Katotohanan sa Pagkakaayos nina Bea Alonzo at Julia Barretto Sa Harap ng Kamera

Martes, Marso 19, 2024

/ by Lovely


 Inaasahan na ng ilang mga netizens ang magiging paghaharap nina Bea Alonzo at Julia Barretto matapos ang ilang taon magmula noong nagkaroon sila ng isyu dahil kay Gerald Anderson.


Marami sa mga netizens ang naghinalang magdededmahan ang dalawa or worst magkakaroon umano ng sabunutan at sampalan sa kanilang personal na paghaharap.


Subalit, kabaliktaran pala ang lahat ng mga ito dahil walang naganap na tarayan, dedmahan, isnaban at sabunutan sa pagkikita muli ng dalawa.


Sa muling pagkikita nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa nakaraang birthday party ni Johnny Manahan, mas kilala bilang si Mr. M, ikinagulat ng lahat ng makitang masayang nagbebeso-beso ang dalawa at nagtsi-tsikahan pa.


Parehong naroon sa suprise party para sa kaarawan ng star maker na si Mr. M ang dalawa kung saan makikitang maayos ang trato nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa isa't-isa matapos ang malaking isyu sa pagitan nilang dalawa noong masangkot si Julia Barretto sa hiwalayan noon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.



Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ang dalawa na magkasama matapos ang ilang taon at ang ikinaluka pa ng marami ay maayos na maayos ang turingan nilang dalawa, nagtatawanan at nag-uusap pa.


Sa katunayan, ilang beses pang nakunan ng picture at videos ang dalawa na masayang nag-uusap kasama ang iba pang mga artista na parehong pinasikat ni Mr. M.


Ikinatuwa naman ng kani-kanilang mga tagahanga ang pagkakaayos ng dalawa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang malaking kontrbersyal kinasasangkutan ng mga ito noon.


Matatandaan na ilang beses ding pinasaringan ni Julia Barretto noon si Bea Alonzo matapos ilang ulit na banggitin ng huli ang ginawa sa kanya ni Gerald Anderson.


Lalo pang uminit ang isyu noon nang tuluyang inamin nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kanilang relasyon. Nakatanggap rin noon si Julia ng mga matitinding batikos mula sa mga fans ni Bea Alonzo dahil itinuturi siyang mang-aagaw ng karamihan.


Ito'y sa kabila ng mga pagtatanggol noon ni Gerald Anderson kung saan iginiit nitong hindi si Julia Barretto ang third party at dahilan ng kanilang paghihiwalay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo