Kampo Ni Vhong Navarro Nagsalita Na, Kasong Binuhay Iaapela!

Walang komento

Martes, Agosto 2, 2022

Matapos ipag-utos ng Court of Appeals na muling buhayin at muling kasohan si Vhong Navarro kaugnay sa reklamo ni Deniece Cornejo noong 2014, mabilis na nagbigay ng pahayag ang legal team ni Vhong Navarro.

Matatandaan na matagal nang binasura ng korte ang kaso laban kay Vhong Navarro. Kaagad namang nagbigay ng pahayag ang abogada ni Vhong. Ayon dito, hindi pa final ang desisyon ng court of appeals. Maghahain umano sila ng motion of reconsideration sa korte para baligtarin ang nasabing desisyon.

Bukod pa rito ay gagamitin din ni Vhong Navarro ang lahat ng naayon sa batas kaugnay sa kasong ito.

"He will exercise all the other rights and remedies that are available to him under the law."

The decision is not yet final as Vhong Navarro will ask the court of appeals to reconsider the same.

Marami naman ang umaasa na tuluyan nang matatapos ang kasong ito.

 

Pokwang at K Brosas Na Car Accldent Sa Amerika, Isinugod Sa Ospital

Walang komento

Lubos ang pasasalamat ng komedyante at TV host na si K Brosas nang makaligtas sila ng kaibigan nitong si Pokwang mula sa car accident sa Dallas Texas.

Kasalukuyang nasa Amerika ang dalawa para sa kanilang series of shows. Pangkukumpirma ni K sa aksidente na nangyari nitong Lunes August 1, 2022, ligtas naman umano sila ngunit nagtamo sila ng mga pasa at sugat.

Ikinuwento ni K sa Twitter ang nasabing aksidente. Aniya, "So na car accident kami kanina, thank you Lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. Naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pick up truck kung saan kami nakasakay. TYL!"

Ipinakita naman nito ang hitsura ng kanilang sinakyan matapos ang pagkakabangga.


Update pa nito, "Eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang medyo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe. still thank you lord talaga.. ok pa rin naman ako kaming lahat. Stay safe po."

Idenitalye rin ni K ang nasabing aksidente at sinabing siya ang pinakanagtamo ng sugat sa kanila matapos siyang bumagsak sa sahig nang nangyari ang banggaan. Dagdag pa niya, agad naman rumesponde ang mga kinaukulan sa Dallas para magrescue sa kanila.

Pagbibiro pa ni Pokwang na halos lahat ng ahensya roon ay handang tumulong sa kanila dahil may dumating ding isang fire truck. Hinihiling ngayon ni K ang agaran at madalian nilang recovery dahil kasalukuyang nananakit pa ang kanilang katawan.

Grabe! Nanay Ni Herlene Budol Binatikos Dahil Sa Pagka-dismaya Sa Resulta Ng Bb. Pilipinas 2022!

Walang komento


Masaya ang lahat sa karangalan na natanggap ng comedian turned beauty queen na si Herlene Nicole Budol. Ito ay dahil sa katatapos lamang na Bb. Pilipinas 2022 pageant.

Bilang first timer sa national pageant, malaking achievement para kay Herlene ang makahakot ng napakaraming minor awards at tanghalin bilang Bb. Pilipinas 2022 first runner up. Ang kanyang mga suppporters ang masayang-masaya para sa kanya.

Ngunit, sa kabila ng pagiging masaya ng karamihan sa bagong achievement ni Herlene. Pinag-uusapan ngayon ang reaksyon ng ina nito sa resulta ng katatapos lamang na Bb. Pilipinas 2022 pageant. 

Sa isang panayam, hayagang ipinahayag ng ina ni Herlene ang kanyang pagka dismaya sa resulta ng nasabing pageant. Agad naman itong umani ng pambabatikos mula sa mga netizens. Tila kinukwestiyon umano nito resultang hindi naka-sungkit ng korona si Herlene at hindi nabigyan ng pagkakataon ang anak na i-represent ang Pilipinas sa international pageant.



Komento ng ilang mga netizens, sana naman ay makuntento na lamang ang ina ni Herlene sa resulta ng Bb. Pilipinas at huwag nang maging mapagmataas. Dagdag pa ng isang netizen, tila hindi naging proud ang ina ni Herlene sa mga achievements na narating ng dalaga.

Dahil dito, hindi naiwasang alalahanin ng ilang mga netizens ang yumaong Lola ni Herlene na kinalakihan niya. Kung saan lagi itong sumusuporta at proud sa lahat ng narating ni Herlene.

Kinabahan Sila, Sinapit!! Kilalang Beterenarang Aktress Napasugod Sa Hospital!

Walang komento

Kamakailan lamang ay napabalita itong si Nora Aunor na na-confine sa hospital ng ilang linggo. Dahil sa kanyang mga iniindang sakit dala ng kanyang edad.

Madalas na diumano ang pagpapacheck-up ni Miss Nora Aunor para mamonitor ang kanyang kalusugan. Sa edad ngayong ng Superstar ay napakasensitibo na sa mga bagay-bagay at napakarami na ring ipinagbabawal na pagkain.



Sa pagdala kay Nora Aunor sa hospital, marami sa kanyang mga tagahanga ang kinakabahan at nalungkot. Hindi naman maipagkakaila na maraming humahanga kay Nora dahil sa kanyang husay at galing sa pag-arte.

Unti-unti na naman umanong nakakarecover ang Superstar. Ayon dito, sinusunod umano niya ang mga payo ng doktor. Isa pa umano sa mga nagpapalakas sa kanya ay ang kanyang anak na si Lotlot De Leon. Ito umano ay laging nasa tabi niya at nag-aalaga sa kanya ng personal.

Talagang nakapagbigay hirap sa kalooban kay Nora Aunor ang nangyaring alitan nilang mag-ina noon. Kapag naalala umano nito ang alitan nila, nagkakasakit siya.

Kritikal! Kris Aquino Ililipat Ang Gamutan Sa Singapore Mga Doktor Sa Amerika Hindi Kinaya Ang Sakit

Walang komento

Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media tungkol sa kung ano na nga ba ang nangyayari sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Houston, Texas USA.

Chika ng source ng Showbiz Now Na mula sa kababayang Pinoy sa nasabing bansa, lilipad si Kris Aquino patungong Singapore para doon ipagpapatuloy ang kanyang pagpapagamot.

Mula sa kwento nila Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang Youtube channel. Palipad umano ng Singapore ang Queen of all Media Kris Aquino. Ang lahat umano ng inaasahan doon sa Houston Texas ay hindi umano nasunod. Maaring may mga protocol, may mga schedules na in how many days matutunton ang mga ganito, ganyan. Hindi umano na meet iyon.

"Isipin niyo sa layo ng Houston sa Singapore, kakayanin pa kaya ni Kris ang mahabang biyahe. Kita naman sa kanyang katawan ang labis na pagpayat. Tila mahihirapan ito sa mahabang biyahe."

"Sobrang nakakaawa si Ms. Kris Aquino dahil pilit siyang nagpapatatag para sa kanyang mga anak. Pero, alam niyo nung una siyang nagpagamot sa Singapore madali siyang naka-uwi. Alam niyo naman sa Singapore gumagaling talaga."

Ayon naman sa ilang mga netizens, sana umano sa pagpunta ni Kris muli sa Singapore tuluyan na itong gumaling. Nagbigay din sila ng taimtim na dasal para rito.

 

Vice Ganda, Pinangaralan Ang Contestant! Humingi Ng Paumanhin Dahil Sa Insensitive Words.

Walang komento

Nalagay sa hindi komportableng sitwasyon ang mga It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro. Ito ay dahil sa isang contestant ng Miss Q &A na gumamit ng salitang ngo-ngo at mongoloid sa kanyang intro.

Agad na nagreact si Vice at sinabing mga salitang ginami ng mga contestant does not reflect the views and opinions of the hosts. In behalf sa contestant, humingi ng paumanhin si Vice sa kung may mga na offend sa paggamit ng mga saling ngo-ngo at mongoloid.

Tila pinangaralan din ni Vice ang nasabing contestant na hindi dapat gamitin sa telebisyon ang mga salitang ito dahil may mga taong maaring ma-offend at masaktan. Ayon pa kay Vice, hindi ito ang ginamit na intro ng kandidata sa rehearsal kaya hindi nila ito napagsabihan.

Iwinasto lamang ni Vice ang contestant dahil sa mga insensitive words na ginamit na maaring makapanakit sa mga taong may ganoong kondisyon.

Dagdag pa ni Jhong, hindi umano ito ang intro na ipinakita ng kandidata sa kanilang rehearsal. Agad namang humingi ng paumanhin ang nasabing contestant at sinabing dinagdag niya lamang ang mga salitang ito sa kanyang introduction.

 

Anne Curtis Bida sa Pagrampa sa Baby Shower ni Angelica Panganiban!

Walang komento

Ginanap kagabi ang baby shower ng aktres na si Angelica Panganiban kasama ang ilang malalapit na kaibigan sa industriya ng showbiz tulad nila Angel Locsin at Anne Curtis.

Napakasaya ng nasabing event, lalong lalo na ni Angelica at ma iyak-iyak pang nagspeech para sa lahat ng dumalo. Sana umano sa susunod na chapter sa buhay nilang mag-asawa ay makakasama niya umano muli ang mga ito.

Naging bida naman ang aktres na si Anne Curtis sa diumano'y naganap na fashion show doon.

 

Reaksyon Ni Catriona Gray Sa Issue Ng Dayaan Sa Binibining Pilipinas 2022!

Walang komento


Ipinagtanggol ng Corner Stone Management sina Ms. Universe 2018 Catriona Gray at Ms. Grand International Philippines 2016 Nicole Ignacio Cordoves sa controversial Bb. Pilipinas 2022 Grand coronation night.

Ang Corner Stone ang talent management company na nangangalaga kina Catriona at Nicole na host ng katatapos lamang ng pageant. Nabahiran ng isyu ang Bb. Pilipinas 2022 coronation night, nang magka delay sa announce sa nanalong Bb. Pilipinas International 2022.

Nagkaroon ng dead air matapos maanunsyo ang mga nanalong Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at Bb. Pilipinas Grand International. Nakuhanan ng video ang bahagi ng program kung saan kinausap sina Catriona at Nicole ng floor director ng pageant sa kalagitnaan ng delay.

Makikita sa mukha ni Catriona ang pag-aalala at seryosong pagturo niya sa kanyang cue cards para ipaabot sa floor director kung anuman ang mensahe niya. Dahil dito, hindi naiwasang magtanong ng mga netizens at ng mga nakapanood ng coronation night kung ano ang dahilan ng delay. Hinuha pa ng ilan na may pagkakamali sa pagtawag ng mga nanalo.


Naglabas naman ng official statement ang Corner Stone at nanindigan na walang pagkakamali ang mga hosts na sina Catriona at Nicole. Tama umano ang mga resultang binasa ng dalawa at verified pa ito ng SGV. Ayon sa pahayag mula sa Corner Stone, “The winners announced by the hosts were accordingly based on the titles printed on the cards, which were handed over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho. Mr. Ocho even rechecked the cards and confirmed that the results announced by the hosts were accurate. We hope that this will put to rest any controversy concerning last night’s results.” 



Naglabas din ng personal na pahayag  si Catriona hinggil sa isyu. Sabi nito sa kanyang Facebook post nitong lunes, August 1.

"About last night...

As the hosts of last night’s Binibining Pilipinas 2022, @binibiningnicolecordoves and I announced the winners accordingly based on the titles printed on the individual title cards as these were handed over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho.
As a member of the overseeing committee during the deliberations (as pictured on slide 4 by BPCI Execom member @laraquigaman), Mr. Ocho later rechecked the cards and confirmed that the results previously announced were correct, which became the decisive factor in moving forward with the announcement.
As former candidates ourselves, we understand what the girls go through and would, therefore—without a second thought—correct any errors, if any were made. But as already explained, SGV & Co. partner and representative Mr. Ocho himself confirmed the validity of the results.
~
Let's celebrate our Queens who are wearing their rightful crowns.
Congratulations
to our new @bbpilipinasofficial Queens! I'm so excited to witness your journeys and I know you will make our country proud!!"

Lampungan Nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes Labis Na Kinakikiligan Ng Mga Fans!

Walang komento

Tila hindi nagsasawang i-flex ng basketball star na si Ricci Rivero ang kanyang girlfriend na si Andrea Brillantes.

Sa kanyang bagong upload na TikTok video, mulin niyang iflinex ang girlfriend sa kanyang mga fans. Makikita naman sa nasabing video kung gaano kasaya at kasweet ang magkasintahan sa isa't-isa habang nagsasayaw.

Matatandaang, hindi ito ang unang pagkakataon na iflinex ni Ricci si Andrea sa kanyang social media accounts para maipakita sa publiko. Mula nang masungkit ni Ricci ang 'yes' sa panliligaw niya sa dalaga in public, consistent ito sa pagpapakita ng affection at love para kay Andrea.

Samantala, mabilis na nag-viral ang nasabing video na kinakikiligan naman ngayon ng mga fans nila.

 

AJ Raval Itinakwil Ang Kapatid Na Si Vanessa Raval!

Walang komento

 

Muling binatikos ng ilang mga netizens si AJ Raval matapos itinangging malapit sila sa isa't-isa ng kapatid na si Vanessa Raval. Ayon sa mga netizens, kulang na lamang na itakwil nito ang kapatid base sa pahayag nito matapos ang ginawang gulo ng kapatid online.

Kamakailan nag-viral si Vanessa Raval matapos niyang gumawa ng kwentong may isang rapper na may gusto sa kanya. Hindi niya umano  nagustuhan ang ginagawang ito ng rapper dahil mayabang ito. Hindi rin umano ito gwapo. May karelasyon na rin umano ito at may anak na.

Hula ng mga netizens na si Skusta Clee ang tinutukoy ni Vanessa ngunit itinanggi ito ng huli at sinabing si Haring Manggi ang tinutukoy niya. Dahil dito, tila nahuli si Vanessa ng mga netizens na gumagawa lamang ng kwento para mapansin.

Kalaunan ay inamin naman ni Vanessa na gawa-gawa niya lamang ang lahat. Ang mas ikinagulat ng mga netizens ay ang inilabas na pahayag ni AJ Raval. Tila tuwirang itinakwil kasi nito ang kapatid na si Vanessa at sinabing hindi sila malapit sa isa't-isa.



Ayon kay AJ, labas umano siya at ang ibang myembro ng kanilang pamilya sa isyung ginawa ni Vanessa at dapat umano na hindi sila madamay.

"I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa.

Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa. We may share the “Raval” name, pero hindi ko siya nakasamang lumaki, hindi rin kami close. We are very civil pag nagkikita at times, but there is nothing special about it, dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday), yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama ko lumaki and not with Vanessa.
We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman. Again, we have nothing to do with it. Labas kaming lahat sa issues ni Vanessa.
Ganoon din sa akin, Labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin.
Ako na po himihingi ng Pasensya sa lahat ng naapektuhan at na damage lalo na sa Hiphop Industry."

Komento ng mga netizens, tila kinakahiya ni AJ Raval ang kanyang kapatid at halos itakwil na ito sa kanyang naging pahayag.

Nilinaw naman ni Vanessa na gumawa lamang siya ng isyu para mapagtakpan ang mga isyu kay AJ. Tapos ngayon, siya na lamang ang idinidiin nito.

Len Timbol, Ina Ni Herlene "Hipon" Budol Dismayado Sa Resulta Ng Pageant

Walang komento

Binalot ng maraming espekulasyon ang ginanap na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa Smart Araneta Coliseum, Hulyo 31, matapos ang ilang minutong pagka-delay ng pag-anunsyo ng nanalo.

Si Nicole Borromeo ng Cebu City ang itinanghal na Bb. Pilipinas-International 2022 at si Gabrielle Basiano ng Borongan Eastern Samar naman ang Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022.

Ayon sa usap-usapan, maaaring nagkapalit ang corona ng dalawang contestant. Anila, si Gabrielle Basiano ang totoong nanalong Bb. Pilipinas-International 2022.

Samantala, dismayado naman ang ina ng kontrobersyal na Bb. Pilipinas 2022 candidate Herlene Nicole Budol sa naging resulta ng patimpalak. Aniya, bagama't nasungkit ni Herlene ang pagiging 1st runner-up, umaasa ang kanilang kampo na makakakuha ito ng major award.

Sa panayam ni Joee Guilas ng The Thrillmaker, kay Len Timbol, ina ni Herlene, sinabi nitong, "Mas mataas yung inaasahan namin para kay Herlene. Hindi namin alam kung ano ang nangyari.”



Nilarawan niyang 'super' at magaling ang naging performance ng anak at maging ang question and answer ay perfect para sa kanya at deserve talaga umano nitong manalo.

Naitanong din dito kung ano ang sa palagay niyang naging pagkukulang ni Herlene.

 

Vanessa Raval, Umamin Na “scripted” Ang Kanyang Post Sa Socmed!

Walang komento

“Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT.”

Yan nga ang latest post ng kapatid ni Aj Raval na si Vanessa Raval tungkol sa kanyang mga viral posts tungkol sa isang sikat na rapper na nangungulit umano sa kanya sa mga chats. Naging usap-usapan kasi ng mga netizens ang ibinahaging mga posts ng kapatid ni Aj Raval na si Vanessa Raval nakaraan, makikita sa mga larawan na kanyang ipinost ang viral meme ni Skusta Clee na may mga kasabay na captions.

“Yung poging pogi ka sa sarili mo Pero Ayaw mag pahatid sayo ng pinopormahan mo” pahayag ni Vanessa.

“Isang rapper Ang Ayaw ako tigilan sa chat. Na babash kana sa pambababae mo Wala ka parin dala? Mahilig ka talaga sa malaman no? Wag ako, e ano kung sikat ka? Maganda lahi ng tatay ko wag Mong dungisan.”

Kinumpirma naman ng mga netizens na si Skusta Clee nga ang tinutukoy ni Vanessa Raval at tinawag pa niyang bayaran ang kinakasama ngayon ni Skusta Clee.

“PARA DITO SA RAPPER NA FEELING POGI. MAKUNTENTO KA SA CHICKAS MONG BAYARAN. WAG MOKO IDAMAY. IMBIS NA MAG FOCUS KA SA ISANG ANAK, NAG FOFOCUS KA SA MADAMING BABAE. HINDI LAHAT NG NATIPUHAN O PINAG NANASAAN MO KAKAGAT SAYO. SORRY. HINDI KO KAYA KUMAIN NG PUTAHENG PANGIT ANG LASA.” ani Vanessa.



Kalaunan ay sumagot na si Skusta Clee dahil nadadamay siya sa mga rants ni Vanessa Raval sa social media. Binasag na ng OPM rapper na si Skusta Clee ang kanyang katahimikan kaugnay ng kumakalat na balita na siya raw ang tinutukoy ng kapatid ng sexy actress na si AJ Raval na si Vanessa Raval sa mga viral cryptic post nito.

Dahil pasok umano kasi si Skusta sa mga ibinahaging description ni Vanessa sa rapper na nangungulit umanong makipagkita sa kanya.

Ani Skusta, “Ms. Vanessa Raval, I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone–meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan. I’ll be waiting.”

 

‘Last Ko Na’: Herlene Budol, Hindi Na Muli Sasali Sa National Pageant

Walang komento

Hindi na muli sasabak pa sa national pageant ang fan-favorite na si Herlene Nicole “Hipon Girl’ Budol sa kabila ng pasabog na performance sa naganap na coronation night ng Binibining Pilipinas.

Hinakot ni Herlene ang maraming special awards kabilang ang Manila Bulletin’s Readers’ Choice Award, Binibining Shein, Binibining Pizza Hut, Binibining Kumu, JAG Queen, Binibining Silka at Binibining World Balance.

Ginulat din ng beauty queen ng Rizal ang pageant fans sa kaniyang matalas na sagot gamit ang Tagalog kung saan ipinunto niya na ang magsilbing inspirasyon sa maraming tao ang naging transpormasyon niya nang maging isang Binibini sa prestihiyosong pageant.

“Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan. Para sa akin, ang sarap pa lang mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon because I know for myself that I’m uniquely beautiful with a mission.”

Target sana ng Kapuso comedienne ang koronang Miss Grand International (MGI) kaya naman ikinadismaya ng kaniyang fans nang wala itong masungkit na korona. Gayunpaman, isang malaking tagumpay pa rin para kay Herlene ang first-runner up finish bilang unang sabak ng aspiring beauty queen sa isang national pageant.



Sa isang tweet naman ni Miss Universe Philippines Mary Jean Lastimosa, isang pag-amin naman ang sinabi umano ni Herlene.

“Chinika ko si Budol Sabi ko proud ako sayo ang galing mong sumagot! Sumali ka pa ulit. Sagot nya: last ko na to ate. Aww why naman langga,” mababasa sa tweet ng beauty queen.

Si Herlene ay talent ng YouTube vlogger at businessman na si Wilbert Tolentino.

Kasong RÄ…p3 Ni Vhong Navarro Na Isinampa Ni Deniece Cornejo, Muling ‘nabuhay’

Walang komento


Muling nabuhay ang kasong rape laban sa TV host-comedian na si Vhong Navarro na isinampa ng model na si Deniece Cornejo.

Ito ay matapos ipag-utos ng Court of Appeals (CA) sa City Prosecutor of Taguig City ang pagsasampa ng kasong rape by s3xual int3rcourse and acts of lasciviousness laban sa komedyante.

Ayon sa report, nabaligtad ang una nang desisyon ng Department of Justice na ibasura ang reklamong isinampa kay Vhong.

“Cornejo decries attempted rape on the night of January 22, 2014 while Navarro denies any wrongdoing. We reiterate once more that the preliminary investigation is not the proper venue on the respondent’s guilt or innocence,” ayon sa CA.

“Cornejo’s claim that she initially managed to escape Navarro’s unwanted advances, but he caught up with her to further his perverse objective satisfies the element of force and intimidation.”



Naging laman ng balita ang pagsasampa ng kaso kay Vhong noong 2014. Ayon sa komedyante, binugbog umano siya at tinangkang kikilan ng grupo ni Deniece. Itinanggi naman ito ng kabilang kampo at sinabing nabugbog lamang si Vhong nang mahuli ito pagkatapos pagtangkaan ang modelo.

Reaksyon Ni Alden Richards Sa Pagkaka-engage Ni Maine Mendoza Kay Arjo Atayde! Alamin

Walang komento

Lunes, Agosto 1, 2022

Marami ang natuwa sa paglabas ng balitang engage na ang apat na taong magkarelasyon na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Sa loob ng halos apat na taon ay naging low key ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon. Ito marahil ay upang bigyang galang ang phenomenal loveteam na hinangaan at minahal ng marami sa loob ng mahabang panahon. Ito ay walang iba kundi ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang AlDub Loveteam.

Ngayon, tuluyang natagpuan na ni Maine Mendoza ang lalaking kanyang makakasama sa habang buhay, tila panahon na para sabihing wala na talaga ang AlDub loveteam. Maraming mga fans nila ang nalungkot sa pangyayaring ito.

Ngunit, mas marami pa rin ang masaya para kay Maine at iginalang ang desisyon nito. Viral at usap-usapan din ang naging reaksyon ni Alden Richards sa pagkaka-engage ni Maine Mendoza kay Arjo Atayde. Masaya rin umano ngayon si Alden sa pagkaka-engage ni Maine.

Hindi naman kasi maipagkakaila sa sobrang malapit na ang mga ito sa isa't-isa. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa at inakala pa ng lahat na mauuwi sila sa pag-iibigan. Kaya naman sa pagkakatagpo ni Maine ng lalaking mamahalin niya, masaya si Alden para sa kanila.

 

Reaksyon Ni Vice Ganda Sa Hikaw Ni Catriona Gray Sa Bb. Pilipinas 2022 Coronation Night!

Walang komento

Sa pagbubukas kagabi ng Bb. Pilipinas 2022 Coronation Night, agad naging agaw-atensyon sa mga netizens ang suot na hikaw ni Catriona Gray.

Isa si Ms. Universe 2018 Catriona Gray sa naging main hosts ng nasabing coronation night. Isa rin siya sa mga naging usap-usapan online, matapos mapansin ng mga netizens ang suot-suot na hikaw ni Catriona Gray. Pagkukumpara pa ng ilan, parang mga chandeliers ito.

Agad namang nagtrending sa Twitter si Catriona Gray dahil dito. Maski si Vice Ganda ay hindi pinalampas ang suot-suot na hikaw ni Catriona.

Tweet ni Vice Ganda, "Sana naghikaw si Catriona. Ang plain e."

 

Napa-wow Si Baby Bia Nang Mapanood Si Zeinab Harake Sa TV Bilang Hurado It’s Showtime Miss Q & A!

Walang komento

Pinag-uusapan ngayon sa social media si Zeinab Harake dahil pagiging hurado nito sa It's Showime Miss Q & A segment.

Hindi lamang ang mga fans ng kontroversal at sikat na vlogger ang nag-aabang sa kanya na mapanood. Kundi maging ang kanyang anak na si Baby Bia.

Sa videong ibinahagi ng isang kapamilya ni Zeinab Harake, makikita si Baby Bia na agad nakilala ang kanyang Mommy nang makita ito sa TV.

Ang nasabing video ay agad na nagtrending sa social media na talagang kinaaaliwan ng mga netizens.

 

Vanessa Raval Umamin Na Scripted Lang Ang Tungkol Sa Rapper || Supalpal Sa Kapatid Na Si AJ Raval

Walang komento

Matapos magtrending ang post ni Vanessa Raval tungkol sa pangungulit umano sa kanya ng isang OPM rapper at ang pagsagot ni Skusta Clee dahil tumutugma rito ang description ni Vanessa. Sinabi ng dalaga na hindi ito si Skusta Clee at ini-reveal na si HaringManggi Miguelito malakas ito.

Agad namang nag-react ang mga netizens sa kanyang sinabi dahil hindi naman tumutugma rito ang kanyang mga description. Komento pa ng ilang mga netizens na ginisa lamang ni Vanessa ang sarili sa sariling mantika dahil ang lahat ng mga naunang description niya ay hindi naman tumutugma kay Haring Manggi kundi kay Skusta Clee.

Unang-una si Haring Manggi ay hindi nagkaroon ng concert sa Pampanga. Hindi rin ito sikat na Rapper. Hindi rin ito nagtrending dahil sa panloloko at pambabae. Lalong-lalo na, wala pa itong anak. Pinayuhan din si Vanessa ng isang MC sa Fliptop na itigil na ang kanyang mga ginagawa dahil nakakahiya. Lalong-lalo na sa kanyang ama si Jeric Raval na kilala sa mundo ng Showbiz.

Dahil nabuking na, umamin naman si Vanessa Raval na scripted at gawa-gawa niya lamang ang lahat ng kanyang mga post tungkol sa nangungulit na Rapper.

"Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT," post ni Vanessa sa kanyang Facebook page.

Dagdag pa niya sa comment section ng nasabing post, "Hindi para sa kita ng fb kaya ko to ginawa. Ako nalang siguro nakaka alam non. Salamat."

Agad namang umani ng pambabatikos si Vanessa dahil sa kanyang pag-iimbento ng kwento para lamang magtrending at mapag-usapan ang kanyang pangalan.



Nagsalita na rin ang kanyang kapatid na si AJ Raval at mariing itinanggi na dawit siya sa isyu at ginawa lamang umano ito ni Vanessa upang mabaling sa kanya ang mga mata ng marites at hindi pag-uusapan pa ang umano'y pagbubuntis ni AJ.

Ayon kay AJ, "I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa.

Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa. We may share the “Raval” name, pero hindi ko siya nakasamang lumaki, hindi rin kami close. We are very civil pag nagkikita at times, but there is nothing special about it, dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday), yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama ko lumaki and not with Vanessa.
We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman. Again, we have nothing to do with it. Labas kaming lahat sa issues ni Vanessa.
Ganoon din sa akin, Labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin.
Ako na po himihingi ng Pasensya sa lahat ng naapektuhan at na damage lalo na sa Hiphop Industry."

Tila nasaktan naman si Vanessa sa pahayag na ito ni AJ at nilinaw na ginawa niya lamang ang lahat upang mabaling sa kanyang issue ang mga mata ng marites at siya na ang pag-usapan. Hindi ang isyu ng umano'y pagbubuntis ni AJ.

"Gumawa ako ng issue para patahimikin sarili mong issue at sakin nalang magalit ang lahat ng tao. Bandang huli itatanggi mo ko. Wag ka mag alala mahal pa rin kita."

Grabeng pambabash ang kinahaharap ngayon ni Vanessa dahil sa paggawa niya ng kwento at pandadawit sa mga taong wala namang kinalaman. Ngunit may ilang netizens naman na tila naunawaan ang kanyang ginawa na pantatakip lamang umano kapatid na si AJ.



Vice Ganda- May Bagong Resbak Sa Patutsada Ni Bayani Agbayani?

Walang komento


Kamakailan ay naging usap-usapan sa social media ang naging closing prayer ni Bayani Agbayani sa kanilang show na Lunch Out Loud na tila patutsada kay Vice Ganda.

Ayon kay Bayani, "Thank you po sa humility na ibinibigay niyo sa amin. Papatuloy niyo pong ibibigay sa amin 'yan. Patuloy n'yo po kaming bigyan ng pusong mapagmahal. Salamat po sa kalusugan, lahat ng bagay. Huwag niyo po kaming hayaang maging hambog o mayabang. Lagi po kaming magpapakumbaba at tutulong sa aming kapwa dito po sa industriya at sa labas ng industriya."

Tila hindi naman naiwasan ni Vice Ganda na sagutin ang patutsada ni Bayani Agbayani. Noong nakaraang araw ay pabirong sinabi ni Vice Ganda, habang nagkukwentuhan sila sa It's Showtime, na akala umano ni Anne Curtis na nanood siya ng three o'clock hobbit dahil may napapanood siyang nananalangin.

Resbak pa ni Vice Ganda, "Hindi masama na mangarap, hindi masama ang mag-wish. Isabuhay natin 'yan. 'Yung araw-araw meron tayong binubuo na plano sa buhay. Basta dapat sincere... i-manifest lang ang mga pinakahinihiling ng inyong puso at baka naman ngayong araw na ito matupad ang mga ipinagdarasal n'yo basta dapat sincere."



May balak yata si Bayani Agbayani na gumawa ng segment sa Lunch Out Loud na parinigan serye dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagpapatutsada sa mga host sa It's Showtime. Lalong-lalo na kay Vice Ganda.

Kontrobersiya! Nagkaroon Nga Ba Ng Palitan Ng Crown Sa Katatapos Na Bb. Pilipinas Coronation Night?!

Walang komento

Trending ngayon ang katatapos lamang na coronnation night ng Binibining Pilipinas 2022.

Maayos naman na naisagawa ang pagkakasunod-sunod ng programa. Hanggang sa dulo ng nasabing event kung saan tatawagin na ang mga kandidatang makokoronahan. Nagkaroon ng delay sa huling kandidata na makakatanggap ng korona at tatanghalin bilang Miss International.

Makalipas ang mahigit tatlong minutong delay, si Nicole Borromeo ang nakasungkit sa titulong Binibining Pilipinas, Miss International. Dahil sa nasabing delay, maraming mga netizens ang nagtatanong, kung wala nga bang palitan ng koronang nangyari.

Maging ang sikat na komedyanteng si Vice Ganda ay na-curious kung ano nga ba ang totoong nangyari at kung bakit nadelay ang pag-aanunsyo.



"Ano kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa'y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls!" komento ni Vice.

May isang netizen naman na nagkomento sa comment section ng nasabing post ni Vice. Sinabi nitong tila nagkapalit umano ng crowns sina Basiano at Borromeo na kinoronahang Miss Intercontinental at Miss International.

Mas lalong lumakas ang kutob ng ilang mga manood ng mapansin sa screen at mababasa ang mga pangalan ng kandidata at ang napanalunan nila ngunit walang pangalang inilagay sina Basiano at Borromeo.

Samantala, kumakalat ngayon ang isang video kung saan mapapanood ang isang staff umano ng BPCI na dapat si Basiano ang kokoronahang Miss International.

Dahil rito, tila nabahiran na ng kontrobersiya ang Bb. Pilipinas Coronation Night.

 

Vice Ganda at Xian Nagreact, May Mali Nga Ba Sa Anouncement Ng Bb. Pilipinas??

Walang komento

Hanggang ngayon mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang tila pagkakaroon ng aberya sa pag-announce sa Binibining Pilipinas winner kagabi.

Ayon sa ilang manonood, tila may mali sa pag-announce ng mga winners. Unang nag-react si Vice Ganda. "May very wrong!" pagre-react ni Vice.

"Ano kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa'y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls!" dagdag pa  ni Vice.

Hindi rin napigilang magreact ni Xian Gaza tungkol sa naganap na Bb. Pilipinas 2022 pageant.

"Blind Item: Sinetch itey na former Miss Universe ang nalito between "Miss Intercontinental" at "Miss International"? post ni Xian.

"May 11 stories in Malta is now up. Enjoy! Magandang umaga po sa lahat except kay Catriona Harvey," kasunod na post ni Xian.

Mabilis ding kumalat sa social media ang isang video clip na si Basiano umano ang dapat na nanalo. Kaagad naman na ipinagtanggol ni MJ Lastimosa ang naging announcement ng Bb. Pilipinas.



"Walang cheka mga acclacoz according to the bpci correct ang results. Nalito lang daw sa floor hence the pause. Osha sha tulog na mga marites!!!"

Herlene Nicole "Hakot Queen" Budol Bb. Pilipinas 2022 1st Runner & Hakot Award

Walang komento


 'Hakot Queen' ang Kapuso Star na si Herlene Nicole Budol sa ginanap na Grand Coronation Night ng Bb. Pilipinas 2022 Pageant.

Halos lahat ng special awards ay napanalunan ng comedian and aspiring beauty queen. Kaya naman ilang beses siyang pumagitna sa stage ng Araneta Coliseum.

Wagi si Herlene bilang Bb. Shein. Miss Pizza Hut, Jag Queen, Bb. Silka, Bb. Kumu, at Miss World Balance. 



Si Bb. Tacloban naman Chelsea Fernandez ang nagwagi bilang Bb. Ever Bilena habang wagi bilang Bb. Moist Diane Shampoo si Bb. Iloilo Karen Mendoza. Sa Best in Swimsuit at Evening Gown awards naman, agi si Gabrielle Basiano ng Borongan, Eastern Samar.

Ang iba pang nanalo ng mga special awards ay ang mga sumusunod, Graciella Lehmann Best in National Costume, Bb. Best in Talent naman si Ma. Isabela David. Face of Bb. Award naman para kay Yllana Marie Aduana. Bb. Friendship si Eiffel Janell Rosalita at Bb. Airlines naman si Roberta Angela Tamondong.

Pagkatapos ng swimsuit, evening gown at question and answer portion kinoronahan bilang 2nd runner up si Bb. Stacey Gabriella Daniel. First runner up naman si Bb. Herlene Nicole Budol. Kinoronahan naman bilang Miss Globe si Bb. Chelsea Fernandez, Miss Intercontinental naman si Gabrielle Basiano, Miss Grand International si Bb. Roberta Tamondong at Miss International si Bb. Nicole Borromeo.



Cause of De4th Fidel V. Ramos, Ang Biglaang Pagk@wala!

Walang komento

Lubos na ikinabigla ng lahat ang biglaang pagkawala ni Former President Fidel V. Ramos. Ayon sa mga naunang balita, pumanaw ito kahapon sa Makati Medical Center.

Dahil sa kanyang katandaan, ay hindi na ni nakayanan ni Former President Fidel V. Ramos ang komplikasyon na dulot ng pagpopositibo sa Covid-19.

Si Former President Fidel V. Ramos ay nasa 94 taong gulang bago tuluyang namaalam. Ito rin ang ika-labindalawang pangulo ng bansa. Isa din itong retired General bago ito naging Pangulo ng bansa.

Sa kanyang pagkawala, naiwan naman nito ang kanyang masasayang alaala at magagandang nagawa para sa bansa.

"If each of us pulled his or her weight, then we as a nation can be bound together not only by the common memory of our past suffering but by the progress we can enjoy together."

 

Natalo! Nadismaya Sa Resulta!!! Hipon Girl Budol Di Makapaniwala Na Naging First Runner-up Lang!

Walang komento

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2022 pageant. Kung saan inaabangan ng marami at paborito ng mga netizens ang pambato ng Angono, Rizal na si Herlene Nicole Budol o Hipon Girl.

Napahanga ni Herlene ang ilan ng makapasok siya sa Top 12 at nagkapagsabi kung ano ang makabuluhang nangyari sa bansa pagkatapos ng anim na taon.

Sinagot ito ni Herlene gamit ang wikang Tagalog na ikinamangha ng kanyang mga fans. Pagkatapos, rumampa si Herlene sa kanyang swim suit at hindi nagpakabog sa iba pang mga kandidata. Inirampa rin ni Herlene ang kanyang orange-gold gown na may tatak pang hipon sa likuran. Sumisimbolo ito sa kanyang bansag bilang Hipon Girl kung saan una siyang nakilala.



Samantala sa tanong para kay Herlene sa Q & A ginamit niya sa pagsagot ang wikang Tagalog. Makikita naman sa audience ang suporta ng kanyang manager at Madame Inuts.

Ikinatuwa naman ng mga supporters ni Herlene ang pagkakaroon nito ng mga minor awards. 

Sa kabilang banda, marami naman ang nadismaya na mga pageant fans dahil hindi nasungkit ni Herlene ang korona ng Miss Grand International na inaasam-asam ni Herlene. Maging si Herlene ay tila na dismaya rin sa naging resulta.

Tanong ng ilang fans, bakit first runner-up lamang si Herlene gayung ginawa naman nito ang lahat-lahat at makikita naman umanong deserving si Herlene para sa inasam-asam nitong korona ng Miss Grand International.

Hala‼️ Bakit Sinabing May Daya? Binibining Pilipinas International 2022 Nicole Borromeo, Cebu City

Walang komento

Ang nagwaging Binibining International 2022 ay si Bb. 23 Nicole Borromeo mula sa Cebu, City. Tila hindi makapaniwala si Bb. 23 Nicole Borromeo na siya ang nanalo bilang Bb. Pilipinas Miss International 2022. Maging ang ilang mga netizens ay tila hindi rin makapaniwala na ito ang nanalo sa Bb. Pilipinas.

Maraming mga bashers na naglabasan sa comment section sa Youtube channel kung saan napapanood ng live ang Bb. Pilipinas pageant. Komento ng ilang netizens na tila niluluto ang nanalo dahil sa tagal nitong ipinalabas. Marami rin ang tila hindi makapaniwala at tila hindi sang-ayon sa naging kinalabasan ng nito.



Video Ng Bonggang Proposal Ni Arjo Atayde Kay Maine Mendoza Viral Na

Walang komento

Viral ngayon sa social media ang video ng bonggang proposal ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza. Sa video na ibinahagi ni Liz Uy makikita na talagang pinaghahandaan ni Arjo ang kanyang pagpropose.

Mala-fairytale ang dating ng proposal ni Arjo.

Makikita rin na may pa-fireworks si Arjo matapos nitong matanggap ang matamis na 'yes' ni Maine.

Kaya naman maraming netizens ang sabay-sabay na napa-sana all sa nasabing video.

 

Sila pala ang nanalo ng KORONA! Congratulations Queens!

Walang komento

Kilalanin natin kung sinu-sino ang nanalo ng korona ng Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental and Miss Grand International!


Congratulations, queens! 


International - Cebu's Nicole Borromeo

Intercontinental - Gabrielle Basiano, Borongan, Eastern Samar

Grand International - Roberta Tamondong of Laguna

Globe - Chelsea Fernandez of Tacloban city

1st runner-up - Nicole Budol of Angono, Rizal

2nd runner-up - Stacey Gabriel of Cainta, Rizal


Just in: Herlene Nicole Budol Pasok Sa Top 12

Walang komento

 

Viral ngayon sa social media kung saan napapanood ngayon ang Binibining Pilipinas 2022 sa kanilang Youtube channel.

Magandang balita para sa mga tagasuporta ni Nicole Budol o mas kilalang Hipon Girl dahil isa sya sa napiling pasok sa Top 12 Binibining Pilipinas. 

Sino sa tingin niyo ang mananalo o makakasungkit sa korona?

Just comment down!

Herlene Nicole Budol, kabado nga ba sa Questions & Answer portion?

Walang komento

 


Hindi biro ang makapasok sa Binibining Pilipinas. Kung ikaw man ay mapalad na makapasok sa ganitong patimpalak ay talaga namang isa ka sa pinakamaswerte at may angking kagandahan at katalinuhan.

Napakaswerte ni Herlene Nicole Budol dahil nakapasa sya sa lahat ng audition bilang isang Binibining Pilipinas. Maraming netizens ang nagmamahal at sumusuporta kay Herlene Nicole dahil nagtitiwala sila na kayang-kaya ito ni Herlene Nicole.

Samantala, napahanga ni Nicole ang mga fans dahil sa ganda ng kanyang kasagutan at confident sa sarili. 

Judge: "A beauty pageant is a space for transformations. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of the crown tonight?"

"Gusto mo magTagalog?"

Herlene: "Pwede"

Judge: "Magtagalog tayo. Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyon na importante ang nangyari sayo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas?"

Herlene: "Maraming salamat po. Para sa 'kin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang Binibining hindi inaasahan. Para sa 'kin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap... mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap, at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon. Because I know... Because I know for... Because I know for myself that I am beautiful... Because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission. Salamat po!"

Omg! Sunshine Nag Enjoy at Nag Init Kay Xian Lim!

Walang komento

Biyernes, Hulyo 29, 2022

Ipinahayag ng sexy actress na si Sunshine Guimary na swerte siya sa pagkakaroon ng direktor na si Xian Lim.

Wika ng aktres, "Unang-una ang direktor namin ay napakagwapo, napaka-bagets. Bali, pang apat ko siyang direktor. Alam mo yun parang hindi ko naramdaman, 'yung kind of work. Sa script pa lang parang ang sarap niyang i-enjoy. 'Yun naman ang goal ni Direk na i-enjoy lang. So 'yung part na 'yun as in. Like ang swerte namin sa part na 'yun. Hindi siya istrikto sa script, sa mga lines. So we're so lucky na ito ang direktor namin."

Si Xian ang direktor ng Hello, Universe. Makakasama din ni Sunshine sina Janno Gibbs, Anjo Ilana, Gene Padilla, Benjie Paras, Mawie Taylor, Mj Cayabyab, Madeline Red at Joe Vargaz.



Sexy but sweet ang vibes ngayon ni Sunshine bilang si Lorin. Nilinaw din ng aktres kung bakit natagalan ang follow up movie niya after House Tour.

Talagang nag-enjoy si Sunshine na makatrabaho si Xian Lim. Ano naman kaya ang masasabi ng girlfriend nitong si Kim Chiu?

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo