Umabot sa matinding batikos mula sa mga netizen ang Kapuso actress na si Carla Abellana matapos akusahan na siya raw ang nagbunyag nang mas maaga kaysa kay Lovi Poe tungkol sa pagbubuntis nito.
Nangyari ang kontrobersiya noong Linggo, Agosto 31, matapos maglabas ng post ang isang kilalang clothing brand sa kanilang Instagram account. Sa naturang post, ibinahagi ng brand ang larawan ng isang babaeng modelo na hindi pa nila pinapangalanan. Makikita ang bahagyang pagbubuntis nito na agad nakatawag ng atensyon ng publiko.
Sa caption ng brand, nakasaad: “Because loving your body means honoring every chapter it writes. This one is a story of change, beauty, and the most intimate kind of love.” Dagdag pa nila, “Soon, we’ll reveal her most radiant transformation yet.”
Bagama’t hindi pinangalanan ng brand kung sino ang tinutukoy nila, agad na nagkomento si Carla sa mismong post at nagbigay ng pagbati kay Lovi Poe: “Congratulations, @lovipoe.”
Dito na nagsimulang mag-init ang usapan sa social media. Para sa ilang netizen, tila naunahan ni Carla ang mismong brand at si Lovi sa kanilang planong “big reveal.” May ilan na nagsabi na dapat hinayaan na lang niya ang brand na magpahayag sa tamang oras upang mas maging espesyal ang anunsyo.
Maraming komento ang sumulpot sa comment section ng post:
“Alam mo parang may attitude ka talaga. Kaya siguro fed up din sayo si Tom eh.”
“@carlaangeline huy hahahahahahahha tita mong walang pake sa reveal2 na yan.”
“@carlaangeline mas maganda sana kung nag-antay ka, Ms. Carla, na Bench ang mag-reveal, since yung post nila nakalagay naman na ‘we will reveal soon.’ Hinayaan mo na lang sana yung netizens na magbigay ng kanya-kanyang hula.”
“@carlaangeline haha nasa comment lang pala ang sagot, lagot ja.”
“@carlaangeline reveal ruined.”
“@carlaangeline our queen of callouts and spoilers.”
Makikita sa mga reaksiyon na karamihan ay hindi natuwa sa naging aksyon ni Carla. Para sa kanila, parang nasira ang build-up ng brand para sa mas engrandeng anunsyo, lalo’t sensitibo at masayang balita ang pagbubuntis. Ang iba naman ay nagbiro na tila mahilig si Carla mang-spoil ng mga sorpresa.
Samantala, nanatiling tahimik si Lovi Poe hinggil sa isyu at hindi nagbigay ng anumang pahayag kaugnay sa naging kontrobersyal na komento ng kapwa aktres. Wala ring inilabas na reaksyon si Carla matapos siyang umani ng puna mula sa mga netizen.
Matatandaang parehong kilala sa industriya sina Carla at Lovi bilang mahuhusay na aktres na may matibay na fanbase. Kaya naman, mabilis na kumalat at pinag-usapan ng publiko ang simpleng komento ni Carla na nauwi sa mas malawak na diskusyon tungkol sa respeto at tamang timing sa mga mahahalagang anunsyo sa social media.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung naapektuhan ang plano ng brand sa kanilang opisyal na pagbubunyag. Gayunpaman, isa na namang mainit na usapin sa showbiz at netizen world ang nabuo dahil sa isang simpleng comment na nagdulot ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga tagasubaybay.

Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!