Kontrobersya Nina Alden Richards at Kathryn Bernardo Kaugnay Ang Hello, Love Again Sequel!

Martes, Mayo 21, 2024

/ by Lovely


 Kumpirmado na ang muling pagtatambal ng Box Office King and Queen na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo para sequel ng pelikulang pinagbibidahan nila noong 2019 na Hello, Love, Goodbye.


Matapos magpaalam sa Hello, Love, Goodbye muling magkakatagpo ang kanilang mga landas sa sequel na Hello, Love, Again. Marami naman ang napapatanong ngayon na mga netizens kung maging sa totoong buhay ay maghi-Hello din sila sa pag-ibig o para lamang sa promotion ng nalalapit nilang pelikula ang ipinapakita nilang sweetness sa isa't-isa nitong mga nakaraang buwan.


Matatandaan na nitong May 19[, 2024 inanunsyo na ng Star Cinema at GMA Pictures ang kanilang kauna-unahang collaboration para sa sequel ng Hello, Love, Goodbye na pamamagatan naman ng Hello, Love, Again.


Magpapatuloy sa sequel ang kwento ng Hello, Love, Goodbye matapos ang limang taon mula nang magpaalam ang mga karakter nina Alden Richards at Kathryn Bernardo upang piliin na ipagpatuloy ang kani-kanilang mga pangarap.


Base sa inilabas na teaser ng Star Cinema at GMA Pictures kukunan sa Canada ang pelikula kung saan ipagpapatuloy ni Kathryn Bernardo ang kanyang pangarap na mag-aral ng medicine.


Sa pelikulang, Hello, Love, Again, malalaman na ng mga manonood kung sa puntong ito ng buhay nina Joy at Ethan ay mas pipiliin na ba nila ang Love.


Samantala, naging malaking katanungan para sa mga netizens kung pipiliin rin ba nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang 'love' sa totoong buhay o ang ipinapakita nilang sweetness at closeness ngayon ay para lamang sa promotion ng kanilang pelikula.


Unang naging usap-usapan ang pagkakaroon ng sequel ng Hello, Love, Goodbye nang kumalat ang mga larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na magkasama, nakasama rin nila ang mga dating casts ng nasabing pelikula ilang buwan matapos kumpirmahin ng aktres ang hiwalayan nila ng kanyang ex boyfriend na si Daniel Padilla.


Napansin rin ng maraming mga netizens na palagi nang present si Alden Richards sa mga kaganapan ng pamilya ni Kathryn Bernardo at ang pagiging extra sweet nila sa isa't-isa.


Naging pribado naman si Alden Richards sa mga katanungan kung nanliligaw na ba siya ngayon sa dalaga. Ipinahayag niya na nais niyang gawing personal ang sa kanila ni Kathryn Bernardo.


Tanging sinabi niya sa kanyang naging panayam noon ay 'What you see is what you get'.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo