Tom Rodriguez, Nagreact sa Pang-ookray Sa Kanya ng Mga Netizens

Martes, Abril 2, 2024

/ by Lovely


 Trending at laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platform ang aktor na si Tom Rodriguez matapos mag-viral ang kanyang song cover ng kanta ni Bruno Mars na Versace on the Floor na ibinahagi niya sa kanyang TikTok account.


Umani ang nasabing cover ni Tom Rodriguez ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Karamihan ay umuokray kay Tom Rodriguez sa paraan niya sa pagkanta.


Ayon sa ilang mga netizens, may pa pikit-pikit pa umano si Tom Rodriguez sa pagkanta gayung tunog mickey mouse naman ang kanyang boses.


May mga nagsasabi pang may pakulot-kulot pa ito na hindi naman nababagay. Hinala naman ng iba pa na tila nakalimutan umano ni Tom Rodriguez na i-mute o kaya i-private.


Bagama't noon pang February 2024 inupload ni Tom Rodriguez ang nasabing video ay ngayon lamang ito nagviral dahil nairepost na ito sa iba pang mga social media platforms.


Hindi rin naman naging lingid sa kaalaman ni Tom Rodriguez na marami sa mga netizens ang umookray sa kanya, kaya naman gumawa na siya ng reaction video hinggil sa kanyang Versace on the Floor cover.


Ayon kay Tom Rodriguez wala naman mali sa kanyang pagkanta at okay naman umano itong pakinggan. Maganda rin umano ang kanyang pagproject ng emotion sa kanyang pagkanta at makikitang feel na feel pa niya ang awit.


Tila dinidma na lamang rin ni om Rodriguez ang mga masasakit na komento sa kanya ng mga netizens at idinaan na lamang sa biro ang lahat,


Naging sunod-sunod ang mga reaction video ni Tom Rodriguez sa kanyang mga naunang mga reaction videos sa kanyang ginawang cover kung kung saan inookray siya ng maraming mga netizens.


Sinabi pa ni Tom Rodriguez na totoong may paka-Mickey Mouse ang kanyang boses pero kulang pa rin.


@akosimangtomas #duet with @Tom Rodriguez #Duet Reaction Video to my Reaction Video to the Reaction of my Cover song Versace on The Floor by Bruno Mars as Mickey Mouse #fyp #lastnafortonightpromise #batinatayo ♬ original sound - Tom Rodriguez

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo