Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pag-iyak ng aktor na si Derek Ramsay habang nasa isang hotel suite sa Japan. Ang balita ay unang inilabas ni Xian Gaza, kilala sa online bilang ang “Pambansang Marites,” na madalas magbahagi ng mga maiinit na isyu tungkol sa mga kilalang personalidad.
Ayon sa isang Facebook post ni Gaza, nakita raw si Derek na nag-iisa at umiinom sa isang bar sa Tokyo. Dalawang overseas Filipino workers (OFWs) umano ang nakapansin sa aktor sa nasabing lugar. Bagama’t tila nakangiti raw ito, kapansin-pansin umano ang lungkot sa kanyang mga mata, na para bang may mabigat siyang pinagdaraanan.
“Derek, how true ang tsismis na naglasing ka daw kagabi around Tokyo Japan? Na-heard ko lang sa dalawang OFW na nagtatrabaho sa pinuntahan mong bar,” ani Xian sa kanyang post. Dagdag pa niya, may ilang fans na nakalapit kay Derek at nakapagpapicture, ngunit napansin din umano nilang tila “wasak na wasak” ang dating ng aktor.
Kasunod ng kanyang unang post, naglabas din si Gaza ng diumano'y “breaking news” kung saan sinabi niyang may source siyang nagsabing naabutan si Derek na umiiyak sa loob ng kanyang kwarto sa hotel. Hindi tinukoy kung sino ang source, ngunit mabilis na kumalat ang balita sa social media.
Sa kabila ng tsismis, nagbigay din si Xian ng mensahe ng suporta para kay Derek. “Kaya mo ‘yan, bro. Buti na lang pogi ka at sobrang yaman. God bless you, Mr. Ramsay,” pabirong mensahe niya, na tila may halong simpatya at pang-uuyam.
Habang wala pang kumpirmasyon mula kay Derek o kay Ellen Adarna, kapansin-pansin na hindi kasama si Ellen sa mga larawan na ibinahagi ni Derek sa kanyang Instagram stories habang nasa Japan siya. Makikita sa mga post na kasama niya ang ilang kaibigan, ngunit hindi binanggit o ipinakita si Ellen, na mas lalong nagpainit sa mga espekulasyon ng hiwalayan.
Si Derek Ramsay ay magdiriwang ng kanyang ika-50 kaarawan sa susunod na taon, at kilala siya sa pagiging pribado pagdating sa mga isyu sa kanyang personal na buhay. Subalit, hindi ito nakaligtas sa mapanuring mata ng publiko, lalo na't naging bukas din sila noon ni Ellen sa pagbabahagi ng kanilang relasyon sa social media.
Matatandaang ikinasal sina Derek at Ellen noong 2021 at naging sentro ng atensyon dahil sa kanilang mabilis na pag-iibigan. Mula sa pagiging magkaibigan, nauwi agad sa kasalan ang kanilang relasyon sa loob lamang ng ilang buwan. Kaya naman, maraming netizens ang nabigla at nalungkot sa balitang posibleng may problema na ang kanilang pagsasama.
Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa magkabilang kampo. Samantala, ang mga netizen ay patuloy na nagaabang sa anumang update mula sa dalawa. Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin ang marami na kung may pinagdaraanan man si Derek, ay malalampasan niya ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!