Lorin Gutierrez Bektas, Nawindang Sa Presyo Ng Nose Job Sa US; Magpapaka-Pinocchio Na Lang

Martes, Hulyo 8, 2025

/ by Lovely


 Lubos na nagulat si Lorin Gutierrez Bektas nang malaman niya ang napakataas na halaga ng pagpaparetoke ng ilong sa Amerika. Sa isang kaswal na TikTok live kung saan sabay siyang nagbibigay ng makeup tutorial, ikinuwento ng anak nina Ruffa Gutierrez at ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas ang kanyang karanasan sa pagtanong tungkol sa operasyon sa ilong o tinatawag na rhinoplasty.


Aniya, sinubukan lang daw niyang tumawag sa ilang klinika ng plastic surgery sa Los Angeles dahil curious lang siya sa presyo. 


“I start calling plastic surgery offices in L.A., just curious, ‘Oh, what would the cost be?’ Please guess how much these people are quoting me – 70 thousand dollars. Isn’t that like P3 million?” kuwento ni Lorin habang natatawa.


Napahalakhak na lang siya sa sobrang gulat at hindi makapaniwala sa sobrang mahal na halaga para lamang sa isang cosmetic procedure. Dagdag pa niya,  “Excuse me, I would rather look like Pinocchio for the rest of my life than pay that money.”


Imbes na gastusin ang milyon-milyon sa pagpaparetoke, mas nanaisin pa raw ni Lorin na ipambili ng mga mamahaling bag. Aniya, “Seventy-thousand dollars, I’ll buy myself, literally, three Birkins, and have my big nose gladly. What the F!”


Habang nagpapatuloy ang kanyang live session, nabanggit din ni Lorin sa biro-birong paraan ang posibilidad na baguhin ang kanyang propesyon sa hinaharap. 


Ayon sa kanya, “I think I wanna be a plastic surgeon. Because I think plastic surgeons make bank. It would be fun.” 


Dagdag pa niya, “If you’re a plastic surgeon, the worst thing that could happen is just you make someone pangit.”


Bagama’t sinabi niya ito sa medyo mapagbiro at kwelang tono, napansin ng mga netizen ang pagiging totoo at walang pretensyon ni Lorin sa kanyang mga sinasabi. Sa ganitong paraan kasi, mas nararamdaman ng kanyang mga tagasubaybay na relatable siya, kahit pa lumaki siya sa isang kilalang showbiz family.


Hindi na bago sa social media ang mga kwento tungkol sa mga kilalang personalidad na nagpaparetoke, ngunit kakaiba ang approach ni Lorin—hindi siya nagkunwaring interesado para lang sumabay sa uso. Sa halip, ipinakita niya na may sense of humor siya at marunong tumanggap ng sarili. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang humahanga sa kanya.


Sa huli, tila mas pinili ni Lorin ang pagiging praktikal at ang pagpapahalaga sa sariling natural na ganda kaysa sumailalim sa mamahaling operasyon. Isa itong paalala sa marami na ang kagandahan ay hindi kailangang ikahon sa mga pamantayang nililikha ng lipunan o ng industriyang kinabibilangan mo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo