Heart Evangelista Nawalang Ng 'Perfect Egg' Na Magiging Baby Girl Sana Nila ni Chiz Escudero

Biyernes, Marso 15, 2024

/ by Lovely


 Nauna nang inamin ng Kapuso actress at fashion socialite na si Heart Evangelista sa isang panayam noong September 2022 na sumailalim siya sa in-vitro fertilization procedure upang magkaroon sila ng sariling anak ng kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero kapag handa na siya.


Inamin rin noon ni Heart Evangelista na ang kanyang pinagdaanan ay sa mga pinakamahirap, pinakamasakit, at pinakamapaghamon na panahon sa kanyang buhay.


Ayon sa pagkukwento ni Heart Evangelista, tatlong beses siyang tinuturokan sa isang araw sa loob ng dalawang linggo at hindi umano madali ang kanyang pinagdaanan para makuha lamang mula sa kanya ang perfect boy at perfect girl embryos.


Samantala, nitong hwebes March 14, 2024 naging guest sina Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Fast Talk with Boy Abunda. Kung saan inamin nila sa kanilang mga fans at sa publiko na katulad ng ibang mga mag-asawa ay hindi rin naging madali ang kanilang relasyon.


Inamin nina Heart Evangelista at Chiz Escudero na  nagkaroon din ng mga pagsubok at rough patches ang kanilang relasyon pero nalutas naman nila ang lahat dahil nangibabaw umano ang kanilang pagmamahalan sa isa't-isa.


Sa part 2 ng kanilang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na inilabas nitong byernes March 15, 2024, naging emosyunal si Heart Evangelista habang isiniwalat ang nangyari sa kanyang perfect egg na dapat sana magiging anak na babae nila ni Chiz Escudero.


Inamin ng aktres na kahit hindi naman umano siya buntis ay nag-eexpect sila ng babaeng anak ni Chiz Escudero. Inakala umano ni Heart na matutuloy na ang pagkakaroon nila ng anak subalit hindi pa rin talaga ito mangyayari dahil nawala na ang kanyang perfect egg.


Inamin rin ni Heart Evangelista na naghahanda na siya sa pagdating ng kanilang baby girl ni Chiz Escudero. Sa katunayan ay may naiisip na umano siyang pangalan para rito.


Very excited rin umano siya sa magiging anak niya sana kung saan maibabahagi niya ang lahat ng kanya.


Gayunman hindi niya parin kinukwestyun ang panginoon sa mga nangyari sa kanya at umaasa na may darating rin para sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo