Regalong Singsing Ni Chiz Escudero Kay Heart Evangelista, Inungkat; Paano naafford ni Chiz?

Sabado, Setyembre 27, 2025

/ by Lovely


 Hindi matigil ang pagbanat ng ilang netizens kay Heart Evangelista, lalo na mula sa mga galit sa lumalalang isyu ng katiwalian sa gobyerno. Sa gitna ng lumulutang na kontrobersiya tungkol sa flood control projects at umano’y iregularidad sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan nadadawit ang pangalan ng kanyang asawa na si Senador Chiz Escudero, tila nagiging sentro ng atensyon ngayon maging ang mamahaling gamit ng fashion icon.


Muli na namang binalikan ng mga netizens ang isang matagal nang isyu—ang diumano’y napakamahal na singsing na ibinigay ni Sen. Chiz kay Heart, na ayon sa mga ulat ay umaabot sa higit isang milyong dolyar o hindi bababa sa ₱56 milyon. Ang tanong ng ilan: paano raw ito na-afford ng isang public official?


Isang X (dating Twitter) user na si @jmsbarretto ang nagbahagi ng breakdown ng kita ni Escudero bilang isang senador. Ayon sa kanyang post, nasa ₱1,080,000 kada taon ang suweldo ng senador simula pa noong 2007. Sa loob ng 19 na taon, tinatayang umabot lang sa ₱38.7 milyon ang kabuuang kita nito bilang isang lingkod-bayan—malayo sa halaga ng nasabing singsing.


Kalakip ng post ang tanong na tila sumasalamin sa sentimyento ng maraming netizen:

“Salary Grade 31 lang ang asawa mo pero he can fund your lavish lifestyle. Paano naa-afford ng isang Chiz Escudero ang ring na mas mahal pa sa total earnings niya bilang senador? Pakisagot please.”


Lalo pang umigting ang usapin matapos balikan ng netizens ang naging pahayag ni Heart kaugnay sa kanyang hindi pagsama sa isang protesta noong nakaraang linggo. Ayon sa kanya, hindi siya sumama dahil natatakot siyang baka "hubaran" ng mga tao, kung saan marami ang umalma sa umano’y pagiging "insensitive" nito.


May ilang netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya, sinasabing taliwas ang kanyang imahe ng "high fashion" at mamahaling pamumuhay sa sitwasyon ng karaniwang Pilipino, lalo na’t ang asawa nito ay nasasangkot sa isang malaking isyu ng katiwalian.


Gayunpaman, ilang beses nang iginiit ni Heart Evangelista sa mga panayam at sa social media na ang kanyang marangyang pamumuhay ay bunga ng sarili niyang pagsusumikap bilang isang aktres, influencer, at brand ambassador. Ayon sa kanya, marami sa kanyang mga designer items ay either binili niya gamit ang sariling kita o kaya ay ibinigay sa kanya bilang regalo ng mga luxury brands sa mga international fashion events na kanyang dinadaluhan.


Bagamat may mga tagasuporta si Heart na naniniwalang wala siyang kinalaman sa mga isyu na kinahaharap ng kanyang asawa, hindi pa rin mapigil ang sunod-sunod na puna. Para sa ilang netizens, may responsibilidad umano ang sinumang public figure na maging maingat sa mga ipinapakita nilang imahe online, lalo na sa gitna ng mga sensitibong usapin tulad ng korapsyon at kahirapan.


Sa ngayon, wala pang direktang pahayag si Heart Evangelista o si Sen. Chiz Escudero kaugnay sa mga alegasyon o sa viral posts. Patuloy namang naghihintay ang publiko kung paano nila haharapin ang panibagong kontrobersiyang ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo