Paolo Contis Tumatanda Ang Hitsura? Yen Santos Sinurpresa Si Paolo Ngayong 40th Birthday Niya!

Walang komento

Huwebes, Marso 14, 2024


 Patuloy pa ring tumatatag ang romantic relationship nina Paolo Contis at Yen Contis sa kabila ng mga natatanggap nilang pambabatikos mula sa mga netizens.


Magkasama sina Paolo Contis at Yen Santos sa pagdiriwang ng aktor sa kanyang ika-40 na kaarawan.


Nagbigay rin ng mensahe si Yen Santos para kay Paolo Contis kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagbati sa kanyang boyfriend. Pinasalamatan din ito ni Yen Santos sa lahat ng mga ginagawa nito sa kanya.


Kalakip ng mga mensaheng ito ay ang mga larawan nilang magkasama sa simple celebration para sa kaarawan ni Paolo Contis.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kontrobersyal ang relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos dahil si Yen ang itinuturong third party na naging dahilan ng hiwalayan ni Paolo Contis sa dating kinakasama na si LJ Reyes.


Nauna na rin namang iginiit ng dalawa na noong nagkahiwalay sina Paolo Contis at Yen Santon ay magkaibigan pa lamang sila.


Nag-umpisa lamang umanong mahulog si Paolo Contis kay Yen Santos dahil hindi siya iniwan nito noong mga panahon na labis siyang nangangailangan ng taong kadamay at makakasama.


Sa kabila ng pagiging kontrobersyal ng kanilang relasyon, patuloy naman silang nagsasaya sa piling ng bawat isa at hindi na lamang pinapansin ang mga taong nagbabato ng batikos at intriga sa kanilang pagmamahalan.


Sa kabilang banda, marami ang nakapansin na tila tumanda umano ang hitsura ngayon ni Paolo Contis makalipas ang isang linggo mula nang ihayag nila sa publiko ang pagkakatigil ng Tahanang Pinakamasaya.


Naiintindihan naman ng ilang mga netizens ang pinagdaanan ni Paolo Contis dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano sinusuportahan ni Paolo Contis ang TAPE Inc. sa laban nito sa TVJ at sa mga netizens na naiinis kung bakit pinaalis umano ng TAPE Inc. ang TVJ at iba pang mga Dabarkads.



TV Host Lilipat Na Ng Ibang Network!

Walang komento

Natawa na lamang ang actor-host na si Paolo Contis matapos kulitin ng ilang mga press people kung ano ang pinag-meetingan nila ni Wilma Galvante.


Si Wilma Galvante ay konektado sa Net25 bilang consultant sa programming. Kaya naman marami ang naintriga nang ibahagi ni Paolo Contis sa kanyang social media account ang naganap na meeting sa pagitan nila.


Kasama rin nila sa nasabing pagtitipon si Boy Abunda at iba pang mga dating Kapuso artist na ngayon ay nasa Net25 na.


Marami naman ang naghinala na mayroong panibagong project na niluluto ang mga ito para sa Net25. Subalit, pinabulaanan naman ito kaagad ni Paolo Contis kung saan iginiit niya na nagkukumustahan lamang umano sila.


Matagal na rin naman umano silang hindi nagkikita ni Wilma Galvante kaya naman nagkape lamang sila at nag-uusap.


Wala rin umanong dahilan kung bakit naroon si Boy Abunda dahil nagkita na lamang umano sila roon habang nag-uusap sila ni Wilma Galvante.


Samantala, pinili ni Paolo Contis na hindi magbigay ng pahayag patungkol sa pagkakatigil ng kanilang show na Tahanang Pinakamasaya dahil wala naman umano siyang kailangan na sabihin pa.


Iginiit din ni Paolo Contis na wala naman umano siyang hinanakit sa GMA7 o sa TAPE Inc. sa biglaang pagpapatigil sa kanilang show.


Matatandaan na kumalat sa ilang mga social media platforms ang isyung galit umano si Paolo Contis sa GMA Network dahil sa pagpapatigil sa kanilang show.


Subalit, nilinaw ni Paolo Contis na wala talaga siyang sama ng loob sa GMA7 dahil noon pa man ay napaka supportive na ng mga ito sa kanya.




Rektahan Na! Vice Ganda Diretsahang Ipinahiwatig Ang Paglipat Ng It'S Showtime Sa GMA7

Walang komento


 Tila kinumpirma na ng mga It's Showtime hosts ang nangyayaring pag-uusap sa pagitan ng ABS-CBN Studios at GMA Network hinggil sa nabakanteng noontime slot ng GMA matapos tapusin ng TAPE Inc. ang kanilang show na Tahanang Pinakamasaya.


Sa ngayon ay bakante pa rin ang noontime slot ng GMA Network, dahil hindi pa umano nagbibigay ng desisyon ang GMA Network sa kung ano ang ipapalit sa Tahanang Pinakamasaya.


Sa kabilang banda, tila nagbigay naman ng pahiwatig si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime patungkol sa posibilidad na makalipat sila sa GMA Network.


Hindi pinatulan ni Vice Ganda ang biro ni Vhong Navarro na pakiramdam niya ay hindi papatok sa mga netizens na maaring maging dahilan rin ng pagkakabatikos na naman sa kanila.


Sinaway ito ni Vice Ganda at sinabing tigilan na ni Vhong Navarro ang mga ganitong uri ng jokes na maaring maging dahilan para hindi sila matuloy.


Kaagad namang iniuugnay ng mga netizens ang pahayag na ito ni Vice Ganda sa napapabalitang paglipat nila sa main channel ng GMA Network.


Nauna na ring nagbigay ng pahiwatig si Vice Ganda patungkol sa naganap umanong meeting sa pagitan ng mga ABS-CBN bosses at GMA Executives.


Sa ngayon ay hindi pa naman kinukumpirma ng ABS-CBN o nang GMA Network ang patungkol sa balitang ito. Subalit, marami ang naghinala na may posibilidad na mangyari ito dahil kilala naman si Vice Ganda bilang head ng It's Showtime kaya alam umano nito ang mga nangyayaring usapan sa pagitan ng ABS-CBN at GMA patungkol sa kanilang show.




Celebrities Nagreact at Na-Dismaya Sa Naging Controversial Na Resort Sa Gitna Ng Chocolate Hills!

Walang komento


 Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at maging ng mga celebrities ang ipinatayung resort sa gitna mismo ng Chocolate Hills na matatagpuan sa Bohol.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang ipinatayung resort sa gitna mismo ng Chocolate Hills sa Bohol.


Marami sa mga netizens ang nagalit at nabahala sa hakbang na ito dahil sa pagsira sa umano'y natural na ganda sa nasabing lugar.


Maging ang ilang mga celebrities ay nagbigay na rin ng kani-kanilang mga reaksyon sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts.


Una na sa mga celebrities na ito ay ang singer na si Janno Gibbs na sinasabing binaboy na umano ng mga nagmamay-ari ng resort ang Chocolate Hills. Kinwestyun din nito ang DENR sa pagbibigay ng consent para maipatayo ang nasabing resort.


Hindi naman makapaniwala ang beteranong aktor na si Gardo Versoza na may naglakas ng loob na magpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills na sumira sa natural na ganda sa nasabing lugar.


Maging ang dating beauty queen at actress na si Wynwyn Marquez ay hindi rin nagustuhan ang pagpapatayo ng resort sa Chocolate Hills. Kinwestyun ni Wynwyn ang may-ari ng resort na ito at kung pinayagan nga ba ng mga otoridad ang paggawa nito.


Ikinalungkot naman ng aktres na si Anne Curtis ang pagpapatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills. Hindi rin ito makapaniwala na pinayagan ng government ang pagpapagawa ng resort na nakasira sa perfect view ng Chocolate Hills.


Samantala nagbigay naman ng mas detalyadong balita ang news anchor na si Gretchen Ho patungkol sa nasabing resort.


Sa kanyang social media account ibinahagi ni Gretchen Ho ang official statement ng DENR patungkol sa viral resort sa gitna ng Chocolate Hills.


Sa official statement ng DENR, inihayag nila kailangan pa ring mag-comply ng mga may-ari ng mga titled lands, kung ito ay titled na bago ang proclamation, sa lahat ng mga protected areas sa mga restrictions at regulations bago gamitin ang lupa o ipa-develop.


Ikinagulat din ni Gretchen Ho nang malaman na sa mismong resort rin pala ginanap ang Bohol Provincial Meet noong nakaraang buwan 


Nag-ugat ang balitang ito nang i-feature ng isang vlogger ang resort sa gitna ng Chocolate Hills na kaagad umani ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.


Marami ang mga nagsasabi na masakit sa mata ang resort na perfect view ng mga Chocolate Hills. Binabatikos rin nila ang may-ari ng resort dahil sa pag-iisip nitong sirain ang kalikasan para lamang magkaroon ng pera.


Sa kabilang banda, nabigyan na pala ng Temporary Restraining Order mula sa DENR ang resort noon pang September 2023 pa subalit hanggang ngayon ay operational pa rin ito.


Subalit ayon naman sa pahayag ng LGU ng Sanbayan Bohol, hindi naman umano nila natanggap ang restraining order mula sa DENR.


Hindi umano nila alam na may temporary closure order pala ang resort mula sa DENR, wala rin umano silang natatanggap na kopya ng order.


Sa ngayon ay ipinapasara na ng DENR ang resort na nasa loob ng Chocolate Hills protected area at nais na ring  imbestigahan ng senado kung paano naipatayo ang resort na ito. Tinitingnan rin kung accountable ba ang mga LGU ng nasabing lugar sa pagpapabaya sa pagpreserve ng Chocolate Hills.



Detalye Sa Pagbubuntis Ni Ria Atayde Base Sa New Video Na Ipinost Sa Social Media

Walang komento


 Kamakailan lamang ay ginulat nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo nang inamin nila sa publiko ang kanilang engagement.


February 20, 2024, bigla na lamang isiniwalat ni Ria Atayde sa kanyang Instagram account ang pagiging engaged nila ni Zanjoe Marudo.


Bagama't marami ang natuwa sa balitang ito at nagbigay ng kanilang mga congratulatory messages para sa dalawa may mga kumakalat ring balita na kaya napaaga umano ang engagement ng dalawa dahil nagbubuntis na ang aktres.


Kaya naman sa pagbabahagi ni Sylvia Sanchez ng video na kuha mula sa kamakailang birthday celebration ng mister na si Art Atayde ang aktres na si Ria Atayde kaagad ang hinanap ng mga netizens at tinitingnan kung may nagbago ba sa katawan nito.


Marami sa mga netizens ang nagsasabi na tila nakumpirma umano ang mga bali-balitang nagbubuntis si Ria Atayde dahil sa gabing iyon ay suot ni Ria Atayde ang isang itim at maluwang na dress na may tahi sa ilalim ng dibdib. Nang tumagilid naman ang aktres sa kamera ay nakitang tila may nakaumbok na sa tiyan nito.


Sa comment section ng nasabing post ni Sylvia Sanchez, marami ang bumati kay Art Atayde hindi lamang para sa kaarawan nito kundi dahil na rin sa pagiging lolo nito.


Napansin rin ng mga netizens sa family picture nila ay tila sadyang nagtago umano si Ria Atayde sa likod ng kanyang ama upang hindi makita ang kanyang tiyan.


Binalikan rin ng mga netizens ang pag-amin nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ng kanilang engagement kung saan ipin-lex ng aktres ang kanyang engagement ring habang magkatabi sila ni Zanjoe sa kama at tila kakagising pa lamang.


Marami ang naghinala na matagal nang naglilive in ang dalawa kaya hindi na umano kataka-taka kung magbubuntis si Ria Atayde.


Samanatala, sa isang panayam noon sa kapatid ni Ria Atayde na si Gela Atayde noong March 3, 2024 mariin nitong itinanggi ang balitang nagbubuntis ang kanyang kapatid kaya nagpropose na si Zanjoe Marudo.


Gayunpaman, inamin ni Gela na sinusubukan na nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na magkaroon na ng anak sa kabila ng pagkakaroon ni Ria Atayde ng PCOS.


Iginiit din niya na wala namang problema sa kanilang pamilya kung sakaling magbubuntis na si Ria Atayde dahil suportado ito ng kanilang pamilya at nasa tamang edad na rin naman umano ito para magkaroon ng sariling anak.



It's Showtime Posibleng Tanggalin Sa GTV

Walang komento


 Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang mga naglabasang haka-haka patungkol sa noontime variety show na It's Showtime.


May mga naglabasang mga haka-haka na umano'y maaring matigil ang pag-ere ng It's Showtime sa GTV, ang subsidiary channel ng GMA network.


Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, isiniwalat ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz na pinag-iisipan na umano ng pamunuan ng GMA network kung ang noontime show ba na It's Showtime ang ipapalit nila sa nabakanteng timeslot ng Tahanang Pinakamasaya o gagawa sila ng panibagong noontime show.


Inihayag din ni Ogie Diaz na kung sakali mang gagawa ng panibagong show ang GMA Network may posibilidad umano na matitigil ang pag-ere ng It's Showtime sa GTV dahil nasa ilalim lamang sila ng GMA Network.


Dati ay maari pa umanong sabay na umire ang It's Showtime at Tahanang Pinakamasaya dahil blocktimer lamang ng GMA ang show na produced ng TAPE Inc.


Ngayon, kung sakaling gagawa ng panibagong show ang GMA Network na produced mismo nila para itapat sa mga umiereng noontime show ngayon na It's Showtime at Eat Bulaga, may posibilidad umano na tanggalin ng GMA7 ang katapat nila na umiere sa kanilang network para mas tangkilikin ng mga manonood nila ang kanilang sariling produce na noontime show.


Samantala, marami naman ang nagsasabi na napaka-unfair naman umano ng desisyong ito para sa It's Showtime dahil palagi na lamang silang naapektuhan sa tuwing gagawa ng move ang mga katapat nilang show.


Una na rito ang paglipat ng TVJ sa TV5 dahilan para matanggal ang kanilang show sa noontime slot kaya namang ay umalis na lamang sila sa nasabing network.


Ngayon namang napatigil ang pag-ere ng Tahanang Pinakamasaya maari na naman silang matanggal sa GTV sakaling magpo-produce ng sariling noontime show ang GMA Network.


Sa kabilang banda, patuloy namang hinihiling ng maraming mga netizens na ilipat na lamang sa GMA Network ang It's Showtime bilang blocktimer. Hindi na rin naman umano ito imposible ngayong isa nang content provider ang ABS-CBN.



Sarah Geronimo Na-Bash Online Dahil Sa Billboard Music Awards Interview

Walang komento


 Hindi nakaligtas ang tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo mula sa mga pambabatikos ng mga netizens matapos makatanggap ng award sa Billboard Women in Music 2024, ang Global Force Award.


Nakatanggap ng matinding pambabatikos at bashing ang actress-singer na si Sarah Geronimo matapos ang kanyang speech sa pagtanggap ng nasabing parangal kung saan marami ang nagsasabing hindi naman umano niya deserve na makatanggap ng Global Force Award.


Ipinunto rin ng ilang mga netizens ang pagkakamali ni Sarah Geronimo sa kanyang speech kung saan sinabi niya ang patungkol sa 'power to influence people that comes with a great responsibility'.


Ayon sa mga netizens hindi naman nagbibigay ng influence si Sarah Geronimo dahil nanahimik lamang ito sa matitinding isyu sa lipunan.


Binalikan rin ng mga netizens ang pananahimik ni Sarah Geronimo noong nagdaang election kung saan karamihan sa mga celebrities gumawa ng stand at nagbibigay influence sa mga Pilipino sa kung sinoa ang nararapat na iboto.


May mga nagsasabi pa na noong hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN ay hindi man lamang umano nagbigay ng pahayag si Sarah Geronimo at pinabayaan lamang ang iba pang mga artista na magtanggol sa network.


Hindi naman ito sinang-ayunan ng mga fans ni Sarah Geronimo na naniniwalang well-deserved ni Sarah Geronimo ang nasabing award.


Pagtatanggol ng mga fans ni Sarah Geronimo, kung nagsalita noon ang singer maari lamang siyang ma-cancel ng mga netizens na hindi sang-ayun sa kanyang paniniwala katulad na lamang sa ilang mga celebrities na na-cancel dahil sa pagsuporta sa mga kandidato.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nagtaas ng kilay sa naging pahayag ni Sarah Geronimo para sa kanyang ina na si Mommy Divine Geronimo, kung saan pinasalamatan niya ito dahil sa pagiging hero nito at mga sakripisyo para sa kanilang pamilya.


Bukod pa rito, marami rin ang hindi sumang-ayon sa sinabi ni Sarah Geronimo na the best ang kanyang ina dahil kung totoo ito ay sana hindi siya tinakwil nito matapos pakasalan si Matteo Guidicelli.


May mga nagsasabi pang pinalayas umano mismo ng ina sina Sarah at Matteo sa bahay nito at pinagbabawalang magpunta muli roon.


Samantala, marami naman ang naghinala na baka nagkaayos na ang mga ito ngayon matapos ang mahigit apat na taong hindi pag-uusap.




Kim Chiu, Paboritong Kurotin Si Paulo Avelino Tuwing Magkasama

Walang komento

Miyerkules, Marso 13, 2024


 Marami sa mga netizens ang nakapansin sa mga ginagawa ngayon ng aktres na si Kim Chiu sa kanyang leading man ngayon sa What's Wrong With Secretary Kim?


Napansin ng mga netizens na sa tuwing may tanong ang press people kay Kim Chiu at sa tuwing tinutukso silang dalawa ay kinukurot ni Kim Chiu si Paulo Avelino.


Marami tuloy ang napapatanong kung ang pagkurot ba kay Paulo Avelino ang love language ni Kim Chiu.


Marami rin ang nakapansin na hindi ito minsanan lamang na nangyari dahil ilang beses ding nahagip ng kamera ang ginagawang pangungurot ni Kim Chiu kay Paulo.


Samantala, may mga nagsasabi rin na tila naiiba na umano ngayon ang tinginan at closeness ng dalawa kumpara noong una silang nagkasama sa digital series na Linlang.


May nakapansin rin sa kakaibang ngiti ng dalawa sa mga tuwing nagkakatinginan sila. Hindi na rin umano makikita sa mga mata ng aktres na si Kim Chiu ang dating lungkot na nakikita noong kakahiwalay pa lamang nila ni Xian Lim.


Napalitan na rin umano ito ng kilig na hinala ng lahat dahil kay Paulo Avelino at sa kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.


Marami rin sa mga netizens ang naghinala na may alam ang mga kasamahan ni Kim Chiu sa It's Showtime dahil panay ang kanilang pangguguyo ngayon kay Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime.


Sa kabilang banda, patuloy pa rin naman nananahimik sina Kim Chiu at Paulo Avelino patungkol sa totoong esatado ng kanilang relasyon.


Sa mga nagdaang panayam, sinasabi lamang ni Kim Chiu na magkaibigan lamang silang dalawa.



@ilovekimpau ASAP January 21, 2024 #KimPau #KimChiu #PauloAvelino #PauloAvelinoAndKimChiu #KimChiuAndPauloAvelino #PauloAndKim #KimAndPaulo #Linlang ♬ Nothing's Gonna Stop Us Now - Los De La Decada

Sharon Cuneta Kinumpirma Ang Hindi Pagkakaunawaan Sa Pagitan Nila Ni Gabby Concepcion Ulit!

Walang komento


 Sharon Cuneta nagbigay na ng pahayag patungkol sa totoong dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang pagsasamahan sana nilang concert muli ng dating mister na si Gabby Concepcion.


Ilan sa mga tagahanga ng aktres na si Sharon Cuneta ang nababahala dahil hindi na umano nagbibigay ng update ang aktres-singer sa kanyang social media na dati namang ginagawa ng aktres.


Naibsan lamang ang kanilang pag-aalala ng mamataang maayos naman ito sa isang press conference para sa ikalimang anniversary ng InLife heroes, isang empowerment movement ng Insular Life na ginanap sa Makati City noong martes March 12, 2024.


Kabilang sa mga naitanong kay Sharon Cuneta ng mga press people kung ano ang magiging kasunod sa Dear Heart concert nila ni Gabbi Concepcion.


Dito na tuluyang kinumpirma ni Sharon Cuneta na hindi na matutuloy ang PS. I Love You concert nila ni Gabby Concepcion na noon pang January nakatakdang mangyari.


Ayon kay Sharon Cuneta, napakaganda ng hinandang set of songs para sa kanilang concert sana ni Gabby Concepcion na tiyak umanong ikakasiya ng kanilang mga fans.


Subalit, ang lahat ng ito ay hindi na matutuloy dahil sa problemang hatid ng kampo ni Gabby Concepcion. Iginiit pa niya na walang problema ang kanilang side. Nagkaroon lamang ng problema ang kanilang negosasyon dahil hindi na naging maganda ang usapan nila sa side ng aktor.


Ikinalungkot naman ito ng mga avid supporters nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta dahil inakala nila na ang Dear Heart concert nina Gabby Concepcion ang magiging simula ng mas marami pang collaboration ng dalawa subalit tila naging daan pa ito upang lalong magkalayo ang kanilang loob.




Kathryn Bernardo Galit Pa Rin Kay Daniel Padilla Ayaw Marinig Ang Pangalan

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo dahil sa mga pagbabago nito matapos ang naging hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.


Bukod sa pagbabago ni Kathryn Bernardo sa mga uri ng damit na kanyang sinusuot at pagpapakita sa social media sa mga bagay na dating inaayawan at ipinagbabawal ni Daniel Padilla noon.


May mga nagsasabi ring pinagbabawalan na rin umano ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang mga kaibigan na banggitan ang pangalang 'Daniel' sa tuwing magkakasama sila.


Sa kamakailang episode ng online show nina Cristy Fermin na Showbiz Now Na, ipinahayag niya ang nakarating sa kanyang impormasyon patungkol sa paraan ng pagmomove on ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang dating nobyo na si Daniel Padilla na nakarelasyon niya sa loob ng mahigit 11 years.


Ayon kay Cristy Fermin na nakarating sa kanya mula sa kanyang mga mapagkakatiwalaang source na isa sa paraan ni Kathryn Bernardo sa pagmomove on ay ang iwasan nilang magkakaibigan na banggitin maski ang pangalan ng aktor na si Daniel Padilla.


Ayon pa kay Cristy Fermin, lahat ng mga Daniel ay nadadamay sa pagmomove on ni Kathryn Bernardo dahil ayaw na umano ng aktres na naririnig ang pangalan nito.


Dagdag pa ni Cristy Fermin, na nasa stage pa umano ng moving on si Kathryn Bernardo mula sa matinding heart break kaya naman maiintindihan naman siguro dahil lahat naman siguro ay magkakaroon ng ganitong emosyon.


Ipinahayag pa ni Cristy Fermin na may dalawang gasgas na linya na ginagamit ang mga babaeng katulad ni Kathryn Bernardo. Una na rito ang 'change topic please', ang pangalawa at mas harsh ay 'please don't say bad words'.


Matatandaan na naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa mga naglabasang isyu patungkol sa pambababae at pangangaliwa ni Daniel Padilla.


Bagama't wala namang pahayag at paglilinaw si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo patungkol sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan. Marami ang naghinalang may katotohanan ito dahil napabalitang ayaw nang makasama muli ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa kanyang mga future projects.



Vice Ganda Muling Binuking Ang Relasyon Ni Kim Chiu at Paulo Avelino Sa It'S Showtime

Walang komento


 Muling naging makahulugan ang mga banat at tanong ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang co-host na si Kim Chiu.


Matatandaan na noon pa mang hindi pa inaamin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay ay nagbibigay na ng mga pahiwatig si Vice Ganda sa pamamagitan ng mga makahulugang banat at tanong niya kay Kim Chiu.


Muling naging makahulugan ang pabirong tanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime nitong March 13, 2024.


Sa segment na KaraOkids ng It's Showtime, pinahulaan ng mga staff sa mga host ang kanta ng This Band na Hindi Na Nga.


Kaagad naman itong nahulaan ni Shan kaya naman nagkanya-kanyang steal ang mga host at nag-iisip ng mga maling sagot.


Isa sa mga nakaisip ng maling sagot ay si Kim Chiu, pahayag ni Kim 'Hindi Nga'. Kaagad namang nakapag-isip ng kalokohan si Vice Ganda at ginamit ang sagot ni Kim Chiu na tanong para sa aktres.


Tanong ni Vice Ganda, "Hindi nga?" sabay sulyap kay Kim Chiu.


Tila kinilig naman si Kim Chiu sa tanong na ito ni Vice Ganda, maging ang iba pang mga It's Showtime host ay nagreact rin sa tanong ni Vice Ganda, pahiwatig na may alam sila sa mga nangyayari ngayon sa buhay pag-ibig ni Kim Chiu.


Kaagad naman itong iniuugnay ng mga netizens sa usap-usapang romantic relationship nina Kim Chiu at Paulo Avelino. Marami na ang nakapansin na tila naiiba na umano ngayon ang closeness ng dalawa dahilan para isipin ng maraming netizens na totoong nagkakamabutihan na ang dalawa.


Maging ang mga sagot umano nina Paulo Avelino at Kim Chiu ay nagpapahiwatig na rin umano na may naiiba na sa kanilang relasyon noon at ngayon.


Naiintindihan naman umano ng mga fans kung nais nina Paulo Avelino at Kim Chiu na ilihim muna ang kanilang relasyon upang maka-iwas sa mga pambabatikos at isyu sa masalimoot na mundo ng social media at showbiz industry.




Asawa Ni Jolina Magdangal Naaksidente Mark Escueta Sinugod Sa Ospital

Walang komento


 Mister ng actress-host-singer na si Jolina Magdangal nasangkot sa isang aksidente, nabangga ang motor na sinasakyan nito sanhi para mabalian ito ng tuhod at tadyang.


Nasangkot sa isang motorcycle accident ang drummer ng Rivermaya band at mister ni Jolina Magdangal na si Mark Escueta. Ibinahagi naman mismo ni Mark Escueta ang nangyari sa kanyang aksidente noong linggo March 10, 2024.


Dahil sa kinasangkutang aksidente ni Mark Escueta, nawasak ang kanyang motor at nabalian rin siya ng tuhod at tadyang.


Mabuti na lamang umano at mayroong tumulong sa kanya na nagpakilalang doktor kung saan inalalayan siya na makapunta sa tabi ng karsada.


Sa pagkakataong ito ay hindi na umano maiaapak ni Mark ang kanyang right foot, tinawagan ni si Jolina na noon ay nasa Batangas dahil guest ito sa vlog ni Judy Ann Santos.


Tumawag rin umano siya sa isa pang kaibigan na nagtatrabaho sa St. Lukes at nagpabook ng Grab upang makapunta kaagad sa hospital.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe mula sa mga netizens na humihiling na sana ay malampasan ng drummer ang kanyang pinagdadaanan ngayon. 


Malugod rin namang nagpasalamat si Mark Escueta sa mga ito.


Alden Richards at David Licauco Posibleng Makatrabaho Ni Kathryn Bernardo Solo Era Ng Aktres

Walang komento


 Sa nakaraang Bench Fashion Week noong March 8 hanggang March 10, 2024 maraming mga celebrities at models ang rumampa mula day 1 hanggang day 3.


Isa ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa lumahok sa huling araw ng nasabing event. Siya ang nanguna sa runway at nakisayaw rin katulad ng iba pang mga Bench models.


Naroon rin ang actress na si Sunshine Cruz, rumampa rin roon ang mga beauty queens na sina Michelle Dee at Celeste Cortesi.


Present rin sa nasabing event ang iba pang kilalang model ng Bench katulad na lamang nina Ruru Madrid, Bianca  Umali, David Licauco, Ina Raymundo, Francine Diaz at marami pang kilalang personalidad sa showbiz at social media.


Naglakad sa runway ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo suot ang puting bench croptop at black baggy pants.


Marami naman sa mga fans ng aktres ang nasisiyahan dahil sa ipinakita nitong confidence and she is now embracing her feminine energy.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, ang pagiging mahiyain noon ng aktres at pagiging conservative sa kanyang pananamit.


Hindi rin umano ito confident sa katawan nito ngayon subalit ibang Kathryn Bernardo ang nakitang rumampa sa runway kamakailan lamang nagpahanga sa kanyang mga fans at maging ng mga katulad niyang models.


Marami ang nagsasabi na talagang pinaghandaan ni Kathryn Bernardo ang kanyang runway comeback dahil makikita naman sa magandang hubog ng katawan nito.


Samantala, hindi naman maiiwasan ng ilang mga netizens ang sabihing may malaking factor ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga pagbabagong nangyayari ngayon sa dalaga.


Marami ang nagsasabi na mula noong nakipaghiwalay na si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla ay naging mas bold na ito sa kanyang pananamit at lifestyle.


Marami naman sa mga tahanga ng aktres ang nasiyahan sa desisyon nitong mag-solo na lamang at hindi na sasabak sa panibagong loveteam dahil mas nakakapag-explore umano ang aktres kasama ang iba't-ibang mga nakakatrabaho.


Samantala, may mga naghihintay na sana ay muling magkasama sa iisang project sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na unang nakasama niya sa blockbuster movie na Hello Love Goodbye.


Sa kabilang banda, marami naman ang nakapansin na mayroon umano chemistry sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Kapuso actor na si David Licauco. Marami tuloy ang mga humihirit na sana ay mabigyan sila ng pagkakataon na magkasama.


@benchtmofficial #KathrynBernardo walking for BENCH/ at the #BENCHFashionWeekSS2024 #BFWSS2024 #TikTokFashion ♬ original sound - Bench TM

Ria Atayde Buntis, Malaki Na Ang Baby Bump

Walang komento


 Isang masayang birthday celebration ang naganap kagabi sa pamilya Atayde kung saan ipinagdiriwang nila ang kaarawan ni Art Atayde.


Kumpleto ang kanilang pamilya sa pangunguna ni Sylvia Sanchez, naroon rin sina Ria Atayde kasama ang kanyang fiancee na si Zanjoe Marudo.


Hindi rin nawala sa celebration ang mag-asawang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Present rin sa nasabing pagdiriwang ang ilan sa kanilang malalapit na kaibigan na sina Bayani Agbayani, Darla Sualer at marami pang iba.


Samantala, marami ang nakapansin na tila may katotohanan ang isyung nagbubuntis na si Ria Atayde dahil makikita naman sa mga video at mga larawan na malaki na ang tiyan nito.


Mapapansin rin na tila tinatago ito ni Ria Atayde sa pamamagitan ng pagtatakip rito at pagsusuot ng itim subalit kapansin-pansin naman ito kapag nakatakilid ang aktres.


Samantala, nauna nang naglabas ng pahayag ang kapatid ni Ria Atayde kung saan iginiit nitong hindi buntis ang kanyang kapatid matapos lumabas ang isyu na kaya lamang ito inaya ni Arjo ng kasal ay dahil nabuntis ang aktres.


Subalit, sa paglabas ng mga larawan at video kung saan makikitang malaki ang tiyan ng aktres marami ang mga napapatanong kung bakit kinailangan pa nilang itago ang katotohanan gayung wala naman umanong masama rito dahil pareho naman silang single ni Zanjoe Marudo at nasa tamang edad na rin para makabuo ng sariling pamilya.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Ria Atayde patungkol sa isyu ng kanyang pagdadalang tao, maging ang ina nito na si Sylvia Sanchez ay patuloy pa ring nanahimik patungkol sa kinakaharap na isyu ng kanyang anak.



Sikat Na Aktor Tumangging Maging Host Ng Noontime Show!

Walang komento


 Naging totoo ang writer, comedian-actor na si Michael V sa mga katanungan sa kanya kung handa na ba siyang bumalik sa pagiging host ng isang noontime show.


Marami ang natatanggap na offer ni Michael V na bumalik siya bilang host ng isang noontime show at marami rin umano ang naghihikayat rito na tanggapin ang offer sa kanya dahil hindi naman umano maitatanggi na mayroon siyang talent sa pagiging host.


Samantala, marami rin sa mga netizens ang humihiling sa GMA7 na sana ay kunin ang serbisyo ni Michael V sa panibagong noontime show na ipapalit sa naipasarang Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc.


Sa muling pagpirma ng exclusive contract ni Michael V sa GMA7, naitanong sa kanya ng press kung handa na nga ba siyang bumalik sa pagho-host ng isang variety show o game show.


Matatandaan na hindi naman bago kay Michael V ang pagiging host ng isang variety show dahil napabilang rin siya noon sa mga naging host ng longest running TV show na Eat Bulaga sa loob ng labindalawang taon.


Subalit, inihayag ni Michael V sa kanyang sagot na hindi pa umano oras na maghohost siya ng panibagong vaariety show. Sa katunayan ay may dahilan umano ang pag-alis niya noon sa noontime show na Eat Bulaga.


Ito pa rin umano ang kanyang dahilan ngayon kung bakit hinsi pa siya sasabak muli sa isang noontime show. 


Nauna na rito ang pagpapaliwanang ni Bitoy sa isang episode ng kanyang vlog sa dahilan kung bakit umalis siya sa Eat Bulaga. Ito umano ay dahil sa mga natatanggap niya offers at kabi-kabilang mga projects.


Sa ngayon ay mayroong dalawang matagumpay na programa si Michael V sa GMA7 ito ay ang kanyang gag show na Bubble Gang at ang sit-com na Pepito Manaloto.




Bea Alonzo, Suot Na Ulit Ang Ring! Nanay Ni Bea, Tutol Sa Nalalapit Na Kasal

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos nitong i-flex ang suot na engagement ring ilang linggo matapos kumalat ang balitang naghiwalay na sila ng kanyang fiance na si Dominic Roque.


Naglabasan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga haka-haka na nagkaayos at nagkabalikan na sina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil sinusuot na naman umanong muli ni Bea Alonzo ang kanyang engagement ring at ibinida pa niya ito sa social media.


Subalit sa gitna ng pagbubunyi na ilang mga fans nina Dominic Roque at Bea Alonzo may mga nagsasabi na tila hindi pa rin maikakasal ang dalawa dahil tumututol na umano ang ina ng aktres.


Maugong na pinag-uusapan ngayon sa social media sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa mga usap-usapang nagkabalikan na kaagad sila ilang linggo matapos ang controversial nilang paghihiwalay.


Matatandaan na nag-ugat ang mga balitang ngahiwalay sina Bea Alonzo at Dominic Roque nang mapansin ng mga netizens na hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang kanyang engagement ring.


Subalit makalipas lamang ang ilang linggo muli na namang lumikha ng ingay si Bea Alonzo dahil suot-suot na naman niya ang engagement ring nila ni Dominic Roque.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung indikasyon na naman ba ito na nagkaayos at nagkabalikan na silang dalawa?


Marami rin ang napapatanong kung totoong mahal naman nila ang isa't-isa dahil agad silang nagkabalikan, marami ang nagsasabi may mabigat talagang dahilan ang kanilang paghihiwalay.


Kasunod nito, naglabasan ang mga haka-haka na may kinalaman ang ina ni Bea Alonzo sa nangyaring hiwalayan ng dalawa dahil noon pa man ay tutol na umano ito kay Dominic Roque para sa kanyang anak na si Bea Alonzo.


May mga nagsasabi rin na kaya hindi inaamin nina Dominic Roque at Bea Alonzo na nagkabalikan na sila ay dahil hindi umano masisiyahan ang ina ng aktres na noon pa man ay tutol na sa relasyon ng mga ito.


Subalit, kaagad itong pinabulaanan ng mga malalapit sa ina ni Bea Alonzo dahil napakabait umano nito at mahal nito si Bea Alonzo, dahilan para suportahan nito ang anak sa mga bagay na mahal nito.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang aktres na si Bea Alonzo patungkol sa isyung nagkaayos na sila ni Dominic Roque.



Cristy Fermin Binuking Ang Pagtrato Ni Bea Alonzo Sa Kanyang Mga Kasambahay at Driver!

Walang komento


 Muli na namang nagsiwalat ng pasabog ang beteranang showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin patungkol sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Muling nahaharap ang batikang aktres na si Bea Alonzo sa panibagong kontrobersiya ngayong tila hindi pa natatapos ang kontrobersiya ng hiwalaya nila ni Dominic Roque dahil sa mga isiniwalat ni Cristy Fermin sa kamakailang episode ng kanyang programa.


Tila may panibagong problema na namang kakaharapin ang aktres at siguradong puputaktihin na naman siya ng mga bashers dahil dito.

Ayon sa isiniwalat nina Cristy Fermin at Romel Chika sa isang episode ng Cristy Ferminute may mga nakarating sa kanila na pagrarant sa social media ng mga pinaalis na kasambahay ni Bea Alonzo, maging ang girlfriend ng driver ni Bea Alonzo ay may reklamo rin sa mga patakaran ng aktres pagdating sa trabaho.


Ayon kay Cristy Fermin, nagrarant ngayon sa social media ang mga ito at kalat na kalat na rin umano ang kanilang pagrereklamo lalo na ang girlfriend ng kanyang driver.


Nagrarant umano ang girlfriend ng driver ni Bea Alonzo dahil sa kabila ng kabaitan ng mga staff ni Bea Alonzo at pagbibigay ng tamang benipisyo para sa kanyang mga kasambahay at driver kabilang na ang pagbabayad ng aktres sa SSS at PhilHealth hindi naman umano pinapayagan ng aktres ang kanyang mga kasambahay na lumabas upang asikasuhin ang kanilang mga dokumento.


Nabanggit rin ni Cristy Fermin ang insidente kung saan may nabangga ang driver ng aktres ng ibang sasakyan. Pinapabayaran umano ni Bea Alonzo sa driver ang mga sira sa kanyang kotse.

Napatanong tuloy si Cristy Fermin kung wala bang insurance ang mga kotse ng aktres. Tiyak naman umanong kumuha ng insurance ang aktres.


Iginiit din ni Cristy Fermin na wala naman umanong driver na gugustuhing makabangga o maaksidente.


Dahil sa mga naglabasang mga baho ngayon ng aktres na si Bea Alonzo, marami ang nagsasabi na tila nababawasan na rin ang kredibilidad ng aktres.


Ipinunto naman nina Cristy Fermin na bukas silang mapakinggan ang panig ni Bea Alonzo.



Bungangera Tv Kakasuhan Ni Kiko Pangilinan, Sharon Cuneta Sinuportahan Ang Mister

Walang komento


 Umaksyon na ang mag-asawang sina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta laban sa mga vloggers at YouTubers na sinisiraan ang kanilang puri at kanilang pamilya.


Marami sa mga netizens ang sumuporta kay Kiko Pangilinan matapos nitong sampahan ng cyber libel laban sa mga vloggers na nagpapakalat ng mga malisyosong balita patungkol sa kanilang pamilya.


Isa sa mga vloggers na inirereklamo ni Kiko Pangilinan ay si Bungangera TV kung saan ibinabalita nito ang ilang mga malisyoso at walang katotohanan balita laban sa kanya na may layong sirain ang kanyang pangalan.


Ayon kay Dating Senador Kiko Pangilinan, dahil sa mga mapanirang balita laban sa kanya at sa kanyang pamilya ay labis nang naapektuhan ang kanyang reputasyon at ang kanyang career bilang isang public servant.


Dahil rin umano sa mga maling balitang ipinapakalat laban sa kanilang pamilya ay nagkaroon na sila ng anxiety at stress.


Nag-complain rin si Kiko Pangilinan sa Google at Youtube kung bakit pinapayagan nila ang mga ganitong uri ng content at binibigyan pa ng mga ads.


Ayon pa kay Kiko Pangilinan, noon pang December nila nirereklamo ang nasabing Youtube channel subalit hanggang ngayon ay uploader pa rin umano ang mapanirang video laban sa kanya.


Dagdag pa ni Kiko Pangilinan na ang mga ganitong uri ng mga video pa ang makakakuha ng maraming views dahilan na sila naman ang batikosin ng hindi mapanuring netizens.


Samantala, suportado naman ni Sharon Cuneta ang desisyon ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan sa pagbibigay ng leksyon sa mga taong nagpapakalat ng mga maling impormasyon sa social media.



Ayun Na! Vice Ganda Ipinahiwatig Ang Paglipat Ng It'S Showtime Sa GMA7 Network!

Walang komento

Martes, Marso 12, 2024


 Kaagad na nagviral ang naging pahayag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime nitong March 12, 2024.


Marami sa mga netizens at mga madlang pipol na tila may mas malalim na kahulugan ang pahayag ni Vice Ganda at halata rin umano sa mukha nito ang excitement at may patalon talon pa ito.


Sa nasabing episode, unang napag-usapan nina Vice Ganda ang pagmanifest sa magagandang araw, naging makahulugan ang mga pahayag ni Vice Ganda patungkol sa pagmamanifest niya sa mga magagandang araw na darating pa sa It's Showtime.


Unang tinanong ni Vice Ganda ang mga madlang pipol kung narinig na ba nila ang kasabihang 'manifest the best days, the best days'. Nagtatalon naman si Vice Ganda at bakas sa mukha ang kasiyahan, kaagad din itong sinabayan ng Vhong Navarro na tila ba mayroon din alam sa mga nangyayari.


Samantala marami naman ang naghinala na may alam sina Vhong Navarro at Vice Ganda sa mangyayari sa kanilang show ngayong natigil na ang Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Incorporated.


Nauna na ring naiulat sa showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz na may nakakarating na sa kanilang mga bulong-bulungan patungkol sa pagkakalipat ng It's Showtime sa GMA7 para na rin pagtatapat ng mga ito sa show ng TVJ.


Sa kabila nito, may mga kondisyon rin naman umano ang GMA7 sa pagpapaere ng It's Showtime sa kanilang network, ito ay dapat palitan ang ibang mga hosts ng It's Showtime ng mga Kapuso artists.


Sa ngayon ay nasa It's Showtime management na umano kung papayag ba sila sa kondisyon na ibinigay ng GMA7 para mailipat sila sa channel na mayroong mas malawak na reach.


Samantala, marami naman ang hindi nagustuhan ang kondisyon ng GMA7 dahil bakit kinailangan pang palitan ang mga hosts ng It's Showtime. 


May mga naglabasan ring ulat na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at Jhong Hilario na lamang ang magiging mainstay host ng show ang iba ay maaring mapalitan umano o di kaya ay magsasalitan na lamang sa paglabas. 


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang GMA7 at ABS-CBN patungkol sa isyung ito.




Paglipat Ng Its Showtime Sa Gma-7 May Isang Kundisyon Ang GMA!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang posibilidad na mailipat sa GMA Network ang noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime na kasalukuyang umiere sa subsidiary channel ng GMA7 na GTV.


Marami ang naku-curious kung ano ang magbabago sa show kung sakaling sila ang papalit sa nabakanteng timeslot matapos ma-call off ang Tahanang Pinakamasaya.


May mga nag-aabang kung sinong Kapuso host ang maidadagdag sa It's Showtime family at sino sa mga ito ang magpapaalam na sa nasabing show.


May posibilidad rin naman umano na hindi totally na tatanggalin ang ibang host subalit magkakaroon na ng salitan sa kung sino ang lalabas sa partikular na araw.


May mga usap-usapan rin na tanging sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario at Vhong Navarro lamang ang palaging mapapanood sa show muli lunes hanggang sabado.


Samantala, may mga naniniwala naman na kung ito rin man ang mangyayari sa show sa kanilang paglipat muli ng ibang network ay huwag nalang dahil hindi na muling masisilayan na kompleto ang It's Showtime family.


Naniniwala naman ang ilang mga netizens na hindi papayag si Vice Ganda kung mababawasan lamang sila ng myembro dahil nauna nang ipinahayag noon ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na kuntento na siya sa mga kasalukuyang hosts ng show.


Naunang pumutok ang balitang papalitan ng It's Showtime ang Tahanang Pinakamasaya nang maibahagi ito ng kilalang showbiz insider at talent manager sa kanyang Showbiz Updates vlog.


Sa ngayon ay wala pa naman umanong kumpirmasyon patungkol sa balitang ito at kung totoo mang papasok na sa main network ng GMA ang dating nasa katapat na show'ng It's Showtime.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo