Vice Ganda Nagulat Sa Banat Ni Kim Chiu, Napataas Ang Mga Kilay Sa Mga Rebelasyon Ni Xian Lim

Miyerkules, Mayo 22, 2024

/ by Lovely


 Naging isang malaking rebelasyon ang isiniwalat ni Xian Lim sa kamakailan kung saan nilinaw niya ang mga kumakalat na isyu at intriga na bumabalot sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu.


Kabilang sa nilinaw ni Xian Lim ay ang usaping patungkol sa pagpapaluto niya ng steak kay Kim Chiu bago niya sinabi sa aktres ang kanyang pakikipaghiwalay.


Pinabulaanan ito ni Xian Lim at iginiit na hindi naman siya ang nakipaghiwalay sa kundi si Kim Chiu kaya naman paano umano mangyayari ang pagpapaluto niya ng steak sa aktres.


Nilinaw rin ni Xian Lim na walang naging third party sa hiwalayan nila ng aktres at maayos nilang tinapos ang kanilang relasyon. Iginiit din niyang naging masaya siya sa piling ng aktres taliwas sa mga kumakalat na haka-hakang naging toxic umano ang kanilang relasyon.


Ayon kay Xian Lim, paanong tatagal ng mahigit dekada ang kanilang relasyon kung sakaling hindi naging masaya ang kanilang relasyon.


Kaagad namang umalma rito ang ilang mga netizens kung saan ipinunto nila na kung totoong mahal mo ang isang tao, kahit pa siya ang nag-initiate ng hiwalayan ay ipaglalaban mo pa rin kahit papaano ang inyung relasyon lalo na kung tumagal na ito ng maraming taon.


Samantala, tila naglabas naman ng sagot si Kim Chiu sa naging pahayag ni Xian Lim sa kanyang spiel sa noontime show na It's Showtime sa segement na Expecially For You.


Pahayag ni Kim Chiu, "Kung mahal mo naman bakit mo nga ba iiwan? Masasagot na kaya today ang katanungan?"


Napasingit naman rito si Vice Ganda at tinanong si Kim Chiu kung sino ang sasagot sa katanungang ito.


Marami naman sa mga netizens ang naiugnay ang nangyari sa mga rebelasyon ni Xian Lim, ayon sa mga netizens, kung sakali mang si Kim Chiu ang unang nagkipaghiwalay kay Xian Lim, ano kaya ang matinding rason nito bakit pinili nitong wakasan ang kanilang matagal nang relasyon.


Subalit, may mga napapataas rin ang kilay dahil tila hindi umano naging magkatugma ang pahayag ni Xian Lim dahil kung totoong si Kim Chiu ang nakipaghiwalay, bakit hiniling niya kay Xian Lim na isekreto muna ito dahil sa work-related reasons.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo