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN ay dahil sa hindi pagpirma ni Jennylyn Mercado sa GMA7.


Ipinunto pa ng isa sa mga kasamahan ni Ogie Diaz sa Showbiz Update na may mga haka-haka ring kaya lilipat sa ABS-CBN si Jennylyn Mercado dahil nag-flop ang comeback teleserye sa GMA7 na Love. Die. Repeat. kasama si Xian Lim.


Gayunpaman, inilahad ni Ogie Diaz na hindi naman niya maaring kumpirmahin ang balitang tatalon sa ABS-CBN si Jennylyn Mercado dahil wala pa umanong konkretong patunay patungkol sa balitang ito.


Maigi umano na hintayin na lamang na mismong si Jennylyn Mercado na ang magbibigay ng pahayag patungkol rito.


May mga nagsasabi rin na bukod sa ABS-CBN, nakatanggap rin ng offer si Jennylyn Mercado mula sa TV5. Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano ng aktres na tuluyang magtatapos ang kanyang teleserye sa GMA7 bago siya tuluyang lilipat sa ibang network.



Kim Chiu at Paulo Avelino Nahuli Na Magka Holding Hands

Walang komento

Biyernes, Marso 22, 2024


 Umaani ngayon ng papuri ang Kapamilya actress at It's Showtime host na si Kim Chiu ng papuri mula sa kanyang mga co-stars sa What's Wrong With Secretary Kim dahil sa kabila ng mga pinagdadaanan nitong personal na pagsubok sa buhay ay nagagawa parin nito ng maayos ang kanyang trabaho.


Labis na hinangaan ng aktor na si Jake Cuenca si Kim Chiu dahil sa kabila ng mga pinagdadaanan nito habang ongoing ang kanilang show ay ipinapakita pa rin nito ang pagiging profesional.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na kagagaling lamang sa matinding break up si Kim Chiu sa kanyang boyfriend sa loob ng 12 years na si Xian Lim, bago nila simulan ang taping ng Pinoy adaptation ng hit Korean series na What's Wrong With Secretary Kim?


Hindi rin naman ito tinago ni Kim Chiu sa publiko at sa kanyang mga kasamahan sa nasabing serye.


Samantala, ayon sa pahayag ni Jake Cuenca sa isang panayam, kung hindi pa nila alam na may pinagdadaanan si Kim Chiu at kagagaling pa lamang ito sa matinding heart break ay hindi nila ito mahahalata sa set dahil napaka-bubbly pa rin umano ni Kim Chiu.


Ipinahayag rin ni Jake Cuenca na labis siyang nag-eenjoy sa paggawa ng What's Wrong With Secretary Kim? dahil bukod sa reunion project nila ito ni Kim Chiu ay nakatrabaho rin niya si Paulo Avelino na tinuturing niyang best friend.


Kabilang rin sa naitanong kay Jake Cuenca kung napapansin ba niya na nagiging extra sweet sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa set sa likod ng kamera o kung nagkakamabutihan na ba ang mga ito.


Agad naman itong sinagot ni Jake Cuenca na hindi niya tinitingnan ang mga ganoong bagay sa set habang nagtatrabaho at nirerespeto umano niya ang privacy ng kanyang mga nakatrabaho.


Ipinahayag pa ni Jake Cuenca na hindi rin naman siya lumalabas sa kanyang tent, lumalabas lamang siya sa tuwing turn na niya sa pag-arte pero kung hindi ay nananatili lamang siya sa kanyang air-conditioned tent.


Kahit pa best friend umano niya si Paulo Avelino ay hindi naman umano niya ito tinatanong ng mga pribadong bagay. Hinihintay lamang umano niya na mag kwento ito sa kanya sa oras na handa na itong magsabi.


Sa kabilang banda, may mga kumakalat naman ngayong mga larawan kung saan nakitang magka-holdong hands sina Paulo Avelino at Kim Chiu habang naglalakad na lalong nakapagpatibay sa mga hinalang nagkakamabutihan na nga ang dalawa.


Hinala ng marami na pansamantalang tinatago ng dalawa ang kanilang relasyon upang makaiwas na rin sa kontrobersiya lalo na't pareho silang nagmula sa relasyon.




Shaira Moro Inakusahang Magnanakaw | Lenka Magdedemanda?

Walang komento


 Matapos ireklamo ng copyright infringement, binura na ng kampo ni Shaira sa lahat ng mga online music streaming platforms ang kanyang viral song na pinamagatang 'Selos'.


Nag-viral at sikat na sikat ang nasabing awitin ni Shaira na tinagurian ding Queen Of Bangsamoro Pop, subalit kinailangan nila itong tanggalin dahil sa mga reklamo na umano'y panggagaya nito ng melody at tunog sa isang awiting Australian singer na si Lenka.


Matatandaang ilang Pinoy netizens ang nagpaalam sa Australian singer na si Lenka tungkol sa ‘Selos’ ni Shaira na may kaparehas na melody sa kanyang kanta, ‘Trouble is a Friend.’


Kaagad naman itong sinagot ni Lenka at ipinahayag na nakarating na sa kanilang ang balitang ito at gumagawa na sila ng legal actions laban sa nangangaya sa kanila.


Kinumpirma naman ng management nina Lenka at Shaira, AHS Channel na nakikipag-ugnayan na sila para ayusin ang isyu.


Sa isang official statement inihayag ng AHS Channel na boluntaryo nilang tinanggal ang kantang selos ni Shaira sa lahat ng mga online music streaming platforms. 


Nakikipag-ugnayan na rin sila sa management ni Lenka para magbasakaling mapagbigayan sila ng pagkakataong ma-acknowledge ang Selos ni Shaira bilang cover ng Trouble is A Friend ni Lenka.


“To those who have been entertained by Shaira’s cover song, we are truly grateful to you for opening your hearts to a song that we once only made public for the sake of entertainment. We certainly did not expect that it will become this big to a point where Shaira will be known as the “Queen of Bangsamoro Pop”. We could not be prouder,” AHS Channel wrote.



“We hope that when time comes and we will be re-uploading the song, you will show her the same love and acceptance,” dagdag pa nila.


Samantala naglabas naman ng pahayag si Shaira laban sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa kanyang kantang Selos at sinasabing nanggagaya lamang siya at inangkin pa ang lahat ng credits.


“Sa mga totoong kaibigan at concern po sa akin, Alhamdulillah, okay na okay po ako. Basta more Sab’r lang sa mga taong ayaw sa iyo at gusto kang masira. Maging masaya lang po tayo sa mga buhay natin, Ramadhan Mubarak,” pahayag ni Shaira.




May Babalik! Abs-Cbn May Panibagong Good News Sa Kapamilya!

Walang komento


 May panibagong good news na naman ang isiniwalat ng ABS-CBN matapos ang pagpirma ng kontrata kasama ang GMA Network para sa paglipat ng It's Showtime sa Kapuso Network.


Bukod sa isiniwalat na goodnews ng ABS-CBN nitong myerkules na tuluyan nilang isinara ang deal sa paglipat ng It's Showtime sa Kapuso network sa darating na April 6, 2024.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms na hinihiling ng marami na ilagay ang show nina Luis Manzano na It's Your Lucky Day bago ang It's Showtime.


Matatandaan na umani ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens ang show na It's You Lucky Day na  pinangungunahan nina Luis Manzano nang ma-suspende ng ilang araw ang It's Showtime dahil sa nagawa nilang violation sa MTRCB.


Samantala, may mga lumabas rin namang mga haka-haka na maari ring ilagay ng GMA ang It's Your Lucky Day bago mag-24 Oras.


Nauna na rito, ang pagbabahagi ni Luis Manzano ng isang video kung saan isiniwalat niya na bigla na lamang pinatawag ang mga dating cast ng It's Your Lucky Day sa hindi nila malamang dahilan.


Hindi rin naman sinabi nina Luis Manzano kung sino ang nagpatawag sa kanya.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN patungkol sa show na It's Your Lucky Day. Gayunpaman, buo na ang loob ng mga netizens na talagang magbabalik na ang 'shortest running noontime show' na agad na namaalam sa first episode dahil nasa last 2 weeks na lamang umano sila.


"Sana po talaga ibalik na ang program ang IT’S YOUR LUCKY DAY with Luis Manzano, mas masaya to, lively ang studio participation ng mga audience, Maraming mga papremyo at malalaking pa. Thank you in advance mga heads ng abs CBN Sana ibalik na po ninyo IYLD"


Ai-Ai Delas Alas, Ipinaliwanag Kung Bakit Siya Lumipat Sa GMA Matapos Ang Ilang Taon Sa ABS-CBN

Walang komento


 Ipinagtanggol ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas ang kanyang sarili sa desisyon na lumipat sa GMA mula sa ABS-CBN siyam na taon na ang nakararaan. Isiniwalat rin niya ang totoong dahilan kung bakit niya tinalikuran ang ABS-CBN noon.


Sa isang Facebook video na in-upload ng aktres noong March 19, binalikan ng komedyante ang bashing na natanggap niya nang mag-guest siya kamakailan sa “It's Showtime”.


Binatikos si Ai-Ai delas Alas ng ilang netizens ng mga komentong “no loyalty” dahil dati siyang artista ng ABS-CBN bago siya lumipat sa Kapuso headquarters at sinabing "wala siyang karapatan" na bisitahin ang Ignacia-based noontime show.


Ayon pa sa pagbabahagi ni Ai-Ai Delas Alas na ipinaalam lamang sa kanya ng kanyang mga kaibigan ang tungkol sa bashing dahil nasasaktan ang mga ito para sa kanila, at hinihiling umano ng mga ito sa kanya na magsalita kung bakit siya umalis sa ABS-CBN at sa halip ay pumirma sa GMA halos isang dekada na ang nakakaraan.


“Hindi ko naman din alam na nung nag-guest pala ako sa Showtime, na-bash ako. Parang sa akin, tuwang-tuwa pa nga ako kasi nakapag-guest ako sa Showtime, ‘yun pala na-bash ako,” pagbabahagi ni Ai-Ai.


Inalala rin ng Queen of Comedy na isa siyang orihinal na Kapuso bago siya naging Kapamilya noong 2000, at bumalik lamang siya sa GMA network pagkatapos ng 14 na taon.


“Pero ‘yun pong mga fans ko naman dati na alam nila na nag-start po talaga ako sa GMA, sa Kapuso, mga 1990s yun. Then, year 2000 na lumipat po ako sa ABS. And then, after nine years nga po, after 14 years, lumipat ulit po ako sa GMA,” pagbabalik-tanaw ni Ai-Ai Delas Alas.


Isiniwalat din ni Ai-Ai Delas Alas na ang totoong dahilan ng pag-alis niya sa ABS-CBN ay dahil sa hindi pagrenew ng netwrok sa kanyang kontrata kaya naman ng makatanggap siya ng offer mula sa kabila ay tinanggap na niya ito. Sa makatuwid, hindi siya umalis sa ABS-CBN kundi napilitan lamang umano siya dahil wala na siyang kontrata.


“So, ngayon ko lang po sasabihin o yung pong hindi mga nakakaalam, na kaya ako bina-bash kasi wala daw po akong loyalty. Hindi po totoo ‘yan. Kasi po, kaya wala na po ako sa ABS dati, kasi po hindi ako ni-renew,” ani Ai-Ai.


Sinabi pa ng 'Ang Tanging Ina' star na nang hindi na-renew ang kanyang kontrata ay nataranta siya at na-overwhelm dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya. Ibinahagi niya na kinailangan niyang ibenta ang kanilang bahay sa Ayala para makaipon noon.


Sa gitna ng kanyang rebelasyon, winelcome ni Ai-Ai Delas Alas ang “It’s Showtime” na humalili kamakailang nabakante na noontime slot ng GMA at ipapalabas sa network simula April 6.



May Pasaring! TVJ Nagreact Sa Paglipat Ng Its Showtime Sa GMA7

Walang komento


 Matapos ang pagpirma ng kontrata ng ABS-CBN at GMA Network para sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 sa darating na April 6, 2024, marami ang nakapansin sa mga pagbabago sa Eat Bulaga ng TVJ na mapapanood sa TV5.


Dati ay sa huling bahagi ng kanilang show ipapalabas ang segment nilang PeraPhy nitong huwebes ay ipinasok kaagad nila ito sa kanilang show matapos ang opening number nila.


Isiniwalat rin nila ang mga aabanganga pasabog ng kanilang show sa mga susunod na mga araw at linggo.


Samantala, marami rin ang nakapansin sa ibinahaging post ng tinaguriang 'Henyo Master' na si Joey De Leon matapos ang contract signing ng ABS-CBN at GMA Network para sa opisyal na paglipat ng It's Showtime sa Kapuso Network.


Sa social media post ni Joey De Leon, ibinahagi niya ang longetivity ng Eat Bulaga at kung paano ito nagpalipat-lipat ng mga stations.


“Whoa! Eat Bulaga is about 14,000 days old today! We have been “running” from network to network since 1979! Kaya ba we are the longest running? Ngek!” pagbabahagi ni Joey De Leon.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na labis na humahanga sa survival ng Eat Bulaga sa gitna ng mga pinagdaanan nilang mga hamon.


"Imagine 1973 ako ipinanganak pag nanunuod ang mga magulang nanunuod na ako 6yrs old palang ako noon sa rpn 9 p kasama si coney at aiza ang tagal nang panahon kaya sa isip ng mga kaidaran ko walang ibang noontime show kundi eat bulaga lang talaga kasi sa student canteen napataob,kaya sana tuloy tuloy lang sana ang pagbigay saya sa mga pilipino"


"Eat Bulaga was born in 1979, taon ng kainitan ng Iranian Revolution saka yung breakdown ng Detente sa pagitan ng USA saka ng dating USSR."


Samantala, maituturing na biggest deal sa history ng telebisyon ang nangyaring contract signing ng ABS-CBN at GMA Network para sa It's Showtime.


Hindi katulad sa TAPE Inc. na block timer sa GMA, ang It's Showtime ay magiging co-produced na ng GMA7 at ABS-CBN.


Kathryn Bernardo Hindi Binubura Ang Litrato Nila Ni Daniel Padilla! Ito Pala Ang Dahilan

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang Kapamiya actress na si Kathryn Bernardo matapos mapansin ng ilang mga netizens na hanggang ngayon ay hindi pa rin binubura ni Kathryn Bernardo ang mga larawan nilang magkasama ng dating nobyong si Daniel Padilla ilang buwan matapos ang kanilang paghihiwalay.


Hindi naman na bago para sa mga netizens ang pagbubura ng mga larawang magkasama ng isang celebrity couples matapos ang kanilang paghihiwalay.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung ano nga ba ang dahilan ni Kathryn Bernardo sa hindi pagbubura ng mga larawan nila ni Daniel Padilla gayung inun-follow na niya ito.


Ayon naman sa ilang mga tagahanga ng dalawa na patuloy na umaasa na magkakabalikan ang dalawa, hindi umano binubura ni Kathryn Bernardo ang mga pinagsamahan nilang photos dahil inaayos na umano nila ang kanilang relasyon.


May mga nagsasabi naman na talagang naging maayos ang kanilang paghihiwalay kaya hindi na big deal sa dalawa ang mga dati nilang mga larawan na magkasama.


Maging sa social media account ni Daniel Padilla ay makikita ring hindi niya binubura ang mga larawan nila ni Kathryn Bernardo at nanatili rin siyang tahimik sa mga isyung binabato sa kanya ng mga fans ni Kathryn Bernardo patungkol sa umanong pambababae ng aktor.


Sa ngayon ay parehong abala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kanilang mga showbiz career ngayong pareho na silang solo artists ng Kapamilya.


Gayunpaman, umaasa pa rin ang mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na pagkatapos ng pagpapalamig ng dalawa ay mahanap rin nila ang pagpapatawad sa isa't-isa at ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan.


Isko Moreno, Buboy Villar, Betong Sumaya at Paolo Contis, Bet Na Maging Host Sa It'S Showtime

Walang komento


 Dating mga host ng Tahanang Pinakamasaya gustong makapasok sa noontime show na It's Showtime.


Marami sa mga netizens ang nanawagan na sana ay ipasok bilang Kapuso host ng It's Showtime sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Isko Moreno at Buboy Villar.


Sa isang social media post ng Tahanang Pinakamasaya fan page, ibinahagi nila ang larawan ng apat na main host  ng Tahanang Pinakamasaya kalakip ang logo title ng It's Showtime.


Sa caption inilahad nila ang kanilang kahilingan na ipasok sa It's Showtime ang apat na main host ng Tahanang Pinakamasaya.


"Dear GMA/ABS, 

I hope makapag guest ang paborito nating #MePaBeBu sa #ItsShowtime baka naman ABS AT GMA 

Please gusto namin ang Yorme, Paulo, Betong, Buboy sa Its Showtime kahit guests lang naman."


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon ang nasabing post kung saan marami ang tumutol rito lalo na ang mga fans ng It's Showtime dahil natatakot sila na baka maapektuhan ang show sa ka-negahan na natatanggap ng mga nasabing Tahanang Pinakamasaya host.


Ayon sa ilang komento ng mga netizens, huwag na ang apat ang gawing guest sa It's Showtime dahil may maraming mga Kapuso artists pa naman na mas deserving na maging host ng show.


"pambuburaot nlng sa ibang show kya nyo, dahil sa sarili nyong show di nyo kyang pataasin tapus pabagsak pa. try nyong magtayo ng sarili nyong show, kung magaling mga amo mo mapataas nila rating ng show nyo edi wow"


"Papangit lang ang show ng it's show time pag nag guest's kayo"


"obob agaw eksena pa gusto mo sa mga pinalayas sa tahanan ang lakas ng topak mo"


Sa kabilang banda, may mga pumabor rin naman sa apat at sinabing deserve din naman nila na mapagbigyan ng pagkakataon dahil hindi naman nila kasalanan na ipasara ang kinabibilangan nilang show.


Binalikan pa nila ang isiniwalat noon ng TAPE President na nag-umpisa ang kanilang pagkalugi noon pang ang TVJ pa ang may hawak sa kanilang show.




Claudine Barretto Matapang Ang Sagot Sa 'No Show Issue' Ni Jodi Sta Maria Sa Party Ni Mr. M

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang hindi pagdalo ni Jodi Sta. Maria sa surprise birthday party para sa star maker na si Johnny Manahan.


Marami sa mga netizens ang nakapansin na hindi nagpunta sa nasabing birthday party si Jodi Sta. Maria gayung isa rin ito sa mga anak-anakan ni Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M sa mundo ng showbiz.


Ayon sa mga naglabasang mga haka-haka sa social media may kinalaman sa hindi pagpunta ni Jodi Sta. Maria sa party ang aktres na si Claudine Barretto.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na may hidwaan sa pagitan ng dalawang aktres at ilang beses na ring nagbanatan at nagparinigan laban sa isa't-isa sa social media.


Samantala, sinagot na ni Claudine Barretto ang mga alegasyon sa kanya kung saan marami ang naghinala na siya ang dahilan at pinigilan niya si Jodi Sta. Maria sa pagpunta sa birthday party ng dating Star Magic manager na si Mr. M.


Sa isang panayam, iginiit ni Claudine Barretto na hindi niya alam na nakatanggap rin ng invitation si Jodi Sta. Maria mula kay Mr. M.


Ipinahayag pa ni Claudine Barretto na karapatan rin naman ni Jodi Sta. Maria na magpunta sa birthday party ni Mr. M dahil isa ito sa mga nakatanggap ng mentorship mula sa nasabing showbiz icon.


Magkatulad lamang umano sila na mayroong karapatan na magpunta roon. Kaya naman hindi totoong pinigilan niya si Jodi Sta. Maria dahil wala naman siyang power para pigilan ang aktres sa kung ano ang gusto nitong gawin.


Nag-ugat ang balita patungkol sa hindi pagpunta ni Jodi Sta. Maria sa party sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriente vlog.


Kung saan isiniwalat niyang kinansel ang invitation na ibinigay kay Jodi Sta. Maria dahil sa closeness ni Claudine Barretto at Mr. M.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, nakarating sa kanya ang isyung dini-invite umano si Jodi Sta. Maria sa nasabing party. Inimbita pero kinansel umano ang invitation dahil mas pinaboran ang presensya ni Claudine Barretto.


Si Claudine Barretto kasi ay kabilang sa mga pioneer na mga anak-anakan ni Mr. M. kaya naman mas pinili nila ang presenya nito at para maiwasan na rin ang posibleng clash sa venue kung magpang-abot sina Jodi Sta. Maria at Claudine Barretto na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may isyu sa isa't-isa.


Si Jodi Sta. Maria ang kasalukyang karelasyon ngayon ni Raymart Santiago na dating asawa ni Claudine Barretto.


Una na ring naglabas ng pahayag si Claudine Barretto kung saan tinawag niyang bad influence si Jodi Sta. Maria.



Bimby Aquino Matindi Ang Desisyong Ginawa Para Sa Inang Si Kris Aquino! Mark Leviste Di Makapaniwala

Walang komento


 Marami sa mga netizens ang naantig sa ginawa ni Bimby Aquino sa gitna ng pakikipaglaban ng kanyang inang si Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman.


Matatandaan na nauna nang inilahad ni Kris Aquino na nagbabalak na umuwi sa Pilipinas ang kanyang bunsong anak na si Bimby upang simulan ang showbiz career nito.


Inamin pa noon ni Kris Aquino na kailangan nang magtrabaho ni Bimby dahil lumalaki na rin ang kanyang medical bills at iba pang pangangailangan sa Amerika habang patuloy siyang nagpapagamot.


Samantala, ayon sa pinakabagong impormasyon na isiniwalat mismo ni Vice-Governor Mark Leviste, pinili ni Bimby na hindi iwan ang kanyang ina sa Amerika ngayong labis itong nangangailangan sa kanila at ipagpaliban na muna ang pagpasok niya sa showbiz industry.


Ikinatuwa naman ito ng maraming mga fans ni Kris Aquino dahil ipinapakita lamang umano ni Bimby na ang kanyang ina ang priority niya sa kanyang buhay hindi ang pagpasok sa showbiz.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kakaharaping medications ni Kris Aquino sa mga darating na buwan na inamin na ito mismo ni Kris Aquino sa isang live interview noong February 14, 2024 sa mismong kaarawan nito.


Ipinahayag rin ni Mark Leviste na hindi na muna nagpa-confine sa UCLA si Kris Aquino dahil sa outbreak ng Covid-19 sa nasabing lugar.


Sa ngayon, ay labis umanong nangangailangan si Kris Aquino ng kasama sa katunayan ay salitan na umano ang pagbabantay ng mga kapatid nitong babae kay Kris Aquino dahil kailangan na itong i-monitor closely.


Sa kabilang banda, ikinatuwa naman ng mga fans ni Kris Aquino ang pananatili ni Bimby sa tabi ng kanyang ina lalo na ngayong labis na nangangailangan ang aktres dahil sa pinagdadaanan nitong mga karamdaman.


Sa ngayon patuloy na hinihiling ng mga tagahanga ni Kris Aquino ang paggaling nito mula sa kanyang mga karamdaman upang mas matagal pa niyang makakasama ang kanyang mga anak.



Maine Mendoza Napa-React Sa 'Mataray Siya' Blind Item!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang Eat Bulaga host na si Maine Mendoza matapos malink sa isang blind item patungkol sa isang kalog na TV-host subalit mataray at conyo sa totoong buhay.


Naglabas na ng pahayag ang actress- TV host na si Maine Mendoza sa mga netizens na nagtuturo sa kanya sa isang blind item na lumabas sa social media patungkol sa isang female TV-host na umano'y na banned sa isang clinic dahil sa pagigin mataray.


Unang lumabas ang nasabing blind item sa TikTok noong sabado March 16, 2024 na kaagad umani ng maraming mga reaction at komento. Kaagad ring umani ng mahigit three million views ang nasabing blind item.


Ayon sa blind item, 'da who' ang isang female show host na kilala bilang masa at kalog pero sa totoong buhay ay napakataray nito. Sa katunayan ay sinabi umano ng isang clinic owner na banned na ang sinasabing host sa kanyang business dahil wala itong galang at respeto sa kanyang mga staff.


Dagdag pa sa blind item na ang team ng sinasabi nilang TV Host ay nakipag deal sa isang beauty clinic para ihanda ito bago ang isang shoot.


Subalit, ayon sa ilang mga staff ang TV-host pala ay isang snub, palareklamo at hindi man lamang umano sila tinitingnan.


Kaagad namang naglabasan ang mga hinala na ang tinutukoy sa blind item ay walang iba kundi Eat Bulaga host na si Maine Mendoza. May mga netizens pang nagbigay ng kanilang mga karanasan sa katarayan umano ni Maine.


Samantala may mga nagtatanggol naman kay Maine Mendoza at iginiit kung gaano kabait si Maine Mendoza sa kanyang mga tagahanga.


Maging si Maine Mendoza ay tila na-confuse rin kung bakit siya ang pinaghihinalaan ng mga netizens na tinutukoy sa nasabing blind item.


Napaka-komento pa sa si Maine Mendoza sa nasabing blind item at tinanong kung bakit siya kaagad ang pinaghihinalaan ng marami.


Sumagot man ang uploader ng blind item kung saan iginiit niyang hindi naman niya kinumpirma o dinedeny ang mga pangalan ng mga TV host na pinaghihinalaang tinutukoy sa blind item.




Kim at Paulo Nag-iyakan! Di Makapaniwala Sa Sobrang Dami Ng Nanood Ng Kanilang Serye!

Walang komento

 


Naluha sina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil sa overwhelming na suporta at viewership ng kanilang seryeng What's Wrong with Secretary Kim mula noong unang episode nito. Labis ang kanilang pagpapasalamat sa mga tagahanga at audience na naglaan ng kanilang oras at pagmamahal para sa nasabing serye.


Kim Chiu ay nagpahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga viewers na walang sawang sumusuporta at tumututok sa kanilang mga gawain. Gayundin, ipinahiwatig ni Paulo Avelino ang kanyang pagkilala at pasasalamat sa warm reception na natanggap mula sa mga manunuod patungkol sa kanilang on-screen partnership ni Kim Chiu.


Ang What's Wrong with Secretary Kim ay hindi lang basta naghatid ng aliw sa audience, kundi nagbigay din ng mas malalim na inspirasyon at kahulugan sa mga tao sa likod ng produksyon. Ang pagkilala at pasasalamat mula kina Kim Chiu at Paulo Avelino ay sumasalamin sa malalim nilang pagpapahalaga sa pagmamahal at suportang kanilang natatanggap mula sa kanilang mga fans.





Pum4n4w Kris Aquino Update|baon Sa Utang Ex-boyfriend Kris Aquino, Napahagolhol Iyak Ng Malaman 'to

Walang komento

 


Narito ang pinakahuling balita tungkol kay Kris Aquino matapos ianunsyo ng kanyang itinuturing na kasintahan na nagpalit sila ng doktor para sa aktres dahil sa hindi naging epektibo ang operasyon at ang paghahanap ng angkop na gamot para sa sakit na kanyang dinaramdam.


Dahil dito, napilitan si Kris Aquino na maghanap ng bagong espesyalista na magbibigay ng pangangalaga sa kanya. Kasalukuyang nasa proseso ang kanyang koponan sa paghahanap ng bagong doktor na tutugon sa kanyang medikal na pangangailangan.


Sa kabila ng pagsisikap, ayon sa pagbabahagi ng kasintahan ni Kris Aquino, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila nakakakita ng doktor. Nagpahayag din ng pagkadismaya ang dating doktor ni Kris, sa pag-aakalang hindi ganap na naipahayag o napansin ang kanilang pagsisikap sa pag-aalaga sa aktres.


Inilahad ng mga naunang doktor na ang dahilan kung bakit hindi epektibo ang gamutan kay Kris Aquino ay dahil sa kanyang katawan na hindi na kayang tanggapin ang mataas na dosis ng mga gamot.


Nadagdagan pa umano ang mga komplikasyon sa kalusugan ni Kris Aquino dahil sa mga gamutan, na nakaapekto sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan, kabilang na ang kanyang puso, na nagdulot ng paghina ng kanyang paghinga.


@gmanews Kris Aquino, may ikalimang na autoimmune disease at sasailalim sa panibagong gamutan. #UnangBalita #GMAIntegratedNews #SocialNewsPH ♬ original sound - GMA News

Sarah Geronimo at Iba Pang Celebrities, Humihingi Ng Hustisya Para Sa Asong Si Killua

Walang komento

Huwebes, Marso 21, 2024


 Kabilang sina Sarah Geronimo at Carla Abellana sa mga netizens na nais mabigyan ng hustisya ang ginawa sa asong si Killua.


Hustisya ang hiling ngayon ng mga nakararami para sa isang walang kalaban-labang aso na isinako at pinaghahampas ng kahoy dahil dito, wala nang buhay si Killua nang makita ng kanyang furmom.


Matatandaan na nagviral sa ilang mga social media platforms ang isang post ng nagpakilalang furmom na si Vina Rachelle kung saan ikinuwento niya ang nangyari sa kanyang alagang aso na si Killua.


Agad na nakuha ng post ni Rachelle ang atensyon ng mga netizens at ng mga animal welfare organizations dahil sa kalunos-lunos na nangyari sa kanyang alaga.


Ayon sa post, inamin umano sa kanya ng taong nagngangalang Anthony Solares ang pagpaslang sa kanyang alaga dahil nangangagat umano ito sa kanya at sa iba pang indibidwal.


Hindi naman naniniwala si Rachelle na mayroong kinagat ang kanyang aso dahil napakabait nito, isang golden retriever na kilalang bilang pinakamabait na breed ng mga aso.


Samantala, maging ang actress-singer na si Sarah Geronimo ay nagpahayag rin ng kanyang kalungkutan sa ginawa sa aniya'y walang kalaban-labang aso.


Iginiit din nito na ang mga aso ay katulad rin nating mga tao na nakakaramdam ng sakit at takot.


Pagdidiin pa ni Sarah, “Every life deserves respect and protection. It’s time to demand accountability and raise our voices against animal cruelty. Let’s unite in being the voice for the voiceless. Killua.. we will fight for you.”


Bukod kay Sarah Geronimo, nanawagan rin ang iba pang mga celebrities kagaya nina Carla Abellana, Janella Salvador, Kim Atienza, Chie Felomino at marami pang iba na mabigyan ng hustisya ang ginawang pangmamalupit sa asong si Killua.


Criza Taa Binulgar Si Andrea Brillantes Na Dahilan Ng Pagkasira Ng Pagkakaibigan Nila

Walang komento


 Naglabas ng saloobin si Criza Taa matapos mag-viral noong nakaraang linggo ang pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan nina Andrea Brillantes.


Inamin na ni Criza Taa sa pamamagitan ng kanyang mga reposted post at mga pahayag sa social media na tinapos na niya ang kanilang pagkakaibigan ni Andrea Brillantes.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nagkasira na ang pagkakaibigan ng ABCD Girls. Marami ang naghinalang malalim ang pinanghuhugutan ni Criza Taa sa mga naging pahayag niya sa social media patungkol sa isang tao na hindi nasira ang reputasyon dahil sa kanyang pananahimik.


Lalo pang tumibay ang mga haka-hakang hindi na sila magkaibigan nina Andrea Brillantes matapos siyang hindi na mamataan sa yacht birthday party ni Andrea Brillantes sa pagsalubog sa kanyang ika-21 na kaarawan.


Marami rin ang nakapansin na tanging si Criza lamang ang hindi invited sa nasabing event habang naroon naman sina Danica at Bea kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.


Sa ngayon ay hindi pa naman malinaw kung ano talaga ang dahilan ng pagkakasira ng pagkakaibigan ng dalawa. Marami naman ang nababahala ngayong mga fans ng ABCD Girls sa pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan lalo na't kung pagbabasehan naman ang mga post ni Criza Taa ay nais lamang niyang mapabuti ang kanyang kaibigan.


Samantala, patuloy namang hinihintay ng kanilang mga tagahanga ang pagbubunyag ni Criza Taa sa totoong dahilan ng kanilang pag-aaway o kaya naman ni Andrea Brillantes.



Matapos Magparetoke, Lips Ni Heart Evangelista Ito Ang Sinapit!

Walang komento


 Ikinagulat ng maraming mga tagahanga ng actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyag inamin kamakailan lamang sa kanyang social media account patungkol sa ginawa niya sa sarili para magmukhang perfect.


Sa isang Instagram live session inamin ni Heart Evangelista na minsan ay nagpagawa siya ng lip filler para lalong maging kaakit-akit ang kanynag mga labi.


Kaagad na nag-viral ang live session ni Heart Evangelista nang naire-upload ito sa social media platform na TikTok.


Sa video inamin ni Heart Evangeista ang traumatic experience niya sa pagpapa lip filler.


Bagama't isa si Heart Evangelista sa mga endorsers ni Dra Aivee Teo para sa Aivee Clinic, isiniwalat ng aktres na ang lip filler procedure ay ipinagawa niya sa isang nurse na malapit sa kanya subalit walang lisensya.


Ayon sa pag-amin ni Heart Evangelista, ayaw niyang mapag-usapan ang patungkol sa kanyang pagpapalip filler dahil sa nakaka-trauma niyang experience.


Sa hindi ibinahaging dahilan, hindi ipinagawa ni Heart Evangelista kay Dra. Aivee Teo ang lip filler procedure kundi sa isang nurse na malapit sa kanya subalit walang pang license.


Subalit, talagang nabudol si Heart Evangelista dahil hindi naging pantay ang kanyang lip filler dahilan para humanap siya ng ibang doctor para ipatanggal ang nailagay ng lip filler sa kanya.


Pagbabalik tanaw pa ni Heart Evangelista, hindi umano niya alam kung ano ang nilagay nito sa kanyang lips dahilan para maging uneven nito.


Inamin rin ni Heart Evangelista na nakatanggap siya ng pamababatikos dahil kaagad na napansin ng mga tao ang kanyang lips.


"Hindi ko alam kung anong nilagay niya si lips ko, but basically, uneven yung lips ko, and you guys were bashing me about it.


"I just didn't want to tell you. Of course, I went to the same person. He's not a doctor. I think he's a nurse.


"Same person because, of course, they convinced me that they can fix it. It was super uneven, so, that's why.


"Never tayo magpapabudol ever again, but I was like, 'Uh!'


"Sobrang nagpasa-pasa. I had pain. I had ganyan and it was so bad."


Samantala, kaagad naman umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang inamin ni Heart Evangelista.


Marami ang napapatanong kung bakit hindi na lamang nito pinagawa kay Dra. Aivee ang kanyang lips gayung afford naman niya ang pagbabayad ng mahal.


May mga humuhula pa sa kung sino ang sinasabing nurse ni Heart Evangelista na malapit sa kanya na gumawa ng palpak sa kanyang lips.


May mga netizens rin na natatawa dahil maging ang kasing yaman umano ni Heart Evangelista ay minsan nabubudol rin.


@pageantchika Replying to @quinnsahara si former MUA ang nag turok?? #HeartEvangelista #fyp #foryou#foryoupage ♬ original sound - Transpageantry
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo