Karylle Trending Ang Ginawa Sa It's Showtime Sa GMA7

Lunes, Abril 8, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan pa rin sa ilang mga social media platforms ang ginawang performance ng actress-TV host na si Karylle sa unang episode ng It's Showtime sa panibago nilang tahanan sa GMA Network.


Marami sa mga netizens ang pumuri kay Karylle dahil kinabog ng kanyang song and dance performance ang mga performances ng iba pang mga It's Showtime hosts.


Talagang pinaghandaan ng mga It's Showtime hosts ang performances na ipinakita nila sa mga Madlang Kapuso sa unang episode ng kanilang show noong sabado April 6, 2024.


Napakagaling umano ni Karylle kaya naman unfair para rito na ginawa lamang siyang sideline ng noontime show. Deserve rin umano ni Karylle ng mas mataas na exposure dahil mas nauna naman siya na naging host ng It's Showtime kaysa sa ilang mga host ng show.


Nagmamaktol din ng ilang mga netizens dahil hindi isinama si Karylle sa top 5 hosts ng show na nabigyan ng pagkakataon na solong makarampa sa red carpet noong contract signing ng It's Showtime  sa GMA7.


Matatandaan na isang talent ng GMA Network si Karylle kung saan sinimulan niya ang kanyang showbiz career, subalit nang may masangkot sa love triangle nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay napalipat siya sa ABS-CBN kung saan naging kabahagi siya ng noontime show na It's Showtime.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo