JaDine Fans Nagsumbong Kay Nadine Lustre, 'Napikon si Stepmom'

Huwebes, Oktubre 16, 2025

/ by Lovely

 

Parang naging instant “sumbungan ng bayan” ang comment section ng bagong TikTok post ni Nadine Lustre matapos itong salakayin ng mga solid JaDine fans—ang tambalang minahal noon nina James Reid at Nadine.


Sa nasabing TikTok video, mapapanood si Nadine habang ineendorso ang isang health drink. Pero higit pa sa produkto ang naging paksa ng mga komento—dahil sa halip na reviews o reactions sa produkto, punumpuno ito ng mga reklamo, hirit, at biro mula sa mga JaDine loyalists na tila nagsusumbong sa kanilang "Mommy Nadine."


Walang binanggit na pangalan sa mga komento, pero malinaw na ang tinutukoy ng mga fans ay si Issa Pressman, kasalukuyang nobya ni James. Sa ilang comments, ginamit pa ng netizens ang mga photo replies na may larawan ni Issa bilang “clue.”


Isang netizen ang nagbiro,

"Mowm, si Dad inaasar namin tapos ‘yung iba ang napikon. HAHAHAHA."

Na para bang si Nadine ang nanay nila at ang bagong nobya ni James ang tinutukoy na “stepmom” na mainitin ang ulo.


May isa pang komento na naging viral dahil sa nakakatawang paglalarawan sa sitwasyon:

"Parang lahat ng netizens ay galing sa sinapupunan ni Nadine kung magsumbong. HAHAHA!"


Hindi pa natapos doon. May fan na nag-post ng edited photo nina Nadine at Christophe Bariou (kasalukuyang nobyo ng aktres) na may caption na:

"Buti pa ako, sumama ako kay Mowm. Ang bait pa ni stepdad, pogi pa!"


May isa pang viral hirit mula sa netizen na nagsabing:

"Mowm, nag-comment lang ako ng 'Nye Nye Nye' sa post ni Dad, tapos nabwisit ata ‘yung witch na katabi raw niya matulog—ayun, blinock ako!"


Isa pa ay tila seryosong sumbong:

"MAAAAAA, NAG-OFF COMMENTS NA SI PAPA. NASASAKTAN NA RAW SI MADRASTA. WHICH IS... DASURVVVV!"


Pabirong dagdag pa ng isa:

"Mom, ‘yung kerida akala niya mananalo siya sa amin. Good luck na lang sa kanya!"


Ang komentaryong ito ay tila tugon ng fans sa TikTok post ni James Reid kamakailan, kung saan ipinakita niyang masaya siya habang tumutugtog ng gitara at kumakanta. Doon ay sinabayan ng mga netizen ng mga throwback photo nila ni Nadine ang comment section, tila pagpaparamdam ng nostalgia at panghihinayang sa JaDine love team.


Sa isa sa mga comments, sinagot ni James ang mga batikos sa kanya ng:

"So many bitter people that can’t stand to see me this happy. I hope all of you here find love like I did that inspires you and gives you a reason to be your best self. Love is the answer."


Ngunit may hinala ang maraming JaDine fans—hindi raw si James ang mismong sumasagot sa comments, kundi ang kanyang kasintahan na si Issa Pressman. Wala pang pahayag o kumpirmasyon mula sa kampo ng aktor, kaya nananatili pa rin itong haka-haka.


Sa kabila ng lahat, nananatiling kalmado si Nadine, hindi nagpapadala sa ingay ng social media, habang tila ginagawang therapy session ng fans ang kanyang comment section.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo