Dating Live-in Partner Ni Dennis Padilla, May Nilinaw Tungkol Sa Sustento at Sa Breakup Nila

Lunes, Abril 29, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay ng reaksyon ang dating kinakasama ni Dennis Padilla na si Linda Marie Gorton patungkol sa mga naging pahayag ni Dennis Padilla patungkol sa kanilang co-parenting set-up matapos ang kanilang paghihiwalay.


Matatandaan na sa isang panayam ni Aster Amoyo sa aktor na si Dennis Padilla inilahad  ng aktor ang kanilang co-parenting set-up at ang pagpupursige umano niya sa pagtatrabaho para makapagpadala ng child support sa kanilang mga anak ni Linda matapos ang kanilang paghihiwalay.


Ilang buwan ang nakakalipas, nilinaw ni Linda Marie Gorton ang naging pahayag ni Dennis Padilla patungkol sa 'madugong' pagpapadala niya ng sustento.


Ayon Linda Marie Gorton, unang-una hindi naman naging consistent ang pagdadala ng child support ni Dennis Padilla.


Sa kamakailang post ni Linda Marie Gorton na ibinahagi niya sa kanyang social media account, inilahad niya ang kanyang side of the story sa naging panayam ni Dennis Padilla kay Aster Arroyo.


Sa kanyang post, inilahad niya ang pagsusuporta ni Dennis Padilla sa kanilang mga anak at kung bakit kinailangan niyang humingi 'persistently' kay Dennis Padilla.


Ayon sa post ni Linda Gorton, sa mga nakalipas na taon, hindi naging consistent ang pagpapadala ni Dennis Padilla ng suporta sa kanilang mga anak, maraming mga lapses at minsan pa ay hindi naman naging sapat ang ipinapadalang pera nito.


Minsan ay kinailangan pa umano niyang pagsabihan si Dennis Padilla at palaging humingi rito dahil kung pababayaan lamang niya ay kulang-kulang ang pala nito.


Dahil mayroon naman umano siyang trabaho roon kaya naman minsan ay siya na ang pumupuno sa pagkukulang ni Dennis Padilla.


Ayon pa kay Linda Gorton, lumiliit ang padala ni Dennis Padilla sa kanya dahil na rin mas expensive ang cost of living sa Australia kaysa dito sa Pilipinas.


Sa bandang huli ng kanyang post, inilahad ni Linda Marie Gorton ang naging dahilang ng kanilang paghihiwalay at kung bakit nanatili siya sa tabi ni Dennis Padilla may pera man sila o wala.


Nilinaw ni Linda na hindi patungkol sa financial problems ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil nanatili siya sa piling ni Dennis sa loob ng twelve years may pera man sila o wala.


Nanatili umano siya rito dahil nais niyang mabigyan ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak subalit just like most things in life, you can't have everything you want.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo