Sarah Geronimo at Iba Pang Celebrities, Humihingi Ng Hustisya Para Sa Asong Si Killua

Huwebes, Marso 21, 2024

/ by Lovely


 Kabilang sina Sarah Geronimo at Carla Abellana sa mga netizens na nais mabigyan ng hustisya ang ginawa sa asong si Killua.


Hustisya ang hiling ngayon ng mga nakararami para sa isang walang kalaban-labang aso na isinako at pinaghahampas ng kahoy dahil dito, wala nang buhay si Killua nang makita ng kanyang furmom.


Matatandaan na nagviral sa ilang mga social media platforms ang isang post ng nagpakilalang furmom na si Vina Rachelle kung saan ikinuwento niya ang nangyari sa kanyang alagang aso na si Killua.


Agad na nakuha ng post ni Rachelle ang atensyon ng mga netizens at ng mga animal welfare organizations dahil sa kalunos-lunos na nangyari sa kanyang alaga.


Ayon sa post, inamin umano sa kanya ng taong nagngangalang Anthony Solares ang pagpaslang sa kanyang alaga dahil nangangagat umano ito sa kanya at sa iba pang indibidwal.


Hindi naman naniniwala si Rachelle na mayroong kinagat ang kanyang aso dahil napakabait nito, isang golden retriever na kilalang bilang pinakamabait na breed ng mga aso.


Samantala, maging ang actress-singer na si Sarah Geronimo ay nagpahayag rin ng kanyang kalungkutan sa ginawa sa aniya'y walang kalaban-labang aso.


Iginiit din nito na ang mga aso ay katulad rin nating mga tao na nakakaramdam ng sakit at takot.


Pagdidiin pa ni Sarah, “Every life deserves respect and protection. It’s time to demand accountability and raise our voices against animal cruelty. Let’s unite in being the voice for the voiceless. Killua.. we will fight for you.”


Bukod kay Sarah Geronimo, nanawagan rin ang iba pang mga celebrities kagaya nina Carla Abellana, Janella Salvador, Kim Atienza, Chie Felomino at marami pang iba na mabigyan ng hustisya ang ginawang pangmamalupit sa asong si Killua.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo