Lasing Na Lasing Heart Evangelista at Bea Alonzo Ganito Pala Malasing

Martes, Marso 19, 2024

/ by Lovely


 Kinatuwaan ng mga fans ng fashion icon na si Heart Evangelista ang isang video clip na ibinahagi nito sa social media kung saan inamin niya ang kanyang pagkalasing mula sa isang gimik at ang naranasan niyang matinding hangover paggising.


Marami sa mga followers at fans ni Heart Evangelista ang naaliw sa ibinahaging video ng aktres kung saan inamin niyang nakatulog siya ng lasing subalit paggising niya ay nananatili pa rin siyang lasing.


Ayon sa ilang mga netizens na kahit mayroong hangover si Heart Evangelista ay hindi naman ito nagmukhang haggard at nananatili itong maganda.


Bagama't gimik ang sinabi ni Heart Evangelista sa kanyang video, hinala ng nakakarami na ang kanyang tinutukoy ay ang nangyaring birthday party ni Mr. M kung saan nagsasama silang mga celebrities na pinasikat nito noon.


Nauna nang naiulat ang pa-tribute ng nga kilalang aktres kay Johnny Manahan kilala bilang si Mr. M sa nakaraang birthday nito.


Marami ang natutuwa dahil karamihan sa mga artistang pinasikat noon ni Mr. M noong ito pa ang head ng Star Magic ay nagkaisa sa birthday celebration nito.


Bukod pa rito, ikinatuwa rin ng marami ang pagkakaayos nina Julia Barretto at Bea Alonzo doon sa nasabing party matapos ang limang taong hindi pagpapansinan.


Matatandaan na nagkaroon ng lamat ang friendship nina Julia Barretto at Bea Alonzo nang masangkot si Julia Barretto sa nangyaring pangg-ghost ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo noong 2019.


Sa panahong iyon ay magkarelasyon pa sina Gerald Anderson at Bea Alonzo, subalit bigla na lamang siyang hindi pinansin ni Gerald Anderson matapos ang shooting ng pinagsamahang pelikula nila ni Julia Barretto sa ibang bansa.


Ayon sa mga naging usap-usapan ng mga netizens sa mga panahong iyon ay nagkakamabutihan na umano sina Julia Barretto at Gerald Anderson kaya naman dinidedma na noon ni Gerald ang kanyang girlfriend na si Bea Alonzo.


Samantala, marami ang nasiyahan dahil matapos ang maraming mga taon ay tuluyan nang nalimutan ng dalawa ang kanilang masalimoot na nakaraan at tuluyan nang nagkaayos.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo