Actual Na Reaksyon Ni Dominic Roque Sa Hiwalayan Nila Ni Bea Alonzo, Nakakaiyak!

Huwebes, Pebrero 8, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Dominic Roque patungkol sa balitang hiwalay na sila ni Bea Alonzo at sa gitna ng mga natatanggap nilang batikos mula sa mga netizens.


Nananatili pa rin ang pagmamahal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo dahil ipinagtanggol niya ito mula sa mga pambabatikos ng mga netizens kahit na mismong siya ay nakakatanggap rin mula sa mga fans ng aktres.


Naglabas na ng pahayag si Dominic Roque patungkol sa nangyayari ngayon sa relasyon nila ni Bea Alonzo ilang araw matapos maibalita ang kanilang paghihiwalay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na parehong nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang dalawa mula sa mga netizens, mas tamang sabihin na nagbabatuhan ng mga akusasyon ang kanilang mga fans sa kung sino ang totoong may kasalanan sa nangyaring paghihiwalay ng engaged couple.


Subalit, sa halip na ipagtanggol ang kanyang sarili mas pinili ni Dominic Roque na depensahan si Bea Alonzo sa lahat ng mga bashers na nagsasabi ng masasakit na salita laban sa aktres.


Nitong February 8, nirepost ni Dominic Roque ang dating Instagram reels nila ni Bea Alonzo na kuha noong 2022. Makikita sa mga nasabing video ang mga sweet moments nila ni Bea Alonzo sa kanilang pagbabakasyon ng magkasama.


Magmula nang mapansin ng maraming mga netizens na hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang engagement ring nila ni Dominic Roque ay nakakatanggap na ang aktres ng pambabatikos mula sa mga netizens.


Marami sa mga netizens ang nagsasabi na tila si Bea Alonzo na ang may problema sa pakikipagrelasyon dahil nagiging pattern na umano ang masalimoot na hiwalayang pinagdaanan nito.


Binalikan rin ng mga netizens ang nangyaring kontrobersyal na hiwalayan noon sa pagitan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, makailang ulit na igiinitt ni Bea na ginhost siya noon ni Gerald at isa rin umano itong gas lighter.


Sa pagkakataong ito, may mga cryptic post naman ang mga taong malapit kay Bea Alonzo na patama ng mga ito kay Dominic Roque kung saan tinawag nila itong manipulative sad boi at hustler na ang ibig sabihin ay manggagantso.


Gayunpaman, ipinagtanggol siya ni Dominic Roque kung saan inilahad nito kung gaano ito kabuting tao sa panlabas at panloob. Nakiusap rin si Dominic Roque sa mga netizens na itigil na ang hate,negative things at pambabatikos kay Bea Alonzo.


Marami naman sa mga netizens ang lalong bumilib kay Dominic Roque dahil muli lamang nitong pinatunayan na isa siyang totoong gentleman sa pagtatanggol niya kay Bea Alonzo.


Pinuri rin ng ilang mga netizens ang mga magulang ni Dominic dahil napalaki umano nila ito ng maayos.


Ayon naman sa ilang mga netizens na talagang mahal na mahal umano ni Dominic Roque si Bea Alonzo kaya naman hindi umano malabo na muling magkabalikan ang dalawa.


Samantala, nilinaw na rin ng kapatid ni Dominic Roque na hindi si Bea Alonzo ang tinutukoy niya sa kanyang post patungkol sa isang tao na itinatago ang totoong kasamaan sa pagpapanggap na mabuti.


Nilinaw nito na walang kinalaman kay Bea Alonzo at mga taong nakapaligid rito ang kanyang post dahil work related ito.



@transformmediaph Dominic Roque: May pahiwatig? | Dominic Roque praises and protects Bea Alonzo from bashers. Brealers, may ibang intensyon pa ba si Dominic sa pagpost? #transformmediaph #Brealers #NewMindset #authenticity #beyourself #individuality #beaalonzo #dominicroque #bea #alonzo #dominic #roque #beadom #breakup #prenup #fiancee #engagement #proposal #wedding #marriage #celebrity #breakup #ph #hiwalayan #prenupagreement #hiwalay #hiwalayna #engagementring #prenuptial #fyp #fypシ #fypシ゚viral ♬ original sound - Transform Media PH

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo