Isinara ni James Reid ang comment section ng kanyang pinakabagong TikTok video, kung saan makikitang kumakanta siya habang tumutugtog ng gitara. Ito ay matapos dagsain ng mga netizen ang kanyang post ng mga lumang larawan kasama ang dating nobyang si Nadine Lustre, gayundin ng mga larawan nila ng kasalukuyang nobya na si Issa Pressman.
Bago tuluyang i-disable ang comment section, ilang komento ang sinagot mismo ni James. Isa sa kanyang mga naging tugon ay tila patama sa mga patuloy na nangba-bash sa kanya:
“So many bitter people that can’t stand to see me this happy 😄 I hope all of you here find love like I did that inspires you and gives you a reason to be your best self. Love is the answer 💕”
Hindi dito natapos ang palitan ng opinyon. May isang netizen na nagtanong kung nakakatulog pa raw ba nang mahimbing ang kasalukuyang nobya niya sa dami ng negatibong komento sa video. Mabilis ang sagot ni James:
“Yes, she sleeps very well right next to me."
May isa pa ring nagkomento ng, “But real friends don’t do that!”—na malinaw na patungkol sa kontrobersyal na isyu noon kaugnay sa pagkakaibigan nina Nadine at Issa. Sagot ni James:
“Who’s real friends?”
Dahil dito, lalo pang uminit ang usapin online. Sa kabila ng kanyang mga pahayag, hindi pa rin tumigil ang ilang fans ni Nadine sa pagbibigay ng kanilang sariling opinyon. Para sa kanila, hindi si James ang totoong nagta-type ng mga tugon, kundi ang kasintahan nito ngayon na si Issa Pressman.
Ilan sa kanila ang nagsabi na tila si Issa raw ang mismong humahawak sa TikTok account ni James, at ginagamit ito upang balikan o i-clap back ang mga tagasuporta ni Nadine. May iba pa ngang nagbiro na dapat ay si Issa na lang daw ang gumawa ng sariling TikTok para mas maging transparent sa fans.
Sa kabila ng kontrobersiya, tuloy pa rin si James sa pagpo-post ng mga video na nagpapakita ng kanyang musika at masayang buhay ngayon. Subalit, ang pananahimik sa dating relasyon at biglaang pagbabalik-tanaw ng netizens ay tila hindi pa rin natatapos.
Tila walang balak si James na bumalik sa dating isyu, ngunit hindi rin siya natatakot na sagutin ang mga komento—lalo na kung personal na ang tira. Ang kanyang mga sagot, bagamat kalmado, ay may halong sarcasm at kumpiyansa.
Samantala, sa social media, hati pa rin ang mga reaksyon: may mga nagsasabing tama lang na ipaglaban ni James ang kanyang kasalukuyang relasyon, ngunit marami rin ang nagsasabi na tila hindi pa siya lubusang naka-move on sa nakaraan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!