Marian Rivera Inokray Ang Eksena Sa Loob Ng Kabaong Para Sa Kanyang Pagbabalik TV!

Martes, Marso 19, 2024

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng mga negatibong komento ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera matapos ilabas ang trailer ng kanyang comeback telesesrye sa GMA7 na My Guardian Alien.


Hindi nakaligtas si Marian Rivera sa mga pang-ookray ng mga netizens sa isang scene ng comeback teleserye niya sa GMA7 na My Guardian Alien kung saan makikita siyang nakahiga sa isang kabaong.


Viral ang nasabing eksena dahil kapansin-pansin na hindi maganda ang pagkaka-edit nito. Makikita sa eksena si Marian Rivera na nasa loob ng kabaong habang nagdadasal naman ang isang pari subalit, kapansin-pansin na hindi namang totoong nakahiga sa kabaong si Marian Rivera at inilagay lamang roon ang larawan ng aktres.


Subalit, marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkaka-edit nito na kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens.


May mga nagsasabing nagmukha umano itong cut-out card board na basta na lamang idinikit sa kabaong. May mga nagsasabi pang hindi ito gawain ng isang Primetime Queen at nararapat lamang na i-take muli ang nasabing eksena.


Marami pa ang naghinala na kaya naka-edit lamang ang katawan ng aktres sa loob ng kabaong dahil umaayaw si Marian na gawin ang nasabing eksena.


Sa gitna ng mga negatibong komento, naglabas na ng pahayag ang director ng My Guardian Alien na si Zig Dulay kung saan inihayag niyang uulitin na lamang nila ang nasabing eksena.


Iginiit din niya na ang nagviral na eksena ay pino-proseso pa ng production at hindi pa umano ito final.


Sa ngayon ayt patuloy na kinukwestyon ng mga netizens kung bakit kinailangan pang mag-edit ng larawan ni Marian para sa scene at kung hindi ba kaya ni Marian na mahiga sa kabaong sa loob lamang ng ilang minuto para makunan ng maayos ang scene.


May mga nagsasabi pa na tila nag-iinarte lamang umano ang aktres sa hindi paggawa ng eksena dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nahiga na siya sa loob ng kabaong noong ginawa nila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes ang kanilang pelikulang Rewind.


Unang pumayag si Marian Rivera na humiga sa kabaong sa teleseryeng Endless Love, na talagang hindi niya malilimutan kailanman.


Sa ngayon ay inaabangan na ng mga manonood ang My Guardian Alien ni Marian Rivera lalong-lalo na ang eksena sa kabang ng aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo