Bagong Karakter: Kathryn Bernardo, Papasok Na Sa Fpj'S Batang Quiapo

Martes, Pebrero 6, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang papasok sa FPJ's Ang Batang Quiapo ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo matapos ang pagpirma nitong muli ng kontrata sa Star Magic at sa ABS-CBN.


Marami sa mga tagahanga ng certified Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang na-excite ng lumabas ang mga haka-haka na umano'y papasok sa Ang Batang Quiapo na pinangungunahan ng aktor-director na si Coco Martin ang aktres.


Tiyak umano na lalong mangungulilat ang mga katapat nitong programa sakaling matuloy ang pagpasok ni Asia's Superstar Kathryn Bernardo sa hit Kapamilya teleserye na Ang Batang Quiapo.


Matatandaan na noon pa man ay bukas na ang aktres na makapasok sa FPJ's Ang Batang Quiapo kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon ni Coco Martin, sa panahong iyon ay hindi pa sila naghihiwalay ni Daniel Padilla.


Ngayong naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, naniniwala ang mga netizens na tanging makakapasok sa Ang Batang Quiapo ay si Kathryn Bernardo.


Bagama't hindi pa man kinukumpirma ang balitang ito, marami na ang napapatanong kung anong karakter ang gagampanan ng aktres sa nasabing teleserye. Marami ang napapatanong kung magiging bida o di kaya naman ay magiging kalaban siya ni Tanggol, ang papel na ginampanan ni Coco Martin.


Sa naganap na contract signing ni Kathryn Bernardo noong February 2, 2024, inilahad niyang excited na siyang simulan ang panibagong journey sa ABS-CBN. Excited na rin umano siya na makagawa ng mga panibagong movies at teleserye kung saan makakasama niya ang mga taong gusto niya.


Matatandaan na magmula nang umamin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay, sunod-sunod ng ipinapakita ng aktres ang kanyang side na hindi pa nakikita noon ng publiko dahil sa pagbabawal umano ni Daniel Padilla.


Confident nang ibinabahagi  ng aktres ang kanyang bikini photos, pag-iinom kasama ang mga kaibigan. Bukod pa rito, nakakasama na rin ng aktres ang mga taong ipinagbabawal umano noon ng aktor na makasama niya.


Sa kabilang banda, tanging hiling na lamang ngayon ng ilang mga fans ng dalawa na mag-grow pa rin ang kani-kanilang mga showbiz careers kahit hindi na sila muling magkakasama pa sa mga proyekto.


May mga humihiling pa na sana ay tigilan ang pambabatikos at sisihan sa naging hiwalayan ng dalawa. Tanging magagawa na lamang umano ng mga fans ay ang suportahan ang mga ito individually.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo