Kumpirmado Dominic Roque at Bea Alonzo Nagkabalikan Na

Lunes, Pebrero 26, 2024

/ by Lovely


 Matapos ang ilang linggo nang mapabalitang naghiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, at ang pagkakasangkot ng ilang mga personalidad sa kanilang hiwalayan, may mga naglabasang tsika na umano'y nagkabalikan na ang dalawa.


Isiniwalat ni Jobert Sucaldito ang balitang pagbabalikan ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Isang malaking pasabog ang isiniwalat ng showbiz insider na si Jobert Socaldito patungkol sa diumano'y pagbabalikan nina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos ang ilang linggo pagiging laman ng mga usap-usapan sa social media ang paghihiwalay nilang dalawa.


Sa kamakailang episode ng Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon naibahagi ni Jobert ang isang Zoom meeting na dinaluhan ni Dominic Roque.


Ayon kay Jobert, may dinaluhang Zoom meeting kamakailan ang aktor-model na si Dominic Roque at habang nasa Zoom meeting ito at naka-on ang kanyang mic ay may nagsalita sa background na talagang ka-boses ni Bea Alonzo.


Hindi umano niya ito kumpirmado pero hindi rin umano siya maaring magkakamali na talagang narinig niya ang boses ng aktres. Kaagad naman siyang tinanong ng kanyang co-host kung ano ang sinabi ng babae sa background ni Dominic Roque na kaboses ni Bea Alonzo.


Kaagad naman itong sinagot ni Jobert na tinatawag umano nito si Dominic Roque na 'hon' at inalok ito kung gusto ba nito ng takos. Medyo nataranta pa umano si Dominic Roque dahil nasa kalagitnaan ito ng isang Zoom meeting.


Kaagad ding umanong nag-mute si Dominic Roque ng phone, kaya naman naging palaisipan para sa mga host kung sinoa ng tumatawag ng hon kay Dominic Roque habang nasa Zoom meeting ito.


Napatanong naman ang co-host ni Jobrt kung kaagad na nagkaroon ng panibagong nobya si Dominic Roque na talagang ka-boses pa ni Bea Alonzo. Ang dali rin naman umanong nakapag-move on nito.


Ayon naman sa sagot ni Jobert, na hindi rin niya masasabi dahil sa pagkakaalam ay nasa Japan si Bea Alonzo subalit maari rin naman umanong nakauwi na ito.


Sa ngayon ay ito lamang ang kanyang masasabi patungkol sa estado nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa ngayon kung saan may posibilidad na nagkabalikan na ang mga ito. 


Subalit, hanggang hindi pa umano naglalabas ng pahayag ang dalawa ay hindi pa rin malinaw ang lahat, wala rin namang ibang magagawa ang lahat kundi maghintay na lamang sa pahayag ng dalawa.


@ootdjobertandchaps DOMBEA UPDATE! MAY POLITIKO NA INVOLVED?! #ootdians #ootdjobertchaps #ootd #ootdjc #jobertandchapschannel #direkchapsmanansala #jobertsucaldito #beadom ♬ original sound - OOTD Jobert and Chaps

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo