Lubos ang pagdadalamhati ni Pauleen Luna sa pagpanaw ng kilalang showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis. Sa isang taos-pusong mensahe, inalala ni Pauleen kung paano nabago ng yumaong beterana ang takbo ng kanyang karera at maging ng kanyang personal na buhay.
Ayon kay Pauleen, ibang klase ang pagkatao ni Manay Lolit—isang taong maaaring hindi agad nakikita ang kabutihan sa panlabas, ngunit puno ng malasakit at pagmamahal sa puso.
“I wish the world saw you how your alagas saw you. A mother, a protector, a fighter and someone who is very loyal. Hindi ka man magaling sa iyong mga salita, ang puso mo naman ay nagsusumabog sa pagmamahal."
Isinalaysay ni Pauleen na si Lolit ay hindi lamang basta manager, kundi isang ina, tagapagtanggol, at tagapayo. Aniya, hindi naging madali ang kanilang simula, pero habang lumilipas ang panahon, napagtanto niyang kakaiba ang malasakit ni Lolit sa kanyang mga alaga.
“Hindi ito halata, it took me a while to see it, to feel it, to understand it… kakaiba ka talaga.
Isa sa mga pinakatumatak kay Pauleen ay ang mga simpleng kahilingan ni Lolit tuwing may espesyal na okasyon tulad ng kaarawan at Pasko.
“Every year, Nanay Lolit had a list of the gifts she wanted for her birthday and Christmas. That list hardly changed and it made me wonder what she did to all those things she asked for," kwento ni Pauleen.
“Sa akin, she would ask for lechon for both occasions and napapaisip talaga ako kung paano niya uubusin ‘yung lechon mag-isa, ‘yun pala, every time her birthday and Christmas came, she would open her doors to people to come eat and feast and celebrate life with her.
“Lahat ng mga TV, gadgets, appliances that she would ask for from her alagas, she would donate it to people who needed it. In short, lahat ng hinaharbat niya ay hindi para sa kanya.
“Hindi lang halata, but she had a very big heart."
Dagdag pa niya, hindi marunong mag-ingay si Lolit tungkol sa mga kabutihang ginagawa niya, pero sa likod ng matapang niyang personalidad ay isang pusong busilak at may malasakit sa kapwa.
Bukod sa propesyonal na relasyon, inalala rin ni Pauleen ang personal na koneksyon nila ni Lolit. Ani niya, hindi kalakihan ang kita ni Lolit sa kanya kumpara sa iba nitong sikat na alaga, ngunit hindi ito naging hadlang upang alagaan at tulungan siyang maabot ang kanyang mga pangarap sa industriya.
Ang pinakatumatak umano sa kanya ay ang suporta ni Lolit sa kanyang pagiging asawa at ina. “Nanay, you opened so many doors for me. You helped an artist so young to reach her dreams (sa konting kikitain — I would always joke — na hindi naman talaga joke, na barya lang ang kinikita niya sa akin compared to her other alagas na big artists)," ani Pauleen.
“But what I loved most about her is the way she appreciated me as a wife and as a mother. She never failed to make me feel like I was doing a good job. She was always happy for my family life and she always celebrated that.
“She loved my husband, my children even from afar and would always tell me so I won’t forget. She was so proud of me when I became a wife and a mother, the best years of my life and for that I am truly, truly grateful."
Bilang pagtatapos, inilahad ni Pauleen ang matinding lungkot sa pagkawala ng itinuturing na pangalawang ina.
“You are family Nanay. 20 years with you is not enough. It breaks my heart that you have left us but i find comfort in the fact that you are now happy, at peace and pain free."
Sa kanyang huling mensahe, sinabi ni Pauleen, "Til we meet again, Nanay. Mahal na mahal din kita.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!