Ellen Adarna Agad Na Sinagot Ang Pa-Blind Item Ni Xian Gaza

Miyerkules, Oktubre 1, 2025

/ by Lovely


 Hindi nagpatumpik-tumpik ang aktres na si Ellen Adarna sa pagbibigay ng kanyang saloobin kaugnay sa isang blind item na kumakalat online. Ayon sa mga tsismis, ang nasabing item ay tumutukoy umano sa kanila ng asawang si Derek Ramsay, at nadamay pa rito ang dati niyang karelasyong si John Lloyd Cruz.


Ang kontrobersyal na blind item ay inilathala sa social media ni Xian Gaza, isang kilalang personalidad sa online world na palaging may mga inilalantad na rebelasyon tungkol sa mga artista. Sa naturang post, ikinuwento ang umano’y isang sikat at mayamang personalidad na hiwalay na raw sa kanyang asawa, na di umano'y nagmula sa isang prominenteng angkan sa Visayas at Mindanao. Kasama rin sa blind item ang isyung may anak umano ang babae, na hindi pinapakita sa dating partner nito.


Bukod pa rito, ipinahiwatig sa tsismis ang mga isyung may kaugnayan sa kasal, kakulangan ng divorce law sa Pilipinas, at ang usapin ng paghahati ng kayamanan sakaling magkaroon ng legal na hiwalayan. Ang mga detalye sa naturang blind item ay tila tumutugma sa ilang bahagi ng buhay nina Ellen at Derek, kaya’t lalong uminit ang espekulasyon ng publiko.


Mas lalong nagbigay-alab sa isyu nang pangalanan ni Xian Gaza si John Lloyd Cruz sa kanyang post. Ayon sa kanya, “Si JL hindi niya pinakasalan kasi wala siyang mapapala. Ang makukuha lang niya ay kalahati ng lupa sa paso at limang banig ng Biogesic. Pero etong isa, pinakasalan agad-agad after a few months relationship. Pinagplanuhan. Mautak!”


Hindi pinalampas ni Ellen ang mga ganitong pahayag. Sa pamamagitan ng Instagram story, naglabas siya ng kanyang matapang at pabirong tugon. Ani niya, “And billions? Oh my God, billions. The only billions… ang anino ng billions na nakita ko ay sa flood control lang. Oh my God! Billionaires! Sy family! Gokongwei! Zobel! Aboitiz! Tan? Lucio Tan. Villar. Zaldy Co! Discaya! Romualdez!”


Hindi rin niya pinalampas ang komentong tila minamaliit si John Lloyd Cruz. Sa halip, ipinagtanggol pa niya ito. “And huwag mong ismolin si Biogesic (Este… Popoy pala), because simple lang lang siya. Ikaw you don’t know, but ang asset noon, I know! You know?” pabirong sabi ng aktres, sabay bigay ng paalala sa mga nagkakalat ng tsismis.


Sa huli, may matalim ngunit nakakatawang patutsada pa si Ellen:

“At kung maki-marites na rin lang, at least get everything right, like everything. Mahirap naman sabihin na unreliable source, and I’m a liar! Ayan na, umepek na ang Biogesic!"


Ang mabilis at matapang na reaksyon ni Ellen ay patunay ng kanyang kakayahang harapin ang mga isyu sa buhay nang may tapang, katatawanan, at walang takot. Sa gitna ng kaliwa’t kanang tsismis, piniling tumayo si Ellen at harapin ang publiko — hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang katotohanan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo