Kim Chiu Iginiit 'Honest Mistake' Ang Pagbigkas sa IV of Spades

Lunes, Setyembre 15, 2025

/ by Lovely


 Hindi na napigilan ni Kim Chiu, isa sa mga pangunahing host ng “It’s Showtime” at isang kilalang Kapamilya actress, na maglabas ng saloobin laban sa mga netizens na bumabatikos sa kanya dahil sa pagkakamali niya sa pagbikas ng pangalan ng kilalang Pinoy rock band na “IV of Spades.”


Noong Setyembre 10, sa episode ng “It’s Showtime,” nagpasalamat si Kim sa bandang tumugtog para sa segment na “Aura.” Ngunit imbes na “IV of Spades” ang mabanggit niya, naging “Ivy of Spades” ang kanyang nasabi. Mabilis itong napansin ng ilang netizens, at agad na kumalat sa social media, lalo na sa X (dating Twitter), kung saan naging usap-usapan ang naturang pagkakamali.


Isang user sa X na may pangalang “Sarcastic Risen” ang nagbahagi ng video clip kung saan makikita at maririnig ang pagkakabanggit ni Kim ng maling pangalan. Sa kabila ng tila simpleng pagkakamali, marami ang agad na bumatikos at nambash sa aktres.


Hindi na nanahimik si Kim at ipinahayag niya ang kanyang panig sa pamamagitan ng social media. Inamin niya na isa lamang itong honest mistake at nilinaw na hindi talaga niya personal na kilala ang banda. Aniya, kung naitama man niya agad ang pangalan nito, may mababago ba sa mas malalalim na suliranin ng bansa?


"Let me just clear this out. Bilang mahilig ata tong acct na to sa “clout”. Honest mistake, diko talaga sila kilala. Kung naitama ko yung pangalan nila. May magbabago ba? Mababalik ba satin yung ninakaw na TAX natin? I think there is much more problem in PH now than this..."


Dagdag pa niya, marami pang mas seryosong isyu ang Pilipinas na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa ganitong simpleng pagkakamali. Bilang halimbawa, binanggit niya na maging ang kanyang apelyido ay kadalasang namamali ng baybay — madalas itong gawing “Chui” sa halip na “Chiu” — ngunit hindi niya ito pinapalaki o ginagawang isyu.


"This will be the last time I answer this. Right now, there are far bigger problems in our country and even in our own lives than nitpicking on small things like this. Ako nga, my surname is often misspelled as CHUI instead of CHIU pero never ko naman pinapalaki or ginagawang issue. Ang hirap sa iba, instead of lifting each other up, we pull one another down. Crab mentality."


"Kya wlng pinagbago ang Pilipinas. Sana, mas piliin na lang natin magtulungan para sa ikauunlad ng lahat.."


"Mas kailangan ng bansa natn ang boses mo doon,sa tunay na laban,sa tunay na problema, sa tunay na kalaban. Pare pareho tayong lumaban sa buhay ng patas. Be considerate. Be kind," aniya pa.


Sa kabuuan, nanindigan si Kim Chiu na hindi karapat-dapat gawing malaking isyu ang simpleng pagkakamali lalo na kung hindi ito sinasadya. Aniya, mas makabubuti kung gagamitin ng mga tao ang kanilang boses at lakas para sa mga mas mahahalagang usapin na makaaapekto sa kapakanan ng mas nakararami.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo