Hindi na napigilan ng beteranang aktres na si Ynez Veneracion ang kanyang sarili at buong tapang niyang ipinagtanggol ang mag-inang sina Congressman Arjo Atayde at Sylvia Sanchez mula sa mga isyung ibinabato sa kanila kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng flood control projects.
Sa isang mahabang pahayag na ipinost ni Ynez sa kanyang personal na Facebook account, ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya sa mga maling akusasyon na ibinabato sa pamilya Atayde. Ayon sa kanya, matagal na niyang kilala si Sylvia Sanchez — simula pa noong taong 2016 — at mismong siya raw ay saksi sa tagumpay na inabot ng aktres bunga ng kanyang pagsusumikap, kahit bago pa man ito pumasok sa mundo ng politika.
Ibinahagi ni Ynez na mula sa mga naipundar ni Sylvia gaya ng mga bahay, rest house, at maging ang yate nito — lahat daw ng iyon ay resulta ng matinding sipag, tiyaga, at dedikasyon. Nilinaw niya na walang “madaling daan” o shortcut sa mga narating ni Sylvia, kundi bunga ng mahabang panahon ng pagtatrabaho sa industriya.
Isa rin sa mga labis na hinangaan ni Ynez kay Sylvia ay ang pagtrato nito sa mga tao. Ayon sa kanya, hindi lang daw ito mabuting ina at artista, kundi isa ring huwarang tao pagdating sa pakikitungo sa kapwa. Sinabi niya:
“What touched me most is how she treats people with HUMILITY, RESPECT and LOVE! She has a golden heart. Her love for her friends is truly genuine and unconditional.”
Hindi rin nakaligtas sa kanyang mensahe ang anak ni Sylvia na si Arjo Atayde. Ayon kay Ynez, nasaksihan din niya ang layunin ni Arjo sa pagpasok sa politika — at ito ay upang makatulong at maibalik ang mga biyayang tinanggap nila mula sa kanilang sariling pagsisikap.
Para kay Ynez, masakit makita na kahit malinaw ang intensyon ng mag-ina, patuloy pa rin silang hinuhusgahan ng publiko. Ngunit naniniwala siyang sa huli, lalabas rin ang katotohanan.
“However, I believe that the truth will eventually come to light,” aniya.
Nanawagan din si Ynez na papanagutin ang mga tao o grupo na patuloy na nagpapakalat ng maling impormasyon at sinisiraan ang imahe ng pamilya Atayde. Sa kanyang pananalita, tinawag pa niyang “tunay na magnanakaw” ang mga ito — hindi lang ng tiwala ng publiko kundi pati na rin ng katotohanang dapat sana'y nangingibabaw.
Bilang pagtatapos, nagbigay siya ng mensahe ng suporta para kina Sylvia at Arjo:
“To Ate Sylvia, Jojo Campo Atayde stay strong. We know the truth, and we believe in you. We stand with you through this storm. This too shall pass. We see this as just another trial your family must face.
As we always say, politics can be a dirty game. Even when your only goal is to help, there will always be those who try to pull you down, especially when they see you doing your best.”
Sa mensahe ni Ynez, muling naipakita na sa kabila ng ingay ng politika at mga isyu, ang tunay na pagkakaibigan at paninindigan ay hindi matitinag basta-basta.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!