Jovelyn Galleno! Buking Na Scripted Ang Mga Ginawa!

Walang komento

Huwebes, Agosto 25, 2022


Hindi naniniwala ang mga residente sa Sitio Pulang Lupa na si Jovelyn Galleno ang natagpuang kalansay sa kanilang lugar.

Tila mas naging misteryoso ang pagkawala ni Jovelyn Galleno matapos mahuli ang umano'y mga suspek na pinsan pa ni Jovelyn Galleno. Matapos magbigay ng pahayag kung ano ang kanilang ginawa at kung saan nila dinala ang dalaga. Agad namang nakita ng mga pulis ang isang kalansay at ilang mga personal na gamit ni Jovelyn kasama na ang mga Identification cards nito sa mismong lugar na itinuro ng suspek.

Ang mas kataka-taka bakit naging kalansay at mga buto na lamang ito gayung dalawang linggo pa lamang mula ng mawala ito. Ayon naman sa ilang mga residente sa nasabing lugar, hindi man lang sila nakaamoy ng masangsang gayung ilang metro lamang ang layo nito mula sa kabahayan. Ang mas nakakapagtaka, pinununtahan umano ng tao ang nasabing lugar ngunit wala man lamang nakapansin na may bangkay na roon o kahit nakaamoy man lamang bago pa ang pagdating mga pulis.



Hinuha tuloy nila, buhay pa si Jovelyn ngunit nais nang ipalabas na patay na ito ng mga nagtatago sa dalaga. Ayon pa sa kanila tila nabayaran umano ang mga sumukong suspek at may tinatakpang tao. Kapansin-pansin rin ang pabago-bagong pahayag ng isa sa mga ito.

May napansin din umano ang isang ginang na may isang sasakyan na pumasok sa kanilang lugar. Ito ang pinaghihinalaan nilang pinagsakyan ng mga nakitang buto at mga kagamitan ni Jovelyn. Kahinahinala rin umano ang galaw at kilos ng mga sakay nito na tila minamatyagan ang kanilang lugar. 

Lolit Solis Posibleng Makasuhan Ng Libel Dahil Sa Sinabi Nito Hingil Kay Bea Alonzo

Walang komento

Tila hindi pa talaga natatapos ang pambabatikos ni Lolit Solis kay Bea Alonzo sa kanyang Instagram account. Ngunit, tila sumubra na ang kolumnista dahil maging ang Start Up Korea ay idinawit na niya sa isyu niya kay Bea Alonzo.

Matatandaang kamakailan lamang ay muling nilait ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post si Bea Alonzo. Ayon sa kanya galing umano sa Start Up Korea ang pagsasabing mukhang matanda na si Bea para sa lead role ni Suzy at hindi nababagay kay Alden Richards dahil mukhang tita na umano ito. Ayon pa kay Lolit nag-react umano ang Korea kung bakit mukang tita at matandang kita na umano ang wrinkles ang pinili.



Ngunit, ayon sa GMA Entertainment Executive, walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Lolit Solis at puro kasinungalingan na nagreact ang Korea sa pagkapili kay Bea Alonzo para gumanap sa female lead ng Philippine adaptation ng Start- Up.

Ayon kay Cheryl Ching-Sy, Vice President ng Drama Productions, "It is not true. The Korean producers of Start-up did not react to Bea Alonzo's look or appearance in her role. Bea, in fact was approved by the Korean producers. Should these be further insinuations pertaining to this matter, we wish to clarify that these are not true."

Samantala, napuna naman ng ilang mga netizens ang umano'y kapabayaan ng GMA7 na alagaan ang kanilang talents sa kabila ng pambabastos ni Lolit Solis. Matatandaang ilang beses na itong ginawa ni Manay sa kabila ng pananahimik ni Bea Alonzo. Dapat na umanong kasuhan si Lolit Solis dahil sa ginagawa nito kay Bea.

Grabe! Julia Barretto May Inamin Sa Publiko Tungkol Sa Pagpili at Naging Desisyon Niya Ngayon!

Walang komento

Sa gitna ng pang-iisyu sa relasyon ng magkasintahan Julia Barretto at Gerald Anderson, nananatili pa ring tahimik ang dalaga at tila walang pakialam sa mga pang-iisyu sa kanila ng ilang mga netizens.

Kaabang-abang naman ngayon ang upcoming movie ni Julia Barretto na pinamagatang Expensive Candy, kung saan makakasama niya ang aktor na si Carlo Aquino. Sa ipinalabas na trailer makikita ang kakaibang Julia. Kung saan nagtransform ang dalaga bilang daring and sexy actress.

Tila nasa labas na ito sa kanyang comfort zone tila may nais din patunayan bilang isang artista. Bukod dito, ginulat ni Julia ang lahat nang kanyang isapubliko ang kanyang desisyon at nais gawin sa kanyang buhay at career.

Ayon kay Julia, sa pagsisimula ng kanyang matapang at mapangahas na role bilang si Candy, inamin ni Julia na handa pa siyang tumanggap ng mas mature pang rule sa kanyang pag-arte sa hinaharap. Nag-eenjoy umano siya sa kanyang role at ito na umano ang dapat tatatak bilang bagong Julia Barretto ngayon.

Sa kabila ng pressure, tinatanggap niya ito ng buo. Ayon pa sa kanya, panahon na para sa kanyang pag-grow-up. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ganitong role niya sinisimulan ang kanyang paggrow at pagbabago sa kinasanayan niyang sweet role noon.

Samantala, sinabi ni Julia na nais niya isapribado muna ang kanyang personal na buhay at ang kanyang buhay pag-ibig.

 

Pinakilig Nina Deanna Wong at Ivy Lacsina Ang Kanilang Mga Fans Sa Kanilang Bagong Video!

Walang komento

Labis na kinakikiligan ng mga fans ng volleyball player na si Deanna Wong kung saan nakasama niya ang kanyang rumored girlfriend na si Ivy Lacsina.

Matagal ding naghintay ang kanyang mga tagahanga na muli siyang masilyan na nagtitiktok. Sa kanyang pagbabalik kasama na niya ang kanyang girlfriend umano na si Ivy Lacsina. Matatandaang noong nakaraang linggo tila inamin ng dalawa ang kanilang relasyon. Spotted silang magkasama at laging present si Ivy sa mga laro ni Deanna.

Ang nasabing Tiktok video ay kaagad umani ng million views. Kapansin-pansin din sa comment section ang labis na pagkatuwa ng kanilang mga tagahanga.  Labis umanong natutuwa ang mga ito dahil sa muling pag-uupdate nito sa kanyang Tiktok account.

 

Yari! Heart Evangelista Sumabog Na at Naglabas Ng Sama Ng Loob Kay Chiz Escudero

Walang komento

Hanggang ngayon patuloy pa ring pinag-uusapan ang umano'y paghihiwalay ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Base sa ilang mga followers ni Heart na noon pa man kapag may pinagdadaanan ito ay idinadaan nito sa pagpipinta. Nais umano ni Heart na gawing busy ang kanyang sarili upang tila ay mawala sa isipan ang kanyang dinadala.

Matatandaang ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram ang isang video kung saan nagpipinta siya sa kanyang Hermes bag. Base naman sa caption nito, tila nahihirapan si Heart na ipakita ang kanyang emosyon lalo na't napaka-judgemental ng mga tao lalo na sa social media. Tila sa pamamagitan ng kanyang pagpipinta ipinakita ni Heart ang kanyang tunay na nararamdaman.

May isa pang ibinahaging painting si Heart kung saan makikita ang isang babaeng may luha sa kanyang kanang mata. Ayon sa caption ni Heart, "Painting is another word for feeling."



Samantala, ayon sa ilang mga netizens na mas mainam na umanong nagpipinta ngayon si Heart kaysa sa palagi itong naglalalabas at nagsho-shoping. Ayon naman sa ilang mga tagahanga ng mag-asawa, nagkaroon lamang ng pagtatampuhan ang dalawa na normal naman sa isang relasyon.

Nanawagan Ang Nanay Ni Jovelyn Galleno Para Sa Kanyang Anak!

Walang komento


Ina ni Jovelyn Galleno nanawagan sa kanyang anak na sana'y umuwi na ito.

Hindi kumbinsido ang ina ni Jovelyn Galleno na kalansay ng anak ang nakita sa Sitio Pulang Lupa Brgy. Sta. Lourdes Puerto Prinsesa noong martes ng madaling araw.  Malakas umano ang kutob nito na nabubuhay pa ang kanyang anak at may mga nagtatago lamang umano rito.

Hindi din siya naniniwala na magiging ganoon na lamang ang kalansay kung totoong kay Jovelyn ito. Ngunit, kung mapapatunayan sa mga pagsusuri na kay Jovelyn talaga ito, maluwag nila itong tatanggapin.

Nananawagan din ito sa mga taong nagtatago sa kanyang anak na si Jovelyn na pauwiin at pakawalan na ito. Huwag naman daw sanang gawan ng masama ng mga ito at ibalik sa kanila ang dalaga ng buo.


Samantala, hindi pa rin nasasampahan ng kaso ang dalawang suspek sa nangyaring krimen kay Jovelyn Galleno. Sa kabila, ng kanilang pag-amin sa panggagahasa at pagpatay kay Jovelyn. Ayon sa PNP, hindi pa umano sila nakakasampa ng kaso dahil hindi pa lumabas ang resulta ng DNA test na isinagawa sa nakita nilang kalansay. Ayon pa sa kanila, matatagalan din ang proseso nito ngunit ginagawa naman umano nila ang lahat upang malutas ang kaso.

Heaven Peralejo Walang Ka Arte Arte Naligo Sa Poso!

Walang komento

Miyerkules, Agosto 24, 2022

Walang kaarte-arteng naligo sa isang poso ang actress na si Heaven Peralejo sa isang probinsya sa Ilocos.

"Buhay isla sa Ilocos 🤪 Shooting for another upcoming movie entitled “The Fisher”, maikling caption ni Heaven sa kanyang short video.

Agad namang umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang ibinahaging short video ni Heaven habang naliligo siya sa poso. Kasalukuyang nasa naturang probinsya si Heaven para sa filming ng kanyang upcoming movie na The Fisher. Makakasama niya rito ang aktor na si Enchong Dee at ididirect ito ni Paul Soriano.

 

Duda! Jay Costura Hindi Naniniwalang Wala Na Si Jovelyn Galleno!

Walang komento

Naglabas ng pahayag si Jay Costura hinggil sa bagong update sa kaso ni Jovelyn Galleno. Ito ay matapos may umaming suspek at itinuro kung saan nila itinapon si Jovelyn Galleno at mga gamit nito.

 Matatandaang minsan na rin niyang binasahan si Jovelyn, kung saan nabanggit niyang buhay pa umano ito. Gayunpaman, may ilang netizens ang hindi naniniwala sa mga nakita ng pulis lalo na't buto at kalansay na lamang ang kanilang natagpuan.

Naglabas ng opinyon si Jay Costura, ilang oras matapos mahuli ang isa sa dalawang itinuturong suspek sa nangyaring pagkawala ni Jovelyn.

Binalikan umano nito ang nabasa sa baraha kung saan may panlilinlang, may pag-uusap at kasunduan. Nais din umano nitong basahin muli ang mga baraha kung nasaan si Jovelyn at kung totoo bang kalansay na lamang ito. Ngunit gagawin niya lamang ito nang may pahintulot mula sa pamilya nito upang makaiwas na rin sa mga isyu.



Abs-Cbn-Tv5 Partnership-Ihihinto Muna?

Walang komento


 ABS-CBN at TV5 partnership agreement ihihinto muna?

Mainit pa rin ang mata ng ilang mga Congressista sa partnership ng Abs-cbn at TV5 kaya naman napagpasyahan ng TV5 na ihinto muna ang nasabing agreement. Ito ay upang sagutin ang paparating na imbestigasyon hinggil sa mga resolution na ipinasa sa Kongreso ng ilang mga kongresista.

"To address the issues which have been raised by certain legislators and the National Telecommunications Commission on the proposed investment by ABS-CBN for a minority in terest in TV5, ABS-CBN and TV5 have agreed to a pause in their closing preparations.

This pause will give  the space for both media organizations to respond to the issues and accommodate any relevant changes to the terms.

Both ABS-CBN and TV5 believe that an agreement between the two media companies will have a favorable impact on Philippine media,and on free to air television--which remains the most affordable and extensive source of entertainment and public service to Filipinos."



Matinding Paghihirap Ngayon Ni Regine Velasquez Isinapubliko Ni Ogie Alcasid

Walang komento

Dumaan sa hirap at nagsakripisyo ang Asia's Songbird Regine Velasquez habang nagpapagaling ang kanyang asawang si Ogie Alcasid matapos tamaang ng sikat na sakit.

Todo ang pasasalamat ni Ogie Alcasid kay Regine dahil sa pag-aalaga at pagsasakripisyo nito noong naka self quarantine. Nag-extra effort umano ang kanyang asawa upang mapanatiling ligtas ang buo nilang pamilya. Lalo na ang kanilang anak na hindi mahawa ng virus.

Nahawa si Ogie Alcasid ng nasabing sakit sa kabila ng pagiging fully vaccinated at may booster shot na. Ibinahagi ni Ogie ang larawan ni Regine habang natutulog sa kanilang living room, habang naka isolate siya sa kanilang kwarto.

Si Regine umano ang nagpumilit na sa living room matutulog upang mas maalagaan siya ng mabuti. Isa lamang umano ito sa mga sakripisyo at hirap na pinagdaanan ni Regine dahil sa kanyang pagkakasakit.

Ayon kay Ogie, "Flex ko lang ang asawa ko. While i was in isolation, she stayed here in the living room despite having no real space to herself. Sabi ko, dyan na lang ako but she insisted to stay here because she had to take care of nate too. Ganyan siya kasimple at ka maalagain. Super Mom and Super Wife. Salamat mahal."



Agad namang nagkomento ang ilang mga netizens at maging ilang mga celebrity sa nasabing flex ni Ogie. Ayon sa kanila, napaka-swerte ni Ogie na nagkaroon ng maalagaing asawa na kagaya ni Regine. Matatandaang ibinahagi kamakailan ni Ogie na tinamaan siya ng sikat na sakit matapos ang ilang taon matapos ang lock down.

Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Ogie at nagpapalakas na lamang ng kanyang resistensya.

Ruffa Gutierrez Graduation in College Sa Edad Na 48 Marami Na-Inspire Sa Kanyang Ginawa!

Walang komento

Marami ang humahangang netizens ngayon kay Ruffa Gutierrez matapos nitong inihayag sa kanyang Instagram account na finally ay nakapagtapos na siya ng college sa kursong Bachelor of Arts in Communication Arts.

Nitong martes August 23, masayang ibinahagi ng aktres na si Ruffa Gutierrez sa publiko ang pinakabagong achievement ng kanyang buhay. Ibinahagi ni Ruffa ang kanyang graduation photo habang ngiting-ngiti sa kamera. Kalakip nito ay ang isang quote.

"Don’t downgrade your dream just to fit your reality. Upgrade your conviction to match your destiny."

Dagdag pa ng aktres, "I humbly want to share that I have graduated with a bachelor’s degree in Communication Arts from the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). I am now gearing up for PWU’s 99th Commencement Exercises at the Philippine International Convention Center (PICC) next week.


I would not have been able to successfully embark on my educational journey without the continuous guidance of PWU‘s ETEEAP team of professionals and the immeasurable support of my loved ones.

Because of my enduring commitment to continuously seeking knowledge and equipping myself with new skills that will help me prosper and fulfill my dreams in the ever-changing global scene, I also proudly share with you that I am officially an MA-ComArts student at PWU. The journey continues -- unstoppable!"

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa mga followers ni Ruffa at ilang mga celebrities.



Matatandaan na noong May 2021 nang inanunsyo ni Ruffa na magbabalik siya sa pag-aaral. Bumilib naman ang ilang mga netizens sa ipinakitang dedikasyon ni Ruffa na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng edad at trabaho sa showbiz. 

Ruru Madrid at Bianca Umali 4 Years in Relationship " No Label " Pa Rin ? RR Enriquez May Reaskyon!

Walang komento

Nagbigay ng honest opinion si RR Enriquez tungkol sa dapat na maging relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Sa Instagram, ibinahagi ni RR ang isang articles kung saan sinasabing apat na taon nang nasa dating relationship sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Wala pa rin umanong label ang kanilang relasyon hanggang ngayon.

Ayon sa caption ni RR, "Gusto ko ito sawsawan at gigil ako.


Four years and yet “No Label??

Gurl if totoo man yan you should know your worth…

Kaya ko pa iaccept if 6months lang yan because ganyan din kami dati nag start ni frog pero after 6months of dating Aba teka do you want it to be official or official na kita kakalimutan.

4 years is too long para hindi nyo pa din malagyan ng label yan…

Buti pa yung t-back na nabili ko sa Tyangge Bangkok Thailand last week may label kahit chipangga… "


Sa huli sinabi ni RR na sasabihin niya sa kanyang vlog ang kanyang saloobin at pakikisawsaw sa mga isyu.

Samantala, sumang-ayon naman ang ilang mga netizens sa opinyong iyon ni RR. Mas pinili pa umano ni Bianca ang lalaki na hanggang sa 'no label' lamang siya kaysa dun sa lalaking humarap mismo sa kanyang mga magulang at nagpaalam na nais siyang ligawan.

Kris Aquino Nais Umuwi Ng Pinas Cristy Fermin Nag-react!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa mga social media platforms ang umano'y pagbabalak ni Kris Aquino sa Pilipinas sa kabila ng hindi natatapos na gamutan.

Sa isang episode ng vlog nina Cristy Fermin na Showbiz Now Na, napag-usapan nila ang umano'y scoop mula sa isang source na nagbabalak umuwi si Kris sa bansa matapos makarating ang pagmamayagpag ng pelikulang Maid in Malacanang at ang haka-hakang magkakaroon pa ito ng part 2. 

Ayon sa nasabing source, nais umuwi ni Kris Aquino upang depensahan ang kanyang pamilya na nasasangkot sa nasabing pelikula.



Samantala, napatanong naman si Manay Cristy Fermin bakit nito isusugal ang kanyang kalusugan, gayung ang gamutan sa kanyang sakit ay hindi available sa bansa.

Napag-usapan din sa nasabing vlog kung bakit sa dinami-rami ng mga artistang pumupunta sa US, wala ni isang napapabalitang dumalaw man lang kay Kris o di kaya'y napapabalitang nais puntahan si Kris.

Natimbog! Scripted at Binayar4n Pinsan Ni Jovelyn Galleno!

Walang komento

Marami ang hindi naniniwala na si Jovelyn Galleno ang kalansay na natagpuan ng mga pulis sa lugar kung saan itinuro mismo ng nagpakilalang suspek. Ayon sa ilang mga netizens tila planted at gawa-gawa lamang ang lahat.

Samantala, ayon naman sa ilang mga eksperto, hindi pa maituturing na case closed ang kaso ni Jovelyn Galleno sa kabila ng pag-amin ng sinasabing suspek sa kaso. Ayon naman sa PNP, hindi nila ito maituturing na case closed hangga't hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test na isinagawa sa nakitang kalansay.

Sa ngayon, nakatakdang dalhin ang mga naturang sample mula sa nakitang mga buto upang lubusang maimbestigahan ng mga eksperto sa Camp Crame. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga nakitang ebidensya kasama na ang nasabing kalansay at ilang mga identification cards na pagmamay-ari umano ni Jovelyn Galleno.

Nasa kustodiya naman ng kapulisan ngayon ang mga nagpapakilalang suspek sa nangyaring krimen kay Jovelyn Galleno. Nangangako naman si Sen. Raffy Tulfo na tutulong siya sa pamilyang Galleno sa pagpapa-DNA test ng mga nakitang buto ng tao na pinaghihinalaang si Jovelyn Galleno.

 

Angelica Panganiban Mala -Diosa Ang Kanyang Beach Maternity Photoshoot!

Walang komento


Ibinahagi ng actress na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account ang kanyang mala-dyosa na maternity photoshoot.

Sa isang beach sa Subic isinagawa ang kanilang shoot. Makikita sa mga ibinahaging larawan na nakasuot si Angge ng iba't-ibang magagandang kasuotan habang ipinagmamalaki ang kanyang baby bump.

"Sails up! Happiness is on the way :)," caption ni Angelica sa kanyang Instagram post. Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at kapwa niya celebrity.



Andrea Torres Aminadong Nadepress Matapos Ang Hiwalayan Nila Ni Derek Ramsay!

Walang komento


Aminado ang Kapuso actress na si Andrea Torres na na-depress siya matapos ang kanilang hiwalayan ng nobyong si Derek Ramsay.

Matatandaang noong November 2020, kinumpirma ng aktor na si Derek Ramsay na tinapos na nila ni Andrea ang magdadalawang taong relasyon.

Sa panayam nito para sa Youtube vlog ni Toni Gonzaga, ibinunyag ni Andrea ang kanyang mga pinagdadaanan noong nagkahiwalay sila ng dating karelasyon. Ayon kay Andrea nawalan siya ng gana sa lahat. Nawalan siya ng ganang gawin ang kanyang trabaho at tila nawalan na rin siya ng gana sa buhay.

Ibinahagi rin ni Andrea kung gaano siya bumagsak sa mga panahong iyon. Nawala lamang umano ang pakiramdam na iyon nang lumapit siya sa Panginoon at sa mga taong may deeper understanding sa words of God.



Herlene Budol Bilang Si Darna! Kinaaliwan Ng Mga Netizens!

Walang komento

Labis  na kinaaliwan ngayon ng mga netizens ang pagsusuot ni Herlene Budol ng Darna costume.

Pinag-uusapan ngayon ang katatapos lamang na kaarawan ng First Runner Up ng Bb. Pilipinas na si Herlene Nicole Budol. Darna ang kanyang napiling theme sa kanyang celebration.

Ayon kay Herlene, napili umano niya ang nasabing theme dahil idol niya si Marian Rivera. Matatandaang gumanap din si Marian Rivera sa iconic role na Darna.

Labis na hinangaan ng mag tagahanga nito ang kanyang pagsusuot ng Darna costume dahil lalong na-emphasize  ang kanyang pangangatawan at kitang-kita ang kanyang maliit na baywang. Umani naman ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing litrato ni Herlene.

 

Ganito Si Julia Barretto at Gerald Anderson Sa Gitna Ng Hiwalayan Issue Na Damay Si Kylie Padilla!

Walang komento

Martes, Agosto 23, 2022


 Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang isyu ng hiwalayan umano ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson matapos ang mahigit isang taong relasyon. Dawit rin ang pangalan ni Kylie Padilla na siyang tinuturong third party.

Matatandaang ilang araw nang pinag-uusapan ang hiwalayang Julia Barreto at Gerald Anderson ng ilang mga netizens. Nagsimula ito ng mapansin ng ilang mga netizens ang napakalakas na chemistry nina Gerald at Kylie sa kanilang pinagbibidahang movie sa ginawa ang shoot sa Switzerland. Komento pa ng ilang mga netizens na tila nahuhulog umano ang loob ni Gerald kay Kylie Padilla.

Tila nagkalapit umano ang dalawa lalo pa't sa Switzerland kinunan ang nasabing pelikula kung saan kinunan din ng Korean Drama na Crash Landing On You. Matatandaang nagkahulugan din ng loob ang dalawang lead star roon habang shinoshoot ang kanilang drama series.

Tila namarkahan na kasi ng ilang mga netizens ang pag-uugali ni Gerald Anderson sa pakikipagrelasyon. Ayon sa ilang mga netizens, madali umanong mahulog si Gerald sa kanyang nagiging leading lady sa pelikula. Kagaya na lamang sa isyu nila noon ni Pia Wurtzbach at sa simula nila ni Julia.

Kaya naman sa pagkakapartner ngayon ni Gerald sa mga magaganda at seksing babae, pilit nilang binubuhay ang mga isyu noon ni Gerald.

Samantala, tila sinagot na ng magkasintahan ang mga isyung ibinabato sa kanila. Kamakailan lamang ay spotted ang dalawa na sweet at masayang magkasama habang nilalaro ang isang cute na aso. Ibinahagi ito ng isang netizen at tila sinasabing walang patunay ang mga haka-hakang nagkakalabuan na ang dalawa.



Ayon sa uploader ng nasabing video, nitong August 21 lamang kinunan ang nasabing video. May isa pang larawang kumakalat kung saan makikitang nakikipagpicture si Julia sa kanyang mga fans sa isang cofee shop. Naroon din umano si Gerald ngunit hindi nagpapicture.

Tila ito na ang sagot ng dalawa sa mga kumakalat na isyu na umano'y naghiwalay na sila. 

Kapamilya Aktor at Kapuso Aktres-Ikakasal Na?

Walang komento

Marahil ang taong 2022 ay ang maswerteng taon para sa 2008 PBB Big Winner at ngayo'y politician na si Ejay Falcon. Si Ejay Falcon ay nanalong Vice Governor sa Oriental Mindoro noong nakaraang 2022 Elections.

Noong August 1, 2022 kasabay ng birthday ng nobyang si Jana Roxas ay sinupresa ito ni Ejay Falcon sa pagpopropose ng kasal. Si Jana Roxas ay isang season 3 Starstruck Avenger at napanood sa ilang mga Kapuso series bilang supporting cast.

Nakasama si Jana sa 2009 Kapuso teleserye na pinamagatang Dapat Ka Bang Mahalin at Ikaw Sana.



Grabe! Janine Gutierrez Inamin Na Ikakasal Na Sila Ni Paulo Avelino

Walang komento


Kinikilig pa rin ang ilang mga netizens sa tuwing nakikitang magkasama ang actress na si Janine Gutierrez at actor na si Paulo Avelino.

Nagsimula ang kanilang pagkakalapit nang magkasama sa isang Kapamilya series na Marry Me, Marry You. Matapos nito, sunod-sunod na ang kanilang mga projects na magkasama. Matatandaang nagkasama rin sila sa isang Kapamilya concert tour sa US kung saan nakasama nila si Ogie Diaz.

Usap-usapan naman ngayon ang project nilang dalawa bilang magkalove-team. Ngunit, usap-usapan din ngayon ang umano'y pagkakaroon nila ng romantic relationship. Ilang beses na kasing spotted ang dalawa na sweet sa isa't-isa at tila magjowa na.

Sa isang panayam kay Janine sa isang TV show guesting, muling tinanong ang aktres tungkol kay Paulo Avelino. Ayon kay Janine, hindi muna siya magsasalita dahil hindi niya kasama ang aktor. Ngunit, ibinulgar ni Janine na nag-volunteer umano si Ogie Alcasid na maging ninong nila ni Paulo sakaling magpapakasal sila.

Labis namang kinilig ang kanilang mga tagahanga. Bagama't hindi nito diretsahang inamin, tila nagpapahiwatig naman ito sa plano nila ni Paulo na magpapakasal in the future. Dagdag pa ni Janine, nais din umano niyang gawing ninang sina Jolina at Melai.

Darna Ng Abs-Cbn-Patok Na Patok Sa Mga Kapuso Fans?

Walang komento

Tila hindi na mapipigilan ang pagkahumaling ng bansa sa bagong Darna. Maging ang ilang Kapuso fans ay tumututok na rin ng Darna series ng ABS-CBN.

Spotted ang ilang Kapuso fan pages sa Facebook na walang tigil na pinag-uusapan ang Darna. Palaging pinipintasan ng mga ito ang pag-arte ni Jane De Leon at pilit na pinagkukumpara sa gumanap na Darna noon sa GMA7 na si Marian Rivera.

Ayon sa mga ito, si Marian Rivera ang pinakamagaling at pinakamagandang gumanap bilang Darna. Waka umanong kadating-dating ang pagganap ni Jane De Leon sa nasabing iconic role.

 

Pilipinas V China! Ganito Pala Kalakas Ang Team China!

Walang komento

Panibagong laban ang kakaharapin ng Team Pilipinas sa Asian's Volleyball Cup ngayong gabi. Kakaharapin nila ang three times defending champion, ang team China. Tinalo ng China ang South Korea sa score na 3-0 at ang Vietnam sa score na 2-3.

Ang laban kuntra China ay ang pangalawang laban ng team matapos matalo sa nakaraang laban sa Vietnam. Babalik ngayon ang coach Herwin Menisis at ang setter na si Gia De Guzman para sa laban nila.Matatandaang hindi nakapaglaro si Gia sa laban kuntra Vietnam dahil sa pagkakaroon ng health issue.

 Hindi man mananalo ang ating team sa China maituturing naman nila itong stepping stone upang mag-improve ang kanilang paglalaro.

Samantala, kakaharapin ng Team Pilipinas ang Iran sa myerkules at South Korea naman sa Hwebes. Umaasa naman sila na mananalo sila sa dalawang team na ito at makapasok sa quarter finals.



Mga Nakakaiyak Moments Sa Wedding Proposal Ni Ejay Falcon Kay Jana Roxas!

Walang komento


Hindi inaakala ni Jana Roxas, girlfriend ng aktor na si Ejay Falcon na may surprise wedding proposal sa kanya ang nobyo sa mismong birthday celebration niya. Sa gitna ng kanilang celebration para sa kanyang 32nd birthday, ginulat na lamang siya ng wedding proposal ni Ejay.

Engaged na ang aktor at Vice Governor ni Oriental Mindoro na si Ejay Falcon sa kanyang long time girlfriend na si Jana Roxas. Naganap ang kanilang engagement noong August 21, 2022 sa bahay ng malapit na kaibigan ni Jana sa Mindoro

Tanging malalapit na kaibigan at pamilya ni Jana lamang ang dumalo sa nasabing celebration. Sa gitna ng kanilang kasiyahan, idineklara ni Ejay ang nais niyang pagpapakasal kay Jana. Bigla na lamang itong lumuhod at sinabi ang kanyang hiling.

Hindi naman napigilan ni Jana ang kanyang emosyon at agad na napaluha. Ayon kay Ejay, noong lunes August 22 pa dapat niyang surpresahin si Jana sa kanyang wedding proposal. Ngunit, tila hindi na nakapaghintay si Ejay at napaluhod na noong linggo. Agad naman itong sinagot ni Jana ng 'Yes'.

Samantala, sa Instagram ibinahagi ni Ejay ang kanyang pagmamahal kay Jana at ang pagnanais na makasama ito sa mga susunod na yugto ng kanyang buhay.

"Excited and looking forward sa next chapters ng buhay natin together baby. Mahal na mahal kita. Happy birthday my future wife."



Inalala naman ni Ejay sa kanyang speech ang nakaraan nila ni Jana. Lalo na noong mga panahon na kailangan nilang ilihim sa publiko ang kanilang relasyon. Sa kabila naman umano nito, inintindi siya ni Jana at pawang pagmamahal at pang-unawa ang ibinigay sa kanya ni Jana.

Nasasaktan Pa Rin! Andrea Torres May Isiniwalat Tungkol Sa Paghihiwalay Nila Ni Derek Ramsay

Walang komento

Curious pa rin hanggang ngayon ang ilang mga netizens sa nararamdaman ng dating fiancee ni Derek Ramsay na si Andrea Torres.

Makikita naman na sucessful ito sa kanyang career dahil in demand itong si Andrea. Ngunit marami ang nagtatanong ngayon, kung kailan pagtutuunan muli ng pansin ni Andrea Torres ang kanyang lovelife. Muling inungkat ng ilang mga netizens ang nagdaang relasyon ni Andrea sa aktor na si Derek Ramsay.

Sa isang panayam naitanong kay Andrea Torres kung ano nga ba ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Derek Ramsay. Matatandaan na noon pa man ay hindi na idenitalye ng dating magkarelasyon kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.



Ngunit ngayon, tila handa na ang aktres na isiwalat ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan. Ayon sa kanya, wala namang maidudulot na maganda kung idinetalye niya ang kanilang naging hiwalayan. Ayaw umano niya na may masaktan pa at ma-bash dahil sa mga ito. Tanging sinabi ni Andrea, na hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay at mas mabuti pang manahimik na lamang siya.

Pinili na lamang ni Andrea na hindi magbigay ng masasakit na salit o hindi magandang dahilan sa kanilang paghihiwalay. Sa ngayon, mas pinagtutuunan ng pansin ni Andrea ang kanyang career kaysa sa kanyang lovelife.

DNA Test Result Sa Kalan-say at Buto Ni Jovelyn Galleno!

1 komento


DNA test ginawa ng pulisya upang matukoy kung kay Jovelyn Galleno nga ba ang nakitang kalansay ng mga pulis.

Naniniwala ang marami na hindi kay Jovelyn Galleno ang kalansay na nakita sa isang parte ng Sitio Pulang Lupa Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Prinsesa kaninang madaling araw, August 23, 2022. Hindi kasi kapani-paniwala na sa loob ng ilang araw lamang ay tuluyang naagnas ang katawan nito at kalansay na lamang ang naiwan.

Samantala nagbigay ng opinyon si Dr. Eunice Herrera, ang mediko legal ng City Health Department kaugnay sa nakitang bungo at mga buto ng isang taong pinaghihinalaang si Jovelyn Galleno. Tila maging ang doktora ay hindi kumbinsido na ang nakitang kalansay ay si Jovelyn.

Ayon kay Doktora, impossibleng mabilis na naagnas ang katawan ni Jovelyn sa loob lamang ng mahigit dalawang linggo. Sa kabila ng pabago-bagong panahon. Wala umanong ganito kabilis na magiging bungo at kalansay na lamang ang katawan. Ilang buwan pa umano ang aabutin para sa isang katawan na magdedecompose at hindi ito ganoon kabilis.

Ipinunto rin ng nasabing Doctor na dapat ay mangangamoy pa lamang umano ito dahil 2 weeks pa lamang. Hinanap din ng Doctor kung nasaan na ang mga damit ni Jovelyn. Gayung kadalasan ay nakukuha ito sa crime scene at hindi ito nabubulok basta-basta.



 Samantala ayon naman sa isang post ng Councilor, "Kagagaling lang natin sa bahay nina Jovelyn. Kinumperma nila na ang mga gamit na nakita malapit sa kalansay na natagpuan sa Brgy. Sta. Lourdes, ay kay Jovelyn.

Masakit sa pamilya dahil ang suspek, kamag-anak nila. Pero nais ng pamilya na ma-DNA ang nakuhang kalansay para masiguro na ito nga si Jovelyn.
Ang suspek, si Padung ay first cousin ni Jovelyn. Magkapatid ang nanay nila.
Kausap natin ang kapatid at nanay ni Padung, mahirap umano paniwalan na si Padung ang suspek dahi Isa pa nga daw ito sa tumulong para hanapin si Jovelyn.
Antayin natin ang imbestigasyon ng mga otoridad."

Isang Malaking Katanungan! Jovelyn Galleno, Bakit Naging Kal@nsa@y Na Lamang?

2 komento

Isang malaking katanungan ngayon ang nangyari sa nawawalang dalaga sa Puerto Prinsesa, Palawan na si Jovelyn Galleno.

Madaling araw ng August 23, 2022, natagpuan ng mga otoridad ang isang kalansay sa Sitio Pulang Lupa, Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Prinsesa. Nakita naman kalapit nito ang isang bag na may laman ng ilang personal na gamit at mga ID na pagmamay-ari ni Jovelyn Galleno. Tanong ng mga netizens, bakit naging kalansay kaagad ito kung totoo mang si Jovelyn ang nakitang kalansay gayung dalawang linggo pa lamang mula ng mawala ito.

Samantala, isang pinaghihinalaang suspek sa gumawa nito kay Jovelyn ang hawak na ng Pulisya ngayon. Ang nasabing suspek din diumano ang nagturo sa kinaroroonan ni Jovelyn Galleno. Ayon pa sa pahayag nito, pinagplanuhan umano ito ng isa pang kasamahan niya.

Inabangan umano nila ang dalaga noong August 5, 2022 sa madilim na parte papasok sa kanilang lugar. Nang mapadaan umano ang dalaga agad nila itong hinablot at dinala sa lugar kung saan nila isinagawa ang krimen.



Bagama't wala pang kumpirmasyon mula sa mga pulis at pamilya ni Jovelyn na ang natagpuang mga kagamitan ay totoong pagmamay-ari ng dalaga, malaki ang paniniwala ng mga pulis na kay Jovelyn ito. Base na rin sa salaysay ng suspek at sa mga natagpuan ID cards.

Samantala, marami namang mga netizens ang hindi naniniwala na ang natagpuang kalansay ay si Jovelyn dahil dalawang linggo pa lamang itong nawawala. Imposible namang kaagad na naagnas ang katawan nito sa loob lamang ng ilang araw.

Katotohanan Sa Pagkakaroon Ng Relasyon Nila Kylie Padilla at Gerald Anderson!

Walang komento

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang umano'y napakalakas na chemistry nina Gerald Anderson at Kylie Padilla.

Nagsimula ang usaping ito matapos kumalat sa social media ang larawan ng dalawa na magkasama sa Switzeland. Nagkasama ang dalawa para sa filming ng kanilang project. Kasabay ng usaping ito, kumakalat ngayon sa social media ang sinasabing pagkakalabuan ng celebrty couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Ang sinasabing dahilan ay ang pagkakaroon umano ng relasyon ni Gerald Anderson kay Kylie Padilla.

Samantala, ayon sa komento ng ilang mga netizens, tila sinulit at inenjoy nina Gerald at Kylie ang pagbabakasyon at pagkakasama nila sa Switzerland. Hinuha tuloy ng mga netizens na si Kylie Padilla ang dahilan ng pagkakalabuan nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Ayon naman sa isang kilalang source, wala umanong katotohanan ang sinasabing pagkakaroon ng relasyon ni Kylie Padilla kay Gerald Anderson. Tanging promotion lamang para sa kanilang upcoming project ang kaugnayan ng dalawa. Wala umanong dapat ipag-aalala ang mga fans nina Gerald at Julia.

Matatandaang, sinabi rin ni Kylie noon sa isang panayam na nag-fofocus siya ngayon sa kanyang mga anak at career. Bagama't hindi nito isinisirado ang kanyang puso at sa posibilidad na pakikipagdate, tila hindi naman gagawin ni Kylie Padilla ang mang-agaw ng karelasyon. Lalo na't third party rin ang tinutukoy na dahilan ng hiwalayan nila ng dating asawa na si Aljur Abrenica.



Timbog Na!! Kal@nsay Nang Matagpuan Si Jovelyn Galleno!

Walang komento


Mga buto ng tao na natagpuan sa Purok Pulang Lupa Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Prinsesa pinaghihinalaan ng PNP na sa nawawalang dalaga na si Jovelyn Galleno.

Kinumpirma ng isang station commander sa panayam sa Super Radyo. Ayon sa kanya, kasalukuyan silang gumagawa ng malalimang imbestigasyon upang matukoy kung kay Jovelyn Galleno nga ba ang natagpuan nilang kalansay kaninang madaling araw ng August 23, 2022.

Ang nasabing kalansay ay pinaghihinalaang kay Jovelyn Galleno dahil kasama nito ay ang mga personal na gamit ng dalaga. Subalit ayon sa mga pulis, kailangan pa nila itong imbestigahan kung totoo nga bang kay Jovelyn ito at ang nasabing kalansay ay kay Jovelyn nga ba.



Bago natagpuan ang nasabing kalansay isang suspek ng pananaksak ang nahuli ng mga otoridad. Ang nasabing suspek ay nakapagbigay umano ng impormasyon kung saan matatagpuan si Jovelyn. Sa pagpunta ng mga otoridad, nakita nila ang kalansay ng tao at bag na sinasabing kay Jovelyn Galleno.

Kasalukuyan ng nagrerequest ng DNA testing ang SOCO upang makumpirma kung ang naturang kalansay ay kay Jovelyn Galleno. Hinihintay pa sa ngayon ang resulta ng DNA test.

Watch !Rumored Couple Na Sina Coco Martin at Julia Montes Dumalaw Sa Puntod Nina Susan Roces at FPJ!

Walang komento

Lunes, Agosto 22, 2022


 Nagbigay pugay ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin sa yumaong sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces.

Ibinahagi ni Coco Martin sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan at video clips sa pagbisita nila nu Julia sa puntod ng mag-asawa.

Ayon sa caption ni Coco Martin sa kanyang IG post, "Maligayang Kaawaran sa taong nag bigay ng pag-asa sa mga taong nangangailangan. Ikaw ang aming idolo sa kabutihan at pag tulong sa aming kapwa! Mananatili po namin kayong inspirasyon. Ang nagiisang Hari sa aming mga puso Da King, Fernando Poe Jr."



Samantala, kapansin-pansin pa rin ang tila pagtatago ni Julia Montes sa kanyang tiyan dahil nakasuot ito ng malaking jacket at tila iniiwasan na mahagip sa kamera ang sinasabing baby bump nito.

Buong Detalye Sa First Pregnancy Ni Bianca King Sa Edad Na 37 Sa Anak Nila Ni Ralph Wintle!!

Walang komento


 Masayang ibinahagi ni Bianca King ang kanyang pagdadalang tao sa panganay nila ni Ralph Wintle.

Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng isang litrato na nagpapakita ng kanyang baby bump. Sa kasunod namang post, makikitang magkayakap ang mag-asawa habang hawak nila pareho ang baby bump ni Bianca. Ayon kay Bianca, matagal na nilang ninanais na mabuntis ngunit hindi sila nabiyayaan noon. Sa katunayan, nagpaplano na umano sila na magpa-IVL.

Caption ni Bianca sa kanyang Instagram post, "I lived my life exactly the way I wanted. Took my time and did everything I needed to do. When it was time for us chase the dream of becoming parents, we were ready as ever.


It was a long journey to get here. It was not easy - being in our mid-late 30s. I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened.

I thank my beautiful husband for setting me on the path to becoming a mama. Ralph is already the best dog dad, being so hands on with Willow. We both feel confident that we will be the best parents 🥹

I hope our baby inherits his looks and athleticism but my personality and creativity, and our shared wit and wisdom."

Itinuturing ni Bianca ang kanyang pagbubuntis ngayon bilang miracle dahil nabuntis siya sa natural na pamamaraan.

Matatandaang noong 2020 inanunsyo ni Bianca na doon na siya maninirahan sa Sydney kasama ang kanyang asawa.



Omg!Baby Bump Ni Julia Montes Ipinakita Na Sa Publiko!

Walang komento


Naging usap-usapan ang mga kumakalat na larawan ni Julia Montes sa naganap na thanksgiving party sa pagtatapos ng Ang Probinsyano.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin nina Coco Martina at Julia Montes kung totoo nga ba ang mga haka-hakang may relasyon sila.

Latest ngayon, ang mga larawan ni Julia kung saan nakasuot siya ng isang itim na dress at may malaking belt upang tila matakpan ang kanyang tiyan. Napansin din ng mga netizens ang pananaba nito. Matatandaang naging isyu ang dalawa noon dahil sa umano'y pagbubuntis ni Julia.

Usap-usapan din ang tila pagkakaroon ni Julia ng baby bump na kapansin-pansin sa mga litrato mula sa thanksgiving party at sa huling eksena ng Ang Probinsyano. Bagama't tinatakpan tila maaaninag pa rin ang pagkakaroon ni Julia Montes ng baby bump.



Kapansin-pansin din ang tila pagtatakip ni Julia sa kanyang tiyan sa mga litratong ibinahagi ni Mega Star Sharon Cuneta. Ayon naman sa mga komento ng ilang mga netizens, totoong nagdadalang tao base na rin sa pananaba nito na hindi pangkaraniwan sa mga nagtatrabaho sa showbiz.

Samantala, sa isang larawan nahagip ng kamera ang isang kumikinang na singsing na suot ni Julia na ayon sa ilang mga netizens ito ang engagement ring ng aktres.

Vice Ganda, Nakiparty Sa Perez Family! | Ion, Sinayaw Ni Nanay Zeny. Ang Sweet!

Walang komento

Mala-eksena sa pelikula ang pakikipag-bonding ni Vice Ganda sa pamilya ng asawa niyang si Ion Perez. Dumalo ang mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez kasama ang anak-anakan ni Vice na si Ryan Bang sa kasal ng kapatid na babae ni Ion.

Makikita naman sa ibinahaging video ni Vice sa kanyang social media ang mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Ion. Naatasan pa si Vice Ganda na magbigay ng mensahe para sa bagong kasal.

Samantala, makikita rin sa nasabing video na hindi lamang si Vice Ganda ang nag-eenjoy sa nasabing party. Maging ang kanyang asawang si Ion Perez at anak-anakan na si Ryan Bang, makikitang nag-eenjoy rin sa nasabing reception.

 

Lolit Solis Hindi Padin Tinitigilan Si Bea Alonzo Netizen Nag React! Watch This.

Walang komento

Bagama't dina-dialysis na, hindi pa rin tinitigilan ni Manay Lolit Solis ng pambabatikos kay Bea Alonzo.

Sa latest post ni Manay sa kanyang Instagram account, muling binatikos ni Manay si Bea.

"Tawa ako ng tawa Salve sa reaction na mukhang Tita ni Alden Richards si Bea Alonzo. Nag react daw ang Korea bakit mukhang matandang Tita ni Bae Suzy ang kinuha ng Pinas para sa Start Up. Ano ba iyan, talaga bang labas na wrinkles ni Bea at kahit anong gawin make up talagang kita ng mukha siyang matandang Tita ? Grabe naman hindi na matakpan ng make up at styling ng glam team niya ang edad ni Bea eh ang mahal ng bayad sa mga ito pero hirap parin ayusin ang edad. At sobra naman iyon balita na kailangan mag mukhang matanda si Alden Richards para pantay tignan ang edad nila ni Bea Alonzo na mukhang Tita talaga. Hay naku, talagang nakaka alis ilusyon ang nagaganap na discovery ngayon kay Bea Alonzo . Iyon mukha siyang matanda, maraming wrinkles, laylay mga bilbil, mukhang losyang na laos na star, at marami pa after iwanan siya ni Gerald Anderson para sa mas bata at magandang Julia Barretto. Dapat talaga nagkaruon agad ng saving releases para lumabas na bida si Bea after the break up. Kailangan sa ganitong sitwasyon meron team Bea Alonzo para sa back up ng image ni Bea. Hayun nauna tuloy iyon question, 'bakit iniwan ? Hindi worth it?'. Image building sana inasikaso kesa consulting a lawyer, simple management issue ng isang publicist. Wrong move Salve at Gorgy, no amount of meet and greet, kung wala naman planning ang management niya will save Bea Alonzo sa pagka laos pag ganyan takbo ng career niya. Tell me if I am wrong ? Bongga," post ni Manay sa kanyang Instagram.

Sa nasabing post ni Manay, ipinagdidiinan niya na talagang matanda na si Bea at hindi nababagay sa rule. Ayon pa sa kanya, nag-react umano ang Korea kung bakit mukhang Tita ni Suzy ang pinili ng Pilipinas para gumanap sa adaptation.

Komento naman ng ilang mga netizens na dapat na umanong magpakabait si Manay Lolit lalo na ngayon na nagkakasakit na ito. Napaka-insensitive na kasi ng mga banat ni Manay Lolit sa dalaga. Kung makapagsabi ng matanda tila nalilimutan umano nitong mas matanda siya kay Bea.

 

Ito Ang Binitawang Salita Ni Ivana Alawi Tungkol Kay Zeinab Harake!

Walang komento


Nitong mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang pagpi-flex ni Zeinab Harake sa kanyang bagong boyfriend. Wala man itong kumpirmasyon mula sa vlogger o mula sa kanyang malalapit na kaibigan, makikita naman na may relasyon sila dahil sa kanilang ipinapakitang closeness and sweetness.

Matatandaang ibinahagi ni Zeinab sa isang panayam na gusto naman niyang subukang magkaroon ng gwapong boyfriend.

Samantala, kamakailan lamang nagbahagi si Zeinab ng isang TikTok video kung saan makikita siyang nagdu-dub ng kanta. Ayon sa kanya, ipinagpalit man umano siya hindi na masakit dahil mas mahal siya nang pumalit.

Agad itong nag-viral at umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. Maging si Ivana Alawi ay hindi napigilang magkomento rito. "Deserved," komento ni Ivana kasunod ang queen emoji.



Tila sang-ayon si Ivana sa pagkakaroon ng bagong boyfriend ngayon ni Zeinab. Base sa kanyang komento sa video nito.

Herlene Tuloy Ang Laban Sa Miss Grand International?

Walang komento

Tuloy sa Miss Grand International si Herlene Budol. Ito ang tinitingnang dahilan ng ilang pageant fanatics kaya hindi na sasabak sa Binibining Pilipinas sa susunod na taon si Herlene.

Alam naman ng lahat na ang korona bilang Ms. Grand International ang nais masungkit ni Herlene. Bigo man siyang makuha ang nasabing crown, itinanghal naman si Herlene bilang Bb. Pilipinas First Runner Up. Ayon naman sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino, very proud and happy siya sa narating ni Herlene sa kabila ng pagiging first-timer nito.

Samantala, nagulat ang lahat ng may balitang lumabas na ang kinoronahang Bb. Pilipinas Grand International na si Roberta Tamondong ang huling kandidata mula sa Bb. Pilipinas na sasabak para sa Miss Grand International Pageant. Ayon sa nasabing balita, tinaggal na umano ang franchise ng Miss Grand International sa Bb. Pilipinas Pageant.

Ayon sa latest Facebook live ni Mr. Nawat, "Miss Grand Philippines will make its debut next year, which will be organized by someone you will recognize."



Matapos ang pahayag na ito ni Mr. Nawat, spotted ang dalawa na magkasama. Tumunog tuloy ang mga usap-usapan na si Wilbert Tolentino ang tinutukoy ni Mr. Nawat na someone you recognize na maging bagong franchise holder ng Miss Grand International.

Darna 5 Episodes Palang Manonood May Request Na! Jane De Leon Effective Bang Darna?

Walang komento


Sa unang limang episodes pa lamang ng Darna makikita nang pumatok ito sa masa. Makikita ito sa daming ng viewers nito gabi-gabi at sa palaging pagiging trending nito.

Lubos namang hinahangaan ng mga manonood si Jane De Leon ang bagong gumanap sa iconic role bilang Darna. Napansin kasi ng mga ito ang ipinakitang galing sa pagganap ni Jane bilang Narda man o Darna. Marami ang nagkaroon ng goosebumps ng makita ang unang pagtransform ni Jane bilang si Darna.

Samantala, tila nagbago naman ang tingin ng mga netizens na bumabatikos kay Jane De Leon. Matatandaang hindi sang-ayon ang ilang manonood sa pagkapili nito dahil ayon sa kanilang walang appeal si Jane at hindi bagay sa nasabing role.

Ngunit matapos matunghayan sa episode 5 ang unang pagtransform ni Jane, agad bumuhos ang mga positibong komento para sa aktres. Ayon sa ilang netizens, kinabog ni Jane De Leon ang lahat ng mga gumanap bilang Darna kabilang na sina Marian Rivera at Angel Locsin.



Samantala, may ilang mga netizens na nagdedemand na sana'y habaan din ang ang nasabing teleserye at papaabutin rin ng maraming taon. Labis kasi ang paghanga ng mga ito kay Jane dahil sa lakas ng dating ng karakter nito, mapa-Narda man o Darna.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo