Janine Gutierrez Kinakawawa ng Mga Fans Nina Paulo Avevlino at Kim Chiu

Martes, Marso 19, 2024

/ by Lovely


 Kinaawaan muli ng mga netizens ang aktres na si Janine Gutierrez sa gitna ng pamamayagpag ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na unang nalilink sa aktres na si Janine Gutierrez si Paulo Avelino matapos ang ilang pagkakataon na nagsama sila sa iisang proyekto.


May mga naglabasan pang mga ulat noon patungkol sa pagkakamabutihan na rin ng dalawa at nauwi na rin sa matamis na relasyon ang kanilang pagsasama sa mga teleserye. Subalit nang pumasok na sa eksena si Kim Chiu ay tila na itsapwera na si Janine Gutierrez.


Kumalat rin ang isyu noon na tuluyan ng naghiwalay sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez dahil na rin sa pagkakalapit ni Kim Chiu kay Paulo Avelino.


Sa kabila nito, patuloy namang sinusuportahan ng mga netizens ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu at marami rin ang nag-uudyok sa dalawa na i-level up na ang kanilang relasyon.


Dahil dito marami ang nagsasabi na lumalabas na kawawa naman si Janine Gutierrez dahil tila kinalimutan na ito ng mga taong nasisilaw sa chemistry nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


May mga fans naman nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang nagpahayag na patuloy nilang susuportahan si Janine Gutierrez sa kabila ng pag-iwan rito ni Paulo Avelino.


Samantala, umani naman ng reaksyon mula sa mga netizens ang pagkokomento ni Janine Gutierrez na kinikilig siya sa moments ng tambalan nina Mariz Racal at Anthony Jennings na sumikat sa teleseryeng Can't Buy Me Love sa kanilang mga karakter bilang si Snoop at Irene.


May mga nang-intriga kay Janine Gutierrez kung kinikilig rin ba siya sa tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu na talagang pinag-uusapan sa iba't-ibang mga social media platforms.


May mga nagtanggol naman kay Janine Gutierrez laban sa mga nang-iintriga at inihayag na napaka-insensitive naman ng mga nagtatanong ng ganoon sa aktres gayung wala naman silang alam sa totoong pinagdadaanan ngayon ni Janine matapos ang pang-iitsapwera ni Paulo Avelino.


Marami rin ang nagsasabi na talagang walang respeto ang taong iyon at hindi marunong makiramdam sa mga pinagdadaanan ng iba.                                                                                                                                                                    



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo