Kapuso Aktor- Umamin Na!- Hindi Kayang Patumbahin Ang FPJ's Ang Probinsyano!

Walang komento

Huwebes, Agosto 4, 2022

Kamakailan ay naging usap-usapan sa social media ang naging pahayag ng screen writer ng GMA7 na si Suzette Doctolero. Nilalapa umano ng Lolong ang 'Ang Probinsyano', gimik lamang umano ang pagbabalitang magwawakas na ito ngayong buwan ng Agosto.

Ngunit, ayon sa isang aktor ng GMA7 na bida sa teleseryeng Lolong na si Ruru Madrid, mataas umano ang respeto niya kay Coco Martin at inamin na hindi 'Lolong' ang nagpatumba sa Ang Probinsyano.

"To be honest, I wouldn't say na Lolong ang nagpatumba sa Ang Probinsyano dahil kakasimula pa lang po namin at sila po ay umere ng 7 years kung saan tinutukan at sinubaybayan din po sila ng sambayanang Pilipino."

 

Kapamilya Star- Napiling Kapalit Ni Karla Estrada Sa Magandang Buhay?

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Kapamilya star dahil ito umano ang papalit kay Karla Estrada bilang isa sa mga main hosts sa Kapamilya show na Magandang Buhay.

Sa inilabas na teaser ngayong araw ng ABS-CBN, makikita sina Melai at Jolina na tila naku-curios kung sino ang nasa loob ng room.

Bagamat, hindi pinangalanan ang celebrity na nasa loob ng kwarto ay tiyak na umano na si Regine Velasquez ang papalit kay Karla Estrada. Matapos nitong maging guest co-host ng Magandang Buhay noong naka-leave si Karla Estrada dahil sa election campaign period.

 

Relasyon Nina Enrique at Liza, Nanganganib Base Sa Mga Naglabasang Larawan Nina Liza at James Reid

Walang komento

Sunod-sunod ang paglabas ng mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na magkasama sa social media. Kaya naman patuloy silang iniintriga, paghahamon pa ng ilan na umamin na umano sila.

Naglabasan sa social media ang larawan nilang magkasamang naglalakad. May laarawan din sila na naka-twining outfit. Spotted din silang magkasama sa isang birthday party sa Hawaii.

Komento naman ng ilang netizens na makikita sa mga nasabing larawan na may something na sa kanila. Hindi lamang talent-manager ang relationship ng dalawa kundi may romantic relationship na. May nagsasabi namang bagay sila para sa isa't-isa at nagbe-blend ang mga looks nila.



Kaya naman, binalaan ng ibang netizens si Enrique Gil dahil tila nanganganib na ang kanilang relasyon. Baka mauwi na sila sa hiwalayan.

 

Rhian Ramos Proud Na Isinapubliko Ang Relasyon Nila Ng Bagong Boyfriend Na Si Sam Verzosa

Walang komento

Sa kauna-unahang pagkakataon proud na ibinandera ni Rhian Ramos ang kanyang bagong boyfriend sa naganap na GMA Thanksgiving Gala nitong Sabado, July 30, 2022.

Magkasamang rumampa ang dalawa habang magkaholding hands. Sa kani-kanilang mga social media account, nag-upload ang celebrity couple ng mga sweet photos nila together na kuha mula sa nasabing event.

Naitanong naman kay Rhian kung bagong relationship ba ang ugnayan nila ni Sam? Sagot ng aktres, "Actually, I wouldn't call it new, new in public maybe."

Aminado naman si Rhian na first appearance nila as a couple ang pagdalo sa GMA Gala. Marami naman ang natuwa sa nasabing balita, ayon sa kanila sana'y natagpuan na ni Rhian ang lalaking para sa kanya.

 

Carla Abellana, Naka Move on Na at Sobrang Busy Sa Dami Ng Inaasikaso

Walang komento

Napakaganda pa rin ni Carla Abellana na solong rumampa sa red carpet ng GMA Thanksgiving Gala noong sabado. Mukhang nakamove-on na talaga ang aktres at ready na ulit na sumabak sa aktingan.

Isa si Carla sa mga agaw-eksena dahil sa napakagandang black and white shining gown na suot niya sa nasabing event. Ayon pa kay Carla, marami siyang pinagkakaabalahan ngayon sa kanyang career at personal na buhay. Kasama na umano ang pagtupad sa matagal na niyang pangarap sa kanyang buhay, ang maipatayo ang kanyang dream house.



Dagdag pa ng aktes, nakapokus ngayon ang kanyang panahon at atensyon sa kanyang pamilya, trabaho at sa pagpapatayo ng sarili niyang bahay. Sa kanyang mga tagahanga na nagtatanong at nami-miss na ang aktres, aabangan si Carla dahil makakasama siya sa Japanese live adaptation ng Japanise hit anime series na Voltes V Legacy. Gaganap si Carla bilang si Mary Ann Armstrong.

Sharon Cuneta Naging Baldado Sa Amerika Narito Ang Kwento!

Walang komento


Sharon Cuneta nagkasakit at naging baldado sa America matapos ang iconic concert nila ng Asia's Songbird Regine Velasquez. Ito ay ang pagbubulgar ni Sharon para sa kanyang mga tagahanga.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga fans ni Sharon na siya at nang kaibigan na si Regine Velasquez ay nagkaroon ng concert tour sa America, na may pamagat na Iconic. Umabot ng halos isang linggo ang naging tour ng dalawa at makikita naman na ibinibigay nila ang kanilang makakaya katulad ng dati.



Ngunit, tila hindi kinaya ng katawan ni Sharon ang pagod kaya siya nagkasakit. Inamin niya na matapos ang kanilang Concert Tour at schedule ng flight nila pauwi ay hindi na siya nakasabay kay Regine Velasquez dahil siya ay nakahiga na lamang at baldado. Ito ang mismong term na ginamit niya, baldado umano siya at may sakit kaya hindi siya makatayo mula sa kanyang higaan.

Ayon mismo sa update ni Sharon mula sa kanyang social media, "My Nana is flying back to Manila ahead of me…And because I’ve been sick and baldado (haven’t gotten out of bed since we arrived in L.A. July 25) - bumigay na rin my body - we haven’t really had the chance to go out and just relax together…I miss her and will miss her so much more when she leaves…I love you, my Nana."

Sa mga hindi nakakaalam Nana ang tawag ni Sharon kay Regine bilang paglalambing. Matapos ang kanyang post, marami ang nag-aalala para kay Sharon, lalo na't baldado ang ginamit niyang salita. Ngunit, tila maayos na naman siya ngayon dahil sa kanyang mga updates sa social media sa mga activities niya sa America.

Kinukuyog Si Kiefer Ravena Sa Socmed Dahil Sa Pag Chea-cheat Umano Nito Kay Alyssa Valdez!

Walang komento

Nagkakagulo ngayon ang online world, sa pagkalat ng mga larawan nina Kiefer Ravena at ang pinaghihinalaang bagong girlfriend nito.

Bagamat ilang buwan na ang nakakalipas mula ng kinumpirma nina Kiefer at Alyssa ang kanilang break up, marami pa ring mga fans nila ang patuloy na umaasa na sila pa rin ang endgame. Ngunit, ang pag-asang ito ay tila naglaho dahil sa pagkalat ng balitang may bagong girlfriend na umano si Kiefer.

Kung may mga fans na tinanggap ang tsismis na ito, mas marami pa ring mga fans nina Kiefer at Alyssa ang dismayado at tila hindi matanggap ang bagong girlfriend ng basketballista. Kinukuyog ngayon ng mga fans ang basketball player dahil sa balitang ito.



Popular search ngayon sa Twitter ang 'Kiefer Ravena cheater', 'Kiefer Ravena viber' at 'Kiefer Ravena Kholeen Ortiz'. Hindi lamang si Kiefer Ravena ang dawit sa isyu ng cheater ngayon, maging ang kanyang kapatid na si Thirdy Ravena ay damay sa galit ng mga fans.

Konsintidor umano si Thirdy sa pagiging cheater ng kapatid. Dinipensahan naman agad ito ng kanyang mga fans.

Samantala, tila hindi mapalampas ng mga fans ni Alyssa Valdez ang pagche-cheat umano ni Kiefer Ravena. Tanong pa ng ilan, bakit nagawang lokohin ni Kiefer si Alyssa gayung napakabait nito at napakahumble. Ayon naman sa isa pang netizen na laging nagfo-follow umano ng mga seksing babae si Kiefer sa kanyang social media na nagpapatunay na matagal na nitong niloloko si Alyssa.

Samantala, naka pribado na ngayon ang account ng sinasabing bagong girlfriend ni Kiefer Ravena na si Kholeen Ortiz. Hanggang ngayon, nananatili pa ring tahimik ang basketballista ukol sa nasabing isyu.

Liza Soberano at James Reid Sa Hawaii, Sila Na Ba?

Walang komento

Si James Reid na ang bagong manager ni Liza Soberano at kaya naman, kapansin-pansin na lagi na silang magkasama sa kanilang mga lakad. Spotted din sila na paikot-ikot sa Hawaii at umattend rin sa birthday party ng sikat na Filipino-American beauty influencer at social media personality na si Bretman Rock na nakabase sa Honolulu, Hawaii.

Sa Instagram story na ipinost ni Bretman Rock ay makikita sina Liza, James, Bretman, at kasama rin nila sa nasabing larawan ang isa sa mga sikat na Filipino-American singer at social media personality na si Bella Poarch. Makikitang sobrang naenjoy ng dalawa ang kanilang Hawaii trip at dahil sa mga larawang kumakalat online ay maraming napansin ang mga netizens sa dalawa at hindi na napigilang mag bahagi ng kanilang mga reaksyon.

Narito ang mga komento ng mga netizens… “parang mas bagay sila” “magkahawig sila […] malamang cla na… mas bagay cla” “Sila yung saktong bagay n bagay…”

Sa kagustuhang matupad ang kanyang hollywood dream ay hindi na nagdalawang isip maging manager ni Liza Soberano ang singer-songwriter, actor, dancer, model, record producer at record label executive at ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid.

 

Kilalanin! Rumored Girlfriend Ni Kiefer Ravena, Viral Ngayon Sa Social Media!

Walang komento

Miyerkules, Agosto 3, 2022

Napapabalitang bagong girlfriend ni Kiefer Ravena trending sa social media.

Pinag-uusapan ngayon ang umanoy bagong girlfriend ni Kiefer Ravena. Matatandaan na ilang buwan na rin ang nakakalipas mula ng kumpirmahin nina Kiefer at Alyssa Valdez ang balitang hiwalay na sila. Nilinaw namn ni Alyssa na hindi third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Bagama't naghiwalay sila bilang magjowa, nanatili naman silang mabuting magkaibigan. Kaya naman patuloy pa ring umaasa ang kanilang mga fans na baka magkabalikan pa ang dalawa.

Ngunit, ngayong araw nag-viral ang mga larawang ito sa social media kung saan makikita si Kiefer Ravena na may katabing ibang babae na pinaniniwalaan ng mga netizens na bagong girlfriend ng basketballista.

Ang babaeng ito ay kinilalang si Kholeen Ortiz. Mababasa naman sa comment section, na ito ay isang flight attendant. Dahil sa mabilis na pagvi-viral ni Kholeen ang dating naka-public account niya sa social media, naka-private na ngayon.

Nagkakagulo naman ngayon ang mga fans nina Kiefer at Alyssa, may ilan pang hindi matanggap ang pagkakaroon ng bagong jowa ni Kiefer. Komento ng ilan, lagi na lamang umanong mga flight attendant ang nagiging other girl ng mga basketballista katulad na lamang kina Scottie at Bollick.

 

Reaksyon Ni Celeste Cortesi Sa Paninira Sa Kanya Ng Thai Pageant Fans!

Walang komento

Walang pinagkaiba sa mga Pilipino ang mga Thai dahil matindi rin ang kanilang mga obsession sa mga beauty pageants at buong-buo ang mga suporta sa mga kandidata para sa international beauty pageant. Hindi nakakapagtataka na masigasig din ang mga Thai sa pagpuna ng mga makakalaban o mga ipinadalang representative ng ibang bansa.

Kasabay ng paglabas ng before and after transformation photos ni Ms. Universe Thailand 2022 Anna Sueangam ang alleged before and after photos ni Ms. Universe Philippines Celeste Cortesi. Inilabas ng Thai Fans sa isang Facebook page ang edited photo ng manalo itong Miss Earth Italy noong 2018 at nang kinoronahan siya bilang Ms. Universe Philippines 2022.

Nilagyan nila ito ng caption na, "Glow up! Amazing transformation of Ms. Universe Philippines 2022, by Philippines Clinic."



Ang Talkmissthailand din ang nagpost ng mga litrato nina Celeste at Willie Revillame ng maging guest host ang dalaga sa Wowowin noong 2018.

"Hello Daddy my name is Celeste Cortesi Ms. Universe Philippines 2022."

Malinaw na may bahid ito ng malisya para sa reigning Miss Universe Philippines na makakalaban ni Anna sa Ms. Universe 2022 Pageant. Negatibo ang reaction ng mga Thai sa mga post tungkol kay Celeste na tinawag ding Ms. Universe Tattoo dahil sa mga tattoo nito sa katawan.

Mula nang manalo siya bilang kauna-unahang Miss Earth Philippines Italy noong 2018, hindi na ito tinantanan ng intriga at kontrobersiya. May mga nagprotesta sa pagkapanalo ni Cortesi bilang Ms. Earth Philippines Italy pero siya ang nanalong Miss Earth Philippines at naging kinatawan ng Pilipinas sa 2018 Miss Earth na ginanap sa Mall of Asia Arena noong November 3, 2018.

Hindi man pinalad na maiuwi ang korona, napasama naman siya sa top 8 placer ng Miss Earth 2018. Unfair at hindi makatarungan ang ginawa ng mga Thai pageant fans sa kanilang pagkukumpara kina Anna at Celeste.

Kinupirma naman ng isang clinic sa Thailand na retokada umano ang kinatawan ng Thailand sa Ms. Universe 2022. Nakarating kay Celeste ang lahat ng paninira laban sa kanya ngunit imbes na magpaapekto, nakiusap siya sa mga tagahanga niya na pabayaan na lamang ang mga nambabatikos sa kanya.

"And again, people keep tagging me in edited photos of me, insults and threats. I have seen quite a lot just today and now before going to sleep. After the talk we had last week, I was hoping that this unnecessary cyberbullying would somehow stop or lessen.

I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me, then simply use the hashtag kindness campaign. Let's not engage with any form of hate."

 

Dahilan Ng Pagbalik GMA-7 Ni Billy Crawford

Walang komento

Billy Crawford nagbabalik sa Kapuso Network. Inanusyo ng GMA network ang pagbabalik ni Billy noong sabado para sa kanyang paparating na proyekto na The Wall Philippines.

Sa Instagram post ng GMA network, makikita si Billy na nagpost sa harap ng GMA Network Center. May caption ito na, "Welcome bact to GMA Network @billycrawford."

Si Billy ang maghohost ng gameshow batay sa America's The Wall, kung saan sinasagot ng mga contestant ang tanong upang manalo ng cash. Ang The Wall Philippines ay isang laro na nagbibigay ng pagkakataong manalo ng premyo na maaring makakapagpababago ng buhay.

Si Billy ay nagsimula sa GMA network, bahagi siya noon ng That's Entertainment. Sinubukan niyang pumasok sa International music industry. Muli siyang bumalik bilang Kapuso noong year 2007-2008. Taong 2008 lumipat naman siya sa ABS-CBN. Year 2020, nang lumipat naman siya sa TV5.

Sa ngayon tatlong network ang kinabibilangan ni Billy Crawford. ABS-CBN na nag join network ng TV5 at GMA7. Masayang-masaya si Billy na parte siya ng tatlong network. Samanta, naunang inanunsyo ni Billy Crawford na makakasama siya sa mga celebrity cast ng Dancing with the Stars.

Ang The Wall Philippines ay isang kapana-panabik na format ng gameshow na nilikha nila Lebron James, Maverick. Nakatakdang magsimula ang The Wall Philippines sa GMA network ngayong Agosto.

 

Yilmaz Bektas May Nakakaiyak Na Mensahe Para Kay Lorin Bektas!

Walang komento

Kaarawan ngayong araw ni Lorin Bektas. Ito ay ang kanyang ika-19 na kaarawan at syempre hindi mawawala ang special na mensahe mula sa kanyang ama na si Yilmaz Bektas.

Baby pa rin ang turing ni Yilmaz sa kanyang mga anak, tulad ng pagiging close nila ng anak na si Ilknaz Bektas. Ganoon din ang turing niya sa kanyang dalawa pang anak na sina Lorin at Venice.

Ngayong araw, August 3 sa mismong kaarawan ni Lorin ay nagpost ng mga larawan si Yilmaz sa kanyang social media account. Dito makikita ang sweet moments nila ng anak na si Lorin. Isang larawan na tila ilang buwan pa lamang si Lorin, nakikipaglaro si Yilmaz dito at tila pinapatawa ito. Sa isa naman ay buhat-buhat nito ang anak at tila tuwang-tuwa.

Komento ng mga netizens, larawan ito ng uliran at mabuting ama. Bukod dito, sunod-sunod pang nagpost si Yilmaz ng mga larawan na makikitang marami silang masayang moments together. Sa mensahe ng huling larawan, sinabi niyang "Happy birthday my little princess."



Sa isa namang mahabang birthday message ni Yilmaz sinabi niyang dapat alam ni Lorin na hindi siya matanda para umuwi sa kanilang bahay sa Turkey, para ituring siyang parang prinsesa. Marahil siya ay nahihiya na ituring na prinsesa pero hindi pa naman siya ganun katanda para makuha ang ganitong pagtrato mula sa kanyang ama.

"I hope you know, you will never be too old to come home and be pampered like a princess. Too embarrassed yes, but never too old. May your birthday be filled with lots of indulging goodies this year. Happy Birthday Lorin."

Talagang natutuwa si Yilmaz ngayon dahil malaya na niyang makikita ang kanyang mga anak sa artistang si Ruffa. Hindi rin kasi biro ang 15 years na kanilang paghihiwalay kaya naman tila sinusulit niya ang lahat ng oras sa pagko-communicate sa kanyang mga anak. Sa katunayan, may plano na umano itong magbakasyon sa Pilipinas upang matupad na nito ang pangakong babalikan niya sa Pilipinas ang kanyang mga anak.

Ngunit ayon kay Ruffa sa isang panayam tila natatakot si Yilmaz na harapin ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina.

Reaksyon Nina Nicole Borromeo at Gabrielle Basiano Sa Issue Ng Dayaan Sa Binibining Pilipinas 2022

Walang komento

Nagsalita na sina newly crowned  Bb. Pilipinas International 2022 Nicole Borromeo at Bb. Pilipinas  Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano kauganay sa sinasabing crown mixed-up  nilang dalawa sa national pageant.

Paglilinaw nina Nicole at Gabrielle, walang pagkakamaling nangyari. Nabalot ng tensyon at kontrobersiya ang nangayaring Bb. Pilipinas 2022 coronation night noong linggo nang ng ilang minutong delay sa pag-aanunsiyo sa mga nanalong Binibini para sa Bb. Pilipinas International crown. Ito ay matapos na i-announce ang Bb. Pilipinas Intercontinental crown ni Gabrielle Basiano.

Dumagadag pa sa isyu ang mga kumakalat na video at larawang may mga nakasulat na nagkamali ang mga resultang nabasa ng mga hosts. Nakunan din sa kamera ang komisyon sa pagitan ng floor director at ng mga hosts sa Bb. Pilipinas na sina Nicole at Catriona Gray. Hindi rin nakatulong ang post ng top 12 semi-finalist na si Karen Laurel Mendoza na nagdagdag sa mga speculation na nagkapalit ang korona sina Nicole at Gabrielle.

"Binibining Pilipinas naman kasi explained everything sa akin kanina, na parang nagkaroon lang ng something na hindi  pagkakaunawaan confusion lang," sabi ni Gabrielle sa isang panayam.

Dagdag pa nito, "So, I would like to tell everybody din, lalo na who's part of the competition, na nagkaroon lang ng confusion. And yung mga titles na yun is si Nicole po talaga ang Miss International and I'm Miss Intercontinental."

Kumpyansa naman umano si Nicole sa Bb. Pilipinas Charities Inc. na hindi nito ilalagay sa alanganin ang kanilang organization.

"So, I would like to tell everybody din, lalo na who's part of the competition, na nagkaroon lang ng confusion. And yung mga titles na yun is si Nicole po talaga ang Miss International and I'm Miss Intercontinental."

Pag-amin ng Cebuana beauty queen na kinabahan din siya sa delayed announcement.

"I trust the Bb. Pilipinas organization. They wouldn't put the girls in this situation. They would be sure to clear things out.""If you saw the video, you could see we're smiling. I'm not gonna pretent that I wasn't feeling the nerves, but I was really hoping for the best. And I'm really happy with how it turned out."

Nauna na ring nagsalita si Catriona at nilinaw na tama ang kanilang binasang resulta.

 

Dahilan Kung Bakit Ayaw Ng Muling Sumali Ni Herlene Budol Sa Beauty Pageant! Alamin

2 komento

Usap-usapan at hindi maiwasang hangaan ng lahat ang komendyante turned beauty queen na si Herlene Nicole Budol. Bilang first timer sa National pageant, humakot ng maraming minor awards si Herlene at ito rin ang itinanghal bilang 1st runner up ng Bb. Pilipinas.

Bukod sa kanyang mga solid fans na humanga sa kanya hinangaan din si Herlene ng ilang personalidad kabilang na si MJ Lastimosa. Pinayuhan pa nito si Herlene na muling sumali sa Bb. Pilipinas dahil sa kanyang galing di lamang sa pagrampa kundi maging sa kanyang pagsagot sa Q & A portion.

Sumagot naman si Herlene dito at sinabing last na ang pagsali niya sa Bb. Pilipinas 2022 pageant. Marami tuloy ang napapatanong kung ano kaya ang dahilan ni Herlene kung bakit ayaw na niyang sumali sa beauty pageant gayung nag-excel naman ito sa kabila ng kanyang pagiging first timer.

Ayon sa ilang mga malalapit na kaibigan ni Herlene at ng kanyang mga solid na taga subaybay, marahil nais na lamang ni Herlene na magfocus sa kanyang career bilang comedian. Alam naman ng lahat na likas na kay Herlene ang pagpapatawa.

Bukod pa rito, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bago pa man ang coronation night ng Bb. Pilipinas, nakapagtapos na ng kolehiyo si Herlene sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management. Usap-usapan na nais i-pursue ni Herlene ang kanyang natapos sa Tourism Industry. Bukod kasi sa kanyang career sa showbiz dedicated rin si Herlene sa kanyang natapos na kurso.



Naniniwala kasi ang marami na alam din ni Herlene ang kahalagahan ng Edukasyon at naniniwala rin ito na hindi panghabang buhay ang pagiging isang komedyante at ang pagiging beauty queen. Suportado naman si Nicole ng kanyang mga solid supporters at nauunawaan ng mga ito ang desisyon ni Herlene na hindi na muling sasabak sa pageant.

Masaya pa rin ang mga ito para kay Herlene at alam naman nilang marami na itong napatunayan sa beauty pageant industry.

Tsinoy Historian at Bestfriend Ni Cory Aquino Nasupalpal Ng Lawyer Matapos Batikosin Ang Maid in Malacanang

Walang komento

Isang Tsinoy historian ang napagdiskitahan ng pro-admin na mga social media influencers matapos sabihin ni Teriseta Ang na hindi niya makakayanang panoorin ang isang istoryang Historical distortion na kagaya ng Maid in Malacanang.

Ang pahayag na ito ni Mrs. Ang ay sinang-ayunan naman ng Kabataan Party list Representative Raul Manuel. Kaya naman, ang 1dangkal ni JP ay sinapatos ang nasabing mambabatas sa pagkampi sa isang taong nagtutulak na ibigay ng Pilipinas ang mga isla sa China na naroon sa WPS.



Samantala, sinupalpal naman ni Atty. Nick Nangit ang nasabing historian. Sinabi rin niya na kumare at bestfriend pa diumano ni Cory Aquino si Ang kaya ganoon na lamang ang pagiging anti-Marcos nito at vocal sa usapin tungkol sa diumano'y historical revesionism ngayong panahon ni Pangulong Marcos Jr.

Narito ang buong pahayag ni Atty. Nick Nangit ukol sa pahayag ni Tereseta Ang.

"FFCCCII ON NUTRIBUN FEEDING PROGRAM
Nabuhay ulit itong si T3r3s¡t@ Ang S33 na unang sumulpot noong nakuha ng beshie niyang si kurikong ang kapangyarihan taong 1986!
Sinetch itech?
Ayon sa ispluk ng mga Maritess, isa siyang manunulat (ng kulturang Chinoy), social activist (kaya pala), at historian (kumbaga, kabagang ni Ambethyoso).
Base sa panayam sa kanya ng hinehepang pambalot ng tinapa, agaran niyang binansagang pagbabaliko raw ng kasaysayan o "distortion of history" ang pelikulang #MiM, kahit hindi pa niya napapanood!
Ang galing ng istoryahe mula sa isang istoryahan, noh?!
At idinagdag pa niya na ipinasusulong daw ng Administrasyon sa mga paaralan ang kasinungalingan!
Paano naging sinungaling ang mga taong buhay na noon at naglahad lamang ng kanilang karanasan sa loob ng Malacañan, kasama ang pamilyang Marcos?
Nandun ka ba, atchie???
Kung may time travel ang baklitang direktor, ikaw naman astral travel?
Juice colored, umaapaw kayo sa katinuan!!!
Pake mo sa parteh parteh ng mga natutuwang nanalo si #PBBM? Inggit ka? Dahil ba may naghihirap e dapat maghirap din tayong lahat? Intsik ka pa naman, so dapat alam mo kung ano ang #karma, tahka!
Ang mga Marcoses ba ang gumastos? Hindi ba pwedeng may mga kaibigan silang mayayaman na syang sumagot sa gastusin?
At saka, anong batayan mo para sabihing "lavish"? Anong gusto mong ihanda, galunggong ng beshie mong kunwari hindi marangya? Sure ka diyan, atchie? Ask kaya natin ang junakis niyang feeling artista pero ngayon naaagnas na??? Ahahahahahah, rinig mo yun???
Kauupo pa lang ni Pangulong #Marcos tas agad mong ihahanash ang kawalan ng trabaho, kahirapan, at kagutuman? Si #BBM ba ang pinagmulan niyan? Bakit parang sinisisi mo na siya agad?
Hindi ba dapat yang beshie mong kurikong at junakis niyang ngiwi ang nakalutas niyan, dahil yan ang mga pangako nila? Mula 1986, nagkatrabaho na ba lahat? Wala na bang mahihirap? Wala na bang nagugutom? At saka, bakit iisa kayo ng putak ng mga komunistangang ter0rista? Beshie mo rin ba sila, atchie???
Sa Vape Law, naging batas yan, hindi dahil pinirmahan ng Pangulo, kung hindi, ayon sa Konstitusyon ng beshie mong kurikong, pag lagpas ng 30 araw at walang ginawa ang Pangulo, matik nang magiging batas yan.
Niratipika ang panukalang-batas na yan ng Kongreso. Ibig sabihin, ang mga mambabatas mismo ang sumuri diyan at feel nila ang nilalaman niyan bago inihain sa Pangulo.
E kakaupo pa lang ng bagong Pangulo, tas siya ang sinisisi mo?
Bakit hindi mo sinisisi ang Kongreso, tahka?!
Maaaring kulang ang panahon na ibinigay kay #PBBM, para balangkasin at araling maigi ang nilalaman ng panukalang-batas na yan. Kung kokontrahin niya, baka makasama pa. Hindi lang kalusugan ang tinitignan dito, kundi maging ang impact nito sa ekonomiya.
Maaari rin naman na inuna muna niya ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa mga delegasyong internasyonal bilang pagkilala sa kanyang pagkakapanalo, ang pagbuo ng kanyang Gabinete, at ang paggawa ng mga plano para makabangon agad ang ekonomiya, kesa tuunan ng pansin ang panukalang-batas ng mga sunog-baga.
Ganyan ba kahalaga ang Vape Law, para ikonek mo sa galit mo sa #MaidinMalacañang? Nakalimutan mo na ba ang unang paggamit sa aliwan ng opium (na kamag-anak ng pagsisinghot) noong ika-15 siglo sa Tsina, bago nagkaroon ng Opium Wars nitong ika-18 siglo? Ganun bang kalala ang epekto ng vape, kaya pinipilit mong iugnay sa kasalukuyang Administrasyon?
Besides, nire-regulate pala nitong bagong panukalang-batas na ito ang vaping, at hindi basta't hahayaan, dahil nga may mga safety measures na nakalagay doon tungkol sa tungkulin na gagampanan ng DoH at FDA.
Hindi dahil ayaw lang ng mga aktibistang doktor sa paninigarilyo ay sila na ang masusunod! Noon pa man e ayaw na din nila sa normal na paraan ng paninigarilyo, kaya nga tinaasan ng Kongreso ang buwis na tinatawag na "sin tax", pero hindi tuluyang pinatay ang industriya ng paninigarilyo. Bakit kamo, atchie? Dahil may iba pang stakeholders sa larangang niyan. Nandiyan ang mga magsasaka sa Ilocos Region na mawawalan ng kabuhayan at ang tanging mapagkukunan lamang ay ang lupaing tigang na hindi mabubuhay ang anumang tanim kundi tabako. Naisip mo ba yan, atchie?
So, anong problema mo???
Yung totoo!
Eme eme ka pang sinusuportahan mo ang bagong Administrasyon, pero tinitira mong patalikod.
Mukamo!!!
Ngayon, nagpahayag na ang pangulo ng FFCCCII na binili nila ang nga tickets, dahil totoong sumusuporta sila sa Administrasyon at gagamitin nga raw ang malaking bahagi nito sa Nutribun Feeding Program.
May masama ba roon?
Weno ngayon kung ang layunin ay mapanood ang pelikula ng mga kabataan?
Kasinungalingan na yun agad?
E ang mga isinulat sa libro na si kurukong ay ina raw ng demokrasya at ang asawa niyang pinatay sa paliparan ay bayani ng bansa, katotohanan?
Let me idiotate you, atchie!
Hindi ayon sa Konstitusyon ang pagnakaw sa kapangyarihan niyang beshie mo! Pinalitan nga niiya ito. Hindi niya sinunod ang demokrasya kung saan lamang pa rin sa botohan si #FEM. Kahit pa ipa-pakyu mo pa yan!
At yung asawa niyang madakdak na ambisyoso e napatunayan ng military court na traydor, dahil sa pakikipag conchaba sa mga komunistangang rebelde, sa panahon ng Martial Law na naaayon sa Konstitusyon. Imbes na firing squad, pinayagan pa nga ng dating Pangulo sa eme eme niyang operasyon sa puso para mag abroad at kalaunan bumalik sa bansa dala dala ang ibang pasaporte! Bayani ba yang nakikiapid sa mga rebelde at may ibang pasaporte? Ipa-pakyu mo rin yan!
Sino ngayon ang sinungaling, atchie???
I suggest, mag Nutribun ka, nakakatalino yun at magiging proud pa sa iyo si Mulan!!!
Nag-uulat,
Ann Fang Hei (aka Ang Fang Hei, roughly translated Chinese characters)
no relation to dat gurl ober der"
 

Kapamilya Aktor- Ang Probinsyano Ang Naging Ilaw Sa Madilim Na Daan!

Walang komento

Walong araw na lang at magtatapos na ang longest running teleserye ng bansa na Ang Probinsyano. Sa pagwawakas nito ay mag-iiwan ng aral, pagmamahal at pagmamalasakit sa ating kapwa Pilipino na nangangailangan ng tulong at kalinga.

Isa sa aktor ng Ang Probinsyano na lubos na natulungan ay ang child actor na si CJ Ramos. Matatandaan, noong July 2018 ay nahuli sa isang buy bust sa Quezon City si CJ Ramos. Sa nalalapit na pagtatapos ng Ang Probinsyano ay ikinuwento ni CJ Ramos na ito ang naging gabay at ilaw niya sa madilim na daan na kanyang tinahak noon.

Ayon sa kanya, "Ang kwentong Cardo ko po ay hindi nalalayo sa kuwentong Coco Martin na sa madilim na bahagi ng kanyang buhay ay kailangan niya ng tulong parang biglang nagkaroon ng ilaw. Dahil doon po ay nagkaroon ng chance, opportunity ulit ang isang CJ. Parang pamilya ko na kayo at hindi tayo nagpatinag sa lahat ng mga dumating na bagyo."


Ito Pala Ang Ebidensiya Ng Dayaan Diumano Sa Binibining Pilipinas 2022

Walang komento

Si Karen Laurel Mendoza ng Iloilo na nga ba ang susunod na Sandra Lemonon ng Pageantry World?

Ito ang tanong ng ilang mga netizens  dahil tila nagmamarites umano ito tungkol sa katatapos lamang na Grand coronation night ng Bb. Pilipinas 2022 noong Linggo, July 31, 2022.

Matatandaan, na si Sandra Lemonon ay isa sa top 16 candidates ng Miss Universe Philippines 2020. Naging kontrobersyal siya dahil matapos lumabas ng resulta, sunod-sunod ang post niya sa Instagram at nagbanta pang mga 'spill the tea' tungkol sa pageant. Akusasyon noon ni Sandra, nagkaroon umano ng dayaan sa Miss Universe 2020 pageant kung saan ang nanalo ay si Rabiya Mateo mula sa Iloilo.

Samantala, isa si Karen sa mga nakapasok sa Top 12 ng Bb. Pilipinas ngunit hindi pinalad na makakuha ng korona at titulo. Sa kanyang Instagram stories nitong Martes, August 2, 2022 nagpost si Karen tungkol sa tanong ng isang pageant page. Kung sino ang nais niyang manalong Miss International bukod sa kanya. Sagot niya, si Gabrielle Basiano ng Borongan City , Eastern Samar.

Ayon sa kanyang Instagram Stories, "I was ask by a pageant page. If there is one girl you would like to win the International crown, aside from yourself. Who would it be and why?

My co-repeater @gabbybasiano"

Dagdag pa niya, "Please watch @thegrownph inetrview for proof. And  take a good look at the next photo."



Ang ibinahagi niyang larawan ay ang nagviral na picture ng lunot na bondpaper na may nakasulat na 17 Globe, 23 Intercon, 28 International. May isang mas malinaw na litrato na lumabas mula sa isang page. Ang number 17 ay si Chealsea Lovely Fernandez ng Tacloban na nagwagi bilang Ms. Globe. Ang Bb. 23 ay si Nicole Borromeo ng Cebu City. Ang Bb. 28 ay si Gabrielle Basiano mula sa Borongan City. Si Nicole ang hinirang bilang Ms. International habang si Gabrielle naman bilang Ms. Intercontinental.

Nagkaroon ng pagdududa sa resulta ng Bb. Pilipinas 2022 dahil nagkaroon ng ilang minutong delay sa pag-anunsyo ng mga host na sina Ms. Universe 2018 Catriona Gray at Bb. Pilipinas Grand International 2016 Nicole sa nanalong Bb. Pilipinas International 2022.

Nag-ingay ang live audience ng Bb. Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum noong madaling araw ng August 1 dahil sa katagalan ng pag-aanunsyo. Marami ang naghihinala na baka nagkaroon ng pagkakamali sa pagbanggit ng pangalan sa mga nanalo ng korona at titulo.

Samantala, naglabas naman ng pahayag si Catriona at itinangging may pakakamali na nangyari sa pag-aanunsyo nila ng sa mga nanalo. Maging ang Corner Stone Entertainment ay naglabas  na ng statement at ipinagtanggol ang kanilang mga talents at sinabing ang binasang resulta ng dalawa ay ayon mismo sa kanilang hawak na cue cards.

Palaban Si Herlene Budol Sa Kanilang First Pictorial Bilang Beauty Queens! | Hindi Nagpalamon!

Walang komento

Beautiful inside and out. Ito ang pinatunayan ng mga newly crowned queens ng Bb. Pilipinas 2022.

Ipinakita nila hindi lamang ang kanilang kagandahan pati ang galing nila sa pagproject sa kamera. Ilang araw matapos ang coronation night, ang anim na nakakuha ng korona, kabilang si Herlene Nicole Budol ay nagkaroon ng pictorial.

Ito ang kauna-unahang pictorial nila bilang Bb. Pilipinas Queens. Mas lalong umangat ang kagandahan ng anim na beauty queens suot ang kanilang korona habang naka-red gown. Hindi naman nagpakabog si Bb. Pilipinas 1st Runner Up Herlene Budol dahil awra na awra ito.

Marami ang sumubaybay sa transformation ni Herlene mula sa pagiging Hipon Girl patungong Beauty Queen. Tunay na malayo na ang narating ni Herlene Nicole Budol aka Hipon Girl.

 

Lalaki Sa Lalaking Kinausap Ni Jeric Raval Si Aljur Abrenica Matapos Ang Balitang Buntis Si AJ Raval!

Walang komento

Dating action star na si Jeric Raval kinausap si Aljur Abrenica  ng lalaki sa lalaki.

Tila magpahanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng aktor na si Aljur Abrenica tungkol sa isyung pagbubuntis umano ng sexy star na si AJ Raval. Wala paring diretsahang pag-amin mula rito kung totoo nga bang may relasyon na sila ni AJ Raval sa kabila ng pang iisyu sa kanila.

Sa isang panayam sa Viva Max Bomb Shell sinabi niyang hindi niya itatago si Aljur kung sakaling magiging magjowa sila. Ibabandera umano nila ito sa publiko. Ayon pa kay AJ, may posibilidad umanong mahulog siya kay Aljur Abrenica. Sinabi nitong pure at totoong tao ang aktor kaya posible na mainlove siya rito.

Tila sumang-ayon naman ang tatay ni AJ na si Jeric Raval sa pagiging mabuting tao ni Aljur ngunit kailangan umano niyang paalalahanan ang kanyang anak kung sakaling magiging magjowa ang dalawa.

Ayon kay Jeric Raval sa panayam kay Ogie Diaz para sa Youtube channel nito, nagkakasalubong naman umano sila ni Aljur nitong nakaraang buwan at may napag-usapan na umano sila. Ang tila warning lamang ni Jeric na hindi madehado sa huli ang kanyang anak.

Nag-usap na umano sila ni Aljur ng lalaki sa lalaki at may tatlong bagay siyang hiningi rito. Ayon dito, kung mahal talaga ni Aljur ang kanyang anak, hiling niya na ayusin muna ni Aljur ang kanyang sarili. Dagdag pa ni Jeric, what ever happens hindi lalabas na disgrasyado ang kanyang anak. Naivaluate naman umano ni Jeric ang Kapamilya actor, ayon sa kanya mabait na tao si Aljur.



Samantala, naitanong din ni Ogie ang isyu tungkol sa pagdadalang tao ni AJ na ilang ulit na ring ideny ng aktres. Pinabulaanan ito ni Jeric Raval at sinabing, kung buntis man ay mabuti atleast umano hindi baog ang kanyang anak. 

Sa pagpapa-interview ni Jeric tila natuldukan na sa wakas ang isyu ng pagbubuntis ng sexy star na si AJ Raval.

Vanessa Raval Pinangalan Ang Pangit Na Rapper Na Si Miguelito Malakas O Haring Manggi

Walang komento

Pinangalanan ni Vanessa Raval ang rapper na si Miguelito o kilala din bilang Haring Manggi na sya umano ang rapper na nangungulit sa kanya.

Dagdag pa ni Vanessa hindi nya umano kilala si Skusta at wala umano silang koneksyon.

Ibinahagi ni Vanessa Raval ang pangalan ng rapper sa pamamagitan ng kanyang live na may titulo na “NAME DROP”

Inabangan ng mga netizens ang mga ilalabas ni Vanessa Raval tungkol sa rapper na ito na kanyang pinangalanan. Ayon pa kay Vanessa Raval na kung kakasuhan siya ng rapper na kanyang binanggit ay hindi umano sya natatakot.



Sinabihan niya pa ang rapper na tigilan na umano ang pambabastos sa mga babae at may pera umano sya at handa nyang harapin ang kaso nito. Matatandaan na nagpahayag si Vanessa Raval ng sunod sunod na post tungkol sa isang rapper na patuloy na nangungulit sa kanya.

Ayon pa sa kanya sumosobra na umano ang netizens sa pagbibintang kay Skusta Clee sa isyu. POST NI VANESSA RAVAL : “SOBRA NAMAN KAYO KAY SKUSTACLEE. KAPAG PANGIT SYA AGAD?“

Kuya Kim Atienza, Humingi Ng Dispensa Sa LGBTQ Kaugnay Ng ‘M to M’ Tweet Patungkol Sa M0nkeyp0x

Walang komento

Kaagad na humingi ng paumanhin si Kapuso trivia master at TV host Kuya Kim Atienza sa kaniyang tweet, na tugon sa isang netizen na nagtanong sa kaniyang kung ano ang pagkakaiba ng chickenpox at monkeypox.

“Chickenpox is less severe and the virus is airborne. Monkeypox is sexually transmitted. M to M,” tweet ni Kuya Kim. Tumutukoy ang “M to M” bilang “Male to Male”.

Umalma naman ang madlang pipol sa Twitter at pinagsabihan si Kuya Kim na “homophobic”, “disinformation”, at “misinformation” ang kaniyang sinabi. Hindi lamang raw sa male to male sexual intercourse maaaring makuha at mahawaan ng monkeypox kundi kahit female to female, o male to female. Maaari din umano itong makuha sa hayop.Kaagad namang binura ni Kuya Kim ang kaniyang pinag-usapang tweet at humingi ng dispensa sa lahat.



“My deepest apologies to those that were affected by my tweet. Some of the things I said were ambiguous and caused a lot of hurt especially to members of the LGBTQ community. You are correct, monkeypox is sexually transmitted but also by non sexual close contact. It is not an STD.”

Nilinaw ng trivia master na ang nais niyang sabihin na kadalasan, ang mga naitatalang kaso ay M to M, ngunit tama naman ang mga netizen na lahat ng kasarian ay maaaring mahawaan nito.

“…I am also wrong in saying it’s usually spread M to M. Monkeypox can be spread by any person regardless of gender. M to F F to F. Again my deepest apologies to the people I hurt by my tweet. I am deeply sorry.”

Ibinahagi naman ni Kuya Kim ang screen grab mula sa isang news article kung saan nakasaad na kadalasang mga lalaking nakipag-sexual intercourse sa kapwa lalaki ang nakakukuha ng sakit na ito.

“Men who have sex with men are at the highest risk of infection right now from monkeypox, according to the WHO (World Health Organization),” nakasaad sa news article na kaniyang ibinahagi na pinagbatayan nang nauna niyang tweet.

Sa mga sumunod na tweet ni Kuya Kim ay mas naging maingat na siya.

“From WHO: Monkeypox virus is transmitted from one person to another by close contact with lesions, body fluids, respiratory droplets and contaminated materials such as bedding,” aniya.

Matapos Mag-propose Ni Arjo Atayde: ‘baby’ Nina Maine Mendoza, Alden Richards, Lumutang?

Walang komento

Hanggang ngayon ay sobrang lakas pa rin ng impact ng AlDub sa mga Noypi! Ito’y matapos muling lumutang sa social media ang larawan mula sa ‘Kalye-serye’ nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Napagkatuwaan ng mga netizen na muling i-share at mag-comment sa picture kung saan in-announce na magiging kambal ang anak nina Alden at Yaya Dub.

“Yey! Kambal pala ang magiging anak ni Mr. and Mrs. Richards!” ayon sa caption ng ‘Eat Bulaga’.

Syempre, para lang ito sa sikat na segment ng noontime show noong 2016. Marami lang ang napag-tripan ang naturang larawan noong i-announce ni Maine Mendoza na engaged na siya in real life kay Arjo Atayde.

 



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo