Jingle ni Jake Cuenca Trending, Kinabog si Coco Martin

Martes, Hunyo 24, 2025

/ by Lovely


Patok sa netizens ang pinausong dance craze at jingle ni Jake Cuenca para sa pagtakbo ng kontrabidang karakter sa hit seryeng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ bilang mayor.


Game na game nga ang netizens na makisayaw sa pa-dance craze at pausong jingle ni Jake (Miguelito) na ibinida niya sa kanyang Instagram story matapos ang episode noong Biyernes (June 2). Makikita nga rito na mapa-lalaki, babae, at kahit bata ay kuhang-kuha ang nakaka-aliw na dance moves ni Jake ha!


In fairness, mukhang pumatok nga talaga ito online dahil makikita rin sa isang video na pinost ng Dreamscape Entertainment na maraming hindi nagpahuli sa kasiyahan at nag-share na rin ng kanilang entry sa TikTok.


“Nakakatuwa ang campaign song! Natatawa ako kay Jake Cuenca, ang galing niya talagang mang-asar!” komento ng isang netizen.


“Sabi ko na nga ba mag te-trending yung dance ni Miguelito kasi catchy nga!” chika ng isa pang netizen.

Kinakalaban kasi ng karakter ni Jake sa pagtakbo bilang Mayor si Coco Martin (Tanggol) na nagsimula nang pumasok sa mundo ng politika, kaya itong jingle at pa-motorcade ang naging pakulo ng dalawa na kinaaliwan ng viewers.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo