Kathryn Bernardo HINILING Na Magkaroon ng Panibagong Leading Man, Jericho Papalitan Nga Ba Si Daniel?

Martes, Pebrero 6, 2024

/ by Lovely


 Hiniling ng certified Kapamilya na si Kathryn Bernardo sa mismong management na huwag nang itambal kay Daniel Padilla bago pumirma ng kontrata. Jericho Rosales, magiging leading man ni Kathryn Bernardo sa mga mature na palabas?


Handa na ang aktres na si Kathryn Bernardo na gumawa ng mga proyekto sa ilalim parin ng Star Magic at ABS-CBN kasama ang ibang mga leading men matapos ang muling pagpirma niya ng kontrata sa nasabing network.


Hindi pa napigilan ng aktres na maging emosyunal sa kanyang contract signing kung saan ipinahayag niyang itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang ABS-CBN. Pinasalamatan rin niya ang mga taong tumulong, nakatrabaho, mga kaibigan at mga fans na patuloy na sumuporta sa kanya matapos ang lahat ng kanyang mga napagdaanan sa loob ng 20 years niya sa showbiz industry.


Ayon pa sa naging pahayag ni Kathryn Bernardo na hindi na siyang makapaghintay ng matagal dahil ngayon pa lamang umano ay excited na siyang makasama at maka-collab sa mga proyekto ang mga kilala at batikang artista sa mundo ng showbiz.


Samantala, marami naman ang nagpaabot ng pagbati para kay Kathryn Bernardo sa pananatili nito sa Kapamilya network kabilang na rito ang aktor na si Jericho Rosales.


Ayon kay Jericho, matagal na niyang pinapanood si Kathryn Bernardo inamin rin niya na pinapangarap niyang makatrabaho ang aktres.


Matatandaan na nauna nang pinag-usapan ng mga netizens ang pagkakataon na nakitang magkasamang nagwo-work out sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na nasundan pa ng mamataan naman ang dalawa sa loob ng bar.


Kaagad pang kumalat noon ang isyu na may nilulutong project para sa dalawa o kaya naman ay nagkakamabutihan na ang mga ito na wala namang masama dahil parehong single naman ang mga ito sa ngayon.


May mga kumakalat pang balita na umano'y may isang online streaming app na dating naka-collab ng ABS-CBN ang nagnanais na kunin sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo para bumida sa isang series.


Gayunpaman nilinaw ni Kathryn Bernardo na ang dahilan ng pagsasama nilang iyon ni Jericho Rosales ay walang iba kundi ang common friend nila na si John Manalo.


Sa kabila ng malaking age gap, hindi naman maitatanggi ng ilang mga netizens na nakaramdam sila ng kilig sa dalawa. Dahil dito marami ang naghinala na baka si Jericho Rosales ang magiging kapalit ni Daniel Padilla bilang leading man ni Kathryn Bernardo.


Lalo pang lumakas ang hinala ito ng mga netizens nag magbigay ng mensahe si Jericho Rosales sa contract signing ni Kathryn Bernardo.


Samantala, marami naman ang nakapansin na walang ni isang picture ni Daniel Padilla ang naisama sa video ng pagbabalik-tanaw sa naging journey ng aktres sa Kapamilya network gayung karamihan sa mga teleserye at pelikula nito ay pinagsamahan nilang dalawa.


Pahiwatig na umano ito ng aktres na ayaw na niyang maidikit pa sa pangalan niya ang dating ka-loveteam lalo na't nagsisimula na siya ng panibagong journey sa ngayon.


Maging sa kanyang mga panayam ay hindi na rin niya binabanggit ang pangalan ng aktor na tila ba'y hindi niya ito nakasama ng matagal sa harap at likod ng kamera.


@anonglatest JERICHO ROSALES' MESSAGE TO KATHRYN BERNARDO #fyp #kathrynbernardo #foreverkapamilyakathryn #jerichorosales ♬ original sound - who's who

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo