Sharon Cuneta Kinumpirma Ang Hindi Pagkakaunawaan Sa Pagitan Nila Ni Gabby Concepcion Ulit!

Miyerkules, Marso 13, 2024

/ by Lovely


 Sharon Cuneta nagbigay na ng pahayag patungkol sa totoong dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang pagsasamahan sana nilang concert muli ng dating mister na si Gabby Concepcion.


Ilan sa mga tagahanga ng aktres na si Sharon Cuneta ang nababahala dahil hindi na umano nagbibigay ng update ang aktres-singer sa kanyang social media na dati namang ginagawa ng aktres.


Naibsan lamang ang kanilang pag-aalala ng mamataang maayos naman ito sa isang press conference para sa ikalimang anniversary ng InLife heroes, isang empowerment movement ng Insular Life na ginanap sa Makati City noong martes March 12, 2024.


Kabilang sa mga naitanong kay Sharon Cuneta ng mga press people kung ano ang magiging kasunod sa Dear Heart concert nila ni Gabbi Concepcion.


Dito na tuluyang kinumpirma ni Sharon Cuneta na hindi na matutuloy ang PS. I Love You concert nila ni Gabby Concepcion na noon pang January nakatakdang mangyari.


Ayon kay Sharon Cuneta, napakaganda ng hinandang set of songs para sa kanilang concert sana ni Gabby Concepcion na tiyak umanong ikakasiya ng kanilang mga fans.


Subalit, ang lahat ng ito ay hindi na matutuloy dahil sa problemang hatid ng kampo ni Gabby Concepcion. Iginiit pa niya na walang problema ang kanilang side. Nagkaroon lamang ng problema ang kanilang negosasyon dahil hindi na naging maganda ang usapan nila sa side ng aktor.


Ikinalungkot naman ito ng mga avid supporters nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta dahil inakala nila na ang Dear Heart concert nina Gabby Concepcion ang magiging simula ng mas marami pang collaboration ng dalawa subalit tila naging daan pa ito upang lalong magkalayo ang kanilang loob.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo