Friend Na Contractor Ni Chiz Escudero, May-Ambag Sa Lavish Lifestyle ni Heart Evangelista

Martes, Setyembre 2, 2025

/ by Lovely


 Umalingawngaw sa social media at sa midya ang usapin hinggil sa marangyang pamumuhay ngayon ng aktres at fashion personality na si Heart Evangelista, matapos itong kuwestiyunin ng public interest lawyer at kilalang political blogger na si Atty. Jesus Falcis. Kaugnay ito ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang asawa na si Senate President Francis “Chiz” Escudero.


Sa kanyang panayam sa programang Parekoy ng DWAR Abante Radyo, diretsahang sinabi ni Falcis na kapansin-pansin ang naging malaking pagbabago sa lifestyle ni Heart matapos pakasalan si Escudero. Ani Falcis, kung babalikan ang panahon ng 2010 hanggang 2012, kung kailan nasa kasikatan pa si Heart sa showbiz bago pa man ang kanilang kasal, hindi raw ganoon karangya ang kanyang estado.


Inihalintulad pa ng abogado na noon, normal lamang na artista si Heart—wala pang koneksyon sa mga prestihiyosong fashion events gaya ng mga ginaganap sa Paris o Milan, hindi pa rin umano ito nagsusuot ng mga mamahaling designer brands gaya ng Balenciaga, o nagmamay-ari ng mga high-end Hermes bags. Kaya’t nang makita ng publiko ang biglaang pag-angat ng kanyang lifestyle, maraming nagtaka kung saan nagmula ang yaman at luho.


“If you look 2010 to 2012, ‘yung height ng career niya before Chiz Escudero, normal na artista lang naman siya noon eh. Hindi pa siya nagpa-fashion week, hindi siya nakakasuot ng mga Balenciaga, wala naman siya ng mga super high-end Hermes na mga luxury talaga.”


Nagiging mas mabigat ang isyu dahil na rin sa pagkakasangkot ni Escudero sa usapin ng campaign funds. Matatandaang noong 2022 elections, nakatanggap umano ang senador ng P30 milyong donasyon mula kay Lawrence Lubiano, na kilalang malapit na kaibigan ni Escudero. Si Lubiano rin ang namumuno sa Centerways Construction and Development Inc., isa sa mga kumpanyang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kabilang sa “Top 15 contractors” na nakakuha ng multi-bilyong pisong flood control projects sa bansa.


Para kay Falcis, hindi niya tuwirang sinasabi na may nangyaring katiwalian, ngunit hindi maiiwasan na magsanib ang mga impormasyon at magdulot ng espekulasyon mula sa publiko. Binanggit niya na dahil nakasaad mismo sa SOCE (Statement of Contributions and Expenditures) ang pangalan ni Lubiano bilang campaign donor, natural lang na magtali ng koneksyon ang mga tao.


“Hindi ko naman sinasabing may corruption, ang sinasabi natin because ngayon unfortunate kawawa si Heart na ngayon may questions about Senator Chiz because ‘yung contractor niya na donor nasa SOCE (Statement of Contributions and Expenditures). So kino-connect ng mga tao… like ako… flood control contractor scam eh, mayroon kang contractor na donor si Lawrence Lubiano. It’s not something I making up, factual ito,” saad ni Falcis.


Bukod dito, iginiit pa ng abogado na dahil hindi kabilang si Heart sa listahan ng top taxpayers ng bansa, mas lalong nagiging palaisipan kung saan nanggagaling ang kanyang marangyang pamumuhay. 


“Of course generous ang asawa mo… okay ‘yun kung si Chiz, let’s say generous talaga kay Heart, pina-finance ‘yung lifestyle niya pero kung ‘yung source ng wealth ni Chiz ay questionable, now we can question Heart as well,” paliwanag niya.


Sa huli, binigyang-diin ni Falcis na hindi ito personal na atake laban kay Heart Evangelista kundi bahagi lamang ng mas malawak na usapin tungkol sa transparency at pananagutan ng mga opisyal at kanilang pamilya. Aniya, kapag ang isang public official ay may kinasasangkutang isyu, asahan nang maikokonekta rin ang kanilang mga mahal sa buhay lalo na kung nakikita ng publiko na nagtatamasa sila ng marangyang pamumuhay na taliwas sa kanilang nakaraan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo