Catriona Gray, Inamin Na Tumitindi Na Ang Kanyang Iniindang Sakit

Miyerkules, Marso 20, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa iniindang sakit ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.


Inamin ng actress-beauty queen na hanggang ngayon ay iniinda pa rin niya ang kanyang karamdaman na Scoliosis.


Ayon sa aming nakalap na importmasyon, ang scoliosis ay isang patagilid na kurbada ng gulugod na kadalasang nasusuri sa mga kabataan. Habang ang scoliosis ay maaaring mangyari sa mga taong may mga kondisyon tulad ng cerebral palsy at muscular dystrophy, ang sanhi ng karamihan sa childhood scoliosis ay nanatiling misteryo. 


Karamihan sa mga kaso ng scoliosis ay banayad, ngunit ang ilang mga kurba ay lumalala habang lumalaki ang mga bata.


Samantala, noong sumalang si Catriona Gray sa Miss Universe noong 2018 ay inamin na niya ang kanyang kondisyon lalo na't nakakaramdam na ng sakit si Catriona Gray sa ilang mga practice nila, lalo na ang kanyang kilalang 'lava walk'.


Ayon sa pagbabahagi noon, bago ma-perfect ni Catriona Gray ang kanyang Lava Walk ay ilang beses itong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman.


Samantala sa isang panayam, inamin ni Catriona Gray na sa kanyang edad ngayong 30 ay nararamdaman na niya ang lalong pananakit ng kanyang likod dala ng kanyang Scoliosis.


Sa kabilang banda, naging laman ng mga usap-usapan nitong mga nakaraang linggo ang patungkol sa estado ng relasyon nina Catriona Gray at Sam Milby, matapos ma-intrigang naghiwalay na ang dalawa.


Kamakailan lamang ay inamin rin ng Management nina Catriona Gray at Sam Milby na totoong may pinagdadaanan ang dalawa subalit, ginagawan naman nila ng paraan para maayos ang anumang hindi pagkakaintindihan.


Sa ngayon ay tila nagka-ayos na ang dalawa dahil sa mga pagkakataon na namamataan silang nagkakasama sa mga events.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo