Esnyr, Inaming Totoong Naging Social Climber

Lunes, Hulyo 28, 2025

/ by Lovely


 Ang terminong “social climber” ay kadalasang ginagamit sa negatibong paraan upang ilarawan ang mga taong pursigidong umangat sa antas ng lipunan, madalas sa pamamagitan ng pakikisama sa mga taong mayaman o may mataas na katayuan. Ngunit sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Inspires noong Sabado, Hulyo 26, matapang na inamin ng content creator na si Esnyr Ranollo na dumaan siya sa ganitong yugto ng kanyang buhay—at hindi niya ito ikinahiya.


Sa panayam, inilahad ni Esnyr kung paano niya pinamahalaan ang kanyang kinikita, lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Sa panahon ding iyon, nagsimula siyang makilala bilang isang online personality dahil sa kanyang mga nakaaaliw na video na tumatalakay sa karaniwang eksena sa buhay-high school, na naging hit sa maraming kabataan at millennials.


Matatandaang sa isa sa mga episode ng Pinoy Big Brother nitong Abril, ibinahagi rin ni Esnyr na siya mismo ang sumasagot sa mga gastusin sa kanilang bahay simula nang kumikita siya bilang content creator. Mula sa bayarin sa kuryente, tubig, hanggang sa pagkain at iba pang gastusin—siya ang naging sandigan ng kanilang pamilya.


Dahil dito, nagsumikap si Esnyr hindi lang para sa kanyang mga mahal sa buhay, kundi para rin sa kanyang sarili. Sa kanyang paglalahad, ibinahagi niyang naging “social climber” siya hindi dahil gusto niyang magpasikat, kundi dahil nais niyang maranasan ang mga bagay na noon ay hindi niya kayang maabot.


“So, feeling ko, ang maibibigay ko lang po sa sarili ko is this kind of lifestyle nga po kumbaga. Naging social climber po ako  Totoo po talaga ‘yon na naging social climber ako.”


Hindi rin naiwasan ni Esnyr na ikumpara ang buhay-probinsya sa naging karanasan niya sa Maynila. Ayon sa kanya, malaki ang naging pagbabago sa pananaw ng mga tao sa kanya nang siya ay lumipat sa lungsod. “Ikaw na coming from probinsya tapos nakapunta ka na ng Maynila, grabe na ‘yong tingin nila sa ‘yo. Akala nila sobrang yaman mo na,” paliwanag niya.


Sa kabila ng mga panlabas na opinyon, pinili ni Esnyr na yakapin ang kanyang journey—kahit pa may kaakibat itong panghuhusga mula sa iba. Para sa kanya, ang pagiging “social climber” ay naging bahagi ng kanyang pagsusumikap at pag-abot sa mga pangarap. Hindi niya ito ikinaila, bagkus ay tinanggap ito bilang bahagi ng kanyang personal na pag-unlad.


Bilang isang influencer na nakilala sa mga nakatatawa at relatable na content sa social media, si Esnyr ay naging simbolo ng kasiyahan, nostalgia, at pagiging totoo. Sa kanyang mga video na tila bumabalik sa high school days, maraming kabataan ang nakakarelate at natatawa. Ngunit sa likod ng mga patawa at makukulay na karakter, naroon ang isang kabataang puno ng determinasyon, pagmamahal sa pamilya, at hangaring makaahon sa hirap.


Ang pagiging “social climber,” sa konteksto ni Esnyr, ay hindi lamang simpleng paghahangad ng marangyang buhay, kundi isang hakbang patungo sa mas mabuting kinabukasan para sa sarili at sa mga mahal niya sa buhay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo