Kim Chiu Nagreact Sa Balitang Bakla Si Xian Lim

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 Marami ngayon ang bumabatikos sa Kapuso actor na si Xian Lim matapos mapansin ng maraming mga netizens na tila pambabae umano ang style nito sa paghahandle ng mga nagdaang isyu.


Hindi umano ito katulad sa ibang mga aktor na diretsahang sinasagot ang mga isyu na naitatanong sa mga presscon. Ang ibang mga male personalities umano ay diretsahang sinasagot ang katanungan habang ang iba naman ay nagkikibit balikat na lamang.


Ibang-iba umano ito sa ginagawa ni Xian Lim, na marami pang mga pasikot-sikot ang kanyang sagot, na tila ba iniisip umano nitong nakatutok sa kanya ang lahat ng mga mata ng netizens.


Binalikan pa ng ilang mga netizens ang isinagot ng aktor noong press conference ng pelikula nila ni Jennylyn Mercado na Love, Die, Repeat nang matanong ito patungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Kim Chiu.


Hindi ito diretsahan sinagot ng aktor at ipinahayag na lamang na lahat ng bagay ay nangyayari for a reason. Naniniwala umano ang aktor na may dahilan ang Dios sa nangyaring hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Halata ring iniiwasan ni Xian Lim na mapunta sa hiwalayan nila ni Kim Chiu ang usapan sa presscon bilang pagrespeto na rin umano kay Jennylyn Mercado dahil tila natatabunan na ng kanyang isyu ang kanilang teleserye.


Samantala kamakailan lamang ay may mga naglabasan pang tsika na baka kaya ito hiniwalayan ni Kim Chiu dahil sa pagiging gay nito. Bukod pa rito, marami na rin umano ang nakakapansin na may kasa-kasamang lalaki ang aktor na inakala ng mga netizens na kaibigan lamang nito dahil hindi naman sila sweet at may nobya naman ang aktor.


Sa kabilang banda, naitanong  naman mismo kay Kim Chiu ng isyung may kabaklaan si Xian Lim. Natatawa namang sinagot ito ni Kim Chiu sa pamamagitan ng biro kung saan inilahad niyang sadyang may ganoong uri ng lalaki.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo