Mga Celebrities Na Nakuha Ang Pinangarap Nilang Maka-Relasyon at Mga Crushes Nila!

Martes, Pebrero 27, 2024

/ by Lovely


 Kilalanin ang mga celebrities na nakuha ang mga pinapangarap nilang makakarelasyon na naging ultimate crushes nila noon.


Maris Racal



Nagsimula ang lahat sa isang song collaboration, hindi naman akalain ng actress-singer na si Maris Racal na matupad ang kanyang pinapangarap na maging boyfriend si Rico Blanco ng Rivermaya. Subalit, bago malaman ng publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon, pinili muna ng dalawa na gawing pribado ang kanilang relasyon.


Aminado naman si Maris Racal na matagal na niyang crush si Rico Blanco kaya naman para sa kanyang dream come true ang kanilang relasyon, hindi rin alintana ni Maris ang malaking age gap nila ni Rico Blanco.


Andrea Brillantes



Maliit na bata pa lamang noon si Andrea Brillantes ay aminado na siyang malaki ang pagkakagusto niya sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla. Sa katunayan, sa kanyang mga panayam noon ay sinasabi niyang nais niyang magkaroon ng nobyo na katulad ng katangian ni Daniel Padilla.


Hayagan ding inamin noon ni Andrea Brillantes, na nais niyang makatrabaho noon si Daniel Padilla at hindi rin umano siya natatakot sa girlfriend nito noon na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lubos akalain ng mga netizens na totoong magkakaroon ng ugnayan ang dalawa, subalit nito lamang huling bahagi ng taong 2023 nadawit ang pangalan ng aktres sa nangyaring hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Si Andrea Brillantes kasi ang tinuturong dahilan ng nasabing hiwalayan dahil palihim umano itong nakikipagkita kay Daniel Padilla at nakikipag-sleep over sa bahay nito.


Maine Mendoza



Hanggang ngayon ay maraming naiinggit sa love story nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde hanggang ngayon. Nag-umpisa lamang ang kanilang story sa isang tweet ni Maine ng cutiey.


Hindi naman halos makapaniwala si Maine Mendoza na maging mister na niya ngayon ang matagal na niyang crush noon. Nagkasama sa iisang proyekto sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa pelikulang Jak en Popoy, kung saan ginampanan ni Arjo ang papel ng isang kontrabida.


Doon na nagsimula na magkalapit ang kanilang mga loob hanggang sa magkaroon na ng relasyon.


Dingdong Dantes at Marian Rivera



Nagsimula ang love story nilang dalawa sa set ng hit Kapuso teleserye na Marimar noong 2005. Sa kabila ng mga naglabasang mga kontrobersiya noon patungkol sa kanilang relasyon hindi ito naging hadlang para lalo silang maging magkalapit sa isat'isa.


Nasundan pa ang kanilang proyekto nang magsama naman sila sa teleseryeng Dyesebel kung saan kinilala sila bilang Brightest Star on TV. Makalipas ang ilang taon, nagpakasal ang dalawa at nabiyayaan naman ng dalawang anak na sina Zia at Sixto.


Sa kanilang pagbabalik sa big screen, pinatunayan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na sila pa rin ang ultimate loveteam dahil napalitan na nila ang long time Highest Grossing Film ng Pilipinas na dating hawak ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Enrique Gil



Noon pa man ay naging bukas na si Enrique Gil sa publiko sa pagkakaroon niya ng crush kay Liza Soberano bago pa man sila maging magka-loveteam. Naging crush na umano ni Enrique Gil si Liza Soberano noong nagkasama sila sa iisang pelikula kasama sina Bea Alonzo at Dingdong Dantes.


Kaagad rin umanong napagbigyan ang kahilingan ni Enrique Gil na magkasama sila sa iisang project ni Liza Soberano, sa seryeng Forevermore. Kamakailan lamang ay ipinahayag ni Enrique Gil na maayos pa rin ang relasyon nila ni Liza Soberano sa kabila ng pagiging malayo nila sa isa't-isa.


Ryan Agoncillo



Taong 2001 nang magkakilala sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, hindi nila lubos akalain na sa kasalan mapupunta ang simpleng hi nila noon. Nagkasama sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa teleseryeng  Kristala kung saan naging mas matatag ang kanilang relasyon.


Sa ngayon ay happily married na ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak na sina Luna, Lucho, at Yuhan.


Matteo Guidicelli



Noon pa man ay hayagan nang inaamin ni Matteo Guidicelli na matindi ang kanyang paghanga sa singer-actress na si Sarah Geronimo. Matagal nilang itinago sa publiko ang kanilang relasyon dahil sa pagtutol ng mga magulang ni Sarah Geronimo.


Ang kanilang kasal noong February 2020 ay naging kontrobersyal rin dahil inilihim nila ito sa mga magulang ng singer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung nagkaayos na ba sina Sarah Geronimo at kanyang mga magulang.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo