Ciara Sotto Nakunan Ng Video Si Sharon Cuneta Na Ganito Sa Birthday Party Na Kanilang Pinuntahan!

Walang komento

Lunes, Marso 18, 2024


 Viral at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ibinahaging video ni Ciara Sotto matapos nitong makunan si Sharon Cuneta na nagbabalot ng pagkain mula sa birthday ni Gian Sotto na iuuwi niya sa kanilang bahay.


Nang mapansin ni Sharon Cuneta na nakunan siya ng video pabiro niyang kinanta ang pinasikat rin niyang awitin na Bituing Walang Ningning.


“Pasensya na. Happy birthday, my brother Gian. I love you and thank for my ‘balutin mo ako.’ For my babies, my husband and my children,” pahayag ni Sharon Cuneta.


Sa caption pabirong ipinahayag ni Ciaro Sotto ang pagiging 'Sharon' ni Sharon Cuneta.


Kaagad naman itong kinagiliwan ng mga fans ni Sharon Cuneta dahil sa pagkanta pa nit ng 'balutin mo ako'. 


Sa kabilang banda marami rin ang natutuwa ngayon dahil tila naging maayos na muli ang samahan nina Sharon Cuneta at ng Sotto Family.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na tila nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Sharon Cuneta at ng Sotto Family noong nakaraang 2022 Elections dahil sa hindi nila pagkakasundo ng partido.


Matatandaan rin na parehong tumakbo sina Kiko Pangilinan at Tito Sotto sa pagka-vice president ng Pilipinas na pareho rin namang nabigo sa huli.


Subalit, tila naging malaking mitsa na ito sa samahan ng dalawang pamilya dahil bagama't nagiging malapit na muli si Sharon Cuneta sa mga Sotto ay hindi naman na niya nakakasama ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan sa kanilang pagtitipon.


Pag Ere Ng Its Showtime Sa Gma-7 May Kumokontra!

Walang komento


 Paglipat ng It's Showtime sa GMA7 plantsado na subalit may mga kumukuntra umano para matuloy ang dealings.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang lilipat na sa panibagong tahanan ang Kapamilya show na It's Showtime sa bakuran ng GMA7.


Ang It's Showtime ang sinasabing papalit sa natsuging show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya at plantsado na umano ang lahat.


Ayon sa latest update ni Ogie Diaz, anytime soon ay magpapa-media conference na ang ABS-CBN at GMA7 patungkol sa kanilang show.


Sa ngayon ay hindi umano alam ni Ogie Diaz kung magiging blocktimer lamang din ba ang It's Showtime sa GMA7 o kung may magaganap na revenue sharing sa dalawang network.


Gayunpaman, may nakikitang disadvantages si Ogie Diaz sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7. Tiyak umanong pagbabawalan ng GMA management ang mga It's Showtime host na magpromote ng mga Kapamilya teleserye dahil ngayon ngang nasa GTV pa sila ay pinagbabawalan na sila ng nasabing network.


May mga naglabasan ring mga haka-haka na umano'y mababawasan ang mga host ng It's Showtime o kaya naman ay magkakaroon ng scheduling ang mga host ng show dahil may idadagdag pa umanong mga Kapuso hosts sa It's Showtime.


Hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga madlang pipol dahil maayos na umano ang line-up ngayon ng mga hosts ng It's Showtime, hindi na umano maganda kung madadagdagan sila ng host na hindi naman malapit sa mga naunang hosts.



Heart Evangelista Emosyonal Na Ibinahagi Ang Tungkol Kay Sophia Heart, Ibinahagi Greatest Mistake

Walang komento


 Inamin ng actress fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang greatest heartbreak patungkol sa pagkakaroon ng sariling anak.


Isiniwalat ni Heart Evangelista na nag-eexpect na sana sila ng baby ng kanyang mister na si Chiz Escudero nito lamang February 2024 bago ang kanilang renewals of vows.


Subalit, muli na namang nabigo mag-asawa dahil hindi nabuo ang perfect female sana nilang dalawa.


Ayon sa pagsisiwalat ni Heart Evangelista sa isang episode ng Fast Talk With Boy Abunda, hindi man umano siya buntis, ay nag-eexpect na sila ng baby girl ni Sen. Chiz Escudero.


Buong akala umano ni Heart Evangelista ay tuluyan nang mabubuo ang kanilang baby ni Chiz Escudero subalit hindi pa rin ito ibinigay sa kanila.


Aminado si Heart Evangelista na nahihirapan siya sa pagkakataong ito dahil pinaghandaan na niya ang pagdating ng kanilang anak.


Sa katunayan ay naghanda na umano siya ng pangalan para sa magiging anak sana nila ni Chiz kung saan ibabahagi niya ang lahat ng nasa kanya ngayon.


Ayon kay Heart Evangelista, Sofia Heart ang ipapangalan sana niya sa kanilang anak kung sakaling tuluyan itong nabuo.


Naging emosyunal pa si Heart Evangelista sa kanyang pag-amin, hindi dahil sa hindi sila napagbigyan ng panginoon ng anak kundi dahil napakahirap para sa kanya na maharvest lamang ang mga eggs sa pamamagitan ng IVF procedure.


Naniniwala naman si Chiz Escudero na may reason ang Panginoon sa hindi pagkakabuo ng kanilang magiging baby girl at hinahanda na umano ito para sa kanila.


Iginiit din ni Heart Evangelista na bagama't nalulungkot siyang nawala na ang kanyang kahuli-hulihang baby girl hindi naman umano siya nagrereklamo sa Panginoon dahil naging blessed naman umano siya sa ibang mga bagay.


Ibinahagi rin ni Heart Evangelista ang kanyang greatest mistake sa kaparehong panyam ni Boy Abunda. Ayon kay Heart Evangelista ang pinakamalaking pagkakamali niya ay  iyong nagtiwala siya ng lubos sa mga taong nagbabalat-kayo lamang pala.


Bagama't walang binanggit na pangalan si Heart Evangelista, marami ang naghinalang may kinalaman rito ang dati niya Glam Team na ngayon ay nasa puder na ni Pia Wurtzbach.




Mga Magiging Co-Host Ni Willie Revillame Sa TV5 Galing Kapamilya!

Walang komento


 Masasabing done deal na ang pagbabalik ng kilalang TV host na si Willie Revillame sa TV5 kahit pa may gagawin pang meeting sa pagitan nila ng media quest.


Ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, magiging ka-back to back ng Eat Bulaga na pinangungunahan ng TVJ ang Wowowin na pinangungunahan naman ni Willie Revillame sa layon na dominahin ang noontime show ratings at pabagsakin ang GMA7 at ang It's Showtime.


Ayon pa sa isang source na malapit kay Willie Revillame, nalalapit na umano ang pagsisiwalat ng TV5 at ni Willie Revillame mismo sa kanilang napipintong collaboration.


Naitanong rin sa nasabing source kung sino-sino ang magiging co-host ni Willie Revillame sa kanyang show. Inihayag naman nito na may mga nasabihan na umano si Willie Revillame na siguradong ikakagulat ng nakakarami subalit hindi pa umano maaring sabihin sa ngayon.


Dahil sa naging pahayag ng source marami ang naghinala na baka kilalang host ang mga ito at maari pa umano na isa sa mga kilalang host na nagmula sa ABS-CBN na influencial rin katulad ni Willie Revillame.


Samantala, malakas ang paniniwala ng mga tagasuporta ni Willie Revillame na lalong patataasin ng show ni Willie Revillame ang ratings ng TV5 dahil ngayon pa lamang umano ay pinagkakaguluhan na ito sa mga lugar na kanyang pinupuntahan.


Sa katunayan, noong nagpunta umano sa grocery store si Willie Revillame ay pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Nagpapapicture umano ang mga ito sa kanya at pabirong naghanap kung nasaan na ang jacket.


Sa kabilang banda, maari rin umano itong makatulong sa balak ni Willie Revillame na pagtakbo sa darating na 2025 Elections.



Willie Revillame Nakipagsanib Pwersa Na Sa TV5 at TVJ Para Pabagsakin Ang GMA7 at It's Showtime!

Walang komento


 Tila nagbago ang desisyon ng kilalang host na si Willie Revillame patungkol sa pagbabalik sa GMA7 at pinili niyang pumirma ng kontrata sa TV5 para makipagsanib pwersa sa TVJ.


Usap-usapan ngayon ang isyung nagbabalik sa TV5 ang TV host na si Willie Revillame para isakatuparan ang misyon ng nasabing network na dominahin ang noontime show rating sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa paglipat ng It's Showtime sa GMA Network.


Nauna na rito, ang paglabas ng mga usap-usapan patungkol sa balak ng ABS-CBN na ilipat sa GMA7 ang kanilang produced show na It's Showtime matapos ang pagkakatigil ng Tahanang Pinakamasaya para itapat sa namamayagpag na show ng TVJ sa TV5.


May mga kumakalat ngayong mga larawan sa social media kung saan makikitang kasama ni Willie Revillame sa iisang larawan ang mga TV5 big bosses.


Bukod pa sa mga ito, may mga larawan din kung saan makikita si Willie Revillame kasama ang kinatawan ng TVJ sa kanilang copyright battle laban sa TAPE Inc.


Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, may posibilidad na magkakaroon ng show si Willie Revillame sa TV5 na ilalabas kasunod ng Eat Bulaga.


Kaagad namang umano ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang balitang magbabalik sa telebisyon si Willie Revillame.


Marami ang mga nagsasabi na maaring maapektuhan ang balak ni Willie Revillame na tumakbo sa darating na 2025 Senatorial and Local Elections.


Matatandaan na inihayag na ni Willie Revillame ang kanyang kahandaan sa pagtakbo bilang Senador ng ating bansa.


Maari rin umano itong maging banta sa GMA7 dahil tiyak umanong lalakas ang rating kapag nasanib pwersa na sa TV5 ang dalawang show, Eat Bulaga at Wowowin.


Samantala, tila kasad na rin naman ang paglipat ng It's Showtime sa GMA7 matapos ang pagkaka-call off ng Tahanang Pinakamasaya nitong nagdaang linggo.


Hinihintay na lamang ang media conference ng dalawang network kung saan ilalahad nila ang mga kondisyon ng kanilang partnership.




It'S Showtime, Tuloy Na Tuloy Ang Paglipat Sa GMA, Ngunit Maraming Kondisyon!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang posibilidad na paglipat ng It's Showtime sa main channel ng GMA Network at ang mga kondisyon ng GMA para rito.


Nagbigay na ng final answer ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa isyung ililipat muli ng network ang It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, inilahad niyang ang It's Showtime na talaga ang hahalili sa napatigil na show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya.


Ipinahayag pa ni Ogie Diaz na nagtatakda na umano ng media conference ang ABS-CBN at GMA7 upang opisyal na ianunsyo ang paglipat ng It's Showtime sa GMA7 na gaganapin na ngayong linggo.


Gayunpaman, ipinahayag ni Ogie Diaz na bago magkasundo ang dalawang networks ay marami umanong kondisyon ang GMA7 sa ABS-CBN.


Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ang ABS-CBN pa rin ba ang magiging producer ng It's Showtime o may bahagi na ang GMA7.


Samantala, ipinahayag ni Ogie Diaz na mas nararapat umano na hintayin na lamang ang pagsisiwalat mismo ng ABS-CBN at GMA patungkol sa kanilang naging deal.


Subalit ang natitiyak lamang umano ni Ogie Diaz ay hindi maaring magpromote ng mga ABS-CBN show ang mga host ng It's Showtime dahil nasa bakuran na sila ng GMA7.



Rayver Cruz, Nagsalita Na Sa Mga Na-Weirdohan Sa Ikinilos Niya Sa Livestream Kasama Si Julie Anne

Walang komento


 Ipinaliwanag na ng magkasintahang sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang mga kumakalat na video clips mula sa kanilang livestream na umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens ang iba pa ay nagsasabi na ng mga below the belt na komento.


Sa nakaraang livestream nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz napansin ng ilang mga netizens na may mga weird actions na ginagawa si Rayver Cruz. Kapansin-pansin din ang kakaibang ka-hyperan ni Rayver Cruz na tila hindi na ito mapakali sa kanyang kinauupuan.


Gumagawa pa ito ng mga weird facial expressions na hindi na nagugustuhan ng kanilang mga tagahanga dahil hindi naman umano ganito ka-hyper noon si Rayver Cruz na hindi na nito pinapansin ang mga sinasabi ni Julie Anne San Jose.


Inulan ng mga negatibong komento ang mga ginagawa ni Rayver Cruz kung saan marami pa ang mga nagtatanong kung nasa maayos pa ba ang mental health nito.


Marami rin sa mga fans ng actress-singer na si Julie Anne San Jose ang nangangamba dahil tila nasa impluwnesya umano si Rayver Cruz sa ipinagbabawal na gamot kaya sabog ito nang maglive stream silang dalawa.


Samantala, matapos magviral ng nasabing video at umano ng samu't-saring reaksyon kaagad namang nagpaliwanag ang aktor na si Rayver Cruz sa kanyang mga ginawang actions at humingi siya ng tawad sa mga kinikilos niya.


Iginiit rin niya na normal na para sa kanilang dalawa ni Julie Anne San Jose ang kanyang ginagawa sa tuwing magkasama silang dalawa.


Iginiit din ni Rayver Cruz na nagpakatotoo lamang siya sa kanilang livestream ni Julie Anne San Jose kung saan ipinakita niya ang kanyang pagiging playful and happy. Alam din naman umano ito ni Julie Anne San Jose.


Hindi na sana umano siya maglalabas ng pahayag patungkol rito subalit nasa ibang level na umano ang mga natatanggap niyang pambabatikos.


Unang-una hindi naman umano niya kayang saktan si Julie Anne San Jose dahil pinalaki siya ng maayos ng kanyang ina. Wala rin umanong isyu sa kanila ni Julie Anne ang paghawak niya sa buhok nito dahil palagi naman niya itong ginagawa sa kanilang mga video.


Iginiit din ni Rayver Cruz na may respeto siya sa kanyang trabaho at sa kanyang mga ka-trabaho kaya naman hindi umano siya gagawa ng makakasira roon. Hiling rin ni Rayver Cruz na sana ay matuto rin ang mga netizens na rumespeto sa iba at lawakan pa ng mga ito ang kanilang pang-uunawa.


Maging ang actress-singer na si Julie Anne San Jose ay hindi rin naiwasang ipagtanggol ang kanyang boyfriend mula sa umano'y below the belt na pahayag ng mga netizens. Hiniling niya na tigilan na ang pambabatikos kay Rayver Cruz dahil wala naman itong ginagawang masama.


Cita Astals Inamin Na Ang Kanyang Totoong Kalagayan, Nagreact Sa Pagiging Pulubi

Walang komento


 Sinagot na ng dating aktres na si Cita Astals ang mga kumakalat na isyung naging palaboy na lamang siya ngayon.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media at ilang mga entertainment news sites ang dating aktres at Manila City councilor na si Cita Astals matapos magtrending ang isang larawan niya na tila isa nang pulubi at palaboy-laboy na lamang.


Bagama't nakatakilid naman ang babaeng nasa larawan at hindi nakikita ang mukha nito, marami pa rin ang naghinalang ito ay walang iba kundi si Cita Astals.


Matapos mag-viral ang nasabing larawan, naglabasan na rin ang samu't-saring mga haka-haka patungkol sa mga dahilan kung bakit naging palaboy na lamang umano ngayon ang isang Cita Astals na kilalang aktres noon.


Marami ang naghinalang naghihirap na ngayon si Cita Astals at naging pulubi na lamang na palaboy-laboy na lamang ngayong nagtapos na ang kanyang showbiz at political career.


Bukod pa rito, may mga naglabasan ring mga balitang wala na umano sa kanyang sarili ngayon si Cita Astals kaya palabaoy-laboy na ito. May mga nagsasabi pang nakikita nila ang dating aktres na kinakausap ang sarili.


Samantala sa isang panayam kay Julius Babao, inamin ni Cita Astals na totoong siya ang babae sa kumakalat na larawan subalit mariin niyang itinanggi ang balitang isa na lamang siyang pulubi at palaboy-laboy.


Iginiit din ni Cita Astals na ang kumakalat na larawan ay noon pang 2009 habang papunta siya sa Manila City Hall. Fake news umano ang mga sinasabi ng ilang mga vloggers na recently lamang ang nasabing larawan.


Tinanong pa nito ang mga netizens kung bakit magiging palaboy siya sa Manila gayung hindi naman siya nakatira roon. 


Pinabulaanan din ni Cita Astals ang balitang naghihirap na siya at ipinagdidiinan niyang kaya niyang mamuhay ng maayos at normal.


Sa kabilang banda, inamin din ni Cita Astals ang totoong estado ng kanyang mental health. Ayon sa pagbabahagi ni Cita Astals, nang ipa-check up siya ng kanyang kapatid ay nadiagnose siyang mayroong bipolar disorder.


Dagdag pa ni Cita Astals, na kaya lang naman siya na-diagnose na mayroong Bipolar Disorder dahil hindi na umano alam ng mga doctor kung ano ang ida-diagnose sa kanya.


Ni-release umano siya matapos ang dalawang buwan na naging dahilan ng kanyang depression.


Aminado rin siyang nagtatampo siya sa ilang mga media outlets dahil wala man lamang umanong kumuntak sa kanya para kapanayamin siya patungkol sa mga naglabasang mga fake news patungkol sa kanyang buhay.


Unang pinasok ni Cita Astals ang mundo ng Ballet, nagsimula naman ang kanyang showbiz career matapos ang ilang mga auditions.



Julia Barretto, Bea Alonzo Nagyakapan Nagkabati Na Matapos Ang Limang Taon

Walang komento


 Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang pagbabati nina Bea Alonzo at Julia Barretto matapos ang ilang taong tila pagpapansinan ng dalawa.


Nangyari ang pagkakaayos nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa nangyaring tribute para kay Mr. M kung saan nagtipon-tipon ang mga artistang pinasikat noon ni Mr. M kahit nasa kabilang network na ang mga ito ngayon.


Tila nagsilbi rin ito bilang reunion na nagpa-nostalgic sa mga artistang naroroon. 


Samantala, tila naging highlight naman sa nasabing pagtitipon ang pagkakaayos nina Bea Alonzo at Julia Barretto matapos ang mahigit limang taong hindi pagpapansinan.


Matatandaan na noong 2019 ay nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Julia Barretto at Bea Alonzo dahil sa kontrobersyal na panggo-ghosting ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo dahil kay Julia Barretto.


Ikinatuwa rin ito ng maraming fans ni Julia Barretto dahil birth month ng aktres ang March at tila naging magandang regalo na rin umano ito sa kanya ang pagiging magkaayos nila ni Bea.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tila napapanahon na rin na magpatawaran na ang dalawa dahil matagal na panahon na rin naman ang nakalipas mula nang mangyari ang hindi pagkakaunawaan nina Bea Alonzo at Julia Barretto dahil sa iisang lalaki.


Tiyak rin umanong nakapag-move on na ang dalawa sa masalimoot na nakaraan at parehong masaya na sa kani-kanilang mga lovelife ngayon.


Nauna na rito, ang paglabas ng balitang nagkaayos na sina Julia Barretto at Dominic Roque dahil suot-suot na muli ni Bea Alonzo ang ibinigay na engagement sa kanya ni Dominic Roque na una nang napabalitang isinauli ng aktres.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Julia Barretto at Bea Alonzo patungkol sa balitang nagkaayos na silang dalawa.



Kim Chiu Di Nakapagtiis Sa Singapore at Na-miss Si Paulo Avelino!

Walang komento

 


Nagtungo si Kim Chiu sa Singapore para dumalo sa konsiyerto ni Taylor Swift, isang kaganapan na labis niyang inabangan. Sa kanyang pagbiyahe, hindi maikakaila ng ilang fans na makakaramdam si Kim ng pangungulila kay Paulo Avelino, ang kanyang kapwa bituin sa showbiz, habang siya ay nasa malayo.


Ang pagdalo ni Kim Chiu sa konsiyerto ni Taylor Swift sa Singapore ay nagbigay sigla sa kanyang mga tagahanga. Gayunpaman, ang kasiyahang ito ay may kaakibat na lungkot dahil sa pansamantalang pagkakahiwalay nila ng kanyang malapit na kaibigang si Paulo Avelino.


Batid ng kanilang mga tagasuporta na ang pag-alis ni Kim patungong ibang bansa ay tiyak na magdudulot ng pangungulila sa kanya kay Paulo. Kahit pa man nagpakasaya si Kim sa concert, hindi niya naiwasang isipin ang kanyang matalik na kaibigan sa trabaho. Bagaman siya ay nag-enjoy, may bahagi pa rin ng kanyang damdamin ang nakalaan kay Paulo, na nagdulot ng bahagyang kalungkutan sa gitna ng kanyang kaligayahan.


Ang biyahe ni Kim Chiu sa Singapore para sa konsiyerto ni Taylor Swift ay naging isang memorable na karanasan, isang pagkakataon na nararapat lamang sa kanya upang magpahinga at magpakasaya sa gitna ng mga hamon. Ang pansamantalang pagkakalayo nila ni Paulo ay nagpapaalala lamang sa kahalagahan ng pagkakaibigan at mga espesyal na taong bumubuo sa mundo ni Kim.


@egoi_showbizinsights We Love you KIM❤️ #kimchiu #taylorswift #kimpau #whatswrongwithsecretarykim #showbizinsights ♬ original sound - ShowbizInsights

Nahagip Sa Cctv Camera Ang Taong Ito! Sa Araw Mismo Ng Pagkawala Ng Actress Na Si Jaclyn Jose!

Walang komento

 


Marami ang nagulat at nagtaka sa biglaang pagkamatay ng kilalang aktres na si Jaclyn Jose matapos ibunyag ang tunay na sanhi ng kanyang pagkawala. Ayon sa mga pagsisiyasat, may hinala ng foul play sa pangyayari. Narito ang detalyadong ulat.


Labis ang pagkadurog ng damdamin ni Andi Eigenmann nang malamang wala na ang kanyang pinakamamahal na inang si Jaclyn Jose.


Ito ay matapos ipaalam sa kanya ng isang malapit na kaibigan ni Jaclyn ang balita. Sa una, hindi makapaniwala si Andi ngunit nang makita niya ang mga larawan ng kanyang ina, di na niya napigilan ang sarili sa pagluha at paghingi ng tawad sa kanyang yumaong ina.


Agad nagtungo si Andi pabalik sa Maynila mula Siargao, kung saan siya kasalukuyang naninirahan. May mga naunang ulat na nadulas daw ang aktres sa banyo, at ang pagkakabagok ng ulo sa sahig ang sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Nakalulungkot na wala na siyang kasama sa kanyang tahanan sa Quezon City, isang bagay na matagal nang ginagawa ni Jaclyn dahil sa kagustuhang mag-isa. Subalit, marami ang nagtataka dahil hindi pa naman mahina ang aktres upang madali siyang madulas at bawian ng buhay.


May mga haka-haka na may foul play na naganap. Dahil dito, masinsinang iniimbestigahan ng Quezon Police ang kanyang pagkamatay. Ayon sa kanilang pagsusuri, myocardial infarction ang itinuturong sanhi ng kanyang pagkamatay. Nauna nang mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Andi at ng kanyang inang si Jaclyn, kung saan halos tatlong taong hindi sila nag-usap at nagkasama.


Tutol si Jaclyn sa paglipat ni Andi sa Siargao, iniwan ni Andi ang kanyang karera sa pag-arte sa Maynila para sa isang lalaki. Gusto ni Jaclyn na sundan ni Andi ang kanyang yapak para sa mas magandang kinabukasan. Gayunpaman, nagkaayos din sila at natanggap ni Jaclyn ang simpleng pamumuhay na pinili ng kanyang anak. Bago pumanaw, ibinahagi ni Jaclyn ang kanyang kalungkutan sa buhay.


@pepalerts #ClaudineBarretto arrived around 1 am to offer her condolences at #JaclynJose's wake. She warmly embraced Jaclyn’s daughter, #AndiEigenmann. Claudine and Jaclyn had worked together on the Kapamilya series "Mula Sa Puso" and "Ikaw Ang Lahat Sa Akin." #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ♬ original sound - PEP.ph

Kasambahay, itinuturong suspek sa pagkawala ni Jaclyn Jose! Andi Eigenmann, naiyak!

Walang komento

 


Andi Eigenmann, nagbahagi ng impormasyon tungkol sa kanyang yumaong ina na si Jaclyn Jose at ang kasambahay nito.


Noong ika-5 ng Marso, 2024, dumating ang urn na naglalaman ng mga abo ng yumaong multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City, kung saan ito'y ibuburol. Andi Eigenmann, ang anak ni Jaclyn sa yumaong aktor na si Mark Gil, ang nag-ayos ng urn sa altar na napapalibutan ng mga bulaklak at mga larawan ng kanyang ina.


Sa video, makikita rin ang dating kasintahan ni Andi na si Jake Ejercito at ang kanilang anak na si Ellie, kasama ang iba pang mga kilalang personalidad sa showbiz tulad nina Christopher De Leon at Sandy Andolong, Alden Richards, ang half-brother ni Andi na si Gabby Eigenmann, ang kanilang pinsan na si Sid Lucero at Amy Austria.


Ang kapatid ni Jaclyn na si Veronica Jones ang nagdala ng urn kay Andi. Kinabukasan, nagbigay pahayag si Andi Eigenmann tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina, Jaclyn Jose. Ayon sa isang post sa Facebook page ng ABS-CBN news noong ika-4 ng Marso, inilahad ni Andi sa publiko ang sanhi ng kamatayan ng kanyang ina.


"Andi Eigenmann announced the sudden departure of her mother, Mary Jane Guck, widely known as Jaclyn Jose, who passed away at 60 due to myocardial infarction or heart attack," Andi stated.


"Pinasasalamatan namin ang lahat ng nagpadala ng kanilang panalangin at pakikiramay. Habang kami'y dumadalangin para sa kapayapaan sa nangyaring ito, hinihiling namin ang inyong respeto at privacy sa aming pagdadalamhati," she added.


Naunang kinumpirma ng management ni Jaclyn ang kanyang pagpanaw. Sa hiwalay na panayam kay Andi, inihayag niya ang kanyang malalim na kalungkutan at pagsisisi sa mga pangyayari, at binanggit na sana ay nasa tabi niya ang kanyang ina sa mga huling sandali nito.


Nagpahayag si Andi ng kanyang pagkabigla sa paraan ng pagkamatay ng kanyang ina, na mag-isa lamang sa bahay, at inamin na marahil ay natapos na nga ang misyon ng kanyang ina sa mundo. Pinahahalagahan niya ang lahat ng sakripisyong ginawa ng kanyang ina para sa kanila.


Tungkol sa isyu ng kasambahay ni Jaclyn Jose, ipinaliwanag ni Andi na nais ng kanyang ina na magkaroon lamang ng isang kasambahay, dahil sa kanyang paniniwala na kaya pa niyang gampanan ang ilang mga gawaing bahay at hindi pa siya nangangailangan ng maraming tulong.


Kim Chiu Binusog Si Paulo Avelino Sa Kanyang Pa-merienda!

Walang komento

 


Sa isang pahinga mula sa kanilang shooting ng What's Wrong with Secretary Kim, si Kim Chiu ay muling nagbigay halimbawa ng kanyang kabaitan. Higit pa sa kanyang talento sa pag-arte, naglaan din siya ng oras para magbigay ng pagkalinga sa kanyang mga katrabaho sa pamamagitan ng paghahanda ng meryenda.


Nagbigay si Kim ng chowking, isang brand na kanyang iniendorso, bilang meryenda para sa buong cast ng serye sa isang okasyon sa set. Ang kanyang aktong ito ng kabutihan ay nagpapakita ng kanyang likas na pagiging mapagbigay at malasakit sa kanyang mga kasama.


Kasali sa mga nakinabang sa handog na meryenda ni Kim ay si Paulo Avelino, ang kanyang katambal sa serye. Batay sa pahayag ng mga nakasaksi, lubos na nagustuhan ni Paulo ang meryendang inihanda ni Kim, na nagpakita ng malasakit ni Kim sa kanilang grupo. Ang ganitong pag-aasikaso at pagbibigay ay sumasalamin sa kanyang walang kapantay na kabaitan at pagpapahalaga sa relasyon sa mga katrabaho.


Si Kim Chiu ay patuloy na nagiging inspirasyon hindi lamang sa industriya ng showbiz kundi pati na rin sa iba, bilang isang halimbawa ng kabutihan at pagmamalasakit sa iba. Sa pamamagitan ng mga simpleng gawa ng kabaitan tulad nito, pinapakita ni Kim ang kanyang pagiging positibong impluwensya.


@iloveview_randompost wow napakabait tlaga ni Kimmy, God Bless you more Kimmy🙏🏻🤗🫶💚😍 🎥©️kimmy's igs #kimchiu #wwwsk #chinitaprincess #queenofthedancefloor ♬ original sound - iloveview

Kim Chiu at Paulo Avelino Nagbulungan at Nagkurutan Sa Mediacon! Fans Hindi Nakapagpigil!

Walang komento

 


Nagbahagi ng masasayang sandali ng pagkukurotan, pagbubulungan, at pagkikilig sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa isinagawang media conference para sa seryeng What's Wrong with Secretary Kim. Ang nasabing kumperensya, na ginanap para sa pinoy version ng kilalang K-Drama, ay hindi lamang nagbigay excitement sa mga manonood kundi pati na rin sa mga pangunahing bida ng show.


Sa event na ginanap sa Gateway 2 Mall, Cubao, noong Sabado, Marso 9, sina Paulo Avelino at Kim Chiu ay nagpahayag ng iba't ibang emosyon sa harap ng press. Sa kabila ng mga katanungan at diskusyon, hindi nila napigilan ang magpakita ng mga sweet na gestures tulad ng pagngiti, pagtitigan, at ang paminsan-minsang pagbulong at pagkurutan, na nag-uudyok ng kanilang espesyal na samahan na tila higit pa sa kanilang mga role sa palabas.


Ang mga palitan ng masasayang bulong at makahulugang titigan ay nagbigay-diin hindi lamang sa kanilang propesyonal na relasyon kundi sa isang malalim na pagkakaibigan. Sa bawat ngiti at sulyap, lumilitaw ang kanilang natatanging koneksyon at kimika, na nagdaragdag ng pag-asa at ekspektasyon para sa tagumpay ng serye.


@viuphilippines We’re just getting started with the kilig madness coz we can’t get over KimPau’s kilig moments last Saturday at the #WWWSKMediaCon 😍 Fast forward to March 18 please! 🙏 #ViuOriginalAdaptation #WhatsWrongWithSecretaryKim #WWWSK #KimPau #KimPauOnViu #kimchiu #pauloavelino #fyp #foryoupage ♬ Sweet - Aurel Surya Lie

Kim Chiu Inasikaso at Pinakain Si Paulo Sa Pagbisita Nito Sa Showtime!

Walang komento

Linggo, Marso 17, 2024

 


Ang sorpresang pagbisita ni Paulo Avelino sa set ng It's Showtime, kung saan nagtatanghal si Kim Chiu, ay naghatid ng sobrang saya at mga kilig na sandali para sa kanilang mga fans. Sa mga sandaling hindi nakikita ng publiko, ipinakita ni Kim ang kanyang pag-aalaga kay Paulo, kasama na ang pagpapakain sa kanya.


Para sa mga nakasaksi, hindi maikakaila ang espesyal na kilig na namamagitan sa dalawa. Sa iba't ibang larawan at videos, kapansin-pansin ang kilig ni Paulo para kay Kim, at ganun din naman si Kim na halatang nagagalak sa kanilang pagkikita. Ang mga ganitong eksena ay nag-udyok ng iba't ibang reaksyon mula sa kanilang mga tagasuporta, nagpapahiwatig ng kanilang pag-endorso at pagmamahal sa dalawa na kilala sa industriya ng showbiz.


Ang pagpapalitan ng ganitong mga espesyal na moment sa entablado ng It's Showtime ay nagpapatunay na higit pa sa pagiging mahusay na mga artista, ang dalawa ay nagpapakita rin ng tunay na malasakit at pag-aaruga sa bawat isa. Sa bawat pagkakataong ganito, ang mga fans ay tunay na nasisiyahan sa pagiging parte ng buhay ng kanilang mga iniidolong love team at sa espesyal na ugnayan na nabubuo sa pagitan nila.


@random.videos4862 #ShowtimeFeelSoGood #pauloavelino #Kimchiu #chinitaprincess #trend #fypspotted #fyp #fypシ゚viral ♬ original sound - Random videos

Paulo Avelino Niregaluhan Ng Bagong Stuffed-toy Si Kim Chiu!

Walang komento

 


Paulo Avelino, nagbigay nga ba ng bagong stuffed toy kay Kim Chiu? Sa isang kamakailang story ni Kim Chiu sa Instagram, masayang ipinakita niya ang isang bagong unicorn stuffed toy na katabi niya sa pagtulog. Noon, madalas ibahagi ni Kim ang kanyang owl stuffed toy sa kanyang mga story, na pinaniniwalaang regalo sa kanya ng dating nobyo na si Xian Lim.


Ang mga tagahanga ay naniniwala na ang bagong unicorn stuffed toy ay mula kay Paulo, na siyang pumalit sa dating regalong owl ni Xian. Ang pagbibigay ni Paulo Avelino ng stuffed toy kay Kim Chiu ay tila sumasagisag ng kanyang pag-aalaga at pagmamahal sa aktres, na nag-uugnay sa kanila sa isang mas malalim na antas.


Ang aksyon na ito ay hindi lamang basta pagbibigay ng isang regalo, kundi nagpapahiwatig din ito ng isang espesyal na koneksyon at malasakit sa isa't isa. Ang pagpapakita ni Kim ng kanyang bagong unicorn stuffed toy ay tila isang senyales ng pagbabago at pag-usad niya mula sa nakaraan.


Ipinapahayag ng kanyang pagbabahagi ng bagong unicorn stuffed toy hindi lamang sa kanyang mga tagasubaybay kundi pati na rin sa kanyang sarili ang kanyang pag-unlad at pagtahak sa bagong yugto ng buhay. Sa gitna ng mga personal at propesyonal na pagbabago, patuloy si Kim Chiu sa paghahanap ng kaligayahan at sa pag-abot sa kanyang mga pangarap at aspirasyon.




Kim Chiu Di Nakapagpigil Kay Paulo Avelino at Nakurot Na Naman Ito Habang Nagvideoke!

Walang komento

 


Kim Chiu, hindi na naman nakapagpigil sa paglalambing kay Paulo Avelino at kinurot ito. Sa after party nila pagkatapos ng mediacon ng kanilang seryeng What's Wrong with Secretary Kim, makikita ang dalawang co-stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino na masayang nagkakantahan sa videoke.


Ang mga kilos nila, mula sa pagkukurot ni Kim Chiu kay Paulo bilang pagsuyo hanggang sa pagbahagi nila ng inumin, ay tila nagpapahiwatig na sila'y parang magkapareha na. Ang kanilang mga tagahanga ay hindi maitago ang kilig sa pagkakita ng iba't ibang larawan mula sa event.


Sa mga larawang nakalap at kumalat sa social media, makikita ang masasayang mukha at pagiging magkasama ng dalawa, na nagbibigay indikasyon ng isang deeper connection sa labas ng set. May mga pagkakataon din na magkasama sila sa paglabas kasama ang kanilang mga kaibigan, na nagpapakita na mayroon silang special moments na higit pa sa kanilang professional relationship sa showbiz.


Dagdag pa, may mga report na nagpapahiwatig na patuloy ang pagiging malapit ni Kim at Paulo kahit off cam. Marami ang nagsasabi na madalas silang magkatext, lalo na bago matulog. Kapag magkasama, palagi silang nakangiti at masayang nag-uusap, na nagbibigay senyales ng isang special na koneksyon na mahirap itanggi.


@ilovekimpau #KimPau #KimChiu #PauloAvelino #PauloAvelinoAndKimChiu #KimChiuAndPauloAvelino ♬ original sound - 🌸 KimPau 🌸

Kim Chiu Humagulgol Sa Huling Video Nila Ni Sir Deo! | Paulo Avelino Comforts Kim

Walang komento


 

Kim Chiu, nagbahagi ng isang nakakatouch na video at mensahe bilang paggunita sa ika-40 araw mula nang pumanaw si Sir Deo. Ayon sa kanyang Instagram post, nais niyang ihandog ang palabas na ito kay Sir Deo. Kamakalawa ay ginunita ang kanyang ika-40 araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na siya'y wala na.


Isa siya sa pinaka-makatotohanang lider sa ABS CBN, isang kahanga-hangang isip, at parang isang ama na palaging nagbabantay sa kanyang mga anak. Ito ang huling proyekto na ipinagkatiwala niya kay Kim at sinabi sa kanya ng pamilya Dreamscape na napagmasdan ni Sir Deo ang mga paunang sipi ng palabas bago siya lumisan.


Naalala ni Kim ang pagkakataon na nagpadala sa kanya si Sir Deo ng mensahe tungkol sa kanyang kasiyahan matapos niyang mapanood ang mga eksena. Hindi niya alam noong mga panahong iyon na si Sir Deo pala ay nasa ospital na, nakikipaglaban para sa kanyang buhay. Ang video na kanyang inupload ay patungkol sa kung gaano ka-proud si Sir Deo sa kanya habang ginagampanan niya ang papel na Juliana sa Linlang.


"Sir Deo, ipinapangako ko na palagi kitang ipagmamalaki, lalo na sa pagganap ko bilang Secretary Kim. Bagama't hindi ka na namin nakikita, alam kong nagmamasid ka sa amin mula sa langit. Mahal kita, Sir Deo. Salamat sa lahat ng tiwala at pagmamahal. Sobrang miss na miss na kita. Inihahandog namin ang palabas na ito sa iyo."


Paulo Avelino May Patama Na Hugot Kay Xian Lim?!!

Walang komento

 


Kamakailan, umani ng maraming pansin ang makabuluhang pahayag ni Paulo Avelino, ang katrabaho ni Kim Chiu, na mabilis na kumalat at nagdulot ng iba't ibang tugon mula sa mga netizens. Naging usap-usapan sa showbiz ang pag-post ni Paulo sa kanyang opisyal na pahina sa Facebook.


Ang sumusunod ay ang pahayag ni Paulo Avelino na kanyang inilathala sa kanyang opisyal na pahina sa Facebook: "Hindi sa porma o ayos ng pananamit nagiging gwapo ang isang lalake, kundi kung paano niya itrato ng maayos ang isang babae." 


Nakakuha ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens, na iniisip ng ilan na may koneksyon ito sa mga pangyayari sa personal na buhay pag-ibig ni Kim Chiu. Marami ang nagpahayag ng kanilang mga pananaw, at hindi nagtagal, lumitaw ang mga haka-haka at indirect na mensahe mula sa mga tagahanga ng aktor.


Isang netizen ang nagkomento, "natamaan ata si Xian Lim dito ah" na nagdagdag ng interes sa mga nakasubaybay sa sitwasyon. Ang pagbanggit kay Xian Lim, na dating nobyo ni Kim Chiu, ay nagpasidhi pa sa mga espekulasyon.


Sa gitna ng lahat ng ito, nanatiling hindi malinaw ang eksaktong motibo sa likod ng post ni Paulo Avelino. Kahit walang tahasang pagtukoy sa anumang partikular na pangyayari, tila nasisiyahan ang mga tagasuporta ni Kim at Paulo, ang KimPau fans, sa balitang mukhang malapit na nga ang dalawa.


Kathryn Bernardo Nag Susumigaw Ang Abs Sa Pag Rampa /dakota Johnson Ng Pinas

Walang komento

 


Talaga namang pinahanga ni Kathryn Bernardo ang marami sa kanyang pag-akyat sa entablado sa fashion week ng Bench. Halatang inalagaan niya ang kanyang katawan, na nakasuot ng puting crop top kasama ang itim na bralette at itim na pantalon. Ang kanyang estilo ay perpektong tugma para sa panahon ng tag-init.


Maraming mga estilo na angkop sa tag-init ang ipinakita ng mga kilalang tao sa event na ito. Kapansin-pansin ang kakaibang ganda ni Kathryn, radiating peace and serenity, naipakita niya ang kanyang klase at elegansiya kahit sa isang sexy na kasuotan.


Napaka-wholesome ni Kathryn Bernardo sa paningin ng marami, kaya naman labis itong nagustuhan ng mga netizen. Ang kanyang pagpapakita ng abs ay talaga namang hinangaan ng marami, na tila ba ipinagsisigawan ang kanyang fitness. Lalong lumutang ang kagandahan ni Kathryn. Napanatili niya hindi lang ang kagandahan ng kanyang katawan kundi pati na rin ng kanyang mukha.


Si Kathryn ay kilala sa kanyang natural na morena beauty at simpleng pag-uugali. Ngunit, sa kanyang paglahok sa fashion week ng Bench, marami ang labis na humanga. At ayon sa ilang netizen, may pagkakahawig daw si Kathryn kay Dakota Johnson, ang kilalang aktres.


@benchtmofficial #KathrynBernardo walking for BENCH/ at the #BENCHFashionWeekSS2024 #BFWSS2024 #TikTokFashion ♬ original sound - Bench TM

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo