Karla Estrada Ipinaalam Na Sa Publiko Ang Tunay Na Pinagdaraanan Ngayon Ni Daniel Padilla

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely

Hindi na napigilan ng celebrity mom na si Karla Estrada na isiwalat sa publiko ang matinding pinagdadaanan ngayon ng kanyang anak na si Daniel Padilla, matapos makatanggap ng mga pambabatikos matapos ang paghihiwalay nito sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Inilahad din umano ni Karla Estrada ang dahilan kung bakit tila bumagsak ngayon ang pangangatawan ni Daniel Padilla at ito ay dahil sa mga pinagdadaanan ngayon ni Daniel Padilla na mga pambabatikos mula sa mga netizens at fans ni Kathryn Bernardo.


Matatandaan na magmula ng inamin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang hiwalayan, ibinunton na kay Daniel Padilla ang lahat ng sisi sa kabila ng hindi nila pagsisiwalat sa totoong dahilan nito.


Nauna namang iginiit ni Kathryn Bernardo sa kanyang pahayag na mutual decision nila ang kanilang paghihiwalay at nagtapos ito ng may respeto pa rin sila sa isa't-isa.


Subalit, hindi pa rin mapigilan ng mga netizens na isisi kay Daniel Padilla ang lahat. Naglabasan na rin ang mga isyu ng pagiging manloloko nito at maraming mga female personalities na idinawit sa isyu.


Wala namang nakapagkumpirma sa isyu dahil wala namang naglabasang ebedinsya at higit sa lahat pinabulaanan ito ng ilan sa mga nasangkot sa isyu.


Samantala, ikinalulungkot naman umano ito ni Karla Estrada dahil sa kabila ng kawalan ng ebidensya marami pa rin ang naniniwalang totoo ang isyu.


Naiintindihan naman umano niya na ganito talaga kapag buhay artista na kahit gaano karaming tama ang nagawa mo, maari pa ring masira ang iyong pangalan dahil lamang sa iisang pagkakamali.


Ang pinakanakakalungkot pa umano sa sitwasyon ngayon ng aktor ay ang panghuhusga ng mga netizens rito nang hindi na tinatanong kung ano ang side nito sa kwento.


May mga naniniwala naman kay Karla Estrada at nagsasabing tama naman ang nararamdaman ngayon ng ina ng aktor dahil kaagad na lamang na hinusgahan ito sa kabila ng kanyang pananahimik.


May mga nagsasabi naman na mas maganda pa rin na magmula kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pahayag upang maging malinaw na ang isyu ng walang showbiz career na maapektuhan ngayong pareho silang nanatili sa ilalim ng Star Magic at sa Kapamilya network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo