Claudine Barretto Isiniwalat Ang Kalagayan Ni Jaclyn Jose Bago Pa Ito Nawala

Walang komento

Martes, Marso 5, 2024


 Ikinalungkot at ikinagulat ng maraming mga netizens at mga kasamahan ng trabaho ni Jaclyn Jose ang kanyang biglaang pagpanaw nitong March 2, 2024.


Marami ang hindi makapaniwalang pumanaw na ang aktres dahil nakakausap pa nila ito at hindi naman nagkaroon ng malubhang sakit.


Isa sa mga nagpahayag ng kanyang pagdadalamhati ay ang batikang aktres na si Claudine Barretto na ilang beses na nakasama ni Jaclyn Jose sa mga pelikula noon. Ayon kay Claudine Barretto, hinding-hindi niya matatanggap kaagad ang pagpanaw ng kanyang Nanay Jaclyn na itinuturing na rin niyang ina dahil magkalapit lamang ang kanilang tinitirhan.


Ibinahagi ni Claudine Barretto, na noong February 29 ay iniwan sila ni Direk Wenn nito namang March 2 ay iniwan naman umano sila ni Jaclyn Jose na tinatawag niyang Nanay Jane kaya. Ipinahayag rin ni Claudine na nakakaramdam siya ng unbearable pain sa magkasunod na pagpanaw ng dalawa.


Ayon pa sa pagbabahagi ni Claudine Barretto 11 houses lamang ang pagitan ng kanilang mga tinitirhan. Ang labis umano niyang mamimiss kay Jaclyn Jose ay ang pagpunta nito sa kanyang kwarto at tatabihan pa umano siya nitong matulog.


Kapag nagising naman umano siya ay sasabihan siya ni Jaclyn na matulog lamang muli dahil namiss lamang siya nito. Palagi rin umanong ipinaalala nito sa kanya na naroon lamang ito para sa kanyang palagi.


Ibinahagi rin ni Claudine Barretto na sa tuwing may pinagdadaanan siya ay tatakbo lamang siya mula sa kanyang bahay papunta kay Jaclyn. Tatabi umano siya rito at hihiling doon na muna siya.


Yayakapin umano siya nito ng mahigpit, kakantahan at patatahanin kinabusan ay may mainit na nang sabaw na iaakyat si Yaya Ging para sa kanya.


Aminado rin si Claudine na labis ang kanyang paghihinayana at pagsisisis kaya nakaramdam siya ng galit dahil 3 months niyang hindi nadadalaw si Jaclyn tapos ito na ang nangyari.


Inilahad ni Claudine kung gaano niya ito ka-mahal dahil ito na rin ang tinuturing niyang ina at alam umano niyang anak na rin ang turing sa kanya ni Jaclyn Jose.


Marami naman sa mga netizens ang nakisimpatya sa pagdadalamhati ni Claudine Barretto dahil hindi rin naman umano biro ang mga pinagdaanan nilang dalawa lalo na't ito ang naging sandigan niya sa kanyang mga pinagdadaanan noon.



Huling Text Ni Jaclyn Jose Sa Kaibigan Excited Sana Sa Kanilang Pagkikita , Hindi Na Dumating

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag si Andi Eigenmann isa sa mga anak ni Jaclyn Jose kung saan nilinaw niya ang totoong dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.


Ayon sa pahayag ni Andi Eigenmann, ang sanhi ng pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose ay Myocardial infarction o heart attack noong sabado ng umaga March 2, 2024 sa edad na 60.


Hiniling rin ni Andi Eigenmann na sana ay itigil na ng mga netizens at ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa pagpanaw ng kanyang ina.


Matatandaan na naglabasan ang ilang mga haka-haka patungkol sa nangyari kabilang na ang isyung may foul play na naganap, may mga nagsasabi pang nadulas umano sa hagdan ang beteranang aktres at dahil nag-iisa lamang ito sa bahay ay walang nakapagbigay ng tulong sa kanya.


Sa kabilang banda, bukod sa pamilya ni Jaclyn Jose labis ring nagdadalamhati sa pagpanaw ng aktres ang kanyang malalapit na kaibigan na hindi parin makapaniwala sa nangyari. 


Ibinahagi pa ng isa sa mga malalapit kaibigan ni Jaclyn Jose na si Jo Macasa ang kanilang huling pag-uusap bago ito pumanaw kung saan excited pa umano ito sa kanilang pagkikita.


Ayon kay Jo, nakatakda sana silang magkita ni Jaclyn Jose noong March 3, 2024 subalit hindi na umano ito sumipot sa oras na napagusapan nilang pagkikita sana kaya naman labis umano niyang ikinagulat nang mabalitaang pumanaw na pala ang aktres noon pang umaga ng March 2, 2024.


Inilahad din ni Jo ang labis na pagka-miss kay Jaclyn Jose na itinuturing niyang best actress, best ally at best friend.


Kalakip ng post ni Jo Macasa ang kanilang huling conversation ni Jaclyn Jose kung saan tila masigla pa ito habang kapalitan niya ng ma mensahe. Mababasa naman sa kanilang mensahe ang kanilang pagkakasundo na magkita sa isang cinema noong March 3 sana subalit hindi na umano nakarating pa si Jaclyn dahil noon pang March 2 nang umaga pumanaw na ito.



Gela Atayde, Sinabing Hindi Buntis Ang Ate Niyang Si Ria Atayde

Walang komento

Lunes, Marso 4, 2024


 Naglabas na ng reaksyon ang kampo ng aktres na si Ria Atayde patungkol sa mga kumakalat na balita na kaya siya pakakasalan ni Zanjoe Marudo ay dahil nabuntis siya nito.


Hindi na nakapagtimpi ang kapatid ni Ria Atayde na ang Kapamilya actress na si Gela Atayde sa mga isyung binabahiran ang pagkakaengaged ng kanyang ate na si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo.


Matatandaan na sa gitna ng pagbubunyi ng maraming mga fans nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa kanilang engagement may mga nagbibigay kulay rito dahil bukod sa singsing ay wala nang ibinahaging detalye si Ria patungkol sa naganap na proposal.


May mga naglabasang mga isyu na umano'y nabuntis ni Zanjoe Marudo si Ria Atayde kaya naman minadali na umano ang kanilang engagement.


Samantala, sa gitna ng mga usaping ito, nagbigay na ng pahayag si Gela Atayde patungkol rito.


Ayon kay Gela Atayde sa isang panayam nitong March 3, 2024 iginiit niyang walang katotohanang nagbubuntis ang kanyang ate na si Ria Atayde na siyang dahilan kung bakit pakakasalan ito ni Arjo Atayde.


Ibinunyag rin ni Gela na matagal nang nagpaplano sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na bumuo ng sariling pamilya subalit isinaalang-alang rin umano nila ang kondisyon ni Ria Atayde.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong Polycystic Ovary Syndrome.


Iginiit din ni Gela na kung sakali mang totoong buntis si Ria Atayde ay hindi na rin naman sila tutol dahil nasa tamang edad na rin naman sila ni Zanjoe Marudo para magkaroon ng anak at magkapagbuo ng sariling pamilya.


Nasa 32 na rin ang edad ni Ria Atayde habang 42 naman si Zanjoe.


Kung sakali mang mabuntis si Ria hindi na umano ito kailangan pang itago dahil ituturing nila itong miracle dahil sa kondisyon ni Ria Atayde.


Isiniwalat din ni Gela na para sa kanya perfect ang ginawang proposal ni Zanjoe Marudo kay Ria Atayde dahil naganap ito habang nasa bed sila at paggising umano nila ay engage na ang dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng anumang detalye sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde patungkol sa detalye ng kanilang kasal at kung kailan ito magaganap.



Vice Ganda, Bela Pinaringgan Si Xian Lim Gamit Ang Contestant Sa Expecially for You

Walang komento


 Tila muling naglabas ng clue ang mga co-hosts ni Kim Chiu sa It's Showtime na si Vice Ganda sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Xian Lim at Kim Chiu.


Sa nagdaang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You tila napagkaisahan nina Vice Ganda at Bela Padilla si Kim Chiu sa kabila ng pagiging absent nito sa nasabing show dahil sa kanyang taping para sa Pinoy adaptation ng What's Wrong with Secretary Kim?


Bagama't wala roon si Chinita Princess hindi naman napigilan nina Vice Ganda at Bela Padilla na magbigay ng komento sa kanilang contestant na ang pangalan ay Zian. Tila hindi napigilan ng dalawa na paringgan ang dating nobyo ni Kim Chiu na si Xian Lim.



Sa nasabing episode ng It's Showtime, nagkataon na Zian ang pangalan ng kanilang 'searchy'. Kaagad namang napansin ng mga netizens na tila kakaiaba ang mga binibitawang pahayag nina Vice Ganda at Bela Padilla sa kanilang 'searchy'.


Ayon kay Vice Ganda, si Zian ay mukhang nanloloko, sinigundahan naman ito ni Bela Padilla kung sinabi niya na tila mukhang nangmamaoy na ang ibig umano ay cheater.


Kaagad namang naikonekta ng mga netizens kung sinong 'Zian' ang tinutukoy nina Bela Padilla at Vice Ganda na sinasabihan nilang cheater. 


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na kumakalat ngayon ang mga balitang nagkaroon na ng panibagong babae si Xian Lim ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Marami sa mga netizens ang naniniwalang noon pa mang magkarelasyon pa sina Kim Chiu at Xian Lim ay nagkakamabutihan na sila ni Iris Lee tinago lamang umano nila ito sa publiko upang makaiwas sa kontrobersiya.


Marami rin ang naghinala na si Iris Lee ang dahilan kung bakit hindi na ipinaglaban ni Xian Lim ang pagmamahalan nila ni Kim Chiu at pinabayaan na lamang niya itong magtapos.


Samantala, naiintindihan naman ng ilang mga netizens ang pinanghuhugutan nina Vice Ganda at Bela Padilla sa mga tila parinig nila kay Xian Lim dahil nagpapakita lamang ito kung gaano nila kamahal si Kim Chiu.


Muling Spotted Si Xian Lim Kasama Ang Rumored Jowa Na Si Iris Lee!

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang Kapuso actor na si Xian Lim matapos itong muling mamataan kasama ang pinaghihinalaang girlfriend na si Iris Lee.


Muling nag-iinit ang mga fans ng Kapamilya actress-TV Host na si Kim Chiu ng muli na namang mamataan ang dating nobyo nitong si Xian Lim kasama ang pinaghihinalaang panibagong girlfriend nito na si Iris Lee ilang buwan matapos aminin ng dalawa na nagwakas na ang kanilang 12 years relationship.


Ayon sa mga kumakalat ngayong haka-haka namataan umano si Xian Lim kasama ang kanyang pinaghihinalaang girlfriend na si Iris Lee na nagbabakasyon sa Bangkok, Thailand.


Marami ang napapakomento kung bakit hindi na lamang magjowa reveal sina Iris Lee at Xian Lim gayung halatado naman na umano ang kanilang relasyon.


Samantala, may mga nagsasabi naman na hindi bakasyon ang ipinunta ng dalawa sa Bangkok, Thailand kundi trabaho. Malapit na kasing simulan ang proyekto ni Xian Lim bilang isang direktor.


Nagpunta umano ang dalawa sa Bangkok, Thailand upang maghanap ng mga lugar kung saan magandang ishoot ang kanilang project. Sa ngayon ay hindi pa umano niya masasabi ang pamagat ng kanilang proyekto at hindi pa rin umano sila tapos mag casting.


Naunang kumalat ang balitang si Iris Lee ang ipinalit ni Xian Lim sa kanyang puso noon pa mang hindi pa inaamin ng dalawa ang kanilang hiwalayan. May mga kumalat na larawan kung saan makikitang magkasama sina Xian Lim at Iris Lee na nanonood ng concert na magkasama.


Nasundan pa ito nang kumalat ang larawan nila na magkasama sa isang racing lesson, may mga nagsasabing nagbabalak na mag-aral magmaneho ni Iris upang masamahan na niya sa mga racing events si Xian Lim.


Makikita sa nasabing larawan na komportableng nakaakbay si Xian Lim kay Iris Lee habang hinawakan naman ng babae ang kamay nito.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang ilang mga netizens na normal lamang na makitang magkasama roon sina Xian Lim at Iris Lee dahil may posibilidad na ang huli na naman ang producer ng gagawing project ni Xian Lim.


Actual Na Pagsasara at Pamamaalan Ng Tahanang Pinakamasaya Sa GMA Network at Pagsuko Ng TAPE

Walang komento


 Naging matunog na usapin sa ilang mga social media platforms ang pagwawakas ng noontime show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya, na siyang ipinalit nila sa dating pamgat na Eat Bulaga matapos itong ibigay sa TVJ.


Ang balitang ito ay hindi pormal na inanunsyo ng mga host sa nasabing show subalit ang balitang ito ay kinumpirma na ng mga staff ng TAPE Incorporated.


Bago paman nakumpirma ang pagwawakas ng Tahanang Pinakamasaya marami ang nakapansin na tila kakaiba ang closing spiels ng mga hosts ng Tahanang Pinakamasaya. Bukod pa rito, kapansin-pansin rin na tila may pinaparinggan sila sa kanilang mga spiel.


Tila ba may pangigigil umano ang mga host, bukod pa rito kapansin-pansin rin umano ang lungkot sa kanilang mga mata. 


Sa kabilang banda, matapos makumpirmang magtatapos na ang noontime show, kaagad na napansin ng mga netizens na burado na rin ang mga social media pages na hawak ng TAPE Inc. kung saan makikita ang ilang mga clips ng show.


May ilang mga fans naman ng Tahanang Pinakamasaya ang dismayado sa hakbang na ito dahil tila tinago pa umano ng mga ito ang kanilang pagtatapos at hindi pormal na nagbigay ng pahayag para malinawan rin ang kanilang mga tagasubaybay.


Marami ang nagsasabi na tila hindi man lamang pinapahalagahan ng mga hosts ang kanilang mga avid supporters dahil hindi man lamang nagpasintabi ang mga ito na hindi na muli iere ng live ang kanilang show.


Pinapatunayan lamang umano nito ang unprofessionalism ng mga Jalosjos na siyang executives ng TAPE Incorporated at ng kanilang mga hosts.


Samantala, sa gitna ng mga negatibong komento na natatanggap ngayon ng Tahanang Pinakamasaya hosts at TAPE Incorporated executives marami naman ang nalulungkot at naawa sa mga staff ng Tahanang Pinakamasaya na mawawalan ng trabaho dahil sa pagtatapos ng show.


Sa kabilang banda, naglabas na rin ng update ang ina ng kambal na Legaspi na kabilang sa mga host ng Tahanang Pinakamasaya patungkol sa huling episode nito na umire noong Sabado, March 2, 2024.


Hindi rin diretsahang inamin ni Carmina Villaroel na nagtapos na ang Tahanang Pinakamasaya na kinabibilangan ng kanyang mga anak na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi subalit kaagad itong nakuha ng mga netizens dahil sa music na ginamit niya bilang background music sa mga larawan ng mga host ng Tahanang Pinakamasaya.


Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na pormal na pahayag ang mga Jalosjos patungkol sa totoong dahilan kung bakit bigla na lamang nilang pinahinto ang airing ng Tahanang Pinakamasaya ilang buwan matapos nitong palitan ang titulo ng Eat Bulaga.


Wala rin silang inilabas na pahayag patungkol sa mangyayari sa mga staff nilang mawawalan rin ng trabaho dahil sa biglaan nilang desisyon.


Nauna rito, lumabas ang mga balitang may 800 milyong utang ang TAPE Inc. na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayarin at hindi rin umano nila nababawi ito dahil karamihan sa kanilang mga bigating advertisers ay sumama rin sa TVJ noong nagresign ang mga ito.



Andi Eigenmann Nilinaw Ang Dahilan ng Pagkawala ng Kanyang Ina

Walang komento


 Umiiyak na humarap sa media ang dating actress na si Andi Eigenmann upang magbigay ng pahayag patungkol sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina na si Mary Jane Guck na mas kilala sa kanyang screen name na Jaclyn Jose.


Nitong lunes, March 4, 2024, emosyunal na humarap sa publiko ang dating aktres na si Andi Eigenmann upang magbigay ng reaksyon patungkol sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina. Kasama ni Andi Eigenmann ang kanyang nakakatandang kapatid sa ama na si Gabbi Eigenmann. 


Ayon kay Andi Eigenmann, sumakabilang buhay ang kanyang ina na si Mary Guck aka Jaclyn Jose noong umaga ng sabado March 2, 2024 sa edad na 60 dahil sa Myocardial infarction o tinatawag ring heart attack.


Inamin rin ni Andi na maging siya ay ikinagulat ang nangyari sa kanyang ina na buong akala nila ay may malusog na pangangatawan.


Nagpapasalamat naman si Andi Eigenmann sa lahat ng mga nakiramay sa pagluluksa ng kanilang pamilya dala ng pangyayaring ito at sa mga nag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng kanyang ina.


Hiniling rin ni Andi ang respeto ng mga netizens sa kanilang pagluluksa at itigil na umano ang kung ano-anong ipinapakalat patungkol sa pagkawala ng kanilang ina. Hinihingi rin ni Andi ang pang-unawa at sana ay ibigay umano sa kanila ang pagkakataon at privacy para lubusang makapagluksa.


Bukod kay Andi Eigenmann naulila rin ni Jaclyn Jose ang isa pa niyang anak na si Gwen Guck.


Patuloy namang bumubuhos ang mga mensahe ng pakikiramay at pagluluksa para sa namayapang si Jaclyn Jose.



GMA Network Naglabas Na Ng Desisyon Sa Tahanang Pinakamasaya!

Walang komento


 Naglabas na ng desisyon ang GMA Network at TAPE Incorporated sa kung ano ang gagawin nila sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya na tila hanggang ngayon ay patuloy na nakakatanggap ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.


Tinuldukan na ng GMA7 at TAPE Incorporated ang kanilang noontime variety show nila na Tahanang Pinakamasaya na hino-host nina Isko Moreno, Paolo Contis, Betong Sumaya. Buboy Villar, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Dasuri Choi at iba pang mga Kapuso stars. 


Ang pamagat na 'Tahanang Pinakamasaya' ang ipinalit ng TAPE Inc. sa dating pamagat ng kanilang show ng 'Eat Bulaga' matapos panigan ng korte ang appeal ng TVJ patungkol sa pagmamay-ari nila sa copyright ng 'Eat Bulaga' bilang totoong creator nito.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, masyado umanong malaki ang bayad sa airtime ng nasabing noontime show bukod pa rito, malaki rin umano ang ibinabayad ng TAPE Incorporated para sa talent fee ng mga hosts at may mga gastusin rin umano na hindi pa kasali sa mga nabanggit.


Kaya naman nakagawa umano ng mutual decision ang TAPE Incorporated at GMA7 na tatapusin na lamang ang Tahanang Pinakamasaya. Simula lunes, mag-replay episodes na muna ang mapapanood sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya.


Iginiit rin ng source na hindi naman tsinugi ng GMA7 ang nasabing show kundi nagmula umano ang desisyon na ito sa TAPE Incorporated na siyang producer ng Tahanang Pinakamasaya.


Hindi naman umano nagpaalam ang mga hosts ng Tahanang Pinakamasaya dahil patuloy pa rin silang humihirit na ipagpatuloy ang show kahit hanggang sa huling araw na lamang nila sa darating na March 7, 2024.


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa naman malinaw kung ano ang ipapalit ng GMA7 sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya. Marami naman sa mga fans ng It's Showtime na sana ay ito na lamang ang ipalit nila upang mas marami na ang makakapanood nito.




Resulta Ng Imbistigasyon Ayon Sa SOCO Ng Matagpuan Si Jaclyn Jose Ng Walang Buhay!

Walang komento


 Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balita patungkol sa biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.


Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang talent management na kinabibilangan ng Jaclyn Jose kung saan kinumpirma nila ang balitang namaalam na ito ng tuluyan sa edad na 59 years old.


Sa kabila ng kumpirmasyon, hindi naman nila isinapubliko ang totoong dahilan ng pagpanaw nito. Hiniling umano ng pamilya ng aktres na bigyan muna sila ng pagkakataong makapagluksa at sana ay bigyan muna sila ng privacy habang unti-unting tinatanggap ang nangyari.


Sa kabila nito, may mga naglabasan namang mga haka-haka na umano'y noon pang isang araw pumanaw ang aktres dahil nang matagpuan umano ito sa loob ng kanyang pamamahay sa Alabang ay nangingitim na ito.


Ikinagulat ng maraming mga netizens ang paglabas ng balitang pumanaw na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose. Nadatnan na lamang umano ang aktres na wala nang buhay sa loob ng kanyang pamamahay sa Quezon City.


Ayon naman sa mga naglabasang mga ulat, mula sa mga taong naninirahan malapit sa bahay ni Jaclyn Jose kung saan natagpuan ang aktres na wala ng buhay base na rin sa mga narinig nila mula sa mga rumespondeng SOCO sa nasabing lugar.


Batay sa kanilang mga narinig pinaghihinalaang noong pang sabado March 2, 2024 pumanaw si Jaclyn Jose dahil nangingitim na umano ito nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay.


Ayon pa sa isang kapitbahay ni Jaclyn Jose nagpaalam umano ang kasambahay ni Jaclyn kaya naman mag-isa na lamang ito sa kanyang pamamahay. Ipinunto pa nito na kung siya ang tatanungin, talagang mahirap para sa isang may edad na maiiwan na mag-isa sa loob ng bahay.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng anumang detalye ang pamilya ng aktres patungkol sa totoong nangyari at kung ano ang dahilan ng biglaang pagpanaw ni Jaclyn Jose.




Ara Mina Nakasama Pa Si Jaclyn Jose Bago Ang Biglaang Pamamaalam

Walang komento


 Marami sa mga fans, kasamahan sa trabaho at mga kaibigan ng batikang aktres na si Jaclyn Jose ang nagluluksa ngayon dahil sa paglabas ng balitang namaalam na ito sa edad na 59.


Marami ang hindi makapaniwala sa balitang ito dahil hindi naman naibalitang may sakit na iniinda ang aktres. May mga naniniwala rin na napakaaga pa rin ng edad na 59 para tuluyang mamaalam si Jaclyn.


Isa sa nagbigay ng reaskyon sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn Jose ay si Ara Mina na maraming beses na nakasama ni Jaclyn Jose sa trabaho.


Sa pagbabahagi ni Ara Mina, inilahad niyang kamakailan lamang ay nagkasama pa sila ni Jaclyn Jose sa katunayan ay nakatanggap pa umano siya ng mensahe mula rito dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas.


Labis rin na nalulungkot si Ara Mina dahil itinuring na rin niyang ate si Jaclyn Jose, isiniwalat pa niya na mayroon sana silang pelikula na pagsasamahan subalit hindi na ito matutuloy dahil sa biglaang pagpanaw nito.


Makakasama rin sana umano nila sa movie si Ronaldo Valdez na nauna nang pumanaw noong December 2023.


Binalikan rin ni Ara Mina ang pagsasama nila noon ni Jaclyn Jose na nakasama na niya noon pang 2015 habang 15 years old pa lamang siya sa pelikulang The Flor Contempacion Story, Prinsesa ng Banyera at ang gagawin sana nilang pelikula ngayon na pinamagatang Poon.


Pinasalamatan rin ito ni Ara Mina sa lahat ng mga contributions nito sa industriya ng showbiz sa bansa bukod sa lahat malaki ang pasasalamat ni Ara Mina kay Jaclyn Jose sa mga masasayang alaala na naibigay nito sa kanya at sa pagkakaibigan nilang dalawa.


Kaagad namang umani ng komento ng mga netizens at maging ng mga celebrities na nagluluksa rin sa nangyari kay Jaclyn Jose.


Sa ngayon ay hindi pa ibinunyag ang dahilan ng biglaang pagpanaw ng aktres gayunpaman, hiniling ng pamilya nito ngayon ang respeto sa kanilang pagluluksa sa pumanaw nilang mahal sa buhay.


Hiniling rin ng naulilang pamilya nito na sana ay ipagdasal na lamang ng mga netizens at mga fans ni Jaclyn Jose ang kaluluwa nito.


It"s Showtime, Vice Ganda Nagreact Sa Pamamaalam Ng Tahanang Pinakamasaya!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang mamamaalam na ang noontime show na produced ng TAPE Inc. na Tahanang Pinakamasaya matapos ang ilang buwan ng pagpapalit nila ng titulo dahil sa pagkatalo sa TVJ.


May 97 staff ng production at 33 na mga empleyado ng TAPE Incorporated ang nakatakdang mawalan ng trabaho dahil sa tuluyan nilang pamamaalam sa telebisyon ng noontime variety show na Tahanang Pinakamasaya na umiere sa GMA7.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang TAPE Incorporated ang producer ng Tahanang Pinakamasaya na dating Eat Bulaga na pinangungunahan ng TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon. Subalit, dahil sa pag-alis sa biglaang pag-alis ng TVJ sa kanila nagkaroon ng agawan ng titulo na sa huli ay nakuha ng TVJ.


Sa pagkalas ng TVJ sa TAPE Inc. may ilang mga empleyado ring naiwan rito dahil iilan lamang ang pinili nila na isama sa kanilang show sa TV5.


Sa kabilang banda, nakarating naman sa mga hosts ng It's Showtime ang balitang tuluyan nang mamamaalam ang Tahanang Pinakamasaya. Sa kamakailang episode ng It's Showtime inilahad nilang napakalungkot ng balitang ito lalo na sa mga staff at crews na mawawalan ng pangkabuhayan.


Ipinunto pa nila na hindi nararapat na ipagbunyi ng mga sumusuporta sa TVJ ang nangyari sa Tahanang Pinakamasaya dahil dapat ring isipin ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na iyong may binubuhay na pamilya at may mga pinapaaral na anak.


Matatandaan na matapos lumabas ang balitang ito, marami sa mga nakikisimpatya noon sa TVJ at bumabatikos sa mga panibagong host ng show ng TAPE Inc. ang natuwa dahil nakarma na umano ito.


May mga fans rin ng It's Showtime ang nagsasabing ngayon magiging bakante na ang noontime slot ng GMA maaring mailipat na umano rito ang show ng ABS-CBN. Tila ba nalimutan ng ilan na bukod sa mga hosts ng Tahanang Pinakamasaya mas maraming mga ordinaryong empleyado ng TAPE Inc. ang mawawalan ng trabaho.



Management Ni Jaclyn Jose Nagsalita Na Sa Biglaang Pagpanaw Ng Actress Sa Edad Na 59

Walang komento


 Kasalukuyang nagluluksa ang local entertainment industry dahil sa paglabas ng balita ng biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose sa edad na 59.


Ayon sa mga usap-usapan, pumanaw si Jaclyn Jose sa loob ng kanyang tahanan noong linggo March 3, 2024.


Kaagad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang PPL Entertainment, ang talent management agency na kinabibilangan ni Jaclyn Jose, kinumpirma na nila mismo ang malungkot na balita.


Hindi naman nila binanggit sa kung ano ang dahilan ng biglaan pagpanaw ng batikang aktres subalit hinihiling ng mga naiwang pamilya nito na ipagdasal ang kaluluwa ni Jaclyn Jose.


Hiling din nila sa lahat na bigyan sila ng panahon para makapagluksa at irespeto ang kanilang privacy.


Naulila ni Jaclyn Jose ang kanyang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Guck. Si Andi Eigenmann ay anak ni Jaclyn Jose sa namayapa na ring aktor na si Mark Gil. Habang anak naman ni Jaclyn sa isang myembro ng bandang The Don na si Kenneth Ilagan si Gwen Duck.


Si Mary Jane Guck na mas kilala sa kanyang screen name bilang si Jaclyn Jose ay ang kababatang kapatid ng dating aktres na si Veronica Jones. Si Jaclyn Jose rin ang kauna-unahang Pilipinang actress na nanalo ng award sa KANES Film Festival noong 2016 sa natatanging pagganap niya sa pelikulang Ma Rosa.


Nagsimula ang acting career ni Jaclyn Jose noong 1984 nang ipakilala siya bilang isa sa mga gaganap bilang bida ng Chikas. Launching movie nila ito nang kapwa niya baguhan na sina Lovely Rivero, Tanya Gomez, Rachel Avila at Karla Kalua.


Mula noon ay hindi na nahinto si Jaclyn sa pag-arte. 


Sa kabila naman ng pagkakilala kay Jaclyn Jose bilang isa sa mga sexy actress noong pagbidahan niya ang mga sexy movies na White Slavery noong 1985 at Private Show noong 1986, ipinakita ni Jaclyn Jose ang kanyang galing bilang aktres na naging dahilan para makatanggap siya ng iba't-ibang parangal sa ilang mga kilalang award giving bodies.


Pinatunayan rin ni Jaclyn Jose na walang maliit o malaking role sa isang aktres na punong-puno ng talent dahil nagampanan niya ng maayos ang lahat ng role na ipinagkatiwala sa kanya mapasiya man ang bida o hindi.


Narito ang ilang mga ginawang pelikula ni Jaclyn Jose na tumatak sa pbliko.


Celestina Sanchez Alyas Bubbles/ Enforcer: Ativan Gang noong 1985, Takaw Tukso na lumabas noong 1986, Misis Mo Misis Ko noong 1986, Itanong Mo Sa Buwan na ipinalabas noong 1988, Macho Dancer noong 1989 at marami pang iba.


Bukod pa rito, nakasama rin si Jaclyn Jose sa ilang mga hit telerseryes katulad na lamang ng Familia Zaragoza, Mula Sa Puso, Hiram, Ikaw ang Lahat sa Akin, Prinsesa ng Banyera, Dyosa, Nagsimula Sa Puso, Kung Tayo'y Magkakalayo, Sabel, Reputasyon at Kahit Puso'y Masugatan.




Vice Ganda Kinasa Na Ang Pagsalang Nina Kim Chiu at Paulo Avelino Sa Expecially for You

Walang komento

Biyernes, Marso 1, 2024


 Muli na namang naging sentro sa tuksuhan ang actress-TV host na si Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime. 


May panibagong  banat na naman ang Unkabogable Star na si Vice Ganda patungkol sa kanyang anak-anakan na si Kim Chiu. Sa kamakailang episode ng Expecially For You, isang segment ng It's Showtime, tampok sa kanilang usapan ang dahilan ng hiwalayan ng kanilang mga kontestant.


Sinabi ni Vice Ganda na kadalasan sa mga lalaki, sinasabing hindi nila kaya ang makipaghiwalay at naghihintay lamang sila na hiwalayan na ng babae. Ilang beses na umano itong narinig ni Vice Ganda kung saan hinihintay na lamang ng lalaki na ang babae na mismo ang bumitaw sa relasyon nila.


Kaagad namang sumabat si Kim Chiu sa nasabing pahayag ni Vice Ganda kung saan inilahad niyang kaya ito ginagawa ng mga lalaki para sila ang lumabas na victim dahil sila naman ang hiniwalayan, sila iyong iniwan.


Kaagad namang napagtanto ni Vice Ganda na humuhugot na si Kim Chiu kaya naman sinimulan na rin niyang asaran ito. Nagtanong si Vice Ganda kung sino ba talaga ang nakipaghiwalay sa mga kontestant, bigla namang sumabat si Kim Chiu at tinanong kung saan?


Dito na humirit na si Vice Ganda na para sa kanilang contestant ang tanong dahil sila naman ang guest ng kanilang show. Dito na nakisali si Vhong Navarro kung saan tinanong niya si Kim Chiu kung gusto rin ba ng aktres na maging guest sa segment na Expecially For You.


Ibinuking rin ni Vice Ganda na sa tuwing aabsent si Kim Chiu sa It's Showtime ay magpapadala ito ng mensahe sa kanya kung saan humingi ito ng pasensya at sinasabing magi-guest siya sa kanilang segment.


Sinakyan naman ito ni Kim Chiu at tinanong pa kung sino kaya ang magiging searchy. Sinabi naman ni Vice Ganda na walang dapat na ipagalala si Kim Chiu dahil hahanapan nila ito ng matinong lalaki dahil iba umano ang halaga ng isang Kim Chiu.


Marami naman ang humiling na kung sakali mang sasabak sa Expecially For You si Kim Chiu sana naman ay magiging searchy din si Paulo Avelino.



Alden Richards Nagsalita Na Sa Istado Ng Relasyon Nila Ni Catriona Gray!

Walang komento


 Nagsalita na ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan ng engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby, nilinaw ang totoong ugnayan nila ni Ms. Universe 2018 na si Catriona Gray.


Sa unang pagkakataon ay naglabas na ng pahayag ang Kapuso actor na si Alden Richards patungkol sa totoong relasyon nila ni Catriona Gray matapos maging laman ng mga usap-usapan sa social media na isa siya sa mga dahilan kung bakit naghiwalay sina Catriona Gray at Sam Milby.


Samantala, nauna nang naglabas ng pahayag ang Cornerstone Management, talent agency na kinabibilangan nina Catriona Gray at Sam Milby, na totoong may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa na pilit naman nilang nireresolba.


Sa kabilang banda, naglabasan na rin ang mga haka-haka kung saan sinasabing nagkakamabutihan na umano sina Catriona Gray at Alden Richards matapos magsama sa iisang endorsement. May mga naghinala pa na baka si Alden Richards talaga ang totoong dahilan ng pagkakalabuan ng dalawa.


Ayon pa sa spekulasyon ng ilang mga netizens na palihim umanong nililigawan ngayon ni Alden Richards si Catriona Gray kahit alam naman umano ni Alden na engaged na ito sa aktor na si Sam Milby.


Samantala, nagbigay naman umano ng sagot si Alden Richards sa mga ibinabatong isyu sa kanya ng mga netizens. Ayon umano kay Alden Richards, masaya siyang nalilink siya kay Catriona Gray dahil napakaganda nito subalit, wala umanong katotohanan ang isyung ito.


Wala umanong katotohanan ang isyung mayroon sila itinatagong relasyon ni Catriona Gray at nagkasama lamang umano sila dahil sa trabaho.


Bukod kay Alden Richards, may mga naghinala rin na may kinalaman sa totoong kasarian ni Sam Milby ang kinakaharap na pagsubok ngayon ng engaged couple. Marami kasi ang naghinalang myembro ng LGBTQ si Sam Milby at hindi pa lamang nitong inamin sa publiko.


May mga nagsasabi pang mga netizens na mas mabuti na ring maghiwalay ang mga ito kung totoong may itinatagong katauhan si Sam Milby kaysa doon pa sila maghiwalay kung naikasal na kagaya ng nangyari umano sa dating couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.


May mga binalikan pa ang naging isyu noon ni Sam Milby kung saan namataan itong ka-date ng isa pang lalaking aktor na matagal nang pinaghihinalaang bading.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng kung anumang komento sina Sam Milby at Catriona Gray sa mga isyung kumakalat ngayon patungkol sa kanilang relasyon.



Kelvin Miranda, Nagsalita Na Matapos Makatanggap Ng Batikos Dahil Sa Pagnguya Ng Chewing Gum

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang aktor na si Kelvin Miranda matapos makatanggap ng mga pambabatikos at mga negatibong komento mula sa mga netizens dahil sa kanyang pagnguya ng bubble gum.


Hindi nagustuhan ng maraming mga netizens ang pagnguya ng aktor na si Kelvin Miranda ng chewing gum habang nasa premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Beauty Gonzales na After All at habang nasa It's Showtime sila para ipromote ang nasabing pelikula.


Sa inilabas ng pahayag ni Kelvin Miranda, iginiit niya na wala sa intensyon niya na may maapakang tao at moralidad sa ginawa niyang pagngunguya. Inamin rin ng aktor na naging coping mechanism niya ang pagnguya ng chewing gum upang mabawasan ang kabang naramdaman.


Iginiit rin ng aktor na bago pa para sa kanya ang mga nangyayari at tila hindi pa umano niya alam kung paano i-handle ang lahat kaya naman idinaan na lamang niya sa pagnguya ng chewing gum.


Humihingi naman siya ng pasensya sa lahat at iginiit na hindi na niya uulitin pa ang ganitong gawi.


Dagdag pa ng aktor na coping mechanism lamang niya ang pagnguya na aminado naman siyang hindi nakabuti sa kanyang image.


Hindirin umano niya ito ginagawa para magmukhang gwapo o pagpapagwapo sadyang doon lamang umano niya ibinubuhos ang panginginig ng kanyang katawan dala na rin ng nerbyos.


Hindi rin naman niya ikina-offend ang natanggap na pamumuna kundi iniisip niya ito bilang aral para matuto siya at hindi na niya gagawin pang muli ang bagay na ito.


Bukod sa pelikulang After All, isa si Kelvin Miranda sa mga gaganap bilang panibagong Sanggre sa sequel ng Encantadia. Gaganap siya bilang kauna-unahang lalaking sanggre na magiging tagapangalaga sa Brilyante ng Tubig.




Ali Khatibi Ibinahay Ang Kanyang Nobya Sa Mismong Bahay Ni Ex-Wife Cristine Reyes!

Walang komento


 Dating asawa ni Christine Reyes na si Ali Khatibi ibinahay ang bagong nobya sa bahay na pagmamay-ari ng actress.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang dating asawa ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi matapos lumabas ang balita na ibinahay niya ang kanyang panibagong nobya sa mismong bahay na pagmamay-ari ni Christine Reyes.


Kamakailan lamang ay isiniwalat mismo ng self-proclaimed pambansang marites na si Xian Gaza ang balitang ito at isiniwalat rin niya na kaya hindi mabenta ni Cristine Reyes ang nasabing bahay dahil ayaw pumirma ng kanyang dating asawa na si Ali Khatibi dahil nakatira pa sila roon ng kanyang babae.


Sa pamamagitan ng isang Facebool post, unang naglabas ng blind item si Xian Gaza patungkol sa isang babaeng artista na may bahay sa Alabang subalit hindi naman maibenta dahil ayaw pumirma ng ex-husband.


Bukod pa rito, ibinahay rin umano roon ni ex-husband ang kanyang bagong nobya kahit alam naman umano niyang ang babaeng artista ang bumili ng nasabing bahay.


Hindi naman pinangalanan ni Xian Gaza kung sino ang kanyang tinutukoy sa nasabing post subalit, hindi nagtagal ay ibinahagi rin niya ang larawan ni Ali Khatibi kasama ang bagong nobya nito na nasa bahay na umano'y pagmamay-ari ni Cristine Reyes.


Dagdag pa ni Xian Gaza sa comment section ng kanyang post na may buyer na sana si Christine Reyes sa nasabing bahay subalit hindi ito natuloy dahil ayaw pumirma ng ex-husband. 


Iginiit din ni Xian Gaza na nasa 90% ng bahay ang binayaran ng ex-wife subalit pinili na lamang umano nitong manahimik muna. Dagdag pa ni Xian Gaza na talagang mas maigi na magkaroon ng pre-nup.


Kaagad namang nagresearch ang mga netizens sa nasabing bahay na tinitirhan ngayon ni Ali kasama ng kanyang bagong girlfriend, kaagad ring napag-alaman na totoong ang bahay ngang ito ang pagmamay-ari ni Cristine Reyes sa isang subdivision sa Alabang na nagkakahalagang 40 million pesos.


Nai-feature na rin ito ni Cristine Reyes noong 2016 sa kanyang Facebook post noong nagsasama pa sila ni Ali Khatibi. Sa nasabing psot ni Cristine Reyes, makikita ang exact location kung saan nagpakuha ng larawan si Ali Khatibi kasama ang pamilya at ang panibagong nobya.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si Cristine Reyes patungkol sa estado at arrangement nila ng kanyang ex-husband patungkol sa pagpapatira nito sa panibagong karelasyon sa bahay nilang dalawa.


Matatandaan na nagkahiwalay sina Cristine Reyes at Ali Khatibi noong 2019, subalit naging opisyal ang kanilang annulment nitong nagdaang taon lamang. Sa mga naunang mga naiulat patungkol sa dalawa lumalabas naman na maayos ang kanilang relasyon bilang co-parent ng kanilang anak na si Amara.


Ibinahagi pa mismo ni Cristine Reyes ang mga larawan nilang tatlo sa loob ng school ng bata.


Sa ngayon ay parehong may bagong karelasyon na sina Ali Khatibi at Cristine Reyes. Masaya ngayon ang aktres sa kanyang relasyon kay Marco Gumabao.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo