Dasuri Choi, Itinangging Siya Ang Naging Third Party Kina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

Lunes, Pebrero 26, 2024

/ by Lovely


 South Korean dancer-TV host nagbigay na ng pahayag patungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayan ng Kapuso celebrity couple na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Sa wakas ay nilinaw na ni Dasuri Choi ang isyung siya ang naging third party at totoong dahilan kung bakit naghiwalay sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ilang buwan na ang nakakalipas.


Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Dasuri Choi sa hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara nang mismong ibahagi ni Kyline sa kanyang Instagram account ang mga video nina Dasuri at Mavy na magkasama sa iisang lugar kalakip naman nito ang cryptic caption patungkol sa betrayal.


Nag-umpisa ang mga haka-haka patungkol sa totoong relasyon nina Dasuri Choi at Mavy Legaspi ng mapansin ng mga netizens ang pagkakalapit nila sa noontime show na Eat Bulaga na nagpalit na ng titulo bilang Tahanang Pinakamasaya kung saan pareho silang host.


Nitong February 24, 2024 sa isang vlog tahasan nang nagbigay ng reaksyon si Dasuri Choi sa mga natatanggap niyang masasakit na komento mula sa mga netizens lalo na noong madawit ang kanyang pangalan sa hiwalaayn nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Habang nag-mumukbang, inamin ni Dasuri Choi na nasasaktan rin siya sa mga mensahe na natatanggap niya mula sa kanyang mga bashers na nagsasabing dapat na umuwi na lamang siya sa Korea.


Nagbigay rin ng reaksyon si Dasuri Choi sa mga tumatawag sa kanyang homewrecker, matapos paghinalaang third party sa nangyaring hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Ayon kay Dasuri Choi, kailanman ay hindi siya naging thirdparty at hinding-hindi rin umano siya magiging third party. Ipinaliwanag rin niya ang totoong nangyari sa viral photo at video nila ni Mavy Legaspi na magkasama kung saan nakasama pa niya ang kambal nitong si Cassy at Michael Pangilinan.


Pagdidiin ni Dasuri Choi, walang double date na naganap dahil naroon naman ang lahat ng mga kasamahan nila sa show dahil isa itong team dinner nahuli lamang ang iba na dumating.


Hindi rin umano niya alam na magiging big deal na pala para sa mga netizens ang pagkakataong iyon dahil wala naman umano silang relasyon ni Mavy Legaspi.


Bagama't dinidedma ni Dasuri ang bashing at alam naman umano niya una palang na makakatanggap talaga ng pambabatikos sa pagpasok sa mundo ng showbiz, nais lamang niyang ipaalam sa lahat na nasasaktan rin siya kapag sobra na ang kanyang natanggap.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo