Criza Taa Nagsalita Sa Dahilan Ng Pagkasira Ng 'ABCD' Friendship

Miyerkules, Hulyo 23, 2025

/ by Lovely


 Sa wakas ay nagsalita na ang Kapamilya actress na si Criza Taa hinggil sa matagal nang usap-usapan sa social media—ang tila biglaang pagkawala niya sa grupo ng mga kilalang content creators at artista na tinaguriang ABCD Girls, na binubuo nina Andrea Brillantes, Bea Borres, at Danica Ontengco.


Sa isang eksklusibong panayam sa batikang TV host at content creator na si Toni Gonzaga, na mapapanood sa YouTube channel ni Toni, naging bukas si Criza sa pagsagot sa mga tanong ukol sa tunay na estado ng relasyon niya sa grupo. Matagal-tagal na rin kasing napapansin ng maraming netizens ang kawalan ni Criza sa mga vlogs, events, at social media contents ng tatlong natitirang miyembro ng grupo—na noon ay palaging kasa-kasama niya sa halos lahat ng ganap.



Sa gitna ng mga haka-haka at espekulasyon ng fans, nilinaw ni Criza na wala namang alitang nangyari sa pagitan nila. Ngunit inamin niyang hindi na tulad ng dati ang kanilang samahan.


“Friends pa rin naman po kami. Hindi ko na po masasabing as close as before pero okay naman po kami. Siguro may mga ganu’n lang po talagang friendship na it’s not meant to last. Parang bigla na lang pong nawala,” lahad ni Criza.



Dagdag pa ni Criza, bagama’t masakit man tanggapin, may mga pagkakataon sa buhay na kahit gaano ka pa ka-close sa isang tao noon, dumarating ang panahon na magkakaroon ng agwat.


“Hindi ko rin po alam kung ano ang pinaka-main reason [because] we haven’t really talk about it po. Siguro parang we’re just not on the same wavelength at that time,” lahad pa ni Criza.


Aminado rin ang aktres na sa kabila ng kanyang pagtatangkang intindihin ang nangyari, may mga tanong siyang hindi pa rin niya nasasagot.



Hindi man direkta ang kanyang pag-alis sa grupo, tila unti-unti na lamang siyang nawala sa eksena. Hindi na siya naimbitahan sa mga group hangouts, wala na rin sa mga collaborative videos, at kapansin-pansin na rin ang hindi na pag-tag sa kanya sa mga group posts. Ngunit ayon kay Criza, hindi raw siya nagtanim ng sama ng loob.



Sa halip na magtanim ng hinanakit, pinili na lamang ni Criza na gawing inspirasyon ang karanasan para mas pagtuunan ng pansin ang kanyang personal na paglago at karera. Sa ngayon, mas nakatutok siya sa kanyang mga proyekto bilang aktres at content creator, at mas binibigyang halaga ang mga taong tunay na nagpaparamdam ng suporta at pagmamahal sa kanya.


“Pero good news naman po kasi ngayon okay na po kami. Actually, never naman po kasi kami nagkaroon ng problema. Parang at that time, we just really need space,” sey pa ni Criza.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo