Vice Ganda Napikon Sa Kanilang Contestant Na Nagpanggap Na Nagkamali Sa Pagbati Sa Madlang Pipol

Miyerkules, Mayo 22, 2024

/ by Lovely


 Napikon ang It's Showtime host at Unkabogable star na si Vice Ganda sa isa sa mga contestant sa Expecially For You kung saan tila sinadya nitong magkamali para magtrending.


Ngayong araw, May 22, 2024 ay mayroong isang searchee sa segment na Expecially For You ng It's Showtime na nagkamali sa kanyang pagbabati sa audience, imbes na madlang pipol, ang nasabi nito ay 'dabarkads' na ginagamit sa kabilang show na Eat Bulaga.


Subalit, hindi ito nakalagpas kay Vice Ganda na kaagad na pinuna ang nasabing contestant kung saan nabuking kaagad nito na sinadya lamang ng kanilang searchee ang magkamali.


Tila nabasa ni Meme Vice Ganda ang layunin ng nasabing searchee na gamitin ang It's Showtime para magtrending at mapag-usapan. Hindi ito nagustuhan ni Vice Ganda dahil tila hindi na nito nirespeto ang kanilang show.


Marami naman ang nakapansin na tila nagbago na ang mood ni Vice Ganda mula nang mapagsabihan niya ang searchee na nagngangalang Felix hanggang sa matapos ang kanilang segment na Expecially For You.


Hayagan ding inamin ni Vice Ganda sa segment na Tawag ng Tanghalan na nakuha ni Felix ang kanyang pagkapika at tinanong kung nakauwi naman ang nasabing tao.


Samantala, may mga nagsasabi naman na talagang walang makakalampas sa pangamoy ni Vice Ganda kaya naman huwag na umanong balakin pa ng mga clout chaser na gamitin ang It's Showtime para sumikat sa maling paraan.


Sa kabilang banda, may mga nakisimpatya naman sa searchee at sinabing baka totoong nagkamali lamang ang tao dahil hindi pa ito sana'y na maexpose sa television.


May mga nagsasabi rin na baka kadalasang Eat Bulaga ang pinapanood nito kaya naman nagkamali ito sa pagbati sa mga madlang pipol.


@bratsythrift HAHAHAHAHA NASA KAPAMILYA KA #itshowtime #expeciallyforyou #esguerranatics #nocopyrightinfringementintended ♬ original sound - Bratsythrift

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo