Kathryn Bernardo Dinedma Ang Engagement Ni Ria Atayde at Zanjoe Marudo

Biyernes, Pebrero 23, 2024

/ by Lovely


 Marami ang nasiyahan sa pagsisiwalat nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa kanilang engagement, bumuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa mga netizens at mula sa mga  kaibigan nila sa loob at labas ng showbiz industry.


Marami sa mga nagmamahal kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ang nagbigay ng mensahe ng pagbati sa dalawa kung saan inilahad nila ang kanilang kasiyahan sa panibagong journey na sabay na tatahakin ng mga ito.


Samantala, sa gitna ng kasiyahan ng mga ito marami ang nakapansin na hindi man lamang nagbigay ng mensahe si Kathryn Bernardo para sa engagement ng dalawa. Sa isang social media post kung saan nakatag sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang tanging nagbigay lamang ng komento roon ay sina Joshua Garcia, Angelica Panganiban, Maja Salvador at ibang malalapit sa kanila.


Inaabangan naman ng mga netizens ang komento ni Kathryn Bernardo na alam naman ng lahat na malapit sa dalawa. Ilang beses na rin naman silang nagkasama sa mga pagbobonding noong hindi pa sila nagkahiwalay ni Daniel Padilla.


Isa sa mga dahilan kung bakit inaasahan ng maraming mga netizens ang pagbati ni Kathryn Bernardo sa dalawa ay dahil na rin sa mga naunang isyu na umano'y nagtapos na rin ang pagkakaibigan nina Kathryn Bernardo, Ria Atayde at Zanjoe Marupo sa pagtatapos ng relasyon nila ni Daniel Padilla.


Marami ang naghinala na hindi na umano naging maayos ang kanilang pagkakaibigan dahil sa pagkukunsinti umano nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa mga naging kalukuhan ni Daniel Padilla habang sila pa noon ni Kathryn.


Sa ngayon ay tila iba na ang circle of friends ni Kathryn Bernardo, mga taong nakakasama niya matapos ang pag-amin niya sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang naghihintay ngayon sa karagdagang detalye ng engagement nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo hinihintay ngayon ng kanilang mga tagahanga kung kailan ang kabilang kasal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo