Usap-usapan na naman ang dating tambalan na KimSam matapos kumpirmahing kabilang si Sam Milby sa bagong teleserye nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Dahil dito, muling binuhay ng ilang tagahanga ang lumang tambalan nina Kim Chiu at Sam Milby, na tinawag nilang “KimSam,” na mas nauna kaysa sa kasalukuyang popular na tambalan ng aktres kay Paulo Avelino, ang “KimPau.”
May ilang fans na muling nagpahayag ng kanilang suporta sa KimSam, at tila hindi pa rin nawawala ang kilig nila sa dating onscreen chemistry ng dalawa. Isang fan pa nga ang nagsabing, "I was there when there was KimSam.”
Gayunpaman, iginiit din ng ilan na mas dapat pagtuunan ng pansin ang kasalukuyang tambalan nina Kim at Paulo, dahil mas malaki raw ang fanbase nito sa kasalukuyan.
“Balita marami na namang naglalabasan na mga KimSam. Nabuhay mula sa hukay ang mga titas char!” biro ng isang netizen. Kasabay nito, may ilang nagsabing sabik na silang makita kung ano ang magiging dynamics sa teleseryeng pinagbibidahan ng tatlong artista.
May isa pang fan na nagsabi, “maganda puksaan sa #TheAlibi soon. I am seated for the KimSam vs KimPau battle meron bang kimra? Hahahaha” Sa kabila ng mga biruan at excitement, hindi maiwasang magtanong ng ilan kung paano mahahawakan ng production team ang pagbuo ng love triangle o third party sa bagong proyekto.
Marami rin ang nagkomento tungkol sa hirap na maaaring maranasan ng production sa pagpili ng third wheel sa proyekto. Ayon sa isang netizen, “mahihirapan ang mga producers.kumuha ng third wheel para sa #KimPau projects kasi di ba sabi ni Pau very likeable si Kim. Si Enchong bukambibig si Kim sa video with Erich dati. C Sam like nya rin si Kim dati. Si Joshua Garcia parang friends lang cla. Cno kaya ang pwede?”
Bagaman inaabangan ng marami ang teleserye, may mga fans ng KimPau na nagpaalala na sana ay huwag masapawan ang kasalukuyang tambalan nina Kim at Paulo. Ayaw rin umano ng fans na mas malaki pa ang i-allocate na promotion para sa dating tambalan kaysa sa bagong loveteam.
Isa pang fan ang nagkomento, “Grabe talaga si Kim Chiu. Ang haba ng hair niya! Ang daming humahanga at gusto siyang makatambal. Taray!”
Gayunpaman, hindi rin nakaligtas ang ilang KimPau fans sa batikos. May mga nagsasabing dapat ay maghinay-hinay sa panlalait sa mga artista na nakakasama ng tambalan sa proyekto. Ayon sa iba, baka matakot ang ibang artista at iwasan na lamang na makatrabaho ang dalawa sa hinaharap.
“Maging open-minded sana ang lahat,” saad ng isang netizen. “Iwasan na ang toxic na fan wars. Dapat suportahan natin ang buong proyekto, hindi lang ang isang tambalan.”
Sa huli, umaasa ang marami na magiging maayos ang takbo ng teleserye at hindi ito maapektuhan ng mga alingasngas sa likod ng camera. Hiling ng mga tagahanga ay isang matagumpay at maayos na palabas na magpapasaya sa lahat ng manonood, anuman ang tambalang kanilang sinusuportahan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!