Angelu De Leon, May Parinig Kay Claudine Barretto

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga ibinahaging cryptic post ng batikang aktres na si Angelu De Leon.


Sa Instagram stories ng aktres, ibinahagi niya ang ilang mga quotes na hinala ng marami ito na ang sagot niya sa prangkang banat sa kanya ni Claudine Barretto sa kamakailang anniversary party ni Gladys Reyes.


Matatandaan na sa gitna ng kasiyahan at sa harap ng napakaraming bisita sa 20th wedding anniversary ni Gladys Reyes at 18th birthday party ng anak nito, tahasang sinabi ni Claudine Barretto na ayaw niyang makasama sa iisang proyekto.


Ito'y matapos maitanong sa kanya ni Gladys Reyes kung game ba siyang gumawa ng reunion project kasama siya at sina Juday at Angelu De Leon. Subalit, kaagad na tumanggi si Claudine at iginiit na walang Angelu sa kanilang proyekto dahil ang gusto lamang niya ay sina Juday at Gladys.


Iginiit pa ni Claudine na hindi umano niya alam kung saan nanggaling na mayroong Angelu sa kanilang reunion project.


Kaagad namang nilayo ni Gladys ang kanilang usapan at nagbiro na lamang na muli na namang nagsusuplada si Claudine Barretto dahil sa muling pagpayat nito.


Subalit, kaagad itong tinama ni Claudine kung saan inilahad niyang hindi siya suplada kundi isa siyang maldita at nagsasabi lamang umano siya ng totoo.


Ikinagulat naman ito ng maraming mga netizens at maging ng iba pang mga bisita dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila na kabilang sa mga pumunta sa party ni Gladys si Angelu De Leon.


Ayon pa sa ilang mga netizens na hindi man lamang umano ginalang ni Claudine Barretto ang party ni Gladys Reyes dahil sa tila pambabastos nito sa isa pang kaibigan ni Gladys Reyes na imbitado rin sa nasabing pagdiriwang.


Samantala sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute, inilahad ni Cristy Fermin na matagal nang naiimbyerna si Claudine Barretto kay Angelu De Leon dahil dalawang beses na umanong naunang nambanat si Angelu kay Claudine.


Ang una umano rito ay patungkol sa away ng mga Barretto sisters, hindi umano malaman ni Claudine kung bakit nangingialam sa isyu nilang magkakapatid si Angelu De Leon.


Bukod pa rito, nangialam din umano noon si Angelu De Leon noong magkaroon ng isyu sina Claudine Barretto at Jolina Magdangal, na hindi umano nagustuhan ni Claudine Barretto dahil hindi naman ito kasali sa kanilang isyu subalit patuloy itong nangingialam sa kanilang buhay.


Sa kabilang banda, tila nagbigay naman ng pahayag si Angelu De Leon na pinaghihinalaan ng mga netizens na sagot niya sa naging banat ni Claudine sa kanya.


Ibinahagi ni Angelu De Leon sa kanyang Instagram stories ang isang art card kung saan nakalagay ang isang qoute patungkol sa forgiveness.


@amazingjhay

Hindi ko alam na may issue pala si claudine and angelu before.

♬ original sound - Amazingjhay

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo