Kim Chiu at Oliver Moeller Nagkasama Bago Umuwi Si Oliver Ng Cebu, Oliver Naka Follow Kay Kim

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang mga larawan nina Oliver Moeller at Kim Chiu nang magkasama dahil sa mga napansin ng mga netizens.


Si Oliver Moeller ang naging search winner ng It's Showtime sa segment na Expecially For You sa pilot episode ng show sa GMA7 kung saan naging guest si Miss Philippines Universe 2023 na si Michelle Dee.


Mismong si Oliver Moeller ang nagbahagi sa larawan nila ng It's Showtime host na si Kim Chiu.


Caption ni Oliver Moeller sa kanyang post, "with fellow Cebuano, Kim Chiu."


Kaagad namang pinusuan ng maraming mga netizens ang larawan ng dalawa at marami ang kinilig sa malakas nilang chemistry.


Bukod pa rito, pareho rin silang nagmula sa Cebu.


Matatandaan na naging tampulan ng tukso si Kim Chiu nang mapag-alaman nilang nanggaling ang ikatlong searchee ng Expecially For You na si Oliver Moeller sa Cebu.


Nalagay pa sa hot seat si Kim Chiu nang ipasalin sa kanya ni Vice Ganda ang sinabing bisaya word ni Oliver Moeller na 'gihigugma tika'.


Agad naman itong isinalin ni Kim Chiu at sinabing 'I love you', agad namang napansin ni Vice Ganda ang lambing ng boses ni Kim Chiu habang sinasabi ang katagang ito.


Bukod pa rito, nakasama rin ni Oliver Moeller si Kim Chiu sa dressing room ng It's Showtime kasama ang iba pang mga hosts ng It's Showtime.


Nang tingnan naman ng mga netizens ang social media account ni Oliver Moeller makikitang naka-follow naman ito sa social media account ni Kim Chiu.


Ayon naman sa ilang mga netizens, kung sakaling hindi mag-work out ang date nina Oliver Moeller at Michelle Dee ay maaring sina Kim Chiu naman at Oliver ang magdate.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo