Contract Signing Ng Its' Showtime Sa GMA7 Sobrang Saya Nina Vice Ganda, Anne Curtis

Miyerkules, Marso 20, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga fans ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang nag-alala sa nangyari sa buhok nito nang biglaan na lamang itong maipit sa hawak niyang mini-fan sa kalagitnaan ng segment nilang Expecially For You sa It's Showtime.


Bakas sa mukha ni Vice Ganda ang kanyang pagkabahala ng hindi na niya makuha ang ang kanyang buhok na naipit sa mga blades nito.


Kaagad naman itong dinaluhan ng kanyang mister na si Ion Perez at kaibigan si Vhong Navarro para tulungan itong matagal ang pagkakaipit ng kanyang buhok sa mini-fan na hawak.


Sa gitna pagkakataranta ni Vice Ganda, naaaliw naman ang ilang mga netizens dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa pinakainiingatan ni Vice Ganda ay ang kanyang buhok.


Samantala, may ilang netizens naman ang nang-intriga kay Vice Ganda dahil tila nakarma umano ito dahil sa pambabanat niya sa nakakatanda sa kanya na si Cristy Fermin.


Matatandaan na noong lunes ay biniro ni Jhong Hilario si Vice Ganda na parang madam ito dahil sa hawak na mini-electricfan.


Kaagad namang sumagot si Vice Ganda at humirit na hindi lahat ng mga may electric fan ay mga madam dahil ang iba ay si Cristy Fermin.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mini-electricfan rin si Cristy Fermin na sinasabit nito sa kanyang leeg.


Sa kabilang banda, laman rin ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at entertainment sites ang napapabalitang paglipat ng It's Showtime sa GMA7.


Una nang pinasabik ng It's Showtime ang mga Madlang Pipol sa kanilang ibinahaging teaser post kung saan ipinahayag nilang mayroon silang good news na isisiwalat.


Marami naman ang nakapansin sa font na ginamit ng It's Showtime at ang paghighlight nila sa letter G. Nadagdagan na rin ng puso ang kanilang design.


Dahil dito, lalong tumindi ang mga hinala ng mga netizens na ang It's Showtime ang papalit sa nabakanteng timeslot sa GMA7 matapos ma-cool off ang noontime show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya noong March 8, 2024.


Samantala, kumpirmado na ang balitang ito dahil naganap na ang makasaysayang pagpirma ng kontrata sa pagitan ng GMA7 at ABS-CBN sa napakalaking collaboration nilang ito.


Ang nasabing contract signing ay dadaluhan ng mga big bosses sa parehong network at maging ng mga host ng It's Showtime sa pangunguna nina Vice Ganda.


Talagang good news ito para sa mga Madlang Pipol dahil mula noong mawalan ng prangkisa ang It's Showtime noong 2020 ay hindi na napanood sa mainstream channel.


Bukod pa rito, nagpalit-lipat rin ng channel ang It's Showtime, una silang napunta sa TV5 noong 2022 subalit matapos ang isang taon ay muli silang nasipa dahil mas pinili ng TV5 ang TVJ.


Samantala, sa paglipat ng It's Showtime sa mainstream channel inaasahan ang mas matindi pang sagupaan ng rating sa pagitan ng It's Showtime at Eat Bulaga ng TVJ.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo