Vice Ganda, Bela Pinaringgan Si Xian Lim Gamit Ang Contestant Sa Expecially for You

Lunes, Marso 4, 2024

/ by Lovely


 Tila muling naglabas ng clue ang mga co-hosts ni Kim Chiu sa It's Showtime na si Vice Ganda sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Xian Lim at Kim Chiu.


Sa nagdaang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You tila napagkaisahan nina Vice Ganda at Bela Padilla si Kim Chiu sa kabila ng pagiging absent nito sa nasabing show dahil sa kanyang taping para sa Pinoy adaptation ng What's Wrong with Secretary Kim?


Bagama't wala roon si Chinita Princess hindi naman napigilan nina Vice Ganda at Bela Padilla na magbigay ng komento sa kanilang contestant na ang pangalan ay Zian. Tila hindi napigilan ng dalawa na paringgan ang dating nobyo ni Kim Chiu na si Xian Lim.



Sa nasabing episode ng It's Showtime, nagkataon na Zian ang pangalan ng kanilang 'searchy'. Kaagad namang napansin ng mga netizens na tila kakaiaba ang mga binibitawang pahayag nina Vice Ganda at Bela Padilla sa kanilang 'searchy'.


Ayon kay Vice Ganda, si Zian ay mukhang nanloloko, sinigundahan naman ito ni Bela Padilla kung sinabi niya na tila mukhang nangmamaoy na ang ibig umano ay cheater.


Kaagad namang naikonekta ng mga netizens kung sinong 'Zian' ang tinutukoy nina Bela Padilla at Vice Ganda na sinasabihan nilang cheater. 


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na kumakalat ngayon ang mga balitang nagkaroon na ng panibagong babae si Xian Lim ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Marami sa mga netizens ang naniniwalang noon pa mang magkarelasyon pa sina Kim Chiu at Xian Lim ay nagkakamabutihan na sila ni Iris Lee tinago lamang umano nila ito sa publiko upang makaiwas sa kontrobersiya.


Marami rin ang naghinala na si Iris Lee ang dahilan kung bakit hindi na ipinaglaban ni Xian Lim ang pagmamahalan nila ni Kim Chiu at pinabayaan na lamang niya itong magtapos.


Samantala, naiintindihan naman ng ilang mga netizens ang pinanghuhugutan nina Vice Ganda at Bela Padilla sa mga tila parinig nila kay Xian Lim dahil nagpapakita lamang ito kung gaano nila kamahal si Kim Chiu.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo